Wednesday, April 11, 2007

Magbigayan tayo ng mga tinapay

Wala akong makausap ngayon. Ang sad. Kaya mag-uupdate na lang ako ng blog.

Nakakadalawang shooting days na kami for the PISAY the movie. Dapat may shooting kami uli ngayon pero for some reason cinancel lahat ng shootings for the rest of this week. Kaya andito lang ako sa bahay, nagpapakabulok. =|

Oh shoot. Pag nagreschedule sila ng shooting next week, baka masagasaan yung EK thingy. Oh no. Ay! Speaking of the EK thingy... Cheska!! Hindi pa ako nagpapaalam. Iniisip ko pa ung script ko. Nasa HK na si mama ngayon, balik siya sa apr14. Iniisip kong sa 14 na lang din magpaalam pero baka busy parin siya. Hmmm.. i-email ko na lang kaya? Waaaah. Pramis magpapaalam na ako ASAP.ΓΌ

So far, masaya naman ang mga shootings. Tinatamad na ako magkwento tungkol dito kasi medyo dinetail kwento na Nico yung happenings sa shoots sa blog niya. Oo, buhay na muli multiply blog niya. Himala.

Anyhoo. Aliw talaga na nakakahalubilo na namin kahit papaano yung ibang mga leads bukod kay Shayne. Si EJ (dating Going Bulilit kid na nagboboyabunda role) ang pinakalumalapit samin pero mabait naman silang lahat. =D Ang cute cute ni Minggoy Elijah (Minggoy kasi ang tawag ng mga tao sa kanya sa set kaya nakakalito na). Hehe. Ten yrs old pa lang ata siya err.. basta, incoming Grade 6 palang siya.. tas award-winning actor na siya. Hmf. Pero ayaw niya bigyan ng autograph si Nico. Haha. Ayun, tapos ang kulit ni Ms. Eugene Domingo. Hirit siya nang hirit in between takes tsaka kapag may nangyayaring mali sa set. Hehe. So hindi boring kahit pagulit-ulit na ang takes. Tapos ang bait bait pa nilang lahat, si Direk Aureaus, si Kuya Nestor, si Kuya Erwin, at si Kuya Henry..

Sana magresume na ang shootings, para makalabas naman muli ako dito sa bahay!

***

Late umalis si papa kanina for work kasi hinatid muna ang mga lola ko sa airport tapos si Antie Gingging naman a hinatid sa San Mateo, Rizal. So habang hinihintay sa Kuya Pio makabalik dito sa bahay, nagbreakfast kami together. Tas nag-usap kami. Tinanong niya ako kung pagkatapos daw ng MBB, ano raw balak ko. Kasi raw dapat meron na akong path in mind. Magtuturo na lang ba ako or something? Ano raw ba ang mga careers ng mga MBB grads? Wala naman ako masagot. Ang sabi ko lang, pwedeng mag-med na lang ako after. Tas sabi niya, ehdi dapat sa Ateneo na lang daw ako mag-aral (BS Health Science ang course ko dun) kung magmemed lang din naman ako. Sayang daw kasi yun ng panahon kung magMBB ako tas med rin pala ang bagsak ko. Tas sabi pa niya, bigatin lang daw pakinggan ang MBB pero ang pangit naman daw nun kung magiging tambay lang din ako dito sa bahay pagkagraduate ko. Sayang lang daw ang mga hirap na titiisin ko to pass MBB. Pag-isipan ko raw ng mabuti.

April 13 ang deadline ng confirmation sa Ateneo. May time pa ako. Waaaaah ="(

***
I ♥ you Fudgee Barr. You saved my life nang hindi ako sinipot ni Pancit Canton + Nilagang Itlog. At dahil sayo, naprocess ng akong brain na magmarathon na lang ng Princess Hours para hindi na ako mabore.

***

Tinapay. Bow.


No comments: