Sunday, April 01, 2007

Muni-muni (Meow)

Nakakasenti naman. Wala akong makausap. So as usual, kakausapin ko na lang sarili ko. At as usal, ang gulo-gulo na naman ng utak ko. Parang ang dami kasing bagay na dapat bigyan ng pansin.


Clearance -- Scrapbook for STR na lang tas pirma ng Tatlong Maria (Igi, padekwats ng nikckname for them) tas ok na. Makukuha ko na ang crappier card ko. Alam kong crappier siya dahil malamang 1.4-something lang yun. Nakakafrustrate lang kasi ang tino ng grades ko nung 1st yr-2nd yr. Tapos naging crappy ng 3rd yr, tapos naging crappier nung 4th year. Pero wala na akong magagawa sa grades ko ngayon kaya ieend ko na tong paragraph na ito.

*MEGA-THANK YOU nga pala kay Jerico at Jojeeh na nagpabuhay muli ng clearance paper ko nung Friday na lecheng naiwan ko sa front lob nung Thursday. Buti na lang talaga kinuha niyo yun or else, gumaya na siya sa mga taksil kong mga wallet. Thank you thank you talaga. Hindi niyo lang alam kung paano niyo napasaya ang araw ko. *

***
College stuff -- UP or Ateneo? Gusto ni papa, ateneo. Si mama naman, uh, magulo siya. Wala siyang sinasabing gusto niya. Gusto niya yata pumasok ako sa parehas. Haha. Anyways, mas preffered ko naman ang MBB over Health Science. Feeling ko lang kasi mas masayang pag-aralan yun. Pero ang tanong, pag inaaral ko na kaya yun, gugustuhin ko pa kaya siya? What if after a sem, ayoko na? Sayang yung panahon. Sayang yung pera. Sayang yung slot. Marami akong kilalang gustong magMBB pero hindi nakapasa. Sa kanila na lang sana yung MBB slot ko. Pero joke. GUSTO ko magMBB. Yata.


Rar. Whatever. Basta. Nagconfirm na ako sa UP kahapon ng umaga. Bahala na. Bahala na talaga. Bahala na kung may masayang mang panahon. Doon naman sa 'masasayang' na mga panahong yun, sure akong may matutunan akong lesson in life. Maggrow pa rin naman ako as an individual. Hindi naman maglelessen ang love ng family ko sa akin at lalo na ang love ni God para sa akin. So ano bang ikinakatakot ko diba? Diba?
God, help me. :-s
***
San ako titira sa college? Mag-uuwian na lang ba ako? Well, mas efficient kung magdodorm ako. Pero ayaw ko madorm sa UP. As in doon sa loob. Kaya maghuhunting pa ako ng bahay soon. Magpagawa na lang kaya ako ng bahay sa gitna ng Katipunan? Haha. Gah. Sana talaga may makaimbento na ng teleport device para di na kailangan ng dormdorm. Kaso balita ko wala pang nagreresearch tungkol sa teleportation ngayon eh so ASA ako no. Sana makahanap ako ng bahay. Sana payagan akong makishare ng bahay with Krisha. Oh well. Wala naman akong magiging say sa lodging ko para sa college eh. Sina mama lang din naman ang maghahanap ng bahay for me. Pero sana matino. Sana malapit lang sa UP. At sana matino.
***
Ang haba nung tinext ko sayo. Hindi ka naman nagreply. Hmf. Kinulit-kulit mo pa akong sabihin sa iyo. Wala lang naman pala sayo. Hindi ko alam kung wala ka lang load o wala ka lang talagang care. Sabi na nga ba eh. Dapat talaga hindi ko na yun tinext. Naexpose pa tuloy ako. Kilala mo kung sino ka, pag binasa mo to, matamaan ka sana. Haha. =)
***
Ano kayang mangyayari sa college? Yung mga atenista ba- Cheska, Rob & co., mamamansin pa kaya? Eh yung mga taga La Salle - Anne, etc.? Tas yung mga taga UP-Manila- Kimr, Raix, Henson, etc. bibisita sa UPd? Ang LAAAAYO na ng mga tao. Nakakalungkot. Pero hindi nakakaiyak. Ang galing. Siguro dahil umaasa akong hindi naman talaga sila hindi magpaparamdam. Sana nga.
***
Sino pa mga MBB?
***
Ang dami kong mamimiss na PISAY the movie shoots! Mga 4 days. Ang lungkooooot.
***
Isasama na talaga ako ni mama sa Hongkong. Hoohoo. Ano kayang gagawin ko dun bukod sa pagtambay sa hotel? Sigh. Sana matino tong trip na ito. Makakamiss ako ng 2 shooting days ng PISAY para lang dito.
***
Gusto ko na matulog. Gusto ko na magstop sa pag-iisip ang brain ko. Nadedepress lang akong ewan.. at nagugutom. Haha. Sayang lang sa energy no.

No comments: