Thursday, December 21, 2006

it's time.

time na para gumawa nako ng christmas wishlist ko. ü wheee. 4 days to go till christmas! ü though hindi ko talaga feel ang christmas spirit ngayon dahil 1) wala masyadong nangangaroling ngayon dito samen 2) di ako nakakapagsimbang gabi (wala akong kasama) 3) hindi ko feel ang lamig ng simoy ng hangin dahil nasa loob ako ng house forever 4)wala akong gifts sa ilalim ng christmas tree..yay!

oh well. eto na wishlist ko. tinry ko na magconstruct ng mga 'reachable' wishes. yung may 75% probability na mangyari. ü hindi lahat to may probabality na matupad before christmas'06.. pero wala na tayong magagawa.. eh sa ganun ang wishes ko eh.

christmas 2006 wishlist.
  1. sana magkaroon ng time si mama na asikasuhin ang pagpapakabit dito sa bahay ng broadband. hindi lang naman ako ang magbebenefit dito eh. siya rin. di na siya mahihirapan magsend ng files niya.
  2. sana hindi na isipin ni mama ang mag-abroad.
  3. at sana wag na siyang pinupush ni yayam na mag-abroad.. sana i-stop na ni yayam ang pagtatanong ng.. "ma, bakit di mo tinanggap yung offer sa HK?" or "ma, bakit kaya di ka rin mag-abroad.."
  4. more bonding (movie and/or dinner) moments with papa & yayam this coming year. (ok na rin kung kasama si mama, most probably magiging stressful yung night/day.. tska, tambak naman siya ng work-- so maliit ang probability na sumama siya sa mga gantong lakad)
  5. sana ibigay na ni mama ang pinapaasa niya sa aking new phone before man lang magpasukan uli. tiningnan na nga namin yung dti sa ATC eh. naiintindihan ko namang hindi practical ang magkaron phone worth more than 15K this days (kasama na ang 1 gig microSD mem card) dahil mahirap ang buhay, madaming utang na kailangang, madaming ibang bagay na kailangan paggastusan ng ganung kalaking pera, at masakit sa dibdbi pag nanakaw/nawala yun.. pero wah, pinapaasa niya ako eh.. sana ibigay niya talaga.
  6. sana i'll be closer to Him. sana i'll have regular prayer times and sana i'll be involved in activities that could make me know Him better. sana i can attend YFC parin kahit wala nako sa pisay next year.
  7. sana umuwi si vieroane after new year. sana dito na lang siya magschool though mas madaming opportunities sa america, narealize ko na iba may magagandang values na malamang dito lang niya sa pinas maaacquire...
  8. sana matouch yung mga taong bibigyan ko ng lengthy palancas (1-2 pages). sana marealize nila na super sincere ako sa mga sinasabi ko dun sa palancas nila. dun naman sa mga short lang, sana marealize nila na special din sila for me though hindi kami ganun ka-close..
  9. *hug* galing kay er.. secret ü
  10. sana maging masaya si mama sa paglipat niya sa audit department.. sana hindi na siya masyadong maging stressed and sana makauwi na siya before 12am this time..
  11. sana may magregalo sakin ng hershey's kisses(original)
  12. sana ang laman ng palancas na marereceive ko ngayon retreat ay hindi puro.. "si cecile ay makulet.. si cecile ay mahirit.. si cecile ay malabo..".. yay.
  13. *got a text msg* sa nagpadala ng text message nato.. sana magkaroon ka ng peace of mind. sana maconfront mo na lang siya ng harapan.. nasabi mo na ang lahat, wala ka ng magagawa. i really want you to be happy kasi you make me smile lagi.. sana you'll be happy this christmas ü ..and tandaan mo na hindi ka niya hate. ü
  14. sana may magbigay sakin ng 1 gig/2 gigs na flash drive
  15. sana makita ko na yng cd na pinagburnan ko ng pix from last school year
  16. sana tumaba nako, tas hindi na masyado sensitive ang skin ko para hindi nako mukhang batang yagit
  17. sana makita ko yung bio notebook ko :(
  18. sana maging masipag nako. sana magkaroon ako ng drive.
  19. sa lahat ng bagyo victims, sana mafeel parin nila yng christmas. sana masaya ang buong mundo ngayon christmas..
  20. ultimate wish: sana hindi ako bumagsak sa econ (sa card) this quarter and sa 4th quarter.


No comments: