Saturday, April 21, 2007

Enchanted Kingdom with Anne & Cheska! \:D/

//Hindi na masyado detailed yung kwento =( Sorry..


Malaking himala na pinayagan ako mag-EK!

Himala rin na pinayagan ako magpaovernight!

\:D/\:D/\:D/

April 17, 2007 -Tuesday

Nung Moday ng gabi, nagconfe kami nina Anne, Ches, and Lablay. Nagkakaproblema na si Lablay sa bahay nila nun kaya medyo malabo na yung pagsama niya. Pero nanalig pa rin kaming makakasama siya. Nag-usap kami kung pano kami magkikita, etc. Napag-usapan namin na sa Festival Mall kami magkikita ng 10am tas lunch dun tapos diretso nang EK.

Excited nako sobra nung paggising ko ng Tuesday ng umaga. Pero tinamad ako bumangon. 9am na nung bumangon ako. Hahaha. Tapos, 10am na ako umalis ng bahay. Pero pagdating ko ng Festival Mall, nasa Pasay pa sina Anne & Ches! Buti na lang masaya sa National Bookstore! Nagbasa lang ako ng Nancy Drew. Mga after 1 hour, dumating na sina Anne at Ches, kasama yung parents ni Anne. (Tas nagtext na rin si Labli na hindi siya makakapunta. =| Sad.) Kumain kami sa Tokyo Tokyo. Walang hiyang Chicken Katsu yun, pinahirapan niya ko maghimay =\

Umalis na kami kagad pagtapos kumain. Tambay sa bahay. Tapos punta na ng EK! =) SUPER INIT kaya diretso kaming 4D theater.. tas RIALTO.. pagtapos ng RIALTO, hindi na mainit! Yehey. Naaliw ako sa Giant swans kaya nag-aya ako na dun muna sumakay. Eh dalawahan lang pala yun.. pero ayaw naman pala ni Anne magpaddleboat so ok lang pala. So nung turn na namin ni Ches, ehdi padyak naman kami. Tas bangga kami nang bangga. Haha. Ang stressed namin tingnan habang yung iba, relax na relax sa pagsakay sa swan. Nyahahah. Ang weird na nastress kami, pero enjoy parin.=)


Dahil na-stress nga si Ches sa Swan Lake, nag-aya siya mag Log Jump. Ang saaayaaaaaa. Pero hindi namin kinuha yung picture. Tas pagtapos nun, Bump Car! \:D/ Tas pagtapos nun, Roller Skater! Tas bumili kami ng inumin, tas nag-RIO GRANDE! Weeee. Mukha kaming nagswimming. Tamang choice na nag-EK kami imbis na Splash Island, kasi mababasa lang din naman kami! Hahahaha. Tas pagtapos ng RIO GRANDE, nag Flying Fiesta kami sa theory na matutuyo kami, pero hindi. Hindi kami natuyo. =\ Tas nun, naglakadlakad uli kami. Tas nag-Anchors Away. Ang saya-saya mag-Anchors Away. Favorite ride ko siya. Tas nag-Wheel of Fate. Ang saaaayaaaa. Tas Log Jump uli - kinuha na namin yung pic! Nakasmile si Anne. Hehe. Tas, Anchors Away!

Wah. Nalimutan ko na next. Basta, umulit kami ng Roller Skater, Anchors Away, Rio Grande, RIALTO (Oo, umulit kami kahit parehas lang naman ang palabas. Hehe. Trips) tas sumakay kami dun sa Train na pambata. Nyahaha. Tas bumili ng snack. Tas nagpahenna si Cheska! Si Einstein na may hawak na test tube! NERD talaga! =) Pero sumaya talga siya! Tas nagshopping din kami ng pasalubong! Ang ssaaaaaaaaaaaya talaga! Basta ang hini lang namin nasakyan ay yung Space Shuttle (Sorry, Anne) . Takot kami ni Ches eh, ayaw naman ni Anne na siya lang ang magride.. =( Ayun. Tas bago kami umuwi nagbump car muna kami. Yay. Nakakapagod pero super saya. Sana nag-enjoy din sina Anne & Cheska kahit pang-ilang balik na nila dun. =)

Pagdating sa bahay, kumain kami. Tas nanood ng
Two Weeks Notice. Yun yung una kong nabunot na CD eh. Ewan ko kung naaliw sila, super antok na kami nun eh. Anyhoo, 1:30 am na natapos yun movie.

Kinbukasan, mga 5am kami nagising. Ligo. Breakfast. Alis. =D Sinama ko sina Ches at Anne sa Pisay tas ayun, naghiwahiwalay na kami. =)

THANK YOU, ANNE AT CHESKA!!!! *mwah*

More pix here: Enchanted Kingdom with Anne & Cheska! \:D/