Monday, December 18, 2006

a memorable sunday!

metro manila yfc praisefest kahapon sa san juan gym. sinama ko ate ko para mas madali ako payagan. nyahaha :)) super alalang-alala siya dahil feeling niya maoOP siya. pero anyways, sumama naman siya. nagmeet kami sa mcdo-greenhills nina nico, rayray, zelle, at garrick. .tas sinundo kami ng family ni clar :) tapos nun, dumaan muna sa bahay nina clar tapos dinrop na kami sa jolibee. nandun na pala si rob and kevin roque. tapos nun, pumasok na kami dun sa venue. pero since di pa tapos yung mass (eh nagmass na naman kami lahat).. tumambay na lang kami dun sa may gazebo! ü

nung tapos na yung mass.. nagregister kami. may tinuro si yayam na person.. sabi niya si tito nato (family friend) raw yun, eh hindi kami sure so hindi namin nilapitan.. tapos, nagworship na, tapos may program program sila.. tapos worship ule.. ü weeee. :) napakasaya ng feeling ko pagkatapos nung event! bago nga pala kami umuwi, nakita kami ni tito nato (apparently, siya pala talaga yun. .binanggit pa nga name nila ni tita lisa nung worship leader eh).. tinanong niya kung bakit kami nandun.. tas sabi ko yfc ako.. high school based.. yay. tas yun, umalis na kami! weeee.. ü

thanks clar & rob sa pag-invite sakin sa praisefest :) nakakawow yung energy ng tao sa pagworship.. and super saya nila! WOW talaga.. :) thank you for being His instruments in bringing me(& yayam) closer to Him!!

pagkatapos ng praisefest, dumeretso na kami ni yayam sa makati dahil mag usapan kami nina papa na magdinner at manood ng sine. dumiretso sila sa teriyaki boy sa greenbelt 1 habang dumiretso naman ako sa national bookstore para bumili ulit ng Titser. dinekwats kasi ni nico yung nabili ko ng book eh. joke. binili niya sakin.. pupunta naman kasi kaming makati kaya makakabili ule ako ng Titser eh.. so yun. kaso.. walang Titser sa NBS sa greenbelt 1!! yay. so naisip ko, dahil tinatamad nakong pumunta sa ibang NBS para maghanap ng Titser, punta na lang ako ng Powerbooks sa greenbelt 3.. sure naman na meron yun sila. tsaka,inisip ko kasi.. malapit lang naman. tapos, itetext ko na lang si yayam na pupunta akong powerbooks. ehdi yun, sinimulan ko ng lakarin.. nasa harap nako ng Italiannis nung matapos ko yung text ko kay yayam, confident naman ako na masesend yun kasi unli naman ako. pero nagcheck operator services! yay. narealize ko na tinetext ko pa la si kuya pio nung hapon.. eh touch mobile siya.. tapos, di naman gumagana yung unli sa TM! eh, tinatamad nako bumabalik.. so dinerederetso ko na. siomai. ang layo pala. super binilisan ko yung lakad ko kasi baka mag-alala sila kung bakit ang tagal ko. tsaka, nakakailang kaya lumakad mag-isa along greenbelt 3. para talaga akong nasa walkathon..

pagdating ko ng powerbooks, sa counter na kagad ako nagtanong tas winalkietalkie niya tapos.. *tsanan*, may Titser na ako! tas nun, lumakad na ule ako, inisip ko na dun na lang ako sa may bandang simbahan dadaan kasi nga nakakailang maglakad dun sa may bandang restaurants& bars.. pero narealize ko na mali pala ang aking desisyon. napabagal ang aking lakad dahil ang dami palang tao dun sa may simbahan dahil may misa pala. yayks. anyways, nakarating naman ako sa teriyaki boy ng matiwasay pero hinihingal.. ready na rin ang food! at inassume din nila na nagpowerbooks ako, so kumain na sila.. nakakalahati na nga sila eh..

pagkatapos nun, dahil wala ng shows sa greenbelt 1 (na mas mura sana), pumunta kami sa greenbelt 3 at napagdesisyunan na manood ng A Good Day. ok naman siyang movie, pwede na para pampatay ng oras.. pero, marami rin namang mapupulot na lessons in life ;) kung napanood niyo na ang Happy Feet at The Nativity Story, at gusto niyo talaga manood ng sine.. eh, yan na ang panoorin niyo. well, tungkol lang naman siya sa isang i-dont-know-kung-ano-tawag-sa-profession-niya person (max nga pala ang name niya) na taga-London na may mana sa uncle henry niya taga-France na malaking estate (vineyards, etc.). basta yung profession niya yung tagasabi kung ibubuy ba o isesell yung stocks.. er.. whatever man yun. anyways, basta, wala siyang ibang alam sa buhay niya kundi kumita ng money. panoorin niyo na lang kung ano nangyari sa kanya :))

paglakad papunta sa office ni papa, tinanong ko siya kung ano ba yung ginagawa ni max. i mean, ano ba yung profession niya.. alam ko lang someting about stocks yun pero si ko talaga maintindihan. bakit kelangan ibuy/isell. tapos, tinatry talaga i-explain ni papa sakin.. tango lang ako ng tango pero hindi ko talaga ma-absorb. harhar :)) basta ang naintindihan ko lang, madedetermine ang ownership ng company sa stocks na hawak.. tapos tinitrade ang stocks na yun.. tapos may something about, er.. profitability, dividends.. tska kung anu-anong terms na tunog econ. tas sabi ko, yak. ang econ naman nun, ayoko ng trabaho na yun.

ayun.. tas next naman na tinanong ko kung yun ba yung trabaho niya.. ayoko pala nung trabaho niya ung ganun.. tas sabi niya, hindi raw.. ang ginagawa niya tinitingnan niya yung mga financial statements- mga gastos at profits- nung mga kompanya tas iinterpret niya. tas pag maliit ang profit or wala or basta.. pangit , ieexplain niya dun sa kompanya kung ano naging problema.. tas sabi ko, yayks, ayoko maging accountant. tas sabi niya.. eh core gift naman daw niya yun eh. isang tingin niya lang sa financial statements, alam na niya ang problema kung meron man. (yabang! haha) parang si yayam daw, bigyan mo ng pyesa, yakang-yaka tugtugin. dapat daw hanapin ko rin yung core gift ko.. para ayun, hindi masakit sa ulo ang buhay ko.. basta, naglecture siya hanggang makarating kami sa office niya. :)) umuwi na kami kagad pagkaligpit ni papa ng mga gamit niya sa office. mga 12 na rin kami nakauwi..

ang sakit ng ulo ko ngayon pero tapos ko na ang Titser! pagkatapos kasi magsimbang-gabi kaninang madaling-araw.. di nako nakatulog ule. ayun, binasa ko sa inaakalang makakatulong yung para makatulog ako.. pero hindi, natapos ko siya. i'm so productive. oye.oye. haha. pero ngayon nagtataype ako ng mahabang post : ay. at isa pa, ayon kay ray2, sa feb pa naman yata pasahan ng book report, so.. dapat pala inuna ko yung Les Miserables.. yay. at omg..dalawa palang nagagawan ko ng palanca! wah! 2 weeks na lang pasukan na ule!

--------------------------------------------------



aliw na aliw nga pala ang ate ko kay nico. ang daldal daw. haha :))

--------------------------------------------------


kelangan ko nga pala magpalit ng URL ng blog dahil natuntun na ng ate ko ang blog ko. haha :)) di yun maaari! pachange na lang ng links ha.. sorry sa abala.. ü

1 comment:

Anonymous said...

"tagasabi kung ibubuy ba o isesell yung stocks"

Hindi ba stock broker tawag dun? Wala lang. :P

Eh pano kung hindi pwede sa Pisay ung core gift ko?? Pano naman un? Pwede bang dalawa ang core gift? Hahahaha.