grabe. sobra sobra na ito. star scholar candidate?! tunog PDA. pero siomai. totoo siya. grabe. ako ay super super super super thankful! Lord.. *hug* *mwah*.. love you. THANK You very much!
---
isa pang omg.. ang christmas vacation ay..
.. over na. actually.. di pa talaga over dahil meron pa akong more or less 15 hours para magcram ng econ outreach paper, pag-aaral ng econ, etc etc. pero.. siomai.. katabi ko na ngayon ang aking mga notebooks at ang mahiwagang econ book. shux. pasukan na bukas. kelangan ko nang mag-aral!
anyhoo.. ang tagal ko din hindi nagkwento dito sa blog ko.. at dahil ang dami kong dapat gawin ngayon.. magkukwento ako ngayon. yehey.
ok. ang ginawa ko lang naman ngayong bakasyon (pagkatapos and during pagbasa ng les miserables at titser) ay magtext, matulog, kumain, magtext, maglakwatsa sa makati, manood ng dvds, at magtext.
unahin natin ang pagtetext. well. ang tanging mga katext ko lang naman ay si janel, nico, at krisha. pinakamadalas si janel.. dahil unli siya.. at unli ako.. kung anu-anong bagay lang sa mundo ang pinag-uusapan namin.. haha. i love janel.
haaaay. pag wala namang nagtetext.. sumasama ako kina mama at yayam sa panonood ng dvd sa sala. ang saya. .may season 3 dvd kami ng grey's anatomy. tapos ko na siya.. buti na lang pala nabasa ko na ang episode guides ng season 2.. so naintindihan ko naman yung season 3! tapos. meron na rin kaming season 1 & 2 ng House. maganda rin pala siya.. tapos, etong si yayam.. bumili ng dvd ng Naruto- tapos ko na rin yun...
tapos.. nung dec26, pumunta kami ng pangasinan - sa our lady of manaoag. first time kong makapunta dun. umalis kami ng 3:45 am.. dumating kami dun ng 8am. nagsimba lang kami dun and naglight ng candles.. tas umuwi na. kumain kami ng lunch sa greenwich sa luisita mall.. tas yun, diretso uwi na kami. nakauwi kami ng mga 6pm. nalaman ko rin through nico nung mga lunchtime na pede na makuha ang dlsu-cet result.. eh, di ko naman alam ang reference number ko.. so hindi machecheck ni nico. grabe, kating-kati akong umuwi after malaman yun. pagdating sa bahay.. yun ang una kong ginawa.. happily, nakapasa naman ako.. :) yes!!
nung dec27 naman, sumama kami kay papa sa office niya. nung natapos na ni papa yung paperworks niya.. pumunta kami sa kabali niyang office. tas pinag-usapan namin ang aming sunod na gagawin. napagdesisyunan namin na manood ng sine.. kumain muna kami sa Wendy's tas nanood na kami ng Kasal, Kasali, Kasalo sa greenbelt 3 . maganda siya. nakakaaliw. aliw na aliw si papa. grabe. siguro kasi tagos tagos sa kanya yung mga hirits dun. anyhoo.. pagkatapos nung KKK, bumalik kami sa office niya.. at dahil matagal pa si mama.. nagdecide kami na manood uli ng isa pa. naglakad kami papuntang glorietta 1 [dahil gusto ni yayam dun manood].. at pumila sa napakahabang linya para sa Enteng Kabisote 3. ok lang naman ang ek3, pero super pambata at masakit sa tenga ang sword fights nila. basta. .bottomline, mas matino ang KKK.
ayun.. ngayon. .dapat gagawa ako ng econ outreach paper.. pero nagbblog ako. nice. aaaay. may nalimutan pa pala ako.. may casting na para sa intimate theater. yey! :D oooooook. tama na. gagawa nako ng econ outreach paper.. tapos lifesci reflection paper.. tapos.. magpiprint nako ng palancas. oo. computerized ang palancas ko. sori.
hooohooo. retreat na sa 5,6&7..
.. at long test na ng les miserables sa 9~!
end.end.end.
No comments:
Post a Comment