Monday, March 26, 2007

Kontin na lang

Kanina, baccalaureate mass at toast to excellence. Siomai, ang panget ng tugtog ko. As in. Nakakahiya talaga. Grrr. Super tinatawanan pako nina yayam at papa. Gah. Super tensyonado talaga ako kanina, lalo na nung responsorial psalm. Augh. Ang patalo ko talaga. Haay. Nasira siguro yung solemnity ng mass dahil sa akin. Ang sad talaga. Anyhoo, dumako tayo sa toast to excellence.

" '07, ang gaan niyong dalhin." - Atty. Perez


With matching magandang delivery pa yun ha. Ahehe. Nakakgaan ng loob at ang funny. Tunog tagline ng commercial sa TV eh. Ay, tsaka napakasaya nung pagaccompany ni Cy sa PSHS hymn. I heart Cy. Ang galing niya mag-arrange ha. Ang ganda at aliw ng arrangement niya ng pisay hymn.


Pagkatapos ng Toast to excellence, kumain na kami ni yayam dun sa may pool side tapos sila mama & co. , kumain sa labas tas dumiretso na rin sina mama at papa sa office. Pagkatapos naming kumain ni yayam, nag-ayos ako ng clearance. Dinrag ko anywhere si yayam at super napagod siya. Hehe. Akyat -baba ako sa Math unit tas sa STR unit eh. Anyways, pagkatapos ko makakuha ng toga, magpaclear sa lifesci, at sa guidance, bumalik na kami ni yayam sa gym. Nagpraktis muli ng gradsong. Ang saya ng bagong melody ng grad song tas nakakaindak kantahin yung bridge. Hehe. Ang fun talaga. ü

Sigh. Kinakabahan nako para bukas. Kasi number one, baka maghyperventilate si mama. Nako, syempre gusto niya kumuha ng maraming solo pictures ko. Gahd, eh hindi naman ako comfortable sa mga ganun. Buti kung may kasama ako. Pero pinrepepare ko na ang sarili ko. Tinatrain ko na ang bibig ko na huwag magsalita or magreklamo or whatever tas tinrain ko na rin ang face ko na magsustain ng blank face para wala ng masabi sakin si mama (gaya na lang ng.. "ingrato", "anak ka lang, ano pinagmamalaki mo diyan", "para kang walang pinag-aralan", "ano bang utang namin sa iyo ha", or other hurting words ). Tapos super susunod lang talaga ako. Basta. Gusto ko kasi mag-enjoy sa graduation. Gusto ko comfortable, fun, and maging memorable siya. Ayun. Tas second, kinakabahan ako kasi baka madapa ako sa paglakad sa gitna sa march pagpasok. Nako. Ang laking gulo nun. Naiimagine ko na eh. Madadapa ako tapos tatawa na nang tatawa si Cheska. Tapos, tatawa na rin ako nang tatawa. Gash. Ayoko yun mangyari. Super nakakahiya. Third, Maglulupanghinirang na naman ako bukas. Kahit memorize ko na yun by heart and by hand (gumagalaw lang siya, hindi nako nag-iisip), kapag talaga kabado ako, may tendency magdikitdikit yung fingers ko tapos hindi na ako makatugtog ng maayos. Grabe. Tapos, lastly, kinakabahan ako kasi baka magbreakdown ako or something sa dulo or pagnaging cheesy na ang lahat. Pero pinopromise ko sa sarili ko na hindi ako iiyak no. Ang cheesy naman non. Eew. So not me. Manhid ako eh. Joke.

Tas bukas naman ng gabi, gradball. Blue ang color ng gown ko. Pano yun magiging vintage? Anyways, sana maging masaya at memorable. Sana hindi maging over-emo. At sana rin hindi lang puro picturan forever. Hindi ko ipapapuyod ang hair ko. Para masaya. Hehe. ü


***


Ang saya. Magagraduate na ako pero hindi pa rin ako cleared. Grr. Bukas pa ako magpapabind. Balak ko pagkatapos ng grad tas lunch, daan ng UP tas magpapabind eh. Para sa wednesday pede na ko maclear sa STR. Yehes. Sana maclear ako kaagad. Para bawas problema tas free na to lakwatsa.

***

Feeling ko hindi ako matutuloy sa HK. Gusto ko sumama sa shoots ng PISAY (movie) eh. Marami pa naman siguro akong pagkakataon in the future na makapunta dun pero eto (movie), ngayon lang ito eh. Tsaka, work naman ni mama yun eh. Baka mabulok lang ako sa hotel dun. Dito na lang ako no. Tsaka, bawas gastos na rin. Alam ko namang dapat practical lagi dapat sa life eh. Kaya wag na lang. Sigh. Hindi na ako umaasang bigyan nila ako ng any grad gift at hindi rin ako hihingi ng any no. As in object ha. Daming gagastusin for this summer eh. Pero kung macoconsider na grad gift ang pagpapayag na lumakwa ako with champaca or whoever (eg. Cheska, Krisha) patungong EK or wherever tas i-oovernight sila sa bahay. Nako. Hihingin ko talaga yun. Pero ngayon, pag-iisipan ko pa muna kung paano ko ito sasabihin kay mama at papa. Haha. ASA talaga ako.

***

Gash. Sana talaga hindi magdrama bukas si mama. Ang super mapilit and kulit niya kasi talaga lagi pag may mga event na ganito eh. Kinakabahan na talaga ako. Kung pede nga lang, hindi nako mag-attend. Pramis. Sigh. Pero yun nga, gumawa na ako ng plan kung paano ako magrereact once nagstart na siya sa kanyang annoying mode. Blank face. Mouth shut forever. Brain must follow her insturctions. Whew. Kaya mo yan, Cecile. Go. Go. Go.


***

Hindi ko pa pala namemention dito sa blog ko. LAHAT kami gagraduate. Lahat kaming 219 na Batch 2007. Happiness. \:D/ Happiness. \:D/ Happiness. \:D/ . Congrats, batchmates!

No comments: