Saturday, December 23, 2006

maSKara. Sindi-Katok. SK.

punta kayo sa blog ni belovedshayne. tas tingnan niyo yung tagboard niya, grabe.. umaapaw ang moral support para sa SK. ü

naguilty tuloy ako. naalala kong inindian ko yung 24th birthday ni tok nung dec7 (para manood ng The Nativity Story). naalala ko pa nga eh. andun kami sa lobby ng grhm ni joji, hinihintay ko kasi si peach&kimer na bumaba tas si joji hinhintay yata si shayne. tinabihan ko si joji tas after ng konting usap.. sabi niya:

" alam mo, birthday ni tok ngayon."


naguilty ako nun. pero nung time na yun, ang sabi ko kay joji.. "sori ah, nanood kami ng The Nativity Story eh.. naaya ako.. sinong mga pumunta.. may alukatoks ba?"
" kaming dalwa lang ni shayne."


tas ako.. sabi ko.. "ay ganun ba".. tas sinabi ko na lang sa kanya na aakyat na lang ako ng dorm para dun na lang sa itaas hintayin sina peach & kimer..

*sigh* naguiguilty talaga ako. dinown ko si tok. and joji.. nad shayne.. oh well. ano pa ba magagawa ko? wahhhhh. :"( sori shayne and joji. sori TOK. sorry SK. :"( babawi ako.

anybalahoo.. ang major goal namin ngayon ay matuloy ang intimate theater. konti na lang ang kailangan. may scripts na (thank mam karen!) . may 'OK' na from direk niel. at may malaking support from '07 and sa ilang tao from the pisay community!.. and kailangan na lang gawin ng mga katoks ay magmeeting. magcommit. magassign ng roles. magpractice.. magpractice.. and magpractice forever.. at magdasal sa Kanya.

..sana kaya naming ipagsiksikan tong intimate theater practices na to sa acads. tapos, sana sa playdate mismo.. madami manood! tsaka maappreciate nila yung play. maganda ang scripts.. palanca awardee yata si direk niel. pero sana mabigyang justice ng mga katoks ang scripts. sana maging smooth ang pagpeprepare. sana walang lumitaw na mga conflicts.

pero sana.. kahit busy ang ibang katoks sa intimate theater, hindi mapabayaan ang batoks. sana makapagbatok play 2 pa sila. at sana may masignan pakong batok book. :)) excited nakong mag*sssssssecret*. haha :)) anyways. sana mahalin din ng batoks ang SK.. sana magkaroon sila ng apoy.

*sigh* sana hindi ako mawalan ng apoy. sana lahat ng katoks di mawalan ng apoy. oh, at sana di gagraduate ang 07 katoks na bugoks lang.. sana maging real katoks na kami. yay. sana talaga matuloy tong intimate theater.. sana di lang to hanggang sa 'sana'.. sana mangyari talaga..


i♥SK.

No comments: