Wednesday, May 02, 2007

April 24-27 Vacation Ü Part I

*April 24*

Nung April 23, may shooting ng Pisay the movie! Tas 10:30 pm na ako nakaalis sa Pisay (kasi nun lang natapos yung chem lab scene). Dapat nga meron pang ibang scenes na ishushoot eh, pero kumaripas na kami ni Nico at Honey Jane. So yun, hinatid ko si Honey Jane sa sakayan sa tapat ng SM North tas si Nico sa bahay niya tas diretso nakong Makati. Akala ko naman uwi na kami kagad! Naguiguilty pa nga ako nun kina mama at papa kasi ang late ko ng bumalik ng Makati. Pero apparently, wala pang balak umuwi si Mama. Bale dumating ako sa Makati ng mga 11pm tas pagtawag ko kay mama, sabi niya, mga 1 hour pa raw. Ayun. Past 12am na kami nakaalis ng Makati tas mga 1am na kami nakarating sa bahay.

Eh whatda? First flight kami to CDO! So 2:30am dapat umalis na kami. -____- So naligo na ako kagad tas mga after 10 mins, off to the airport na kami nina Antie Lit, Yayam, and Papa. Si Papa, PAL tas kaming tatlo, Cebu Pacific. May miles kasi si papa eh so dun na siya para libre. Pagkahatid namin kay papa sa mas bagong airport hinatid na kami dun sa luma.

Ang weird. May dala kaming tatlong walang laman na styrofoam box (yun ba tawag dun?). Kay Antie Ging-ging yun eh, yun yung nilalagyan niya nung mga isda tsaka shells na pinapasalubong niya lagi samin pag pumupunta siya sa Manila. Anyhoo, ang bangag bangag talga namin. Tas gutom pa kami. Kata attack kami kagad dun sa bilihan ng food sa loob. Hahaha.

Sinundo kami ni Uncle Hil sa CDO airport. Tas hinintay pa namin na dumating si Papa, bago kami pumunta sa XE. Sinalubong kami ni Antie Bong tas ni KC! Nanonood pa nga si KC ng Finding Nemo nun eh. Hehe. Aliw. Tas pag-akyat namin sa taas, andun si Gerard! Hinug niya ko.=) Tas pagkatapos ng konting chickahan, pumunta na kami sa city kasi magpapamedical ako (c/o Philamcare) tas si Papa may aasikasuhin sa Register of Deeds. Hanggang lunch time kami dun sa city. Super antok talaga ako nun. Text nga ako ng text kay Krisha na gusto ko na matulog eh. Suri naman Krisha kung binulabog kita nun ha. =)Salamat sa mga info. Anyhoo Anyhoo. Bumalik kami sa XE para maglunch tas nakatulog ako sa sofa sa sala tas paggising ko andyan na yung iba ko pang mga pinsan(tina, beth, tonax, jeff!). Tas pagkatapos nun balik uli kami sa city para kunin yung results. -___- Tas pagtapos nun, dinaanan namin sina Antie Lea, AL, at Rom2 sa Terry Hills tas bumalik na kami sa XE. Pagdating sa XE, nakipaglaro muna ako sa mga pinsan ko tas natulog ako sa sofa sa sala. Tas lalala, dinner, laru-laro, tas nakatulog na naman ako sa sofa. Paggising ko, pinalipat na ako ni Antie Lit sa kwarto sa taas, tas tinuloy ko na yung tulog ko. =) Yehey.

*April 25*

Mga 6:00am, ginising na kami ni Yayam ni Antie Lit. So naligo na kami and nagbihis. Tas mga 7am, dumating na sina Mama plus yung mga kachapter niya sa BCBP. Tas after ng isang speed breakfast, sakay na kami sa mga kotse tas pumunta na kami ng Balingoan. (Naiwan si Yayam sa CDO kasi magpapaopera siya that day ng in-grown niya eh) Bale mga one and a half hours na land trip din yun. Tas ginamit namin (Antie lit, mama, papa, ako) yung sasakyan ni Uncle Boy tas si Mama yung nagdrive habang yung mga kasama niya sa BCBP, nasa 2 seperate vans + isang Strada.Hanggang 60kph lang talaga yung speed na inabot namin. -__- As in, hindi talaga lumampas sa 60kph. Huli tuloy kami dumating dun sa port. Pero anyhoo, dahil kotse nga ni Uncle Boy a.k.a Dr. Chan ang aming gamit at may kakilala naman kami dun sa port, mabilis naman naprocess yung mga papers tas sinakay na sa lantsa yung apat na kotse tas umakyat na rin kami dun sa lantsa.

During the whole trip, nakatayo lang kami dun sa may side ng lantsa nina Papa plus ilan niyang kasamahang mga lalaki, habang karamihan ay nagsitulog sa loob ng lantsa. Ang sarap sarap ng hangin tas ka-text ko lang si Krisha forever. Tas nung nasa kalagitnaan na ng trip, sabi ni Tita Vi, "Dolphins ba yun?" Tas pagtingin namin sa malayo, may dolphins nga! Super dami! Hindi masyadong pansin nung una kasi aakalain mo na mga alon lang yun pero hindi, dolphins sila.. Nagjumpjump pa nga sila eh. Pero medyo malayo sila kaya hindi sila makunan ng camera namin. Pero ang damiramirami nila! =) Ang FUN! Pero mas fun nung punta ko ng Camiguin last year. As in, ang lapit-lapit nila. Meron pa ngang isa na lumusot sa ilalim nung lantsa eh. =)

Pagdating namin sa Benoni (Port sa Camiguin), edi sakay uli kami dun sa mga kotse, tas punta kaming Katibawasan Falls. Nagloner swimming ako dun. Ayaw nila magsipagswimming eh. Tas dun na kami nag lunch tas after nun diretso na kami sa Paras Beach Resort. *Ay ay ay. Nalimutan ko sabihin na sabit lang ako sa Camiguin trip na yun. Ang purpose lang naman talga ng Camiguin trip na iyon ay ma-tour ni Mama yung mga kachapter niya sa BCBP sa Camiguin eh. So wala lang, sumama lang talaga ako dun. *Pagdating sa resort, inayos na ni mama yung booking ng mga kasama namin. Tambay lang kami sandali ni Antie Lit dun sa Paras tas nung naayos na ni mama yung mga room room, umalis na kami at pumunta na sa bahay ni Lola Goga sa Tagdo. Natulog ako saglit sa sala tas pagkasing ko, minamadali nako ni Mama. Punta na raw kami ng Ardent. -.- Ligo ligo. Kain sa bahay ni lola. Tas tulog sa bahay ni lola nung umalis na silang lahat to Paras! Oye!

*April 25*

Nagising ako dahil nagffreakout na si mama tas sinasabi niya," Gising na, gising na, 7am na!" (Eh, 7am yung usapan na alis sa Paras Beach Resort to White Island =\) Pagtingin ko sa bintana, wah, ang liwanag na. So nagdali-dali naman akong naghanda.. Tas pagbaba, tinignan ko yung phone ko tas 5:30 am palang. Ngi.

Nung ready na kami, punta na kami nina Antie Lit at Mama (Si Papa, sa Paras natulog) sa Paras tas ready na rin yung iba. Tas sumakay na kami ng pump boat to White Island. Mas maganda dati yung White Island nung ala pang mga structure structure na mga tent, pero ok pa rin siya. =) Weeee. Ang fun fun awayin nung waves. Hahaha =)) Ayun. Hanggang 11:30am kami dun. Dahil dun, nogienog na ako. Oo alam ko dati pakog maitim. Pero mas maitim na ako ngayon. -___- Fun.

Pagtapos ng White Island, punta (uli sila -- nagpunta na yung iba nung 24) kami sa old volcano, sunken cemetery, and church ruins para makapunta yung mga bagong dating. Tas pagtapos nun, lunch kina Ninang Au. Tas pagtapos nun, sinundo namin si Tita Grace & Tita Joji sa Benoni tas nagpunta kami ng lagoon. Tas didiretso na sana kaming Sto. Niño cold spring kaso ayaw na nila. Pagod na raw sila eh. Hmf =\ Anyways, bumalik na kami sa resort tas lalala nagpakabulok sa resort. =|

Mga 7pm, pumuta kami sa place uli ni Ninang Au sa Tupsan tas nagdinner doon. Sayang, kung may kasama lang ako, nagswim din ako sa pool nila na ang tubig ay direct from Macau Cold Spring -___- Wah. Eh ayoko namang magpakaloner dun, kaya wag na lang. Anyhoo. Pagtapos ng dinner- aliw yung plates namin, gawa sa trunk ng banana tree-, umuwi na kami sa bahay ni Lola tas yung iba sa Paras.

(Next three days sa next post!)



See pictures: Day 1, Day 2, Day 3

No comments: