Sunday, January 14, 2007

YMSAT na next week. let’s panic!

weh.

ayoko nga. hehe. ang saya, kahapon.. buong araw lang akong nanood ng Scrubs. may dvd kami ng season 1-5 ng Scrubs! yehey! aliw siyang series kahit na hindi siya ganun ka medicalicious gaya ng House. comedy siya kaya hindi masyadong mabigat sa loob habang pinapanood siya..however, mas madrama pa rin ang Grey’s Anatomy. yay. sakin lang ha.. ang GA talaga ang may perfect balance ng drama (as in life drama.. love issues.. chuva) & pagkamedical.

anyhoo, itutuloy ko na ang aking kwento.. kahapon din.. Princess Hours naman ang pinagkaatubalihan ni yayam habang Heroes naman ang kay mama. haha. kanya-kanya kaming sulok dito sa bahay. ü grabe talaga, nakakaadik pala manood ng series. kaya nga, kelangan ko na ilayo ang mga dvd na ito sakin before pako tamarin gumawa ng part ko sa champs reviewer ng les miserbles, gumawa ng physics proj proposal (nalimutan ko na kung sino groupmates ko other than kamae! yay! ), at ayusin ang str stuff namin. ehehe. *pumunta ng sala at siniksik sa gilid ng TV ang dvd ng Scrubs*

ayan. malayo na sakin ang dvd ng Scrubs. ü pede nako gumawa ng Les Miserables chuva peacefully pagkatapos nitong post na to.. yehey.

anyways, narealize ko lang na ang dami na pala nangyari mula nung latest post ko. ahehe. andyan ang napakanakakabless na retreat nung jan5-6. weeeeee. ang tagal na nun, baka may makalimutan na akong details.. pero try ko parin ikwento. ü (maraming pix at sir mike’s multiply!)

****

jan 5---pagkatapos namin kumain ng caf nina krisha at jami, pumunta na kami sa front lob.. tapos nagboard na kami ng bus. tas yun.. byahebyahebyahe. cr stopover sa shell-slex, then lunch stopover sa Carlos’ pizza.. ang ganda ng view dun, grabe! ü pagkatpos magpicturepicture.. kainkain naman. tapos nun, byahe na to Angel’s Hills!! ü

pagdating sa Angel’s Hills, orientation muna.. then pumunta na kami ng kwarto. picturepicture forever kami nina cheska, ivy, at karizz!!.. tas nung nagwangwang na.. pumunta na kami ng conference hall.. talkstalks.. tapos, mass.. tapos dinner!! tapos PALANCA night na! ü masaya ang palanca ni sir mardan.. tapos.. nakaktouch naman yung sinabi ni sir de ocamps sa batch.. *sigh* nakakatuwa.. nakakabless.. nakakagalak.. super bumaha ng luha, pero grabe.. masaya parin! i got my *hug* na from --secret--! yehey! pero actually.. partial hug lang yun.. akbay lang pala, pero ok na! ü weeeee…

pagbalik sa room, nagbasa na kami ng palancas.. nadepress ako ng onti sa mga palancang natanggap ko pero tinulog ko na lang siya.. ay. bago pala ako matulog, hinanap ko muna yung palanca sakin ni krishakerr.. akala ko nalaglag or something.. yun pala nasa envelope niya yung palanca niya sakin. haha. ang nakalagay kasi sa harap nung palanca niya ay KRISHA *heart* CECILE. inassume siguro nung nagsort na para kay krisha yun. anyhooooo, pagkatapos ko malaman na nakay krisha lang naman pala yung palanca ko galing sa kanya.. natulog nako.

jan 6---nagising ako ng mga 5am. super nilalamig ako! tas super nakasiksik ako sa wall.. pinahiga kasi nila cheska si pooh sa gitna.. yan tuloy, 1 cm lang ang gap naming dalwa ni ches. haha. tas yung kumot hindi ko maabot kasi baka magising ko si cheska sa konting galaw ko.. so nagdecide ako na bumangon na at maligo na.. 6am naman ang usapan ng choir na magkita-kita for the mass eh. naligo nako and all tapos tinanong si ivy kung magmimisa ba sila ni karizz.. sabi niya hindi raw.. so ayun, mag-isa akong pumunta sa chapel habang tinetext si krisha kung magmimisa ba siya (tapos na ang misa nung nagreply siya. haha ü). pagdating ko sa chapel, andun na sina rob & co.. bago kami pumasok sa chapel, nanuktok muna kami ni greggy ng mga cottages para magtawag ng mga taong magmimisa.. anyhoo.. (ang gulo na ng kwento ko).. edi nagmisa na.. (as always, palapaking bata na naman ako sa pagtugtog) pagtapos nun, dumaan ako sa room namin para manggising.. tapos.. kumain na kami..

pagkatapos ng breakfast, OBSTACLE COURSE na! (go team J!) ü masayang nakakaewan! ü hehe. kumain ako ng POWDERED COFFEE! ang pait. sobra. pero, basta.. masaya siya. super natatawa parin ako pag iniimagine ko si cris na gumagapang with all his might sa tarp na may mantika.. pero hindi naman siya gumagalaw. grabe talga. ü ang saya.. ang saya.. pagkatpos nugn obstacle course.. bumalik lahat ng groups sa conference room tas nagcheering. ü as usual, masaya parin. 07 eh. harhar.

pagkatapos nun, naglunch na kami.. tas pagkatapos ng lunch.. ay.. nagtalk (synthesis nung obstacle course).. tapos nun, nagbreak into groups na kami. ang saya nung activity ü hehe. wawa si irish and Jackie dun sa A. nakakaloka naman yung activities sa B. hehe ü nalaglag pa nga yung phone ko sa super tuwa na natapos namin yung random counting form 1-26. anyhoo, pagkatapos nun, pumunta na groups namin sa chapel. ü ang haba ng pila for confession! so ayun, tumayo-tayo lang ako sa labas ng chapel.. tas.. ayun, nacorner ako ni mam anda. nag-usap kami. blahblahblhalbhalbhalblahblah. iyakiyakiyakiyak. tas i felt super better after ng pag-uusap namin. tas. nag-usap naman kami ni mam aimee. blahblahblhalbhalbhalblahblah. tas i felt super BAD after ng pag-uusap namin.

ang galeng no? haha.

anyhoo.. tas nagdinner nako, with ches & co. super pinipigilan ko ang luha ko nung dinner.. naghahanap ako ng taong mapapagbuhusan nun.. di ko malapitan si krisha kasi kumakain pa siya, so bumalik nako sa room namin. tas lumabas uli ako after a while para puntahan si krisha sa room nila, pero pagdaan ko nasa banyo siya.. so tinext ko na lang si nico. pero no reply. so nagpakasenti na lang ako at nagmuni-muni sa chapel.. tas naglakad-lakad mag-isa. tapos nun.. nakasalubong ko si nico (na SUPER saya).. tas nag-usap kami. (di ko na masyadong ikukwento ng detailed. : ). tas yun, after nun.. medyo ok na ko. at lalo pang naging ma ok nung nagsimula ang praisefest!.. super say ako na makausap Siya uli. matagal-tagal na rin nung last kami nag-usap ng masinsinan. haaay. super ang saya ng feeling ko pagkatapos ng praisefest! dumagdag pa yung napakatouching na oral palanca ni sir mike pati yung thought na ang saya isipin na winorship namin Siya as a batch..WOOOHOO! ü

jan 7--- breakfast. tapos.. mass. tapos.. SHARED PRAYER. super sayang isipin na we prayed as a batch.. tapos.. nakakatouch yung mga sinabi ng mga tao. pagtapos nun.. SUPER SARAP NA LUNCH! tapos.. nagpack nakami ng gamit.. dumating sina mama & papa tas niload ko na sa kotse yung gamit ko tapos sinamahan ko si ches na ilagay yung gamit niya sa bus. pinanood muna namin ang brotherhood na mag ‘YES LORD’ (video on sir mike’s multiply).. tapos nung BATCH PIC!!!.. tapos nun.. uwi na! ü


****

yehey. ayan. tapos na ang retreat post. ü *sigh* basta I learned na hindi talga Niya ako iiwan. though there was someone na sumalo sakin nun, i know na hindi siya ALWAYS there. pero SIYA.. HE IS ALWAYS THERE. siguro.. sugo siya Niya. gets? haha. ü

****
nung monday.PT! alpha + MPs! ü hehe. habang nagjojog around the oval, kumakanta kami ng Trading My Sorrows (YES LORD!) pati “i’ve got peace like a river… i’ve got peace like a river..” ü ayun.. nasugatan ako sa pagsquatthrust sa aspalto.. pero ok lang.. ü masarap naman ang pinadeilver namin ni krisha na 1 pc chicken meal from mcdo. hahahaha.

****
ayan krisha. nag-update nako. mag-update ka na rin!!! *mwah*

No comments: