Tuesday, May 08, 2007

MOVED here.

pls.update your links -- http://tsitsillives.motime.com
thanks. =)

"At the end of the day, when it comes down to it, all we really want is to be close to somebody. So this thing where we all keep our distance and pretend not to care about each other, it's usually a load of bull. So we pick and choose who we want to remain close to, and once we've chosen those people, we tend to stick close by. No matter how much we hurt them. The people that are still with you at the end of the day, those are the ones worth keeping. And sure, sometimes close can be too close. But sometimes, that invasion of personal space, it can be exactly what you need."

-Grey's anatomy season 3 ep10
(Don't stand so close to me)
Nyahaha. Mas masayang maging HAPPY! =P
Happy happy happy.

Ui, may 8 ngayon!

Maligayang ikalawang kaarawan, blog.

Monday, May 07, 2007

Of Wands and Java


Napangiti ako ng article na ito. ♥ Read the artice!

There is also the possibility of an unvoiced object that is derived by pointing the wand at something physically. In The Goblet of Fire, Hermione simply points her wand at a broken window and says "reparo". Internally, the wand is sending the reparo() message to the derived target of the wand pointer:

Pointer.getTarget().reparo();

Also in The Sorcerer's Stone, in Professor Flitwick's Charms class, Hermione demonstrates the proper way to do the levitation charm, "wingardium leviosa":

wingardium.leviosa();

"Wingardium" is the feather object, and sending the leviosa() message to it causes the object to be levitated.

Ay. Hindi pa pala ayos. =\

Ang sad sad sad sad sad na talaga nito. =( =( =( =( =( =( =( =( =( Akala ko OK na. Pero apparently hindi pa pala. *Sigh*


Never kong malilimutan lahat ng mga sinabi niya that night. NEVER.

***

She is clothed with strength and dignity;
she can laugh at the days to come.

She speaks with wisdom,
and faithful instruction is on her tongue.

She watches over the affairs of her household
and does not eat the bread of idleness.

Her children arise and call her blessed;
her husband also, and he praises her:

"Many women do noble things,
but you surpass them all."



[Proverbs 31:25-29]

Saturday, May 05, 2007

Nya. Sana mag-resume na ang Pisay movie shooting. =\

Friday, May 04, 2007

Tsitsil is bored =\


Batung-bato na ako dito sa bahay. Loner-loneran ako dito eh. Sana pala talaga nagplead na lang ako na maiwan sa CDO. Hmffffff. Super bestfriends ko na tuloy ang aking kama pati si pillow, comforter, remote control, mighty laptop, at ang ever cooperative broadband. Forever lang akong andito sa kwarto, lumalabas lang ako pag maliligo, kakain, at pag pupunta sa CR. =\ Ay, pati pag maingay si Angel (baby sis kong ibon Ü), lalabas din ako ng bahay para pagalitan siya.

Grabe..

-- Naubos ko na lahat ng DVDs dito sa bahay. (Yes, naman) Tapos ko na ang Princess Hours, House (seasons1-3 -- 6 lang ep sa season 3 namin, huwaaaay? *pout* ), Grey's Anatomy, Scrubs(seasons 1-5), Heroes..

--Tapos, natapos ko na yung bloons at morebloons sa addictinggames.com. Pati rin pala ang thebouncyball. Pst, Nico. Salamat sobra sa pagrefer sakin ng mga games na ito. Nyahaha. =P

--Tapos ko na ayusin yung multiply ni Krisha. Ü Visit! Visit! Click here!Ehehe. Ang cute.=P Hehe. Yabang. Di naman ako yung gumawa nung layout. Dinekwats ko lang yung code sa customizedthemes.multiply.com. Pero SUPER inedit ko siya. Nilagyan ko ng border pati nilkihan ko pa ng onti yung font size. Tas inedit ko yung footer.Ang sabi lang naman nung author bawal i-edit yung both header at footer eh. Either yung header or yung footer lang daw ang pedeng i-eedit. So go go go naman ako sa pag-edit ng footer. Ginamit ko yung brushes na gawa ni Ate Mary. Tas inedit ko rin yung sa sidebars. Originally yellowish siya na may pink. Pero ayaw ko nun. Basta, tingnan niyo na nga lang yung difference >> Tatty Teddy Layout. Cute yung header tsaka bgound, kaya pinili ko siya. Tsaka pink siya ~ eh ang intstuctions ni Krisha ay dapat pink na malandi. So yun na yung kinuha ko. =P Cinredit ko naman siya eh. Thanks, Tanya. =) [/edit] Uh, kung nagtataka kayo kung ano yung connection ng butterfly sa Teddy bears, err.. andun sila kasi may flower na hawak yung isang bear.. Nyahaha. =P Lusot! Ü

--Napakinggan ko na lahat ng kanta ni Blake sa multiply ni Nico *sa utos niya*. At na-download ko na sila lahat. Maganda yung "Somwhere only we know". Well, ang gusto ko talga e yung melody nung kanta, ay pati yung lyrisc. ÜÜÜ Narinig ko na yun dati sa Grey's Anatomy eh. Pero matino rin naman yung pagkakanta ni Blake.

--Masaya pala mangsuyod ng archives ng sariling blog/multiply!Ü Pramis. Try niyo rin. Nagdiscover ko na nagchange ako little by little. Hindi lang dun sa way ng pagbablog ha. Pati na rin yung contents at yung paraan kung pano ko inaanalyze ang mga nangyayari sa ating buhay. Ang weird basahin ng mga entries ko na punong-puno ng drama. Ang saya tawanan. Sigh. Tas nalungkot ako sa pagbasa ng mga entries ko na about sa mga weeks ko sa Pisay. Grabe. Nagsisink-in na! OMG. As in. Nakakalungkot. =( Hindi na babalik yung mga times na yun. (I'll stop here na, or else, magdadrama na ako ng super mahabang-mahaba. Maiirita lang kayo..)

--Masaya rin manghalungkat ng archives ng blog/multiply ng ibang tao! Ü Pisay blogs/multiply lang ang hinalungkat ko malamang, dahil nga nagdadrama ako at nagpapakasenti na nagereminisce ng mga bagay-bagay. Ahihi. Walalang. Ü Masaya lang din makita kung pano nag-transform ang mga tao ng paunti-unti. Makikita mo talaga kung pano na-carve ng Pisay ang mga tao into stronger persons.

--Natapos ko na yung National Geographic Fight Science episode sa YouTube! Nakuha ko yung link from Sir Martin's blog. Well, aliw siya. Pang-nerdo. Nyahaha. Juk! Panoorin niyo na lang! Eto yung link sa first part. Bale, 10 parts lahat-lahat yan ha. Enjoy!Ü

--Ok na college stuff ko. Ayos na lahat ng kailangan gawin for DOST and UP. Hinihintay ko na lang na mag-May 11 ~para magpaadvance reg sa UPD at magpaorient at mag-May 24~ para asikasuhin ang ATM card ko for DOST. Ay. Joke lang. Kelangan ko pa palang mataimtim na manalangin na matanggap ako sa Kalayaan Hall or else sa MyPlace samay Katips ako titira. -__- Nagpareserve na kasi ako dun eh. Sayang kasi yung bakanteng slot, eh maganda pa naman yung place. Ayoko lang magsisi. Pero anyhoo, ayoko maging financial burden sa aking pamilya, kaya sana sa Kalai na lang ako. Mas practical. *Sigh*


...Alam ko na! =P Meron akong nag-iisang folder dito sa laptop tas dun ko tinatambak lahat ng files ko. Tas yung laman niya, files ko from 1st yr to 4th year. Tas 1.81 GB na yung size niya. Ayusin ko kaya? =P Super kalat na niya eh. Dati organized pa yun. Hay. Nagkandalokaloka kasi ako since nawala ang aking flash drive eh. Tas di ko na alam kung pano i-sort ang mga files- yung may sense at yung wala. Ewan ko kung ano connection nun. Anyways, ang nangyari. Yung ibang pictures at music files, nabaon na sa mga folder within a folder within a folder within a folder within a folder.. -____- Wee. Ayan. May gagawin nako bukas! =P

Ay. At speaking of flash drive. Kelangan kong bilhan ang sarili ko ng flashh drive. Di pa alam ng mga tao dito sa bahay na wala nakong flash drive eh. Oh nose, ang lapit na ng pasukan, so kelangan ko na talga ng flash drive. Gah. Kelan kaya ako makakaluwas uli? =\

***

Nanood ako Spidey 3 kahapon with Papa & Atty. Imbang. Ang drama niya, OVER. Tas nakakaiyak yung dulo. Hehe. Tas ang Übercute ng smile ni Harry. Pramiiiis. Tas,Astig ang effects. Idol. Pero natatawa ako pag nag-iiba ng hair style si Peter Parker pag nagdadrama siya. Gayahin ko kaya? Mag-iiba rin ako ng hair-stlye pag magpapaka-emo ako =)) How fuun. ÜÜÜ




April 24-27 Vacation Ü Part II

Okei. Tinatamad na ako magdetail ng kwento. Ayay. Pero tatry ko na parin. =P

*April 27*

Madaling araw palang, umalis na kami nina Mama and Antie Lit sa Tagdo. Pagkatapos namin magbless kay lola, lumarga na kami to Paras, then to Benoni. Hinahabol kasi namin ang first trip ng Super Shuttle Ferry eh. Round trip na kasi yung binli naming ticket para sa lantsa nung pumunta na kami dun sa Camiguin, so dapat sa Shuttle uli kami magride. Kaso dumating kami sa Benoni ng 5am, tas 4:30am yung shuttle. -__- So sa MV Kalinaw na lang kami sumakay. Tas yung tickets, si Uncle Boy na lang ang gagamit nun pag pumunta uli siya ng Camiguin. Anyhoo, sa lantsa, nagsikainan kami ng suman pati nilagang itlog. Tas picture galore nung sunrise =) Ang ganda-ganda..


*Sayang, di ako masyadong marunong magpicturepicture ng matino *

Pero anyhoo, pagdating sa Mis.Or, diretso kami ng Bukdinon. Mineet kami ni Uncle Orly sa may Puerto (intersection nung natl highway tas yung daan papuntang Bukidnon) kasi siya yung maglelead samin dun. Tas ang dala niyang kotse ay ang kanyang patrol car (kasi nasa talyer yung car niya). Haha. Nice.=P Tas dahil may iba pang kasamahan sina mama na mineet din namin dun tas super jampacked na nung mga vans tsaka nung kotse na dala namin, dun na lang kami sumakay ni Antie Lit sa patrol car =)) Ayun, naglibut-libot sa Del Monte Plantation (ang putik!) tas lunch sa Del Monte Golf Club. Ang tsaaaaaalap ng Roast Pork. =) Tapos, tumawag si Uncle Orly kay someone na maghanda ng pinya tas dinaanan namin. Wee! 2 crates ng pinya! =)) Dami-daming pinya!!!



*Sa patrol car Ü*

Tas pagtapos ng lunch, yung iba naming kasama, pumunta na sa Deluxe Hotel. Tas kami, pumunta na kami ng XE. Tas nang mga 3:30pm, bumaba na uli kami sa city~ sa LimKetKai Mall =D Ayun, BCBP assembly/worship.. lalala, umalis kami ni Yayam nung Healing part. Tas sinundo kami Uncle Hil tas pumunta sa bahay nila. Nanood kami ng Bruce Almighty tas umuwi na. Ü

*April 28*

BCBP Breakfast. Tas pumunta kami sa sementeryo nina Mama, Antie Lit, Uncle Boy & family, tas Camella kids para bisitahin sina lolo, greatgrandlolo, greatgrandlola, at mga tiyas nina Mama. Tas pagtapos nun, diretso kaming Panagatan sa Opol! Ü Andun na rin yung mga kasamahan nina mama & papa sa BCBP. Haaaay. Ang sarap sarap ng food. Tsaka ang fun kasi isang table kaming magpipinsan. Tas nasa kabilang table yung mga adults.. Pagtapos nun, pumunta kami sa VJANDEP para bumili ng pastel, etc. Tas pagtapos nun, bumalik na kami ng XE tas yung iba sa Deluxe Hotel.

Tas bumalik na uli kami ng LimKetKai for the mass. Tas pagtapos nun, dinner. Dun sina mama & papa sa assigned place nila tas kami ni yayam, sa greenwich kumain. Dumating na rin dun sina Antie Lit, Uncle Orly, Antie Gingging, tas Uncle Boy & Family. Tas habang kumakain kami dun, may dumaan na mascot. Mascot ni Pichay. =))

*Itanim sa senado! =)) *

Anyhoo. Nung pumasok na kami sa Atrium, grabeeeeeh, ang ingay. Ang lakas lakas nung music. Tas nagsasayawan yung mga tao. Retro kasi yung theme eh. =\ Hay. Yan tuloy, pati yung mga presentations, retro rin. Hindi fun. =( Di gaya nung ibang fellowship nights nung dating mga anniv. =( Hmf. Hmf. Hmf. Pero anyhoo, tinapos pa rin namin. =\ Si Papa naman, sinundo na nung kasama niya sa office, punta sila Gingoog for work.


*Apirl 29*

3:30 am ng madaling araw, larga na kami to Bukidnon. Pumunta kami sa Transfiguration Shrine. Super liblib! Nasa monastery kasi siya. Hinahabol sana namin ang 5:30am mass, pero pagdating namin dun, 8am pa pala ang mass!! -__- Hindi na namin yun mahihintay, kasi yung iba naming kasama, may flight ng alas-dos. Eh 2 hours ang layo nung shrine na yun sa CDO. =\ So nagpicturepicture na lang kami dun and nag-pray. Ü Tas pagtapos nun, travel uli kami ng 2 hours to Musuan Bukidnon, para wala lang, makarating lang dun. =)) Joke, Pumunta kami sa Philippine Carabao Center. Pero hindi naman talga kami nagtour sa loob. Namili lang sila dun ng mga chocolate carabao's milk, (slers) chicharon--- CHARAP CHARAP!, at banana chips. Tas pagtapos nun, 4 hour-trip back to CDO.. for them (yung mga kasamahan nina mama sa BCBP). Kasi kami, nagstop pa kami sa isang farm na maraming-maraming sheep pati mga cow. Tas naglunch kami sa may Cawayanon. Pagtapos nun, back to XE na kami tas nag-rest. Mga 3:00, chineck-in na nina Uncle Orly yung mga bagahe namin sa airport, habang kami, pumunta sa Camella. lalala... tas nung mga 4:30 na (5:30 ang flight namin), pumunta na kaming airport.

Sa airport, nagkita kami ni Kuya Ed. Kwento kwento about Pisay movie. Tas tinry namin tawagan si Andy ng MILLION times, pero hindi niya naman sinasagot nun. Hmf. Tas tinawagan namin si Nico na nasa Camiguin nung time na yun. Tas inannouce na delayed ang aming flight! So.. lalalala.. chismis chismis.. more kwentos.. and then sumakay na kami sa plane. Babay Kuya ed. =) tas fly fly fly. Hello Manila! Tas home na! =) Yehey..

Wednesday, May 02, 2007

April 24-27 Vacation Ü Part I

*April 24*

Nung April 23, may shooting ng Pisay the movie! Tas 10:30 pm na ako nakaalis sa Pisay (kasi nun lang natapos yung chem lab scene). Dapat nga meron pang ibang scenes na ishushoot eh, pero kumaripas na kami ni Nico at Honey Jane. So yun, hinatid ko si Honey Jane sa sakayan sa tapat ng SM North tas si Nico sa bahay niya tas diretso nakong Makati. Akala ko naman uwi na kami kagad! Naguiguilty pa nga ako nun kina mama at papa kasi ang late ko ng bumalik ng Makati. Pero apparently, wala pang balak umuwi si Mama. Bale dumating ako sa Makati ng mga 11pm tas pagtawag ko kay mama, sabi niya, mga 1 hour pa raw. Ayun. Past 12am na kami nakaalis ng Makati tas mga 1am na kami nakarating sa bahay.

Eh whatda? First flight kami to CDO! So 2:30am dapat umalis na kami. -____- So naligo na ako kagad tas mga after 10 mins, off to the airport na kami nina Antie Lit, Yayam, and Papa. Si Papa, PAL tas kaming tatlo, Cebu Pacific. May miles kasi si papa eh so dun na siya para libre. Pagkahatid namin kay papa sa mas bagong airport hinatid na kami dun sa luma.

Ang weird. May dala kaming tatlong walang laman na styrofoam box (yun ba tawag dun?). Kay Antie Ging-ging yun eh, yun yung nilalagyan niya nung mga isda tsaka shells na pinapasalubong niya lagi samin pag pumupunta siya sa Manila. Anyhoo, ang bangag bangag talga namin. Tas gutom pa kami. Kata attack kami kagad dun sa bilihan ng food sa loob. Hahaha.

Sinundo kami ni Uncle Hil sa CDO airport. Tas hinintay pa namin na dumating si Papa, bago kami pumunta sa XE. Sinalubong kami ni Antie Bong tas ni KC! Nanonood pa nga si KC ng Finding Nemo nun eh. Hehe. Aliw. Tas pag-akyat namin sa taas, andun si Gerard! Hinug niya ko.=) Tas pagkatapos ng konting chickahan, pumunta na kami sa city kasi magpapamedical ako (c/o Philamcare) tas si Papa may aasikasuhin sa Register of Deeds. Hanggang lunch time kami dun sa city. Super antok talaga ako nun. Text nga ako ng text kay Krisha na gusto ko na matulog eh. Suri naman Krisha kung binulabog kita nun ha. =)Salamat sa mga info. Anyhoo Anyhoo. Bumalik kami sa XE para maglunch tas nakatulog ako sa sofa sa sala tas paggising ko andyan na yung iba ko pang mga pinsan(tina, beth, tonax, jeff!). Tas pagkatapos nun balik uli kami sa city para kunin yung results. -___- Tas pagtapos nun, dinaanan namin sina Antie Lea, AL, at Rom2 sa Terry Hills tas bumalik na kami sa XE. Pagdating sa XE, nakipaglaro muna ako sa mga pinsan ko tas natulog ako sa sofa sa sala. Tas lalala, dinner, laru-laro, tas nakatulog na naman ako sa sofa. Paggising ko, pinalipat na ako ni Antie Lit sa kwarto sa taas, tas tinuloy ko na yung tulog ko. =) Yehey.

*April 25*

Mga 6:00am, ginising na kami ni Yayam ni Antie Lit. So naligo na kami and nagbihis. Tas mga 7am, dumating na sina Mama plus yung mga kachapter niya sa BCBP. Tas after ng isang speed breakfast, sakay na kami sa mga kotse tas pumunta na kami ng Balingoan. (Naiwan si Yayam sa CDO kasi magpapaopera siya that day ng in-grown niya eh) Bale mga one and a half hours na land trip din yun. Tas ginamit namin (Antie lit, mama, papa, ako) yung sasakyan ni Uncle Boy tas si Mama yung nagdrive habang yung mga kasama niya sa BCBP, nasa 2 seperate vans + isang Strada.Hanggang 60kph lang talaga yung speed na inabot namin. -__- As in, hindi talaga lumampas sa 60kph. Huli tuloy kami dumating dun sa port. Pero anyhoo, dahil kotse nga ni Uncle Boy a.k.a Dr. Chan ang aming gamit at may kakilala naman kami dun sa port, mabilis naman naprocess yung mga papers tas sinakay na sa lantsa yung apat na kotse tas umakyat na rin kami dun sa lantsa.

During the whole trip, nakatayo lang kami dun sa may side ng lantsa nina Papa plus ilan niyang kasamahang mga lalaki, habang karamihan ay nagsitulog sa loob ng lantsa. Ang sarap sarap ng hangin tas ka-text ko lang si Krisha forever. Tas nung nasa kalagitnaan na ng trip, sabi ni Tita Vi, "Dolphins ba yun?" Tas pagtingin namin sa malayo, may dolphins nga! Super dami! Hindi masyadong pansin nung una kasi aakalain mo na mga alon lang yun pero hindi, dolphins sila.. Nagjumpjump pa nga sila eh. Pero medyo malayo sila kaya hindi sila makunan ng camera namin. Pero ang damiramirami nila! =) Ang FUN! Pero mas fun nung punta ko ng Camiguin last year. As in, ang lapit-lapit nila. Meron pa ngang isa na lumusot sa ilalim nung lantsa eh. =)

Pagdating namin sa Benoni (Port sa Camiguin), edi sakay uli kami dun sa mga kotse, tas punta kaming Katibawasan Falls. Nagloner swimming ako dun. Ayaw nila magsipagswimming eh. Tas dun na kami nag lunch tas after nun diretso na kami sa Paras Beach Resort. *Ay ay ay. Nalimutan ko sabihin na sabit lang ako sa Camiguin trip na yun. Ang purpose lang naman talga ng Camiguin trip na iyon ay ma-tour ni Mama yung mga kachapter niya sa BCBP sa Camiguin eh. So wala lang, sumama lang talaga ako dun. *Pagdating sa resort, inayos na ni mama yung booking ng mga kasama namin. Tambay lang kami sandali ni Antie Lit dun sa Paras tas nung naayos na ni mama yung mga room room, umalis na kami at pumunta na sa bahay ni Lola Goga sa Tagdo. Natulog ako saglit sa sala tas pagkasing ko, minamadali nako ni Mama. Punta na raw kami ng Ardent. -.- Ligo ligo. Kain sa bahay ni lola. Tas tulog sa bahay ni lola nung umalis na silang lahat to Paras! Oye!

*April 25*

Nagising ako dahil nagffreakout na si mama tas sinasabi niya," Gising na, gising na, 7am na!" (Eh, 7am yung usapan na alis sa Paras Beach Resort to White Island =\) Pagtingin ko sa bintana, wah, ang liwanag na. So nagdali-dali naman akong naghanda.. Tas pagbaba, tinignan ko yung phone ko tas 5:30 am palang. Ngi.

Nung ready na kami, punta na kami nina Antie Lit at Mama (Si Papa, sa Paras natulog) sa Paras tas ready na rin yung iba. Tas sumakay na kami ng pump boat to White Island. Mas maganda dati yung White Island nung ala pang mga structure structure na mga tent, pero ok pa rin siya. =) Weeee. Ang fun fun awayin nung waves. Hahaha =)) Ayun. Hanggang 11:30am kami dun. Dahil dun, nogienog na ako. Oo alam ko dati pakog maitim. Pero mas maitim na ako ngayon. -___- Fun.

Pagtapos ng White Island, punta (uli sila -- nagpunta na yung iba nung 24) kami sa old volcano, sunken cemetery, and church ruins para makapunta yung mga bagong dating. Tas pagtapos nun, lunch kina Ninang Au. Tas pagtapos nun, sinundo namin si Tita Grace & Tita Joji sa Benoni tas nagpunta kami ng lagoon. Tas didiretso na sana kaming Sto. Niño cold spring kaso ayaw na nila. Pagod na raw sila eh. Hmf =\ Anyways, bumalik na kami sa resort tas lalala nagpakabulok sa resort. =|

Mga 7pm, pumuta kami sa place uli ni Ninang Au sa Tupsan tas nagdinner doon. Sayang, kung may kasama lang ako, nagswim din ako sa pool nila na ang tubig ay direct from Macau Cold Spring -___- Wah. Eh ayoko namang magpakaloner dun, kaya wag na lang. Anyhoo. Pagtapos ng dinner- aliw yung plates namin, gawa sa trunk ng banana tree-, umuwi na kami sa bahay ni Lola tas yung iba sa Paras.

(Next three days sa next post!)



See pictures: Day 1, Day 2, Day 3

Tuesday, May 01, 2007

Home!

Ang late ko magpost. Sori na. May nangyari kasi between pagdating namin dito sa Manila at ng araw na ito eh. =\ Anyhoo. Nung isang gabi pa ako nakabalik from CDO. =) Bale 6 days ako dun (Well, 3 days pala akong nasa Camiguin-- so subtracting that, 3 days lang pala ako sa CDO) Kwento post next time! Siguro bukas. Tas I'll upload the pictures (ang dami!) na rin sa aking orange-y multiply! =D

Yehey

Krisha, Henson, Rob.. Ok na kami! =)

Monday, April 30, 2007

=(

I am nothing pala. Sabi mo eh.

Sunday, April 22, 2007

I heart thee



HIRO NAKAMURA
Ang cute niya forever!


Official Heroes addict na rin ako -__________- Kaya sana, hindi malimutan ni Nico sa Monday ang DVD niya ng Episode 15-18 para tuloy-tuloy panonood ko! =)Weeee... =)

Saturday, April 21, 2007

Enchanted Kingdom with Anne & Cheska! \:D/

//Hindi na masyado detailed yung kwento =( Sorry..


Malaking himala na pinayagan ako mag-EK!

Himala rin na pinayagan ako magpaovernight!

\:D/\:D/\:D/

April 17, 2007 -Tuesday

Nung Moday ng gabi, nagconfe kami nina Anne, Ches, and Lablay. Nagkakaproblema na si Lablay sa bahay nila nun kaya medyo malabo na yung pagsama niya. Pero nanalig pa rin kaming makakasama siya. Nag-usap kami kung pano kami magkikita, etc. Napag-usapan namin na sa Festival Mall kami magkikita ng 10am tas lunch dun tapos diretso nang EK.

Excited nako sobra nung paggising ko ng Tuesday ng umaga. Pero tinamad ako bumangon. 9am na nung bumangon ako. Hahaha. Tapos, 10am na ako umalis ng bahay. Pero pagdating ko ng Festival Mall, nasa Pasay pa sina Anne & Ches! Buti na lang masaya sa National Bookstore! Nagbasa lang ako ng Nancy Drew. Mga after 1 hour, dumating na sina Anne at Ches, kasama yung parents ni Anne. (Tas nagtext na rin si Labli na hindi siya makakapunta. =| Sad.) Kumain kami sa Tokyo Tokyo. Walang hiyang Chicken Katsu yun, pinahirapan niya ko maghimay =\

Umalis na kami kagad pagtapos kumain. Tambay sa bahay. Tapos punta na ng EK! =) SUPER INIT kaya diretso kaming 4D theater.. tas RIALTO.. pagtapos ng RIALTO, hindi na mainit! Yehey. Naaliw ako sa Giant swans kaya nag-aya ako na dun muna sumakay. Eh dalawahan lang pala yun.. pero ayaw naman pala ni Anne magpaddleboat so ok lang pala. So nung turn na namin ni Ches, ehdi padyak naman kami. Tas bangga kami nang bangga. Haha. Ang stressed namin tingnan habang yung iba, relax na relax sa pagsakay sa swan. Nyahahah. Ang weird na nastress kami, pero enjoy parin.=)


Dahil na-stress nga si Ches sa Swan Lake, nag-aya siya mag Log Jump. Ang saaayaaaaaa. Pero hindi namin kinuha yung picture. Tas pagtapos nun, Bump Car! \:D/ Tas pagtapos nun, Roller Skater! Tas bumili kami ng inumin, tas nag-RIO GRANDE! Weeee. Mukha kaming nagswimming. Tamang choice na nag-EK kami imbis na Splash Island, kasi mababasa lang din naman kami! Hahahaha. Tas pagtapos ng RIO GRANDE, nag Flying Fiesta kami sa theory na matutuyo kami, pero hindi. Hindi kami natuyo. =\ Tas nun, naglakadlakad uli kami. Tas nag-Anchors Away. Ang saya-saya mag-Anchors Away. Favorite ride ko siya. Tas nag-Wheel of Fate. Ang saaaayaaaa. Tas Log Jump uli - kinuha na namin yung pic! Nakasmile si Anne. Hehe. Tas, Anchors Away!

Wah. Nalimutan ko na next. Basta, umulit kami ng Roller Skater, Anchors Away, Rio Grande, RIALTO (Oo, umulit kami kahit parehas lang naman ang palabas. Hehe. Trips) tas sumakay kami dun sa Train na pambata. Nyahaha. Tas bumili ng snack. Tas nagpahenna si Cheska! Si Einstein na may hawak na test tube! NERD talaga! =) Pero sumaya talga siya! Tas nagshopping din kami ng pasalubong! Ang ssaaaaaaaaaaaya talaga! Basta ang hini lang namin nasakyan ay yung Space Shuttle (Sorry, Anne) . Takot kami ni Ches eh, ayaw naman ni Anne na siya lang ang magride.. =( Ayun. Tas bago kami umuwi nagbump car muna kami. Yay. Nakakapagod pero super saya. Sana nag-enjoy din sina Anne & Cheska kahit pang-ilang balik na nila dun. =)

Pagdating sa bahay, kumain kami. Tas nanood ng
Two Weeks Notice. Yun yung una kong nabunot na CD eh. Ewan ko kung naaliw sila, super antok na kami nun eh. Anyhoo, 1:30 am na natapos yun movie.

Kinbukasan, mga 5am kami nagising. Ligo. Breakfast. Alis. =D Sinama ko sina Ches at Anne sa Pisay tas ayun, naghiwahiwalay na kami. =)

THANK YOU, ANNE AT CHESKA!!!! *mwah*

More pix here: Enchanted Kingdom with Anne & Cheska! \:D/

Saturday, April 14, 2007

Po-oh-li-ih-tics =\

Read this.

Nabigay ng article na yan ang isang view sa mga politikong kagaya nina Oreta, Chavit, Richard Gomez, Trillanes, etc.. Tama ang mga sinasabi niya, pero well, medyo stucked na ako sa paradigm na walang magagawa ang mga politikong kagaya nila sa Pilipinas. Oh well, babasahin ko siya uli para mabrainwash pa ako ng todo. =| Haha.

Friday, April 13, 2007

Lovestory namin ni Firefox

Hindi yung theme ng multiply ko ang gusto kong ipakita rito. Ang gusto ko talagang ipakita ay ang bago kong napulot na theme nung firefox browser! Pero mamaya na ako magkukwento tungkol sa bagong theme ni Firefox ko. Ikukwento ko muna kung pano kami nagkakilanlan.

Lately ko lang na-appreciate ang beauty ng Firefox. Nagdownload ako ng Firefox dahil nacurious ako, pero nung nakita kong wala naman pala siyang pinagkaiba sa Internet Explorer, hindi ko na siya ginamit. Kasi for me, mas masaya tingnan yung Internet Explorer broser.

Tapos one time, nag-hang yung computer. Tas lagi yun nangyayari kapag more than tatlo na yung tabs sa IE7 browser ko. So, nabwisit ako at inopen ko yung Firefox. Tapos, ginawa ko na yung usual stuff na ginagawa ko (e.g. bloghop, multiply-hop, friendster, addicting-games.com, nag-check ng mail). Tas sa mail ko, may mga updates about sa mga bagong themes na ginawa ng mga tao sa customizedthemes.multiply.com. Tas tinignan ko yung screenshot nung isa, tas napansin ko, nakafirefox siya, pero kulay green yung title bar tsaka yung ibang bars. So nacurious naman ako at ginoogle ko ang 'customize firefox'. Napunta ako sa site na nagdidiscuss tungkol sa Firefox add-ons. Tapos, ayun, naghanap ako ng matinong theme. Tas ang saya, nakita ko yung Bible Fox theme. Ang gandaaah, bible-based theme siya (Halata naman sa name ng theme, diba?). I-click mo yung picture para lumaki tas tingnan mo. Ang saya no? Kaya magdownload ka na ng Firefox. =)


Google Earth Day


PILIPINAS

Bakit ngayon ko lang naisipan magdownload ng Google Earth? Yun ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagnasa ng broadband dati! Yay. Ang saya-saya mag-google earth!


Yii. Pisay from above =) Kitang-kita lahat! Dorms , gym, grandstand, ASTB, SHB, flagpole area, front lobby, open field, caf, volleyball court, pati ang creek! Hay. Mamimiss ko talaga ang Pisay!


Yung may "X" ay ang bahay namin! Hindi na mazoom-in eh. Blurry na. Kung mapapnsin mo, may open space sa kanan ng bahay namin. Basketball court yun. Yay. Ngayon ko lang na-realize, ang lapit-lapit ko sa basketball court sa amin, pero NEVER pa akong nakakalaro diyan. =\


Yehey! Camiguin Island! Favorite Island ko sa Pilipinas! Diyan lumaki sina mama eh. And diyan ako lagi nagsusummer! Ang ganda niya kahit from above yung view! *Sigh* Sabi ni mama, sabi ng friend niya, super dami raw na tao ngayon sa Camiguin! (Nagwork ang lagi kong pagsuot ng Camiguin shirts. Hehe. Joke!) Nako! Pano pa kaya pag dating ng BCBP National Anniversary. Mapupuno sigurado yan! Everywhere, BCBP! >__<


Xavier Estates! Sa subdivision na ito kami nakatira sa Cagayan De Oro. =) Hehe. Aliw! Kitang-kita yung clubhouse. Pati yung mga swimming pools. Yay! Gusto na uli umuwi dun at magswimming! =)

Space center, Houston! Gusto ko pumunta uli diyan! =)

Ang galing ng Google Earth no? Itatype mo lang sa search box na "New York", mapupunta ka na sa New York. Tapos pag tinype mo naman ay "Philippine Science High School", mapupunta ka naman sa Pisay. Ang aliw aliw. Sana nakakatravel din tayo ng parang sa Google Earth no? Itatype ko lang sa searh box," Singapore kung nasan si Joji", tas mapupunta na ako sa tabi ni Jojeeh. Ang saya sana nun no? *Sigh* O kaya, "Naga, Philippines- kung sa ginaganap ang ILC", tapos makakaabot ka pa ako sa activities ng ILC. Ang galing-galing..

Sana may makaimbento na talaga ng device panteleport...

Wednesday, April 11, 2007

Magbigayan tayo ng mga tinapay

Wala akong makausap ngayon. Ang sad. Kaya mag-uupdate na lang ako ng blog.

Nakakadalawang shooting days na kami for the PISAY the movie. Dapat may shooting kami uli ngayon pero for some reason cinancel lahat ng shootings for the rest of this week. Kaya andito lang ako sa bahay, nagpapakabulok. =|

Oh shoot. Pag nagreschedule sila ng shooting next week, baka masagasaan yung EK thingy. Oh no. Ay! Speaking of the EK thingy... Cheska!! Hindi pa ako nagpapaalam. Iniisip ko pa ung script ko. Nasa HK na si mama ngayon, balik siya sa apr14. Iniisip kong sa 14 na lang din magpaalam pero baka busy parin siya. Hmmm.. i-email ko na lang kaya? Waaaah. Pramis magpapaalam na ako ASAP.ü

So far, masaya naman ang mga shootings. Tinatamad na ako magkwento tungkol dito kasi medyo dinetail kwento na Nico yung happenings sa shoots sa blog niya. Oo, buhay na muli multiply blog niya. Himala.

Anyhoo. Aliw talaga na nakakahalubilo na namin kahit papaano yung ibang mga leads bukod kay Shayne. Si EJ (dating Going Bulilit kid na nagboboyabunda role) ang pinakalumalapit samin pero mabait naman silang lahat. =D Ang cute cute ni Minggoy Elijah (Minggoy kasi ang tawag ng mga tao sa kanya sa set kaya nakakalito na). Hehe. Ten yrs old pa lang ata siya err.. basta, incoming Grade 6 palang siya.. tas award-winning actor na siya. Hmf. Pero ayaw niya bigyan ng autograph si Nico. Haha. Ayun, tapos ang kulit ni Ms. Eugene Domingo. Hirit siya nang hirit in between takes tsaka kapag may nangyayaring mali sa set. Hehe. So hindi boring kahit pagulit-ulit na ang takes. Tapos ang bait bait pa nilang lahat, si Direk Aureaus, si Kuya Nestor, si Kuya Erwin, at si Kuya Henry..

Sana magresume na ang shootings, para makalabas naman muli ako dito sa bahay!

***

Late umalis si papa kanina for work kasi hinatid muna ang mga lola ko sa airport tapos si Antie Gingging naman a hinatid sa San Mateo, Rizal. So habang hinihintay sa Kuya Pio makabalik dito sa bahay, nagbreakfast kami together. Tas nag-usap kami. Tinanong niya ako kung pagkatapos daw ng MBB, ano raw balak ko. Kasi raw dapat meron na akong path in mind. Magtuturo na lang ba ako or something? Ano raw ba ang mga careers ng mga MBB grads? Wala naman ako masagot. Ang sabi ko lang, pwedeng mag-med na lang ako after. Tas sabi niya, ehdi dapat sa Ateneo na lang daw ako mag-aral (BS Health Science ang course ko dun) kung magmemed lang din naman ako. Sayang daw kasi yun ng panahon kung magMBB ako tas med rin pala ang bagsak ko. Tas sabi pa niya, bigatin lang daw pakinggan ang MBB pero ang pangit naman daw nun kung magiging tambay lang din ako dito sa bahay pagkagraduate ko. Sayang lang daw ang mga hirap na titiisin ko to pass MBB. Pag-isipan ko raw ng mabuti.

April 13 ang deadline ng confirmation sa Ateneo. May time pa ako. Waaaaah ="(

***
I ♥ you Fudgee Barr. You saved my life nang hindi ako sinipot ni Pancit Canton + Nilagang Itlog. At dahil sayo, naprocess ng akong brain na magmarathon na lang ng Princess Hours para hindi na ako mabore.

***

Tinapay. Bow.


Tuesday, April 10, 2007

Ang dami kong dapat ikwento. Tinatamad ako magtype. >.<

Thursday, April 05, 2007

Visita Iglesia 07

Kwento and pics here.

Wala ka bang magawa?

Krisha's blog

Punta ka sa blog ni krisha tapos kulitin mo siya mag-update. =) Wala lang, miss ko na mga kwento niya eh.

Wednesday, April 04, 2007

Babay HK trip

HMF.

Pinaasa lang nila ako. Hindi na raw ako pede ibook with them to HK. Fully booked na raw kasi yung flight na sasakyan nila. Alangan ako lang mag-isa pumunta dun no? Grrr. Crammer kasi eh. Wah ="( Oh well, tinatamad naman ako kumuha ng travel clearance at at least hindi na ako makakamiss ng dalawang shooting days ng PISAY the movie. Pero WAAAAAAH. Pinaasa nila ako. BAD them. BAAAAAAAAAAD.


Tuesday, April 03, 2007

Muni-muni Part 2 (Meow)*

Marami sa '07 ang namomroblemang mamili ng campus na papasukan sa college. Kung sa UP ka lang nagtest, swerte ka. Hindi ka na mag-iisip pa. Kasalanan 'to ng Ateneo eh. Magaling sila sa pagbenta sa sarili nila. Hook na hook yung parents ko sa advantages ng pagpasok sa Ateneo. Yay. Pero I'll stick na talaga sa sinabi ko, for me, mas masaya pag-aralan ang MBB kaysa sa Health Science. Pinagpray ko na ito. Walang concrete answer si God pero I'll follow na lang my heart (Naks). Mas feel ko ang MBB so dun na talaga ako. =P

Meron pang isang pinakinig sa akin si Sir Mike. Click here if you want to listen to it too! Ang title niya, Eyes Glazed Over. *Nung nirecommend siya sa akin ni Sir Mike, ang unang pumasok sa isip ko ay Glazed Donuts ng Gonuts Donuts. Hehe. Tagal ko ng hindi nakakakain nun! Wah.* Nung una, hindi ko naiintindihan kung ano yung message nung buong audio clip eh, may makulit kasi sa YM -.- (Hmf. Na ayaw naman sabihin sa akin kung sino yung ano niya.) , so inulit ko uli. Tapos narealize ko na it's talking about our purpose in life pala. Sinasabi niya na iba ang existing in life sa living life. As explained by Sir Mike, sinasabi dun na si God may binigay na purpose sa atin. Kapag hindi tayo nakasunod, hindi natin na-live ang life natin. Ang true no? Anyhoo, I felt sad pagkatapos ko mapakinggan kasi inisip ko, what if hindi nga ako makasunod ? Therefore, magiging meaningless na ng life ko. Pero sabi ni Sir Mike, dapat hindi raw ako nasad, dapat raw nachallenge ako. Pakinggan niyo para marealize mo na tama nga si Sir. =P

Ifofollow-up ko pa Siya kung tama nga itong desisyon ko. I'll let you all know pag sumagot Siya! *Sigh* I desperately need someone to talk to seriously tungkol dito. Rar. Ate Jing, where are you?

Ang moral nung audio ay dapat we seek for our purpose tas let's ask God na i-lead tayo to our purpose. Yehbah.

May you all have a happy and meaningful life, Batch '07! =P Pramis. Mamimiss ko kayong lahat at hindi ko kayo kakalimutan. Forever grateful ako na kayo ang mga nakasama ko sa apat na taong palalagi sa Mataas na Paaralan ng Pilipinas para sa Agham.



*Gets niyo ba title ko? Yung "Meow" part? Hehe. Ang korni ko.

---

New multiply skin!

Tinry ko talaga yung best ko na makahanap ng outerspace-ish na theme for my multiply para masaya pero wala talaga akong nakita. Pero matino pa rin naman yung nakita ko. Visit my multiply site!

Children praying passionately

Listen to this.

Binigay ni Sir Mike sa akin itong link na ito. Pakinggan niyo na lang. Hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-explain kung ano yung feeling ko pagkatapos ko siya mapakinggan eh. Deducing from the voices from the kids sa audio file na ito at sabi na rin ni Sir Mike, nasa 8-12 yrs. old itong mga kids na ito. Pero grabe. I admire the way they sincerely & passionately prayed to our Lord. Basta. Listen na lang talaga. Mega nakakamove.

Thanks so much, Sir Mike, sa pagbigay sakin ng link. =P

Monday, April 02, 2007

Sadness

Jannel. Alam kong April 2 ka aalis pero nawala talaga sa isip ko na April 2 ngayon! Wah. Tinry ko tawagan yung phone mo kaninang umaga, pero I guess nakaalis ka na papuntang States. Cannot be reached na phone mo eh. Anyhoo, ang gusto ko lang sabihin ay mamimiss kita. Sobra. Keep in touch ha. Chat parin tayo at magpost ka sa blog mo. Tapos, huwag ka masyadong maninigaw ng mga Amerikano diyan, baka anong gawin sa iyo. Kapag may umaway sayo, sabihin mo sa akin, susugurin ko. Haha. Pero haler, I know naman na you can defend na yourself there.

Mag-iingat ka diyan ha. God bless you and your family! Good luck sa life mo diyan! Continue loving our Creator and sana maspread mo diyan ang LOVE niya for all of us.

P.S. Hindi ko siguro napapadama lagi sa iyo, pero mahal na mahal kita! Hindi buo ang Pisay ko kung hindi kita kaklase for four years. LOVE YOU JANNEL! *mwah*

*Inemail ko na rin ito sayo Jannel ha, para sure na mababasa mo.ü Sana mafeel mo kung gaano ako kasincere.*

---

Hey naman. Cleared na ako. Natanggap ko na ang card ko. Nagulat ako! Super jump ako sa econ. Yipee. Tapos mas mataas pa ang average ko ngayon kesa nung 3rd year. Ang galing naman nun diba? Akala ko crappier ang grade ko ngayon. Hehe. Ang saya-saya talaga. Pero oh well, frustrated parin ako kahit konti kasi compared talaga to my 1st yr and 2nd yr grades, ang panget ng 3rd yr and 4th yr grades ko. Sigh. Pero sabi ko nga sa previous entry ko diba, wala na akong magagawa sa grades ko. Titigan ko na lang yung card ko forever and ever and ever, until magmutate siya. Haha. Joke.

---

Walang hiyang Jolibee. Sinira niya araw ko. Hmf. NEVER na akong magpapadeliver dun. Grr.

---

Kelangan pa naming mag-usap ni mama tungkol sa Hongkong thingiemajiggie. Matutuloy na yata kami. Hehe. Ano kayang gagawin ko dun? Magtutour sa Disneyland mag-isa? Wow. How exciting.ü Ok, anyways, sana matuloy. Hindi kasi nila ako pinayagan mag-ILC. So sana eto na ang kapalit. Pero I know na hindi naman ito ka-level ng ILC. Gusto ko mag-ILC. *Tear* Anyhoo, anyhoo. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw nila ako payagan kaya di na ako magrarant about ILC. :|

---

="( Umalis na si Jannel papuntang States. *tear tear tear*


Sunday, April 01, 2007

Muni-muni (Meow)

Nakakasenti naman. Wala akong makausap. So as usual, kakausapin ko na lang sarili ko. At as usal, ang gulo-gulo na naman ng utak ko. Parang ang dami kasing bagay na dapat bigyan ng pansin.


Clearance -- Scrapbook for STR na lang tas pirma ng Tatlong Maria (Igi, padekwats ng nikckname for them) tas ok na. Makukuha ko na ang crappier card ko. Alam kong crappier siya dahil malamang 1.4-something lang yun. Nakakafrustrate lang kasi ang tino ng grades ko nung 1st yr-2nd yr. Tapos naging crappy ng 3rd yr, tapos naging crappier nung 4th year. Pero wala na akong magagawa sa grades ko ngayon kaya ieend ko na tong paragraph na ito.

*MEGA-THANK YOU nga pala kay Jerico at Jojeeh na nagpabuhay muli ng clearance paper ko nung Friday na lecheng naiwan ko sa front lob nung Thursday. Buti na lang talaga kinuha niyo yun or else, gumaya na siya sa mga taksil kong mga wallet. Thank you thank you talaga. Hindi niyo lang alam kung paano niyo napasaya ang araw ko. *

***
College stuff -- UP or Ateneo? Gusto ni papa, ateneo. Si mama naman, uh, magulo siya. Wala siyang sinasabing gusto niya. Gusto niya yata pumasok ako sa parehas. Haha. Anyways, mas preffered ko naman ang MBB over Health Science. Feeling ko lang kasi mas masayang pag-aralan yun. Pero ang tanong, pag inaaral ko na kaya yun, gugustuhin ko pa kaya siya? What if after a sem, ayoko na? Sayang yung panahon. Sayang yung pera. Sayang yung slot. Marami akong kilalang gustong magMBB pero hindi nakapasa. Sa kanila na lang sana yung MBB slot ko. Pero joke. GUSTO ko magMBB. Yata.


Rar. Whatever. Basta. Nagconfirm na ako sa UP kahapon ng umaga. Bahala na. Bahala na talaga. Bahala na kung may masayang mang panahon. Doon naman sa 'masasayang' na mga panahong yun, sure akong may matutunan akong lesson in life. Maggrow pa rin naman ako as an individual. Hindi naman maglelessen ang love ng family ko sa akin at lalo na ang love ni God para sa akin. So ano bang ikinakatakot ko diba? Diba?
God, help me. :-s
***
San ako titira sa college? Mag-uuwian na lang ba ako? Well, mas efficient kung magdodorm ako. Pero ayaw ko madorm sa UP. As in doon sa loob. Kaya maghuhunting pa ako ng bahay soon. Magpagawa na lang kaya ako ng bahay sa gitna ng Katipunan? Haha. Gah. Sana talaga may makaimbento na ng teleport device para di na kailangan ng dormdorm. Kaso balita ko wala pang nagreresearch tungkol sa teleportation ngayon eh so ASA ako no. Sana makahanap ako ng bahay. Sana payagan akong makishare ng bahay with Krisha. Oh well. Wala naman akong magiging say sa lodging ko para sa college eh. Sina mama lang din naman ang maghahanap ng bahay for me. Pero sana matino. Sana malapit lang sa UP. At sana matino.
***
Ang haba nung tinext ko sayo. Hindi ka naman nagreply. Hmf. Kinulit-kulit mo pa akong sabihin sa iyo. Wala lang naman pala sayo. Hindi ko alam kung wala ka lang load o wala ka lang talagang care. Sabi na nga ba eh. Dapat talaga hindi ko na yun tinext. Naexpose pa tuloy ako. Kilala mo kung sino ka, pag binasa mo to, matamaan ka sana. Haha. =)
***
Ano kayang mangyayari sa college? Yung mga atenista ba- Cheska, Rob & co., mamamansin pa kaya? Eh yung mga taga La Salle - Anne, etc.? Tas yung mga taga UP-Manila- Kimr, Raix, Henson, etc. bibisita sa UPd? Ang LAAAAYO na ng mga tao. Nakakalungkot. Pero hindi nakakaiyak. Ang galing. Siguro dahil umaasa akong hindi naman talaga sila hindi magpaparamdam. Sana nga.
***
Sino pa mga MBB?
***
Ang dami kong mamimiss na PISAY the movie shoots! Mga 4 days. Ang lungkooooot.
***
Isasama na talaga ako ni mama sa Hongkong. Hoohoo. Ano kayang gagawin ko dun bukod sa pagtambay sa hotel? Sigh. Sana matino tong trip na ito. Makakamiss ako ng 2 shooting days ng PISAY para lang dito.
***
Gusto ko na matulog. Gusto ko na magstop sa pag-iisip ang brain ko. Nadedepress lang akong ewan.. at nagugutom. Haha. Sayang lang sa energy no.

Made to live beyond ourselves.

Matino naman ang grad. No hyperventilating-mama. Yehey! Tas hindi ako nadapa nung nagmarch. Tapos dahil hindi naman ako yung tumugtog ng Lupang Hinirang, matino ang Lupang Hinirang nung grad. Haha. Haay. Tas walang iyakan! So happiness lang talga ang namayani sa buong event. Pagkatapos ng grad, naglunch kami sa Dads sa Glorietta.

Yung gradball naman.. Hmm. Ok lang. Hindi ko ganun kagusto yung food, aliw lang yung thingy na kahit baliktarin ay hindi natatapon. ü Pero aliw naman yung program tas ang HOOTT nung sayaw nung dancers ng o7. Ang bakla ni KJ. ü Aliw din yung sayawan part. Kasi tumugtog ang Shower's band at The Nerve. Haay. Pero nabother sa sinabi sa akin ng isang person, nabago tuloy ang mood ko. Hmf. Sana una niya ko pinasalita. Pero well, ok na tong issueng ngayon dahil nasabi ko na sa kanya yung dapat kong sinabi nung gradball. Anyhoo. Anyhoo.

Hindi pa ako cleared. May STR scrapbook pa eh. Oh well, baka mapass na namin yun sa Monday (apr2), so no prob na tungkol dun. Hmm.. ano pa ba ano paba.. AY! Yiii. DOST scholar ako! Fuuuun. (Results here).


***
Magsstart na nga shooting for PISAY the movie sa april 2 april 8. Excited na ako.

Monday, March 26, 2007

Kontin na lang

Kanina, baccalaureate mass at toast to excellence. Siomai, ang panget ng tugtog ko. As in. Nakakahiya talaga. Grrr. Super tinatawanan pako nina yayam at papa. Gah. Super tensyonado talaga ako kanina, lalo na nung responsorial psalm. Augh. Ang patalo ko talaga. Haay. Nasira siguro yung solemnity ng mass dahil sa akin. Ang sad talaga. Anyhoo, dumako tayo sa toast to excellence.

" '07, ang gaan niyong dalhin." - Atty. Perez


With matching magandang delivery pa yun ha. Ahehe. Nakakgaan ng loob at ang funny. Tunog tagline ng commercial sa TV eh. Ay, tsaka napakasaya nung pagaccompany ni Cy sa PSHS hymn. I heart Cy. Ang galing niya mag-arrange ha. Ang ganda at aliw ng arrangement niya ng pisay hymn.


Pagkatapos ng Toast to excellence, kumain na kami ni yayam dun sa may pool side tapos sila mama & co. , kumain sa labas tas dumiretso na rin sina mama at papa sa office. Pagkatapos naming kumain ni yayam, nag-ayos ako ng clearance. Dinrag ko anywhere si yayam at super napagod siya. Hehe. Akyat -baba ako sa Math unit tas sa STR unit eh. Anyways, pagkatapos ko makakuha ng toga, magpaclear sa lifesci, at sa guidance, bumalik na kami ni yayam sa gym. Nagpraktis muli ng gradsong. Ang saya ng bagong melody ng grad song tas nakakaindak kantahin yung bridge. Hehe. Ang fun talaga. ü

Sigh. Kinakabahan nako para bukas. Kasi number one, baka maghyperventilate si mama. Nako, syempre gusto niya kumuha ng maraming solo pictures ko. Gahd, eh hindi naman ako comfortable sa mga ganun. Buti kung may kasama ako. Pero pinrepepare ko na ang sarili ko. Tinatrain ko na ang bibig ko na huwag magsalita or magreklamo or whatever tas tinrain ko na rin ang face ko na magsustain ng blank face para wala ng masabi sakin si mama (gaya na lang ng.. "ingrato", "anak ka lang, ano pinagmamalaki mo diyan", "para kang walang pinag-aralan", "ano bang utang namin sa iyo ha", or other hurting words ). Tapos super susunod lang talaga ako. Basta. Gusto ko kasi mag-enjoy sa graduation. Gusto ko comfortable, fun, and maging memorable siya. Ayun. Tas second, kinakabahan ako kasi baka madapa ako sa paglakad sa gitna sa march pagpasok. Nako. Ang laking gulo nun. Naiimagine ko na eh. Madadapa ako tapos tatawa na nang tatawa si Cheska. Tapos, tatawa na rin ako nang tatawa. Gash. Ayoko yun mangyari. Super nakakahiya. Third, Maglulupanghinirang na naman ako bukas. Kahit memorize ko na yun by heart and by hand (gumagalaw lang siya, hindi nako nag-iisip), kapag talaga kabado ako, may tendency magdikitdikit yung fingers ko tapos hindi na ako makatugtog ng maayos. Grabe. Tapos, lastly, kinakabahan ako kasi baka magbreakdown ako or something sa dulo or pagnaging cheesy na ang lahat. Pero pinopromise ko sa sarili ko na hindi ako iiyak no. Ang cheesy naman non. Eew. So not me. Manhid ako eh. Joke.

Tas bukas naman ng gabi, gradball. Blue ang color ng gown ko. Pano yun magiging vintage? Anyways, sana maging masaya at memorable. Sana hindi maging over-emo. At sana rin hindi lang puro picturan forever. Hindi ko ipapapuyod ang hair ko. Para masaya. Hehe. ü


***


Ang saya. Magagraduate na ako pero hindi pa rin ako cleared. Grr. Bukas pa ako magpapabind. Balak ko pagkatapos ng grad tas lunch, daan ng UP tas magpapabind eh. Para sa wednesday pede na ko maclear sa STR. Yehes. Sana maclear ako kaagad. Para bawas problema tas free na to lakwatsa.

***

Feeling ko hindi ako matutuloy sa HK. Gusto ko sumama sa shoots ng PISAY (movie) eh. Marami pa naman siguro akong pagkakataon in the future na makapunta dun pero eto (movie), ngayon lang ito eh. Tsaka, work naman ni mama yun eh. Baka mabulok lang ako sa hotel dun. Dito na lang ako no. Tsaka, bawas gastos na rin. Alam ko namang dapat practical lagi dapat sa life eh. Kaya wag na lang. Sigh. Hindi na ako umaasang bigyan nila ako ng any grad gift at hindi rin ako hihingi ng any no. As in object ha. Daming gagastusin for this summer eh. Pero kung macoconsider na grad gift ang pagpapayag na lumakwa ako with champaca or whoever (eg. Cheska, Krisha) patungong EK or wherever tas i-oovernight sila sa bahay. Nako. Hihingin ko talaga yun. Pero ngayon, pag-iisipan ko pa muna kung paano ko ito sasabihin kay mama at papa. Haha. ASA talaga ako.

***

Gash. Sana talaga hindi magdrama bukas si mama. Ang super mapilit and kulit niya kasi talaga lagi pag may mga event na ganito eh. Kinakabahan na talaga ako. Kung pede nga lang, hindi nako mag-attend. Pramis. Sigh. Pero yun nga, gumawa na ako ng plan kung paano ako magrereact once nagstart na siya sa kanyang annoying mode. Blank face. Mouth shut forever. Brain must follow her insturctions. Whew. Kaya mo yan, Cecile. Go. Go. Go.


***

Hindi ko pa pala namemention dito sa blog ko. LAHAT kami gagraduate. Lahat kaming 219 na Batch 2007. Happiness. \:D/ Happiness. \:D/ Happiness. \:D/ . Congrats, batchmates!

Sunday, March 25, 2007

scholar-do



aliw to. hehe.=) panoorin niyo yung videos. =) ang galing nila.. at ang sipag. kudos to the makers!

***

yak. magiging alumni nako. gash.

Thursday, March 22, 2007

praisefest'07

Hay. Ang saya. Nakakapagod pero masaya! THIRSTQUENCHER talaga!
is HE in you? Definitely! =)
He is always ALWAYS THERE!
(edited: march 25, 2007)

Wednesday, March 21, 2007

Yii.

PRAISEFEST'O7
Thirst Quencher: is He in You?

"Yet a time is coming and has now come when the true worshipers will worship the Father in spirit and truth, for they are the kind of worshipers the Father seeks. God is spirit, and His worshipers must worship in spirit and in truth."
- John 4:23-24

Bukas na!ü

Refer to my previous post kung kelangan mo ng reply slip!

***

Sorry. New template muli. Hehe. Naaliw ako eh. Tsaka para lighter mood. Ayoko nung dots, ang dark.


***

Anywho, pinagtiyagaan ko kahapon ang dial-up dahil nakakaadik magweffriddle. Yiiii, thanks sir mike para sa link! Nasa Level 31 na ako! =) *Sigh* Tapos ko na yung batch one ng weffriddles. Yiiiii.. üCacareerin ko ito tas iintroduce ko rin sa ate ko. Pati na rin kay antie lit. Para masaya. At para na rin masulit ang broadband. ^^

Go Weff! I crush you! Sana hindi ka girl. c")

***

Hay. Muntik ko na malimutan, di pa ako nagpiprint ng revised paper namin for STR. Hindi ko pa nakakausap si Jannel kung narevise na niya yung summary & conclusion. Gah. Bad. Kelangan ko na muli magpakamasipag para maclear na kami for STR. Love ko pa naman si Sir Tafaleng. As in. Hindi ito sarcastic ah. ü Haha. Sana i-gel na niya hair niya para hindi na ako maguiguilty forever.

***

Love rocks! I suck. (papirate James &co.) Yep. I so SUCK. Buti na lang may bakasyon para makapagmunimuni. Teka. Parang mali. Ayoko magmunimuni kasi kung anu-ano lang ang naiisip ko.

***

Happy Birthday VIEROANE! =)

Saturday, March 17, 2007

mega update




INVITED KAYONG LAHAT!


PRAISEFEST'07: Thirst Quencher
is HE in you?


MARCH 22, 2007 . Thursday
PSHS Open field. 4-8pm



Let us share a night of meditative prayer and worship!
ACTS * SCA * Batch 2007



eto yung reply slip for the praisefest. iclick niyo para lumaki. tas iprint niyo. *tsanan* may reply slip ka na. ipapirma mo sa parents mo tapos punta ka sa pisay on thursday - march 22!! kulitin mo yung friends mo na sumama! tas ayan, hapi na tayong lahat! INVITED LAHAT dito. Catholic ka man o non-catholic. =D hoohoo!

GOD rocks!






MY WEEK! x__x

03- 09-07

SM escapade with andy, krisha, and reynard. wala kaming mga pera. haha =) pix sa multiply ni andy!

03-10-07



MABUHAY ANG MGA BAGONG KATOKS!
trish 09*marga 09*norman 09*jhon 09*viel 09*dianne 09*paeng 09*ichiro 09*alvin 10*camilla 10

panatilihing buhay ang apoy!
live. love. breathe. SK

03-12-07

- first day of intrams
- naglaro ako ng basketball at soccer
- nawala ang aking brown 'wallet' ~ andun ang aking flash drive, recopies ng grad pic ko, at grad pic ng mga taong nagbigay na sakin. WOW. ang galing ko rin no. kwento kung pano siya nawala? bumili ako ng hello panda sa caf, kumuha ako ng 20php na bill at 5php na coin. pagkatpos nun, bumalik nako sa gym. blahblahblahblah. bago ako magbasketball, aayusin ko sana yung mga coins ko.. ilalagay ko sana sa wallet ko... pero wah. nawawala na siya. augh.
- super saaaaad day. alam mo na siguro kung bakit

03-13-07

- second day of intrams
- naglaro ulit ako ng basketball at soccer
- namomroblema parin tungkol sa aking wallet
- poster making for praisefest!

03-14-07

- happy birthday yayam
- finals ng basketball. we won. hooray for patrice!
- finals ng soccer. natalo kami. pero hooray parin!
- finals ng girls vball. we won! hooray ule =)
- finals ng boys vball. natalo. hooray parin!
- date sa SM with cheska. i heart cheska!

03-15-07

- semis at finals sa badminton ~ sori leki. ang laki kong patalo. =( ang dami kong miss.. super! sorry talaga.
- exit interview
- dani's luau. super sosyal. nakatube dress si dani! ang hot niya! pix sa multiply ni nico :)

03-16-07

- scrubs season 5 the whole day
- gising late, tulog aga
- hindi ako pumunta sa jade07 reunion ~ bad me

03-17-07

- PISAY movie workshop ~ ako ay isang dakilang extra (sabi ni aureus solito, wag daw 'extra' ang term na gamitin) gaganap ng isang cameo(spelling?) role. magiging kaklase ako nina shayne. nyahaha. =) fun. 200php per day ang bayad. beh. fun ang basic acting exercises. so SK. =) nakakamiss talaga ang batok life. hoohoo.


di ako makakapunta sa rb reunion tmorrow. wah. sad. mabubulok lang ako sito sa bhay mula bukas hanggang wednesday. augh. pati yung batch field trip cancelled. hmmf. ang bad bad nila. =(

natouch ako ü





bugoks and 08 katoks. thanks! =) ang gandah nung play niyo. napaiyak niyo ko kaya wow, ang galing niyo. sorry kung hindi ako nakapagbigay ng matinong final words. *sigh* basta. ang masasabi ko lang..hindi ako takot na iiwan ang SK sa inyo. i heart you all. =)

*sori bano yung pix. bano yung camera nung phone ko eh. pero wah, gusto ko lang ipakita sa buong mundo na nag-effort sila at super naappreciate ko yung efforts nila. hoohoo! =) *hugs para sa lahat ng katoks*

Saturday, March 03, 2007

lost: my wallets (oo, plural)

wallet # 1: my barya wallet: the fishy wallet
  1. bigay pa yun ni mam karen
  2. marami na kaming baryang pinagsamahan
  3. at love ko yung wallet na yun!

kaya kung nakita niyo siya, kulay brown siya, pakibalik naman sakin o. sad. break namin before english nung tuesday (february 27) tas nagpaphotocopy lang ako ng something sa caf tas nakipagchikahan sa mga tao.. tapos, nagbell. nagvanish na si fishy wallet. akala ko naman shinoot ko na siya sa magulo kong bag, pero apparently indi.. lost na siya. wah ="(

wallet # 2: my bills + cards wallet: the banig wallet

  1. bigay pa yun ni nico
  2. andun ang philamcare card ko - dahil nasamang nawala to, nasabon ako ng parents ko
  3. andun ang business card ni mam karen! ="(
  4. andun ang peborit astronaut picture ko
  5. andun ang madami pang ibang barkada pix
  6. maraming resibo dun- wala lang
  7. i like that wallet :(

wah. naisipan ko lang naman magpakaloner at magpakanerdo sa lib. wah. bakit mo kinuha kung sino ka man? ang laki ko talagang engots. bakit ko kasi hindi dinala sa loob yung wallet ko. aaaaah. ang bobits ko talga. ang timing ko maging bobits.. kung kelan mo naman naisipan manguha ng wallet.. sad. wah. ibalik mo saiya sana. ibalik mo sa reg. please. :(

Saturday, February 24, 2007

comment ko

my comment on aj's post!

ano bayun. kakapost ko lang sa blog ko na "sana matapos na ang pisay.."
(http://chocolatekeyk.blogspot.com/2007/02/200th-post.html))

narealize ko sa pagbasa ko ng post mo na siomai, ang dami ko palang maiiwan.. marami pala akong mamimiss. naging pangalawang tahanan ko na ang pisay. dun ako natutong magdrama. shete. importante pala sakin ang pisay. teka. bakit gusto ko na siya matapos?.. ang laki ko namang gagi....bakit kasi kelangang sa end part pa ng pisay life ko gumulo ang buhay ko. parang ang labas tuloy naging miserable ang buhay pisay ko. ang malas ko naman. anyhoo, yak. nagdrama ako sa pagcomment sa blog mo.thanks aj sa pagpost. thanks sa pagpapaalala na.. kelangan kong malungkot sa pag-alis sa pisay. :D ahehe. salamat, aj!

200th post

February 21, 2007
Start: 6:52 pm
GRHM

random rants na naman ito. pasensya na. wala akong makausap eh. tulog si cheska, umuwi si krisha, at ayaw ko naming magsayang ng load to text people para lang may makausap ako. kaya eto, kakausapin ko na lang sarili ko.

ash Wednesday mass kanina. as usual, megacram na naman ako sa pag-aral ng mga pyesa before the mass. anyhoo, matino naman yata kahit konti ang aking tugtog. ü ang ganda ng kantang In Him Alone. ü *sigh* sa Kanya lang talaga tayo makakahanap ng true happiness.

anyhoo anyhoo.. dahil umuwi uli si krisha ngayon, mag-isa lang ako dito sa kwarto. dapat gagawa na ako ng article ko sa econ, pero di ko pa feel. :c tas nawala ko pa yung strips na bigay ni dani, andun yung topics ng articles ko dapat. swanget. anyhoo, kaya ko naisipang gumawa ng entry ngayong araw ay dahil special ang araw na ito. 3 years ng katoks ang mga sk Batch 21. happy anniv joji, rayco, shayne, nico, krisha, che, revee, & [loraine]!! ü haay. di ko alam pero parang ako lang ata nakaalala nito pero oh well.. dahil siguro hell week ngayon kaya di na nila naalala. *sigh*

anyways, sa Tuesday na ang pasahan ng econ mag! wala pang ni isa sa group naming ang meron ng tapos na article! oh shoot. wala pa kaming layout, etc.. etc.. totally nada! :c omg omg omg. ang sarap magpanic pero hindi yata nagcocooperate ang aking hypothalamus at ayaw maglabas ng signals to send my adrenalins rushing sa aking bloodstream! *sigh* last regular week of classes na nga, hindi ko pa makuhang magpakamasipag. frustrating.

nga pala, may YFC ID na ako. yehey. rejoice. at nakita ko na ang 2 days lost na pencil case ko na naglalaman ng aking mahiwagang flash drive.. thanks to ate guard na nagbalik sa akin! ü tapos, first time naming manalo ni cy sa doubles kanina. let’s go cy! hoohoo. kaya ayan, happiness. ü tsaka pala, may video ako ng flamenco dance nina kg, cy, at jar.. na pinapaulit-ulit ko pinapanood kaya kanina pako tawa nang tawa mag-isa dito sa room. ahehe. grabe. naooti na ako. ayy.. tsaka another reason to be happy pa pala ay dahil wednesday na ngayon thursday na bukas.. tas friday na the next day! so two days na lang, uuwi na ko sa bahay. yehes!

haha. as if hindi ko lang kakauwi kahapon. haay. speaking of kahapon. ang ngarag ng day ko yesterday. number one, ang daming breaks.. tapos number two, sk thingy.. tas number three, nagdecide ako na hindi ako uuwi (just to do my pinoy book report) kaya pinadala ko na lang kay antie lit yung printer. pero yak, ayaw gumana ng printer naming sa dala kong laptop na kanila tita vilma.. something to do with the ports siguro kaya ayun, by 6:30 pm, nagdecide kami ni antie lit na umuwi na lang. nakasakay naming si patricia evangelista (y-speak, winner of an international speech contest) sa MRT. ahehe. kahit di ko siya siguro napansin kagad malalaman ko na andun siya dahil yung mga iba naming mga kasama sa MRT ay turo nang turo tas tingin nang tingin sa kanya sabay sabi ng, “ hey, diba siya yung sa y-speak? ano nga ba name niya?” anyhoo anyhoo, pagdating naming sa ayala station, nagdecide kami ni antie lit na itry na magFX pauwi instead na magbus. good decision siya dahil mas naging konti ang aming travel time. by 8pm, nakauwi nako. yehey! ü

ang dami ko pang gusting sabihin sa sarili ko pero since ipopost ko to sa aking blog sa weekend, titigilan ko na to. basta, ang gulo-gulo ng utak ko. sana hindi magsawa ang sodium-potassum pumps ng aking nerves sa pag-aid ng transmittance ng mga electrochemical signals from my brain. hindi ko alam kung saan ako magcocollege (yah yah.. alam kong marami namang nagshshare with me sa problemang ito) at siomai, nagbabattle ang aking will and intellect as of the moment. sinasabi ni intellect na kailangan ko na tapusin ang entry na to dahil hahagilapin ko pa yung strip of paper na bigay ni dani tapos kelangan ko na simulan ang aking econ article. pero sabi ni will, ayoko, gusto ko matulog. *sigh* sana matapos na ang pisay. nahihirapan na ako. :c sa isang tao ko lang nasabi ang aking true reason behind sa wish ko na ito.. at wala akong balak ilagay yun dito. :c pero i don’t hate pisay ha, gusto ko lang na mag-end na siya. gusto ko na ng different environment. I don’t care kung wala akong maging kaklaseng pisay next year, mas maganda pa nga siguro yun. pero hindi ko rin hate ang batchmates ko ha, lab ko silang lahat. ü

pero.. *sigh* (ang gulo ko na) nakakalungkot ngang isipin na sa march 27 na ang maaring huling pagkita/ pagkausap ko sa ilan kong batchmates.. pero yay, i pray na lang na LAHAT ng batchmates ko ay magkaron ng super meaningful and super super super happy life na governed by His will. ü *sigh* sana ako rin.

happy anniv uli fellow batch 21 katoks.
live.love.breathe. SK. ü

*sigh* count : 6 (ang konti lang. yehey.)

----

Accept the past as past, without denying it or discarding it.
Reminisce about it, but do not live in it.
Learn from it, but do not punish yourself about it or continually regret it.
Do not get stuck in it.


- Morrie Schwarts, Letting Go

//thanks ate Bridgette. ü

wah. di ko natingnan yung time na natapos ko yung entry na ito. :c sad.


February 22, 2006
10:59 pm
GRHM

yehey. nakastart na ako sa econ article ko. pero antok na ko, kaya di ko na matapos. pero in fairness, nag-eenjoy ako. ü sana matapos naming to and sana maging maganda yung kinalabasan. ü as in super sana magcooperate ang groupmates ko and sana matapos ko rin yung article ko pang isa by Saturday morning. tapos sana malay-out namin siya ng maganda. hoohoo! go us! FTL! FTL! let’s go! ü

tulog na si krisha and jane. i shall tulog na rin. ü

*sigh* i realized many things today. :C sana matapos na talaga ang pisay.

end: 11:02 pm

Sunday, February 18, 2007

post prom post!

prom pictures: click, click, click!

THANK YOU BATCH 2008!

ewan ko kung yung agree sakin ang buong 07, pero para sakin.. masaya ang prom this year! kahit pa ba super late late si cheska at hindi ganun kaexcellent yung food, meaning madaling bumaba ang marginal utility niya pero for the program itself, astig. ü ang sipag at ang pro nung gumawa ng tribute movie/picture slide show for 07! hi tami '08 (kunyari close tayo ü) ! ang pro mo.. and ang sipag mo magcollect ng pictures!! idol! ü anyways, tapos.. ang bangag pa ni ryan at cheska so wala akong ginawa sa table namin kundi tumawa. pero nung end part ng program, nag-usap na sila seriously tungkol dun sa GK thingy nila for the Teenpreneur. go mang roberto, maker of candle holders!! *sigh* tapos super super super bonggalicious ng cotillion ha. ang galing ni sir petri sumayaw. hehe. tapos.. basta. sosyal talaga yung cotillion. :P tapos.. hmm ano pa bang major ang nangyari?? er, nanominate si jake na prom queen. hehe. go jake. buti nalang sport siya.ü kaya FUN. tas.. yun puro picturan na..

ok, anyways, uber happiness pa na may prom pix ang champaca07, rubidium07, graviton07, pati ang mga katoks! yehey! yehey! ü FUN! ehehe. di ko nga lang masyadong naecjoy yung music ng Bloomsfield (ang galing nila) . sad. pero ok lang.

..tas nun, tinulungan ko si janel na hanapin ang long lost date niya na si gelo. mga 15 mins din siguro kami umiikot-ikot sa loob ng ballroom sa kakahanap sa kanya. nung nakita na namin siya, iniwan ko na si janel sa pangangalaga niya.. so alone na naman ako. tas nakita ko si depeds at jannel, sinayaw ni jonas si jannel, so nagsayaw na lang kami ni depeds. usap bout college stuff. tapos si kuya exciting ed (na tinatawag akong smallest paramecium ü) naman ang kinasayaw ko.. usap about BCBP. tapos napadpad ako kay garrick. usap uli about college stuff. tapos nun, nagkita kami ni cheska, uuwi na raw siya. babay cheska. so hinanap ko si peach kasi baka gusto na rin niya umuwi.. kaso si henson naman ang nakita ko. usapsayawusapsayaw. epal si rob. joke lang.ü usapusapule. tapos last dance na so pumunta na siya kay mich. so bumalik ako sa table.. usap with raix. tas niyaya niya ko magscavenge ng chocolates sa mga tables.. tapos nun, nakita ko na si peach.. tumawag si mama.. lumabas na kami.. at umuwi. ü

thanks sa lahat ng mga taong naghirap para mabuo ang event na yun. ü

Saturday, February 17, 2007

prom na mamaya ü

ang tagal ko na pala hindi nagpopost. ü busybusyhan eh. nax! ü

anyway..

SALAMAT SA MGA NANOOD NG PROM PLAY ng mga katoks! :p grabe. ang galeng ni God. nung wednesday afternoon.. super wala sa mood yung mga taong magpraktis. as in walang pinatutunguhan. tapos nung morning nga nung play talga.. 30 mins pa kami nag-usap kung icacancel, ipopostpone or itutuloy na lang. pero nung nag1st bell na for the first class, biglang sabi ni shayne, "ituloy na natin to." tapos nag-agree naman kami lahat! ü so yun, nagcram kami nung lunch sa shb 2nd floor backlanding! ahaha. as in:

"1st tableau!!"
"o, yung spacings! levels! dikit pa dikit pa.. and pose!"

"o, revee, ok na ba?"


revee: " dikit pa dikit pa.. ilabas mo mukha mo.. ayan.ayan.. ok na.."


"OK, NEXT TABLEAU!"

"ano theme?"
"pairs"

"game! 4,3, 2, 1"

"POSE!"


"THIRD TABLEAU!"

"ano gagawin?"
"nag-aayos for prom"
"game! 4,3, 2, 1"

"POSE!"

"OK! LAST TABLEAU!"

"nakamask naman"

"4, 3, 2, 1"

"POSE!"


"praktis na ng hirits. game."

"GAME."


hahahaha. grabe talga, super hypermegacramming yun! :p tas nung hapon na, akala ko.. walang magnonood samin dahil kasabay ng Harana.. pero yay! pagbaba namin ng stairs.. madami ng tao! madami ng nakaupo dun sa may backlob! hehe :)) as in nakaayos na sila tas naghihiyawan sila. bwahahaha. pero nahihiya parin ako nun kasi feeling ko ang crappy crappy ng ipplay namin kasi super onti ng hirits.. as in hindi lahat ng tao may hirit sa every stanza. tas yun nga, super super crammed!


pero yay! pagkatapos nung play namin, sabi ng mga tao.. naappreciate nila yung play! tas puro sila.. "hey congrats!.." yehey! kahit korni yung ibang hirit dun.. natawa parin sila! grabe, ang galing namin magcram ng play! though, hindi masyadong nadistribute yung mga hirits ng maayos, dahil hindi kami laging kumpleto nung nagpapraktis kami.. haaaay. pero anyways, madami pa namang gagawing plays (hindi lang padyak play) ang mga katoks.. so bawi na lang dun yung ibang hindi masyadong nabigyan ng magandang hirit! pero haaaay, yun na ang LAST padyak play ng mga '07 katoks. :C SAD. *tear*

abangan niyo lang ang INTIMATE THEATER sa March 2007!

-- SUBTEXT by Mr. Niel De Mesa
-- I LAUGH YOU! by Mr. Niel De Mesa
-- KIBIT-KABIT by Shayne C. Fajutagana (hoohoo!ü)


featuring '07 katoks! oye. ü

----

salamat din sa mga nanood ng HARANA at lalung-lalo na sa mga sumali! ü Congrats sa Mile 608 [3rd place] , Room 322+ [2nd place], at sa Subra subra [1st place]!!! nasa laptop ko yung powerpoint nung Harana.. ibig sabihin, meron akong copy ng lyrics nung mga winning compositions. yehey! üüü *sigh* ang galing galing galing nila benlog-andrew-muy-pito-nave-henson(composer ü)! *sigh*


----


prom na mamaya. sana masarap ang food. ü wala pakong mask. :C

Tuesday, February 06, 2007

extinction

pag extinct na, wala na tayong magagawa. nangyari na. kahit pa ba.. dahil yan sa human intervention.. wag na nating i-clone! dahil number one, ang ecosystem na dating ginagalawan ng organism (or whatever man) na ito ay nagevolve na rin.. nagbago na at nag-adapt na sa environment na wala ito. mahihirapan lang ang cloned organism (or whatever man) na magsurvive/ magthrive. walang magtuturo sa kanyang maging kung ano siya.

nag-aagree rin ako sa sinabi ni mam espiritu na dapat yung DNA nung extinct animals, dapat parin ipreserve.. kahit for research purposes na lang and baka malay natin baka magamit yung study about this extinct animal (or whatever man) para sa cases ng non-extinct close relatives niya. :P

tsaka tsaka.. another point, dapat din wag gawin ang cloning of extinct stuff para hindi mawala sa mga humans ang pagpapahalaga sa mga endangered animals (or whatever man)..


*sigh* sana you got the non-scientific message i want to relay.

Sunday, February 04, 2007

HARANA 2007

HARANA
Love is the reason of all.

February 15, 2007
ASTB-EXHIBIT HALL
4:10pm


kita-kits. ü for more details: click here

Saturday, February 03, 2007

No seed is too small.

nung last friday evening-jan26, dinekwats ko yung In His Steps journal-turned-planner ni nico. pumunta ako dun sa January 26 na page. nstruck ako sa reading and dun sa quote.

" I may be small in the eyes of men, but I can do great things with God beside me.."


wow. grabe. ang galing ng timing.. lately kasi.. di ko mafeel ang worth ko sa mga tao.. kahit sa sarili ko. super baba ng self-worth at self-confidence ko(iba ang self-confidence sa kapal ng mukha.. ü kung yun lang ang pinag-uusapan.. marami ako nun! haha.). as in. tsaka feeling ko wala nakong nagagawang tama. at.. i am so alone.

haaaaay.. self-pity na naman ito.pero basta. yun ang feeling ko. pero ang galing Niya. everytime na ganito ang feeling ko.. pinaparamdam Niya na nandiyan SIYA.. na hindi ako alone. tsaka yun nga, nung evening na yun.. na may HALAGA ako. even though hindi naappreciate ng mga tao yung mga ginagawa ko for them.. ok lang kasi naappreciate Niya. and lahat ng gagawin ko for Him.. kahit gaano kaliit, magbubunga yun ng malaki.. basta nga ililift up ko lang yun to Him. :p yehey. kaya ngayon.. di nako magbobother na malaman kung naappreciate ba ng mga tao yung mga things na ginagawa ko for them.. hay basta. :p nakakagalak.

"no one is too insignificant in the Lord's kingdom.." ü

question number one.

"sinong '07 ang PINAKAnagpasaya sa stay mo sa pisay??"



hanggang ngayon, pinag-iisipan ko pa rin to. :|

YMSAT week! [january 22- 26, 2007]

*tsanan*. ako ay magpopost. matuwa ka. :p

hindi pala ako nakagawa ngmatinong post tungkol sa YMSAT week. ay.. at bago niyo tuluyang basahin ang aking blog. punta muna kayo sa multiply ko!! :P may madaming photos dun ng YMSAT week. yehey!ü

haaay. ano ba nangyari nun? nung monday-jan22.. pumunta si mam karen sa pisay! :D haaapppy!! haaaaapppy!! ü hindi kami masyado nakapag-usap.. hanggang kumustahan na lang.. :c pero ok na yun! ü er.. ano pa ba? uh.. nagbantay kami(mps) nung plenary session. grabe, ang haba nung talk.. super restless na tuloy yung mga 1st yrs na binabantayan ko.. every 5 mins yata eh tintanong nila kung ilang minutes pa bago matapos.. tapos sabi pa nila, wala naman daw silang maintindihan.. anyhooanyhoo.. yun lang ang nangyaring matinon nung monday..

..nung tuesday naman, str judging. forever lang ata kami sa astb! lahat na ginawa ng mga tao. chikahan. naghoolahoop. nagi-wanna-be-a-tutubi. chikahan uli. picturan. blahblahblahblah… mga 3pm na nung inannounce ni sir tafaleng ang finalists.. congrats to them. :P nanood ako ng konti nung science congress tas umalis nako at nagkulong sa room.. nanood lang ako ng grey’sa anatomy season 2 (tnx hopee!) forever and forever~!!! ü

wednseday naman, nagpanic kami ni cheska dahil kulang ang worksheets namin for lifesci! ang expected kasi naming darating ay mga 20 people.. eh 7 lang yung meron kami. mahirap ireproduce ang worksheet namin dahil korteng kamay siya.. tas 8 pages each set! waaaah. so nagpaphotocopy pa kami and stuff.. pero 9 lang naman pala yung participants ng workshop namin so tinigilan na namin ang pagpapanic. haaaaay. (lesson : wag gagawa ng worksheet na korteng kamay!:D) ngarag na ngarag na talga ako nun dahil dunat dahil wala pa rin kaming physics magic trick! eh 1 pm that day yung judging! yayks! buti na lang pagtapos nung workshop.. pagpunta ko sa physics room, napagana na ni Kevin at krisha yung smoke rings! yehey.. rejoice!rejoice! \:D/ \:D/ \:D/ anyways.. sa gabi.. nanood lang uli ako ng grey’s anatomy.. zzzz..zzzz..

thursday—super super boring. wala akong magawa. chikahan lang wilth cheska.. blahblahblahblah.. math intersection.. ang galenggaleng ni kuya ed.. hoohoo! :p pero anyhoo.. ang loner ko nung math intersection kaya kinopya ko na lang yung cation solubility table from copy ni raix.. ayun, so naging productive ako.. bwahahaha! :p tapos nun, physics symposium.. ang cool!.. tapos nun.. hmmm, inexplain ko yung str proj namin sa mga magccritique samin dahil naiiyak na raw sila dahil hindi nila maintindihan an gaming proj huhu. (ayon sa text nila sakin..) pagkatapos nun, grey’s anatomy marathon uli sa gabi with cheska! yehey! ü

nung friday naman.. star scholar orientation sa dlsu.. masarap ang FOOOOOODDDDD!! waaaah. tas may nagsalita na mga tao tapos nagtour sa DLSU. tapos nagsched ng interview.. yay. pagbalik sa pisay, naghintay na lang ako na mag4pm.. STARGAZING ng 2010! =p yehey. ang saya-saya ng ASTROSOC. :p ang vavain! (pictures uli sa aking multiply ü).. masaya naman ang stargazing! makulit nga lang ang mga 2010, pero still.. fun parin!! yehey!! tsaka masayang makipag-usap uli sa mga taong matagal mo ng hindi nakakausap ng matino! ü tsaka.. masaya na ang pagtulog ngayon kasi may jacket nakong dala.. unlike nung stargazing last year!.. tsaka nga pala.. yung 2nd movie ay HERCULES! wahoottttts! ü fun.. pero natulugan ko siya. :c wah. pero ok lang.. basta. masaya ang stargazing! thanks Lord sa super clear sky nung madaling araw!..


end of ymsat week :P

----

“i am so alone.. again” –ack. walang pumapatol sa line ko nayan. :C

Sunday, January 21, 2007

mrs.fields brownies


gib me gib me gib me someeeeeeeee!!! :p

wow.

nakita ko habang papunta dito sa office ni papa kung nasan ang ang building ng office ni mam karen. lagi ko pala nadadaanan yun. :p

ben, turuan mo ko magbura ng tag sa tagboard ng ibang tao. *evil laugh*

Friday, January 19, 2007

more kwentos..

ay. lumabas na rin nga pala ang admu result. woots. di ako merit scholar at hindi pako nagrantan ng kahit anong scholarship (financial assistance).. yay! so very low possibility lang talga na magAdmu ako.. dahil nga.. wala akong scholarship dun..

anyhoo.. anyhoo.. masaya magkwento about life ngayon. YMSAT week na next week! naeexcite ako. bwahaha. ay.. bago ko makalimutan.. announcement:

mula kay dani (na galing kay KJ daw)

pakikalat sa lahat ng MP.. tayo magbabantay sa opening cermonies sa YMSAT sa monday.. type c uniform, kitakits 7.15 sa grandstand..

yehey. ayan.. magagamit na natin ang legs nating pinatibay ng pagpPT. yehey. yehey. anyways.. haay. ang daming reasons kung bakit ako nasasayahan sa buhay. nakakatuwa dahil natapos namin ang str poster ng hindi GANUN kastressed, tapos, hindi ako bagsak sa econ (* rejoice rejoice*).. tapos, masaya maglaro ng badminton... tapos (grabe.. puro nako "tapos").. nakapag-usap kami ni ate jing and naenlighten naman ako ng onti..

..kaso ewan ko ba, feel ko lang siguro magdrama or something pero ang bigat talga ng feeling ko. frustrated ako. super. pero doy..


"They that hope in the Lord will renew their strength, they will soar as
with eagle's wings; They will run and not grow weary, walk and not grow
faint.." - Isaiah 40:31


naalala ko lang..realization ko lang pala nung retreat na.. "ok lang na wala akong safety net ngayon.. na tao.. andito naman Siya lagi.." pero, yay. laging may mga whatever stuff lang na pumapasok sa utak ko habang naglelecture sa math or kumakain.. tas nafufrustrate ako. feeling ko kasi i can do better sa mga bagay-bagay eh. kung baga, may ibubuga pa ko. may ibabait pako.. may isisipag pako.. may ibabanal pako.

*shut-upping*

narealize ko lang. ang rant-y nung last paragraph ko.. kaya jujump nako sa next topic. itutuloy ko na ang aking kwentos bout the incoming YMSAT week. weeeeee. daming new faces na maeencounter. yay. anu-ano ba ang dapat i-look forward? ---

1. lifesci workshop
2. str chuva
3. pagbabantay ng mga plenary sessions (MPs!)
4. ushering
5. magic magic sa physics
6. 2010 stargazing

--- yehey. ayan. pramis, gagawa ako ng matinong entry about this week. i pray na maging very fruitful siya and sana marami kaming matutunan sa last YMSAT week of my life! at sana mag-enjoy ang lahat ng mga otherschool-ers na pupunta!.. sana rin bumisita si mam karen.. at magkita kami..! yehey..

endendend!


pahabol. HAPPY BIRTHDAY ROBY (jan15)! HAPPY BIRTHDAY CY (jan16)! HAPPY BIRTHDAY ATE JAN (jan 16)! HAPPY BIRTHDAY SIR VLAD (jan 21)!

Sunday, January 14, 2007

YMSAT na next week. let’s panic!

weh.

ayoko nga. hehe. ang saya, kahapon.. buong araw lang akong nanood ng Scrubs. may dvd kami ng season 1-5 ng Scrubs! yehey! aliw siyang series kahit na hindi siya ganun ka medicalicious gaya ng House. comedy siya kaya hindi masyadong mabigat sa loob habang pinapanood siya..however, mas madrama pa rin ang Grey’s Anatomy. yay. sakin lang ha.. ang GA talaga ang may perfect balance ng drama (as in life drama.. love issues.. chuva) & pagkamedical.

anyhoo, itutuloy ko na ang aking kwento.. kahapon din.. Princess Hours naman ang pinagkaatubalihan ni yayam habang Heroes naman ang kay mama. haha. kanya-kanya kaming sulok dito sa bahay. ü grabe talaga, nakakaadik pala manood ng series. kaya nga, kelangan ko na ilayo ang mga dvd na ito sakin before pako tamarin gumawa ng part ko sa champs reviewer ng les miserbles, gumawa ng physics proj proposal (nalimutan ko na kung sino groupmates ko other than kamae! yay! ), at ayusin ang str stuff namin. ehehe. *pumunta ng sala at siniksik sa gilid ng TV ang dvd ng Scrubs*

ayan. malayo na sakin ang dvd ng Scrubs. ü pede nako gumawa ng Les Miserables chuva peacefully pagkatapos nitong post na to.. yehey.

anyways, narealize ko lang na ang dami na pala nangyari mula nung latest post ko. ahehe. andyan ang napakanakakabless na retreat nung jan5-6. weeeeee. ang tagal na nun, baka may makalimutan na akong details.. pero try ko parin ikwento. ü (maraming pix at sir mike’s multiply!)

****

jan 5---pagkatapos namin kumain ng caf nina krisha at jami, pumunta na kami sa front lob.. tapos nagboard na kami ng bus. tas yun.. byahebyahebyahe. cr stopover sa shell-slex, then lunch stopover sa Carlos’ pizza.. ang ganda ng view dun, grabe! ü pagkatpos magpicturepicture.. kainkain naman. tapos nun, byahe na to Angel’s Hills!! ü

pagdating sa Angel’s Hills, orientation muna.. then pumunta na kami ng kwarto. picturepicture forever kami nina cheska, ivy, at karizz!!.. tas nung nagwangwang na.. pumunta na kami ng conference hall.. talkstalks.. tapos, mass.. tapos dinner!! tapos PALANCA night na! ü masaya ang palanca ni sir mardan.. tapos.. nakaktouch naman yung sinabi ni sir de ocamps sa batch.. *sigh* nakakatuwa.. nakakabless.. nakakagalak.. super bumaha ng luha, pero grabe.. masaya parin! i got my *hug* na from --secret--! yehey! pero actually.. partial hug lang yun.. akbay lang pala, pero ok na! ü weeeee…

pagbalik sa room, nagbasa na kami ng palancas.. nadepress ako ng onti sa mga palancang natanggap ko pero tinulog ko na lang siya.. ay. bago pala ako matulog, hinanap ko muna yung palanca sakin ni krishakerr.. akala ko nalaglag or something.. yun pala nasa envelope niya yung palanca niya sakin. haha. ang nakalagay kasi sa harap nung palanca niya ay KRISHA *heart* CECILE. inassume siguro nung nagsort na para kay krisha yun. anyhooooo, pagkatapos ko malaman na nakay krisha lang naman pala yung palanca ko galing sa kanya.. natulog nako.

jan 6---nagising ako ng mga 5am. super nilalamig ako! tas super nakasiksik ako sa wall.. pinahiga kasi nila cheska si pooh sa gitna.. yan tuloy, 1 cm lang ang gap naming dalwa ni ches. haha. tas yung kumot hindi ko maabot kasi baka magising ko si cheska sa konting galaw ko.. so nagdecide ako na bumangon na at maligo na.. 6am naman ang usapan ng choir na magkita-kita for the mass eh. naligo nako and all tapos tinanong si ivy kung magmimisa ba sila ni karizz.. sabi niya hindi raw.. so ayun, mag-isa akong pumunta sa chapel habang tinetext si krisha kung magmimisa ba siya (tapos na ang misa nung nagreply siya. haha ü). pagdating ko sa chapel, andun na sina rob & co.. bago kami pumasok sa chapel, nanuktok muna kami ni greggy ng mga cottages para magtawag ng mga taong magmimisa.. anyhoo.. (ang gulo na ng kwento ko).. edi nagmisa na.. (as always, palapaking bata na naman ako sa pagtugtog) pagtapos nun, dumaan ako sa room namin para manggising.. tapos.. kumain na kami..

pagkatapos ng breakfast, OBSTACLE COURSE na! (go team J!) ü masayang nakakaewan! ü hehe. kumain ako ng POWDERED COFFEE! ang pait. sobra. pero, basta.. masaya siya. super natatawa parin ako pag iniimagine ko si cris na gumagapang with all his might sa tarp na may mantika.. pero hindi naman siya gumagalaw. grabe talga. ü ang saya.. ang saya.. pagkatpos nugn obstacle course.. bumalik lahat ng groups sa conference room tas nagcheering. ü as usual, masaya parin. 07 eh. harhar.

pagkatapos nun, naglunch na kami.. tas pagkatapos ng lunch.. ay.. nagtalk (synthesis nung obstacle course).. tapos nun, nagbreak into groups na kami. ang saya nung activity ü hehe. wawa si irish and Jackie dun sa A. nakakaloka naman yung activities sa B. hehe ü nalaglag pa nga yung phone ko sa super tuwa na natapos namin yung random counting form 1-26. anyhoo, pagkatapos nun, pumunta na groups namin sa chapel. ü ang haba ng pila for confession! so ayun, tumayo-tayo lang ako sa labas ng chapel.. tas.. ayun, nacorner ako ni mam anda. nag-usap kami. blahblahblhalbhalbhalblahblah. iyakiyakiyakiyak. tas i felt super better after ng pag-uusap namin. tas. nag-usap naman kami ni mam aimee. blahblahblhalbhalbhalblahblah. tas i felt super BAD after ng pag-uusap namin.

ang galeng no? haha.

anyhoo.. tas nagdinner nako, with ches & co. super pinipigilan ko ang luha ko nung dinner.. naghahanap ako ng taong mapapagbuhusan nun.. di ko malapitan si krisha kasi kumakain pa siya, so bumalik nako sa room namin. tas lumabas uli ako after a while para puntahan si krisha sa room nila, pero pagdaan ko nasa banyo siya.. so tinext ko na lang si nico. pero no reply. so nagpakasenti na lang ako at nagmuni-muni sa chapel.. tas naglakad-lakad mag-isa. tapos nun.. nakasalubong ko si nico (na SUPER saya).. tas nag-usap kami. (di ko na masyadong ikukwento ng detailed. : ). tas yun, after nun.. medyo ok na ko. at lalo pang naging ma ok nung nagsimula ang praisefest!.. super say ako na makausap Siya uli. matagal-tagal na rin nung last kami nag-usap ng masinsinan. haaay. super ang saya ng feeling ko pagkatapos ng praisefest! dumagdag pa yung napakatouching na oral palanca ni sir mike pati yung thought na ang saya isipin na winorship namin Siya as a batch..WOOOHOO! ü

jan 7--- breakfast. tapos.. mass. tapos.. SHARED PRAYER. super sayang isipin na we prayed as a batch.. tapos.. nakakatouch yung mga sinabi ng mga tao. pagtapos nun.. SUPER SARAP NA LUNCH! tapos.. nagpack nakami ng gamit.. dumating sina mama & papa tas niload ko na sa kotse yung gamit ko tapos sinamahan ko si ches na ilagay yung gamit niya sa bus. pinanood muna namin ang brotherhood na mag ‘YES LORD’ (video on sir mike’s multiply).. tapos nung BATCH PIC!!!.. tapos nun.. uwi na! ü


****

yehey. ayan. tapos na ang retreat post. ü *sigh* basta I learned na hindi talga Niya ako iiwan. though there was someone na sumalo sakin nun, i know na hindi siya ALWAYS there. pero SIYA.. HE IS ALWAYS THERE. siguro.. sugo siya Niya. gets? haha. ü

****
nung monday.PT! alpha + MPs! ü hehe. habang nagjojog around the oval, kumakanta kami ng Trading My Sorrows (YES LORD!) pati “i’ve got peace like a river… i’ve got peace like a river..” ü ayun.. nasugatan ako sa pagsquatthrust sa aspalto.. pero ok lang.. ü masarap naman ang pinadeilver namin ni krisha na 1 pc chicken meal from mcdo. hahahaha.

****
ayan krisha. nag-update nako. mag-update ka na rin!!! *mwah*