in case wala kang alam sa mga acronyms sa taas, ang ibig sabihin niyan ay:
Philippine Science High School
vs.
Philippine High School for the Arts
habang naglilipat-lipat ako ng channel kanina, tumapat ako sa NBN (di ko alam kung anong channel yun). finifeature nila ang Philippine High School for the Arts. tas nagsasalita yung dean yata nila. tinanong nung nag-iinterview kung pano ba yung process ng screening nila. tas sabi nung iniinterview, may mga auditions daw for every field (music, arts, ballet, folk dance, visual arts, creative writing, and theater) sa buong Pilipinas. tapos, may paper & pencil test (acads siguro ibig sabihin niya) din sila. and parehas daw ang cut-off nila sa Philippine Science High School. magagaling ang students nila dahil hindi sila nagrereklamo sa bigat ng GE (general education) nila sa kabila ng pressure sa Art subjects nila.
alam niyo, habang nanonood ako, muntik ko na sipain yung tv, joke.. sumipa pala ako ng mga ilang beses.. pero di inabot ang tv.
punta tayo dun sa sinabi nung dean. sabi niya parang ambidextrous daw ang mga tagaPHSA.. pede sa arts, pede sa acads. tapos, dahil ang cut-off ng entrace exams nila ay parang sa Philippine Science HS (pisay), iniimply niya na comparable ang students dun sa pisay students (eh hindi naman malamang parehas ang exams ng pisay at ng phsa diba?) .. and what's more? magagaling sila sa arts nila.
nagreact lang ako kasi parang nadegrade yung pisay eh. parang naging inferior siya. eh dapat parang same level lang sila kasi sa pisay-- acads, tas sa phsa-- arts. eh.. kalahating araw lang naman ang acads nila. math, science, english, filipino, at PE nga lang ata yung subjects nila. pero i thik, tama lang naman na yan lang ang kunin nila kasi naman ang bigat-bigat talga ng requirements nila sa Arts nila.. same way na pinaprioritize ng mga pisay people ang acads over paskorus, etc.
pero basta. ang gusto ko lang i-stress ay hindi kasimbigat ng acads ng pisay ang acads ng phsa. siguro ang gusto sabihin nung dean na hindi bobits ang mga tinatanggap nila dun, may laban din sila sa acads, bukod pa sa kanilang talent. pwede rin. oh well, same lang siguro yun sa mga times na sinasabi, kunyari sa humanities week o kaya sa flag cem o kaya paskorus, na "pisay scholars do not only excel in academics, magaling din sila sa pagsayaw, pagkanta, etc. "
basta. gusto kong istress na ang training for acads duns a bundok ay hindi same sa training sa pisay.. likewise.. ang training sa arts (choir singing c/o himig agham , dance c/o sagala, theater c/o SK, visual arts[photography, painting] c/o art club or viscomm ,etc.) sa pisay ay hindi kasimbigat ng training sa phsa.
baka nagtataka na kayo.. bakit nga ba ganito na lang ako kaviolent mag-react?
baised siguro ako. kasi ayoko sa school na yun. in fact, .. HATE ko ang school na yun.
baised siguro ako. kasi ayoko sa school na yun. in fact, .. HATE ko ang school na yun.
fine. pramis. magagaling talaga yung mga students dun sa mga respective fields nila. saksi ako. graduate ang aking magaling na ate dun eh. na-hone talaga ang talent niya sa pagtugtog ng piano. at hindi lang yun, pati sa music theory, choral singing, etc., super.. er.. basta. MAGALING SIYA. tas nagkaron siya ng master classes under (forgot his his first name) guingona, cecille licad, raul zuñiga, etcetera etcetera.. tapos, nakapagperform na siya ng million times sa CCP. tapos, yung mga batchmates/schoolmates niya, magagaling talga sa fields nila.. madami nakong napanood na performances nila, at super nakakamangha LAHAT sila.
ano pa benefits ng pagiging scholar sa PHSA? FREE food, free lodging, free loan of books, tapos, nanonood sila ng mga performances sa CCP for free -- hatid-sundo pa yun ng coaster/bus ng school nila from CCP to Mt. Makiling ha.. tapos, sa isang batch, 30+ lang sila. bale, ang rinig ko.. halos 100,000 php ang ginagastos PER student PER year.
kumusta naman yun?
ewan ko nga kung bakit NURSING ang course ng ate ko ngayon sa De La Salle University -Dasmariñas. *sarcastic face* never ko naman narinig sa kanya na gusto niyang maging nurse or yung mga cliche na "I want to serve the Filipino people". oh well, malay ko ba kung deep inside yun talga ang gusto niyang gawin sa buhay. o baka naman, ganun niya gusto i-serve ang Filipino people.
whatever man. sana di na lang siya pumasok sa school na yun kung mapupunta rin naman pala siya sa Nursing. magaling na naman siya magpiano bago siya pumasok dun eh. i mean, kaya na niya tugtugin lahat nung mga mass songs na kelangan sa church ng walang kahirap-hirap. eh, yun na lang naman ang ginagawa niya ngayon para magamit yung talent niya eh. tumutugtog na lang siya sa mass ngayon.. nothing more. nabalewala lahat ng mga inaral yang mga sonata, concerto, blabhlahblahs.. sana nagpeperform na lang sana siya ngayon tapos yung proceeds nung concert niya pupunta sa mga victims ng bagyo sa bicol. hay. SUPER nasasayangan talaga ako sa talent niya. pero alam ko yung talent niya na yun ay intrinsic naman eh. so kahit di siya magpraktis whatsoever, sa oras na maisip niyang bumalik sa field of music, kayang-kaya niyang magcope up at makipagsabayan sa mga concert pianists in the world.
pero pano yung isa niyang batchmate na ballet major? ang course nun ngayon ay Mechanical Engineering sa De La Salle University- Manila. wow diba. nawala na yung slim figure niya tapos wala na siyang practice sa pagsasayaw. wala na.. feeling ko nanigas na yung mga buto-buto niya. sayang. sayang. pero siguro, pede pa siya maging ballet teacher in the future.. magaling pa naman yun siya sumayaw.
sayang. sayang. dilang sayang sa talent. SAYANG sa pera ng gobyerno. ang selfish nila ha. biro mo, 100 K for a student for a year.. tapos, in the end, hindi rin naman pala gagamitin yung pinag-araln nila to serve the people. pero.. meron naman din sa kanilang nagtutuloy-tuloy.. siguro, kalahati sa batch ng ate ko, tumuloy sa fields nila. pero pano na yung other half??!?? sayang din yung ininvest sa kanilang pera. bakit kasi wala rin silang kontrata na nagsasabing dapat sa college art-related din yung course nila eh.. gaya ng pisay.
aynako. baka bitter lang talaga ako kaya ganito yung mga sinasabi ko. bitter dahil stuck ang mga taga-pisay sa courses na sci/math/tech-related sa college. pero oh well. di naman ako isa sa mga taong nagrereklamo sa rule na yun samin eh. wala nakong ibang maisip na trabaho na fit for me than something sci/math/tech-related. wala naman akong pag-asa sa accounting (note: accountants parents ko), dahil bano ako sa econ. oh well.. kelangan ko na magproceed..
one more thing pa na nagpahate sakin sa school na yun kasi.. si yayam, nabad-influence dun. pramis. as in, ang damin niyang natutunang kalokohan dun. tsaka sumama yung ugali niya dun.. tumaray siya.... and tumaba. harhar. joke. and, basta. feeling ko sinayang niya yung oras niya dun... ay ewan.
ang gulo na ng utak ko.. : ang tagal ko nang pinag-iisipan tong issue na 'to tas ilang beses ko na rin pinaringgan si yayam na sinayang nga niya ang inevstment sa kanya ng Filipino people.. wala naman siyang care. haaay..
i hate feeling this. yung magulong utak? yung may hindi ka maresolve na issue?!.. yung hindi ka makapili ng side kasi alam mo yung reasons ng bawat side?..
ayoko na nga mag-isip. gagawa na lang ako ng palanca. ;)
1 comment:
tama naman yung pinopoint out mo na yung acads sa phsa ay hindi kasing bigat ng acads sa pisay.. at tama ka na hindi mas mabigat ang phsa dahil may arts pa sa phsa.. magkacounterpart lang ang phsa at pisay dahil ang pisay ay may advance science and math classes. im disappointed with your ate at sa kaibigan niya na ballet major kasi na sayang nga ang apat na taon kung hindi nila hinuhubog pa ang kanilang talento. sa simula't simula pa lang isinasamulat naman ang mga studyante sa pag-give back para sa ating bansa. hindi lang ako nagaagree sa bias mo tungkol sa bad influence... kasi kung ano na-witness mo na nangyari sa ate mo ay maaring hindi nangyari sa iba.. bakit wala bang bad crowd sa pisay kaya mo nasabi yan? pinapatupad din naman sa phsa na dapat arts-related ang course na kukunin sa college at sa batch namin bilang lang ang hindi kumuha arts pero sila ay nagpapatuloy pa din humubog ng kanilang talento. maraming ventures ang arts at ito ay isang mahabang proseso.
Post a Comment