Batung-bato na ako dito sa bahay. Loner-loneran ako dito eh. Sana pala talaga nagplead na lang ako na maiwan sa CDO. Hmffffff. Super bestfriends ko na tuloy ang aking kama pati si pillow, comforter, remote control, mighty laptop, at ang ever cooperative broadband. Forever lang akong andito sa kwarto, lumalabas lang ako pag maliligo, kakain, at pag pupunta sa CR. =\ Ay, pati pag maingay si Angel (baby sis kong ibon Ü), lalabas din ako ng bahay para pagalitan siya.
Grabe..
-- Naubos ko na lahat ng DVDs dito sa bahay. (Yes, naman) Tapos ko na ang Princess Hours, House (seasons1-3 -- 6 lang ep sa season 3 namin, huwaaaay? *pout* ), Grey's Anatomy, Scrubs(seasons 1-5), Heroes..
--Tapos, natapos ko na yung bloons at morebloons sa addictinggames.com. Pati rin pala ang thebouncyball. Pst, Nico. Salamat sobra sa pagrefer sakin ng mga games na ito. Nyahaha. =P
--Tapos ko na ayusin yung multiply ni Krisha. Ü Visit! Visit! Click here!Ehehe. Ang cute.=P Hehe. Yabang. Di naman ako yung gumawa nung layout. Dinekwats ko lang yung code sa customizedthemes.multiply.com. Pero SUPER inedit ko siya. Nilagyan ko ng border pati nilkihan ko pa ng onti yung font size. Tas inedit ko yung footer.Ang sabi lang naman nung author bawal i-edit yung both header at footer eh. Either yung header or yung footer lang daw ang pedeng i-eedit. So go go go naman ako sa pag-edit ng footer. Ginamit ko yung brushes na gawa ni Ate Mary. Tas inedit ko rin yung sa sidebars. Originally yellowish siya na may pink. Pero ayaw ko nun. Basta, tingnan niyo na nga lang yung difference >> Tatty Teddy Layout. Cute yung header tsaka bgound, kaya pinili ko siya. Tsaka pink siya ~ eh ang intstuctions ni Krisha ay dapat pink na malandi. So yun na yung kinuha ko. =P Cinredit ko naman siya eh. Thanks, Tanya. =) [/edit] Uh, kung nagtataka kayo kung ano yung connection ng butterfly sa Teddy bears, err.. andun sila kasi may flower na hawak yung isang bear.. Nyahaha. =P Lusot! Ü
--Napakinggan ko na lahat ng kanta ni Blake sa multiply ni Nico *sa utos niya*. At na-download ko na sila lahat. Maganda yung "Somwhere only we know". Well, ang gusto ko talga e yung melody nung kanta, ay pati yung lyrisc. ÜÜÜ Narinig ko na yun dati sa Grey's Anatomy eh. Pero matino rin naman yung pagkakanta ni Blake.
--Masaya pala mangsuyod ng archives ng sariling blog/multiply!Ü Pramis. Try niyo rin. Nagdiscover ko na nagchange ako little by little. Hindi lang dun sa way ng pagbablog ha. Pati na rin yung contents at yung paraan kung pano ko inaanalyze ang mga nangyayari sa ating buhay. Ang weird basahin ng mga entries ko na punong-puno ng drama. Ang saya tawanan. Sigh. Tas nalungkot ako sa pagbasa ng mga entries ko na about sa mga weeks ko sa Pisay. Grabe. Nagsisink-in na! OMG. As in. Nakakalungkot. =( Hindi na babalik yung mga times na yun. (I'll stop here na, or else, magdadrama na ako ng super mahabang-mahaba. Maiirita lang kayo..)
--Masaya rin manghalungkat ng archives ng blog/multiply ng ibang tao! Ü Pisay blogs/multiply lang ang hinalungkat ko malamang, dahil nga nagdadrama ako at nagpapakasenti na nagereminisce ng mga bagay-bagay. Ahihi. Walalang. Ü Masaya lang din makita kung pano nag-transform ang mga tao ng paunti-unti. Makikita mo talaga kung pano na-carve ng Pisay ang mga tao into stronger persons.
--Natapos ko na yung National Geographic Fight Science episode sa YouTube! Nakuha ko yung link from Sir Martin's blog. Well, aliw siya. Pang-nerdo. Nyahaha. Juk! Panoorin niyo na lang! Eto yung link sa first part. Bale, 10 parts lahat-lahat yan ha. Enjoy!Ü
--Ok na college stuff ko. Ayos na lahat ng kailangan gawin for DOST and UP. Hinihintay ko na lang na mag-May 11 ~para magpaadvance reg sa UPD at magpaorient at mag-May 24~ para asikasuhin ang ATM card ko for DOST. Ay. Joke lang. Kelangan ko pa palang mataimtim na manalangin na matanggap ako sa Kalayaan Hall or else sa MyPlace samay Katips ako titira. -__- Nagpareserve na kasi ako dun eh. Sayang kasi yung bakanteng slot, eh maganda pa naman yung place. Ayoko lang magsisi. Pero anyhoo, ayoko maging financial burden sa aking pamilya, kaya sana sa Kalai na lang ako. Mas practical. *Sigh*
...Alam ko na! =P Meron akong nag-iisang folder dito sa laptop tas dun ko tinatambak lahat ng files ko. Tas yung laman niya, files ko from 1st yr to 4th year. Tas 1.81 GB na yung size niya. Ayusin ko kaya? =P Super kalat na niya eh. Dati organized pa yun. Hay. Nagkandalokaloka kasi ako since nawala ang aking flash drive eh. Tas di ko na alam kung pano i-sort ang mga files- yung may sense at yung wala. Ewan ko kung ano connection nun. Anyways, ang nangyari. Yung ibang pictures at music files, nabaon na sa mga folder within a folder within a folder within a folder within a folder.. -____- Wee. Ayan. May gagawin nako bukas! =P
Ay. At speaking of flash drive. Kelangan kong bilhan ang sarili ko ng flashh drive. Di pa alam ng mga tao dito sa bahay na wala nakong flash drive eh. Oh nose, ang lapit na ng pasukan, so kelangan ko na talga ng flash drive. Gah. Kelan kaya ako makakaluwas uli? =\
***
Nanood ako Spidey 3 kahapon with Papa & Atty. Imbang. Ang drama niya, OVER. Tas nakakaiyak yung dulo. Hehe. Tas ang Übercute ng smile ni Harry. Pramiiiis. Tas,Astig ang effects. Idol. Pero natatawa ako pag nag-iiba ng hair style si Peter Parker pag nagdadrama siya. Gayahin ko kaya? Mag-iiba rin ako ng hair-stlye pag magpapaka-emo ako =)) How fuun. ÜÜÜ
No comments:
Post a Comment