Friday, April 13, 2007

Google Earth Day


PILIPINAS

Bakit ngayon ko lang naisipan magdownload ng Google Earth? Yun ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagnasa ng broadband dati! Yay. Ang saya-saya mag-google earth!


Yii. Pisay from above =) Kitang-kita lahat! Dorms , gym, grandstand, ASTB, SHB, flagpole area, front lobby, open field, caf, volleyball court, pati ang creek! Hay. Mamimiss ko talaga ang Pisay!


Yung may "X" ay ang bahay namin! Hindi na mazoom-in eh. Blurry na. Kung mapapnsin mo, may open space sa kanan ng bahay namin. Basketball court yun. Yay. Ngayon ko lang na-realize, ang lapit-lapit ko sa basketball court sa amin, pero NEVER pa akong nakakalaro diyan. =\


Yehey! Camiguin Island! Favorite Island ko sa Pilipinas! Diyan lumaki sina mama eh. And diyan ako lagi nagsusummer! Ang ganda niya kahit from above yung view! *Sigh* Sabi ni mama, sabi ng friend niya, super dami raw na tao ngayon sa Camiguin! (Nagwork ang lagi kong pagsuot ng Camiguin shirts. Hehe. Joke!) Nako! Pano pa kaya pag dating ng BCBP National Anniversary. Mapupuno sigurado yan! Everywhere, BCBP! >__<


Xavier Estates! Sa subdivision na ito kami nakatira sa Cagayan De Oro. =) Hehe. Aliw! Kitang-kita yung clubhouse. Pati yung mga swimming pools. Yay! Gusto na uli umuwi dun at magswimming! =)

Space center, Houston! Gusto ko pumunta uli diyan! =)

Ang galing ng Google Earth no? Itatype mo lang sa search box na "New York", mapupunta ka na sa New York. Tapos pag tinype mo naman ay "Philippine Science High School", mapupunta ka naman sa Pisay. Ang aliw aliw. Sana nakakatravel din tayo ng parang sa Google Earth no? Itatype ko lang sa searh box," Singapore kung nasan si Joji", tas mapupunta na ako sa tabi ni Jojeeh. Ang saya sana nun no? *Sigh* O kaya, "Naga, Philippines- kung sa ginaganap ang ILC", tapos makakaabot ka pa ako sa activities ng ILC. Ang galing-galing..

Sana may makaimbento na talaga ng device panteleport...

No comments: