Monday, December 25, 2006

merry Christmas!

MERRY CHRISTMAS! :)

greet natin si Jesus ng Happy Birthday ha..

Happy Birthday Jesus.. Happy Birthday Jesus..
Happy Birthday Happy Birthday..
Happy Birthday Jesus!




PEACE ON EARTH!! :)

Saturday, December 23, 2006

maSKara. Sindi-Katok. SK.

punta kayo sa blog ni belovedshayne. tas tingnan niyo yung tagboard niya, grabe.. umaapaw ang moral support para sa SK. ü

naguilty tuloy ako. naalala kong inindian ko yung 24th birthday ni tok nung dec7 (para manood ng The Nativity Story). naalala ko pa nga eh. andun kami sa lobby ng grhm ni joji, hinihintay ko kasi si peach&kimer na bumaba tas si joji hinhintay yata si shayne. tinabihan ko si joji tas after ng konting usap.. sabi niya:

" alam mo, birthday ni tok ngayon."


naguilty ako nun. pero nung time na yun, ang sabi ko kay joji.. "sori ah, nanood kami ng The Nativity Story eh.. naaya ako.. sinong mga pumunta.. may alukatoks ba?"
" kaming dalwa lang ni shayne."


tas ako.. sabi ko.. "ay ganun ba".. tas sinabi ko na lang sa kanya na aakyat na lang ako ng dorm para dun na lang sa itaas hintayin sina peach & kimer..

*sigh* naguiguilty talaga ako. dinown ko si tok. and joji.. nad shayne.. oh well. ano pa ba magagawa ko? wahhhhh. :"( sori shayne and joji. sori TOK. sorry SK. :"( babawi ako.

anybalahoo.. ang major goal namin ngayon ay matuloy ang intimate theater. konti na lang ang kailangan. may scripts na (thank mam karen!) . may 'OK' na from direk niel. at may malaking support from '07 and sa ilang tao from the pisay community!.. and kailangan na lang gawin ng mga katoks ay magmeeting. magcommit. magassign ng roles. magpractice.. magpractice.. and magpractice forever.. at magdasal sa Kanya.

..sana kaya naming ipagsiksikan tong intimate theater practices na to sa acads. tapos, sana sa playdate mismo.. madami manood! tsaka maappreciate nila yung play. maganda ang scripts.. palanca awardee yata si direk niel. pero sana mabigyang justice ng mga katoks ang scripts. sana maging smooth ang pagpeprepare. sana walang lumitaw na mga conflicts.

pero sana.. kahit busy ang ibang katoks sa intimate theater, hindi mapabayaan ang batoks. sana makapagbatok play 2 pa sila. at sana may masignan pakong batok book. :)) excited nakong mag*sssssssecret*. haha :)) anyways. sana mahalin din ng batoks ang SK.. sana magkaroon sila ng apoy.

*sigh* sana hindi ako mawalan ng apoy. sana lahat ng katoks di mawalan ng apoy. oh, at sana di gagraduate ang 07 katoks na bugoks lang.. sana maging real katoks na kami. yay. sana talaga matuloy tong intimate theater.. sana di lang to hanggang sa 'sana'.. sana mangyari talaga..


i♥SK.

oye! oye!

weee. nalayout ko na ang pinoy cards. at rule book! oye oye! tapos.. natapos ko na ang mga palancas! :) oyes. oyes! oyes! gusto ko na magchristmas.

yay. ang labo ng post nato.

Friday, December 22, 2006

para sa araw na to..

/* edited: 7:47pm
yay.*/

[] tapusin na ang lahat ng palancas ü
[ ] i-layout yung cards para sa pinoy gameboard
[ ] bumili ng specialty paper na pagpiprintan ng rules ng gameboard pati ng cards
[ ] matulog pagkatapos ng Maging sino ka man
[*] kumain ng dinner on time (6-7pm)
[*] kumaing ng matinong dinner (dapat kanin) // weee. tilapia + rice! hindi nako abnormal!

weeeeeeeeeeh. ü

yay.. so..either tapusin ko ang palancas or matulog ako kagad pagkatapos ng Maging sino ka man. hmmm.. mas pipiliiin ko na lang siguro ang tapusin ang palancas.. oh well..tapos, hindi naman ako nakalabas ng bahay.. so hindi ako nakabili ng specialty paper :/ pero nakakain naman ako ng maayos.. at ng marami! yay. buti na lang may PT para sa MPs at alpha company sa jan4! yeheees. di ako tataba ng todo!

weeee.. magsisimbang gabi ako ngayon..

Thursday, December 21, 2006

words of wisdom

omg. super bilib na talaga ako kay rob. grabeh, rob is blessed by Him with great wisdom.
inspiring words for the day:

"Everyone has internal battles. And we are indeed blessed of we try to fight them because it is through our will to fight that God can work miracles."

- Rob Roque, 21 December 2006



read.. then reflect. ;)

DONE.

2:18am nako natulog! tapos ko na ang Les Miserables! yeheeey. naiyak ako sa ending. as in totoo.. may luha and all! kung wala lang sa kwarto si antie lit, humagulgol na ako. grabe, ang alam ko, natapos ko na to nung 1st yr eh. pero hindi ko siya naappreciate. siguro kasi di ko talga siya masyadong naintindihan tsaka madmi akon g skinip na pages.. pero ngayon, super naapreciate ko siya. *ben, baka naman magcomment ka na naman na amazed na amazed ako ha.. pero bahala ka, sa amazed ako eh. anyways, pano ba test dito? at kelan? yay. sana matuloy ang champaca reviewer ü

weeeeeh.tapos na ang drama! :) yey. immmmm sssooooo hhaaaapppppyyyyyyyyy! *mwah* love you! nyahaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

*ang lupet.. ang lupet lupet ni God.. wooooooooooooooooooo (infinite loop)*

it's time.

time na para gumawa nako ng christmas wishlist ko. ü wheee. 4 days to go till christmas! ü though hindi ko talaga feel ang christmas spirit ngayon dahil 1) wala masyadong nangangaroling ngayon dito samen 2) di ako nakakapagsimbang gabi (wala akong kasama) 3) hindi ko feel ang lamig ng simoy ng hangin dahil nasa loob ako ng house forever 4)wala akong gifts sa ilalim ng christmas tree..yay!

oh well. eto na wishlist ko. tinry ko na magconstruct ng mga 'reachable' wishes. yung may 75% probability na mangyari. ü hindi lahat to may probabality na matupad before christmas'06.. pero wala na tayong magagawa.. eh sa ganun ang wishes ko eh.

christmas 2006 wishlist.
  1. sana magkaroon ng time si mama na asikasuhin ang pagpapakabit dito sa bahay ng broadband. hindi lang naman ako ang magbebenefit dito eh. siya rin. di na siya mahihirapan magsend ng files niya.
  2. sana hindi na isipin ni mama ang mag-abroad.
  3. at sana wag na siyang pinupush ni yayam na mag-abroad.. sana i-stop na ni yayam ang pagtatanong ng.. "ma, bakit di mo tinanggap yung offer sa HK?" or "ma, bakit kaya di ka rin mag-abroad.."
  4. more bonding (movie and/or dinner) moments with papa & yayam this coming year. (ok na rin kung kasama si mama, most probably magiging stressful yung night/day.. tska, tambak naman siya ng work-- so maliit ang probability na sumama siya sa mga gantong lakad)
  5. sana ibigay na ni mama ang pinapaasa niya sa aking new phone before man lang magpasukan uli. tiningnan na nga namin yung dti sa ATC eh. naiintindihan ko namang hindi practical ang magkaron phone worth more than 15K this days (kasama na ang 1 gig microSD mem card) dahil mahirap ang buhay, madaming utang na kailangang, madaming ibang bagay na kailangan paggastusan ng ganung kalaking pera, at masakit sa dibdbi pag nanakaw/nawala yun.. pero wah, pinapaasa niya ako eh.. sana ibigay niya talaga.
  6. sana i'll be closer to Him. sana i'll have regular prayer times and sana i'll be involved in activities that could make me know Him better. sana i can attend YFC parin kahit wala nako sa pisay next year.
  7. sana umuwi si vieroane after new year. sana dito na lang siya magschool though mas madaming opportunities sa america, narealize ko na iba may magagandang values na malamang dito lang niya sa pinas maaacquire...
  8. sana matouch yung mga taong bibigyan ko ng lengthy palancas (1-2 pages). sana marealize nila na super sincere ako sa mga sinasabi ko dun sa palancas nila. dun naman sa mga short lang, sana marealize nila na special din sila for me though hindi kami ganun ka-close..
  9. *hug* galing kay er.. secret ü
  10. sana maging masaya si mama sa paglipat niya sa audit department.. sana hindi na siya masyadong maging stressed and sana makauwi na siya before 12am this time..
  11. sana may magregalo sakin ng hershey's kisses(original)
  12. sana ang laman ng palancas na marereceive ko ngayon retreat ay hindi puro.. "si cecile ay makulet.. si cecile ay mahirit.. si cecile ay malabo..".. yay.
  13. *got a text msg* sa nagpadala ng text message nato.. sana magkaroon ka ng peace of mind. sana maconfront mo na lang siya ng harapan.. nasabi mo na ang lahat, wala ka ng magagawa. i really want you to be happy kasi you make me smile lagi.. sana you'll be happy this christmas ü ..and tandaan mo na hindi ka niya hate. ü
  14. sana may magbigay sakin ng 1 gig/2 gigs na flash drive
  15. sana makita ko na yng cd na pinagburnan ko ng pix from last school year
  16. sana tumaba nako, tas hindi na masyado sensitive ang skin ko para hindi nako mukhang batang yagit
  17. sana makita ko yung bio notebook ko :(
  18. sana maging masipag nako. sana magkaroon ako ng drive.
  19. sa lahat ng bagyo victims, sana mafeel parin nila yng christmas. sana masaya ang buong mundo ngayon christmas..
  20. ultimate wish: sana hindi ako bumagsak sa econ (sa card) this quarter and sa 4th quarter.


Wednesday, December 20, 2006

pancit canton + nilagang itlog

new layout. again.

harhar. sorry na. wala akong magawa ngayon araw eh. whooppeee. ngayon lang ako nakagawa ng layout by myself-- offline. wheee.

whooopeee. dalawang araw nakong nabubuhay sa pancit canton plus nilagang itlog as lunch brunch. tapos, nagdidinner ako ng 11-12 pm. nice diba? rar. dapat kasi tumabi na lang ako sa ref forever eh. para kain ako nang kain.. tapos tataba nako.. tapos di nako magmumukhang batang yagit.. pero well. andito sa kwarto ang tv, phone, at laptop. ang layo ng ref at kaldero. so.. digestive system, magrambol ka na lang pag kelangan mo na ng input. saka nako tatakbo ng kusina..

ay. may naalala ako..wheeee... may grey's anatomy marathon sa dec21, dec28, at sa jan4 sa studio 23. lahat yan thursdays-7:30 pm. panget nga lang kasi season 1 episodes.. eh napanood ko na yun ng gazillion times. pero ok lang.. happy pa rin.

charmed marathon naman sa dec18, dec21-23 sa studio 23 paren. 2pm -6pm. weee! tapos, 2:15pm--dec25. willy wonka and the chocolate factory. yey!









sana ok lang na iba ang gawan ng book report.. i mean.. iba dun sa sinulat. kasi naman, malay ko ba na manipis lang ang Titser?!?! akala ko naman kasi mahirap hanapin yung book kasi ayon sa paper ni mam, wala siya sa lib. *sigh* pero ok lang kung if ever man hindi. nananalig akong tama si ray2 na sa feb pa ipapasa yung book report.. so madami pang time para magbasa uli.








weeee. excited nako magintimate theater! ok lang kahit wala akong roles or whatever. basta, gusto ko lang imudmod sa pisay community kung ano DAPAT talga ang sk-- theater club.. hindi joke club o corny club. :)) nung una, takot ako magcommit kasi feeling ko supre busy ng 4th quarter. pero haler, LOVE ko ang sk. bakit ko ba iisipin yung mga masasagasaan yang kabusyhan sa buhay. i'll make time for it. pramis. iiyak talaga ako pag hindi pa to natuloy.

live.love.breathe.SK!
teka. mas maganda yung kay shayne.

live.love.breathe. PRAY and BELIEVE. SK!

Tuesday, December 19, 2006

attention: KATOKS

read our putok's blog (dec18 entry) re: intimate theater 2007
live.love. breathe. pray and believe. SK.

spread the word. ;)

Monday, December 18, 2006

a memorable sunday!

metro manila yfc praisefest kahapon sa san juan gym. sinama ko ate ko para mas madali ako payagan. nyahaha :)) super alalang-alala siya dahil feeling niya maoOP siya. pero anyways, sumama naman siya. nagmeet kami sa mcdo-greenhills nina nico, rayray, zelle, at garrick. .tas sinundo kami ng family ni clar :) tapos nun, dumaan muna sa bahay nina clar tapos dinrop na kami sa jolibee. nandun na pala si rob and kevin roque. tapos nun, pumasok na kami dun sa venue. pero since di pa tapos yung mass (eh nagmass na naman kami lahat).. tumambay na lang kami dun sa may gazebo! ü

nung tapos na yung mass.. nagregister kami. may tinuro si yayam na person.. sabi niya si tito nato (family friend) raw yun, eh hindi kami sure so hindi namin nilapitan.. tapos, nagworship na, tapos may program program sila.. tapos worship ule.. ü weeee. :) napakasaya ng feeling ko pagkatapos nung event! bago nga pala kami umuwi, nakita kami ni tito nato (apparently, siya pala talaga yun. .binanggit pa nga name nila ni tita lisa nung worship leader eh).. tinanong niya kung bakit kami nandun.. tas sabi ko yfc ako.. high school based.. yay. tas yun, umalis na kami! weeee.. ü

thanks clar & rob sa pag-invite sakin sa praisefest :) nakakawow yung energy ng tao sa pagworship.. and super saya nila! WOW talaga.. :) thank you for being His instruments in bringing me(& yayam) closer to Him!!

pagkatapos ng praisefest, dumeretso na kami ni yayam sa makati dahil mag usapan kami nina papa na magdinner at manood ng sine. dumiretso sila sa teriyaki boy sa greenbelt 1 habang dumiretso naman ako sa national bookstore para bumili ulit ng Titser. dinekwats kasi ni nico yung nabili ko ng book eh. joke. binili niya sakin.. pupunta naman kasi kaming makati kaya makakabili ule ako ng Titser eh.. so yun. kaso.. walang Titser sa NBS sa greenbelt 1!! yay. so naisip ko, dahil tinatamad nakong pumunta sa ibang NBS para maghanap ng Titser, punta na lang ako ng Powerbooks sa greenbelt 3.. sure naman na meron yun sila. tsaka,inisip ko kasi.. malapit lang naman. tapos, itetext ko na lang si yayam na pupunta akong powerbooks. ehdi yun, sinimulan ko ng lakarin.. nasa harap nako ng Italiannis nung matapos ko yung text ko kay yayam, confident naman ako na masesend yun kasi unli naman ako. pero nagcheck operator services! yay. narealize ko na tinetext ko pa la si kuya pio nung hapon.. eh touch mobile siya.. tapos, di naman gumagana yung unli sa TM! eh, tinatamad nako bumabalik.. so dinerederetso ko na. siomai. ang layo pala. super binilisan ko yung lakad ko kasi baka mag-alala sila kung bakit ang tagal ko. tsaka, nakakailang kaya lumakad mag-isa along greenbelt 3. para talaga akong nasa walkathon..

pagdating ko ng powerbooks, sa counter na kagad ako nagtanong tas winalkietalkie niya tapos.. *tsanan*, may Titser na ako! tas nun, lumakad na ule ako, inisip ko na dun na lang ako sa may bandang simbahan dadaan kasi nga nakakailang maglakad dun sa may bandang restaurants& bars.. pero narealize ko na mali pala ang aking desisyon. napabagal ang aking lakad dahil ang dami palang tao dun sa may simbahan dahil may misa pala. yayks. anyways, nakarating naman ako sa teriyaki boy ng matiwasay pero hinihingal.. ready na rin ang food! at inassume din nila na nagpowerbooks ako, so kumain na sila.. nakakalahati na nga sila eh..

pagkatapos nun, dahil wala ng shows sa greenbelt 1 (na mas mura sana), pumunta kami sa greenbelt 3 at napagdesisyunan na manood ng A Good Day. ok naman siyang movie, pwede na para pampatay ng oras.. pero, marami rin namang mapupulot na lessons in life ;) kung napanood niyo na ang Happy Feet at The Nativity Story, at gusto niyo talaga manood ng sine.. eh, yan na ang panoorin niyo. well, tungkol lang naman siya sa isang i-dont-know-kung-ano-tawag-sa-profession-niya person (max nga pala ang name niya) na taga-London na may mana sa uncle henry niya taga-France na malaking estate (vineyards, etc.). basta yung profession niya yung tagasabi kung ibubuy ba o isesell yung stocks.. er.. whatever man yun. anyways, basta, wala siyang ibang alam sa buhay niya kundi kumita ng money. panoorin niyo na lang kung ano nangyari sa kanya :))

paglakad papunta sa office ni papa, tinanong ko siya kung ano ba yung ginagawa ni max. i mean, ano ba yung profession niya.. alam ko lang someting about stocks yun pero si ko talaga maintindihan. bakit kelangan ibuy/isell. tapos, tinatry talaga i-explain ni papa sakin.. tango lang ako ng tango pero hindi ko talaga ma-absorb. harhar :)) basta ang naintindihan ko lang, madedetermine ang ownership ng company sa stocks na hawak.. tapos tinitrade ang stocks na yun.. tapos may something about, er.. profitability, dividends.. tska kung anu-anong terms na tunog econ. tas sabi ko, yak. ang econ naman nun, ayoko ng trabaho na yun.

ayun.. tas next naman na tinanong ko kung yun ba yung trabaho niya.. ayoko pala nung trabaho niya ung ganun.. tas sabi niya, hindi raw.. ang ginagawa niya tinitingnan niya yung mga financial statements- mga gastos at profits- nung mga kompanya tas iinterpret niya. tas pag maliit ang profit or wala or basta.. pangit , ieexplain niya dun sa kompanya kung ano naging problema.. tas sabi ko, yayks, ayoko maging accountant. tas sabi niya.. eh core gift naman daw niya yun eh. isang tingin niya lang sa financial statements, alam na niya ang problema kung meron man. (yabang! haha) parang si yayam daw, bigyan mo ng pyesa, yakang-yaka tugtugin. dapat daw hanapin ko rin yung core gift ko.. para ayun, hindi masakit sa ulo ang buhay ko.. basta, naglecture siya hanggang makarating kami sa office niya. :)) umuwi na kami kagad pagkaligpit ni papa ng mga gamit niya sa office. mga 12 na rin kami nakauwi..

ang sakit ng ulo ko ngayon pero tapos ko na ang Titser! pagkatapos kasi magsimbang-gabi kaninang madaling-araw.. di nako nakatulog ule. ayun, binasa ko sa inaakalang makakatulong yung para makatulog ako.. pero hindi, natapos ko siya. i'm so productive. oye.oye. haha. pero ngayon nagtataype ako ng mahabang post : ay. at isa pa, ayon kay ray2, sa feb pa naman yata pasahan ng book report, so.. dapat pala inuna ko yung Les Miserables.. yay. at omg..dalawa palang nagagawan ko ng palanca! wah! 2 weeks na lang pasukan na ule!

--------------------------------------------------



aliw na aliw nga pala ang ate ko kay nico. ang daldal daw. haha :))

--------------------------------------------------


kelangan ko nga pala magpalit ng URL ng blog dahil natuntun na ng ate ko ang blog ko. haha :)) di yun maaari! pachange na lang ng links ha.. sorry sa abala.. ü

Saturday, December 16, 2006

RENT is love! üüü

grabbbbeh. pinanood namin ni yayam ang RENT kagabi.
aware ako na may part ng new york na ganun (slums). tsaka, masarap magshopping dun, madaming makakainan and may umuusok na cup noodles sa time square. haha :)) anyways.. tungkol sa movie, nakakadepress siya and super eye opener. kahit pala sa america, ganung level ang pagkapoor ng mga tao. i mean.. may ganung kahirap na mga tao rin pala dun. yung kailangan pang sumayaw sa bar para magkapera (na ginagamit naman niya pambili ng drugs. sad), gaya ni mimi.. ang lungkot isipin na ang bata-bata pa niya tas ganun ka-outrageouuuus yung pinagagagawa niya sa buhay niya.. nanlaki nga yung mga mata ko dun sa part na kumakanta siya nung may "awwooo" na part.. yay..

medyo nagfreak-out din ako na ang super galing na soloist sa opening song na "Seasons of love" na apparently ay si Joan pala.. ay may kissing scene & harot shots with maureen. yay. ang liberal nila!! siomai. nakayanan ko pa sina angel and tom.. kasi sweet sila.. lalo na nung kumakanta sila nung "I'll cover you" tsaka medyo aware naman ako na may ganun talaga.. bakla and boy relationship. pero spooky talaga yung kay Joan at Maureen, parehas sila girl eh. weird. pero oh well, wala naman akong magagawa kundi palakihin ang mata ko habang nanonood. magaling naman si joan kumanta, kaya sige na nga.. kakalimutan ko ng naglips to lips sila ni maureen..

tapos, grabe, ang effective ni mimi dun sa part na nanginginig-nginig siya tapos parang super pinapawisan.. kita mo talaga sa mga mata niya yung pain eh. :( .. tapos.. tapos.. ang galing din nung mga singing parts nila.. pinakaaliw yung kay angel. yung pinakilala siya ni tom kina mark at roger :D super astig, ang galing niya gumawa ng beat & ang galing niya sumayaw. sayang, bading siya.. kung hindi.. crush ko na sana siya ngayon. yay! ü

*sigh*

adik na nga si yayam ngayon sa "Seasons of love". hehe. ako.. matagal nakong adik dun! champaca days palang :)) pero ngayon, super nag-iba na yung kakabit na images ng "Seasons of love" para sakin.. dati, champaca lang naalala ko. ngayon nagfaflash sa utak ko yung mukha ni angel, maureen, joan, mark, tom, mimi, and roger.. yung sweetness nina angel & tom, tapos yung aliw na protest ni maureen, si mark na may hawak na videocam, tas si roger na nagsesenti sa rooftop.. tas si mimi na nanginginig-nginig.. :( haaay. nakakadepress pero.. *sigh* naabot talaga ng movie ang bottom-est of my heart..

kung hindi mo pa napapanood ang RENT. wah :(( go watch it na!!

super touching 'tong kanta na 'to from the movie:
I'll Cover You

(Angel)
Live in my house
I'll be your shelter
Just pay me back
With one thousand kisses
Be my lover - I'll cover you

(Collins)
Open your door
I'll be your tenant
Don't got much baggage
To lay at your feet
But sweet kisses I've got to spare
I'll be there - I'll cover you

(Both)
I think they meant it
When they said you can't buy love
Now I know you can rent it
A new lease you are, my love,
On life - be my life

Just slip me on
I'll be your tenant
Wherever - whatever - I'll be your coat

(Angel)
You'll be my king
And I'll be your castle

(Collins)
No you'll be my queen
And I'll be your moat

(Both)
I think they meant it
When they said you can't buy love
Now I know you can rent it
A new lease you are, my love,
On life - all my life

I've longed to discover
Something as true as this is

(Collins) (Angel)
So with a thousand
sweet kisses If you're cold
I'll cover you And you're lonely
With a thousand
sweet kisses
I'll cover you You've got one nickel only
With a thousand sweet kisses
I'll cover you
When you're worn
out and tired With a thousand sweet kisses
I'll cover you
When your heart has
expired

(Both)
Oh lover I'll cover you
Oh lover I'll cover you

Thursday, December 14, 2006

PHSA bitterness

sori kung medyo super bitter ng tone ko sa post ko na thinking out loud: PSHS vs. PHSA ha. bitter lang talaga ako. harhar. pagbigyan niyo na lang kasi ako.. dahil lang kasi ito sa ate ko. :))

sa totoo lang talaga, magaling talaga sila. super. ;) ayoko lang talaga sa kanila. beh.

in reply sa post ni krishna (cinomment ko narin to sa blog niya), oo nga naman.. marami ring pisay people ang sinasayang ang pera ng gobyerno.. marami ang tumatakas sa kontrata. pero yung mga tagaPHSA, wala silang ganun. i mean, ng kontrata. FREE silang hindi ipagpatuloy ang field nila. doy. ang daya.

yun lang. pero siguro.. kaya marami akong nakikitang mali sa kanila ay dahil baka biased lang ako kasi ayoko talaga sa kanila kasi feeling ko nga naging bad influence sila sa ate ko.

end. :))

3rd post of the day ü

click the link: Merry Christmas! sa profile ko! ;) hehe. ü

link siya sa site na may lyrics ng kanta ng Charm'o7 nung paskorus finals :) pwede niyo rin mapakinggan yung song kasi bgsound siya.super touching and super full of holiness talaga. pramis. dibdibin niyo, friends.

animated smilies

kakaadd ko lang ng animated smilies sa cbox ko! salamat denise sa pagturo kung san makakakuha ng astig na cutie na smilies!.. got these smilies nga pala from: peachie's collection



gumagawa nako ng palancas! hulaan niyo kung ilan palang nagagawa ko? isa. kasalanan to ni nico at ng kanyang fantasy america's next top model collection. haha :))

Wednesday, December 13, 2006

a greeting :)



weeee.. yehes naman. 16 ka na. :) benlo, bago tao maggraduate, bigyan mo ko ng autograph mo ha.. *sings* Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday.. happy birthday.. Happy Birthday to YOUUUUUUUU!!!!! *clap* *clap*

God bless you, ben! :)

Tuesday, December 12, 2006

i miss champaca :(





lakad ule tayo! :) last year pa last lakad natin ahhh.. di pa kalbo si benlog nun. tapos, si rob, may bigote pa (hindi pa siya nagshshave nun!), tapos.. may braces pa sina jannel at anne!!! weee.. let's go!! anywhere.. basta sa makati. harhar. joke. kayo bahala! ;)

thinking out loud: PSHS vs. PHSA

in case wala kang alam sa mga acronyms sa taas, ang ibig sabihin niyan ay:

Philippine Science High School
vs.
Philippine High School for the Arts


habang naglilipat-lipat ako ng channel kanina, tumapat ako sa NBN (di ko alam kung anong channel yun). finifeature nila ang Philippine High School for the Arts. tas nagsasalita yung dean yata nila. tinanong nung nag-iinterview kung pano ba yung process ng screening nila. tas sabi nung iniinterview, may mga auditions daw for every field (music, arts, ballet, folk dance, visual arts, creative writing, and theater) sa buong Pilipinas. tapos, may paper & pencil test (acads siguro ibig sabihin niya) din sila. and parehas daw ang cut-off nila sa Philippine Science High School. magagaling ang students nila dahil hindi sila nagrereklamo sa bigat ng GE (general education) nila sa kabila ng pressure sa Art subjects nila.

alam niyo, habang nanonood ako, muntik ko na sipain yung tv, joke.. sumipa pala ako ng mga ilang beses.. pero di inabot ang tv.



punta tayo dun sa sinabi nung dean. sabi niya parang ambidextrous daw ang mga tagaPHSA.. pede sa arts, pede sa acads. tapos, dahil ang cut-off ng entrace exams nila ay parang sa Philippine Science HS (pisay), iniimply niya na comparable ang students dun sa pisay students (eh hindi naman malamang parehas ang exams ng pisay at ng phsa diba?) .. and what's more? magagaling sila sa arts nila.



nagreact lang ako kasi parang nadegrade yung pisay eh. parang naging inferior siya. eh dapat parang same level lang sila kasi sa pisay-- acads, tas sa phsa-- arts. eh.. kalahating araw lang naman ang acads nila. math, science, english, filipino, at PE nga lang ata yung subjects nila. pero i thik, tama lang naman na yan lang ang kunin nila kasi naman ang bigat-bigat talga ng requirements nila sa Arts nila.. same way na pinaprioritize ng mga pisay people ang acads over paskorus, etc.


pero basta. ang gusto ko lang i-stress ay hindi kasimbigat ng acads ng pisay ang acads ng phsa. siguro ang gusto sabihin nung dean na hindi bobits ang mga tinatanggap nila dun, may laban din sila sa acads, bukod pa sa kanilang talent. pwede rin. oh well, same lang siguro yun sa mga times na sinasabi, kunyari sa humanities week o kaya sa flag cem o kaya paskorus, na "pisay scholars do not only excel in academics, magaling din sila sa pagsayaw, pagkanta, etc. "


basta. gusto kong istress na ang training for acads duns a bundok ay hindi same sa training sa pisay.. likewise.. ang training sa arts (choir singing c/o himig agham , dance c/o sagala, theater c/o SK, visual arts[photography, painting] c/o art club or viscomm ,etc.) sa pisay ay hindi kasimbigat ng training sa phsa.



baka nagtataka na kayo.. bakit nga ba ganito na lang ako kaviolent mag-react?

baised siguro ako. kasi ayoko sa school na yun. in fact, .. HATE ko ang school na yun.


fine. pramis. magagaling talaga yung mga students dun sa mga respective fields nila. saksi ako. graduate ang aking magaling na ate dun eh. na-hone talaga ang talent niya sa pagtugtog ng piano. at hindi lang yun, pati sa music theory, choral singing, etc., super.. er.. basta. MAGALING SIYA. tas nagkaron siya ng master classes under (forgot his his first name) guingona, cecille licad, raul zuñiga, etcetera etcetera.. tapos, nakapagperform na siya ng million times sa CCP. tapos, yung mga batchmates/schoolmates niya, magagaling talga sa fields nila.. madami nakong napanood na performances nila, at super nakakamangha LAHAT sila.

ano pa benefits ng pagiging scholar sa PHSA? FREE food, free lodging, free loan of books, tapos, nanonood sila ng mga performances sa CCP for free -- hatid-sundo pa yun ng coaster/bus ng school nila from CCP to Mt. Makiling ha.. tapos, sa isang batch, 30+ lang sila. bale, ang rinig ko.. halos 100,000 php ang ginagastos PER student PER year.


kumusta naman yun?


ewan ko nga kung bakit NURSING ang course ng ate ko ngayon sa De La Salle University -Dasmariñas. *sarcastic face* never ko naman narinig sa kanya na gusto niyang maging nurse or yung mga cliche na "I want to serve the Filipino people". oh well, malay ko ba kung deep inside yun talga ang gusto niyang gawin sa buhay. o baka naman, ganun niya gusto i-serve ang Filipino people.

whatever man. sana di na lang siya pumasok sa school na yun kung mapupunta rin naman pala siya sa Nursing. magaling na naman siya magpiano bago siya pumasok dun eh. i mean, kaya na niya tugtugin lahat nung mga mass songs na kelangan sa church ng walang kahirap-hirap. eh, yun na lang naman ang ginagawa niya ngayon para magamit yung talent niya eh. tumutugtog na lang siya sa mass ngayon.. nothing more. nabalewala lahat ng mga inaral yang mga sonata, concerto, blabhlahblahs.. sana nagpeperform na lang sana siya ngayon tapos yung proceeds nung concert niya pupunta sa mga victims ng bagyo sa bicol. hay. SUPER nasasayangan talaga ako sa talent niya. pero alam ko yung talent niya na yun ay intrinsic naman eh. so kahit di siya magpraktis whatsoever, sa oras na maisip niyang bumalik sa field of music, kayang-kaya niyang magcope up at makipagsabayan sa mga concert pianists in the world.

pero pano yung isa niyang batchmate na ballet major? ang course nun ngayon ay Mechanical Engineering sa De La Salle University- Manila. wow diba. nawala na yung slim figure niya tapos wala na siyang practice sa pagsasayaw. wala na.. feeling ko nanigas na yung mga buto-buto niya. sayang. sayang. pero siguro, pede pa siya maging ballet teacher in the future.. magaling pa naman yun siya sumayaw.

sayang. sayang. dilang sayang sa talent. SAYANG sa pera ng gobyerno. ang selfish nila ha. biro mo, 100 K for a student for a year.. tapos, in the end, hindi rin naman pala gagamitin yung pinag-araln nila to serve the people. pero.. meron naman din sa kanilang nagtutuloy-tuloy.. siguro, kalahati sa batch ng ate ko, tumuloy sa fields nila. pero pano na yung other half??!?? sayang din yung ininvest sa kanilang pera. bakit kasi wala rin silang kontrata na nagsasabing dapat sa college art-related din yung course nila eh.. gaya ng pisay.


aynako. baka bitter lang talaga ako kaya ganito yung mga sinasabi ko. bitter dahil stuck ang mga taga-pisay sa courses na sci/math/tech-related sa college. pero oh well. di naman ako isa sa mga taong nagrereklamo sa rule na yun samin eh. wala nakong ibang maisip na trabaho na fit for me than something sci/math/tech-related. wala naman akong pag-asa sa accounting (note: accountants parents ko), dahil bano ako sa econ. oh well.. kelangan ko na magproceed..

one more thing pa na nagpahate sakin sa school na yun kasi.. si yayam, nabad-influence dun. pramis. as in, ang damin niyang natutunang kalokohan dun. tsaka sumama yung ugali niya dun.. tumaray siya.... and tumaba. harhar. joke. and, basta. feeling ko sinayang niya yung oras niya dun... ay ewan.

ang gulo na ng utak ko.. : ang tagal ko nang pinag-iisipan tong issue na 'to tas ilang beses ko na rin pinaringgan si yayam na sinayang nga niya ang inevstment sa kanya ng Filipino people.. wala naman siyang care. haaay..

i hate feeling this. yung magulong utak? yung may hindi ka maresolve na issue?!.. yung hindi ka makapili ng side kasi alam mo yung reasons ng bawat side?..


ayoko na nga mag-isip. gagawa na lang ako ng palanca. ;)

Monday, December 11, 2006

MISSING

1. Biology notebook
last seen: Bio 3 room -astb
Monday. 11/27/06

2. Flash drive
Trek mini series
last seen : inside laptop case
7:00am
Friday. 12/08/06

nakita ko na yung flash drive. nasa kaibuturan nung laptop case. nasa pinakababa at pinakasulok tas nadaganan pa nung kinakabit para sa printer >.< haha :))

if found. pls return to me. :(
tnx.

kisses!

masaya naman ang SCA-sponsored outreach sa janitors/guards/maintenance kanina. ü

game na game kasi sila eh. tas super feel na feel at handang-handa sila sa presentations nila. ang galing pala sumayaw ni kuya guard-inglesero (kuya joseph yata), tsaka aliw na aliw sila sa boom tarat tarat..

for the presentations, nagCHADA ang SCA, tas sumayaw yung guards ng shout for joy.. tapos yung mga janitors naman, sumayaw ng boom tarat tarat..

*singit : christmas song pala ang boom tarat tarat !?!

ayun. pagkatpos ng presentations, nag-games.. kumain.. namigay ng gift packs.. tumawa.. basta.. fun :) kahit nung una (nung nagtalk tsaka nagmass) medyo serious & quiet pa sila.. pero basta.. basta.. fun talga.

ngayon, andito na naman ako sa makati. may dinner thing daw si papa, so baka mamyang madaling araw na naman ako makakauwi. pero ok lang, bakasyon na naman eh. nasasad ako kasi walang reunionreunion ang sections ko. :( hindi ako makakalabas ng bahay. aww. sana umuwi na lang kami sa cagayan de oro/camiguin this christmas.. para naman may makausap ako.. pero oh well, ang dami rin naman palang gagawin this vacation eh

grabe. ang daming (hershey's) kisses [yung walang almonds, etc -- yung original] dito ni papa. isang garapon! grabeng pagpipigil na ang ginagawa ko para di ubusin to. regaluhan niyo naman ako ng kisses ngayon pasko oh.. sige na, pleeeaaasee. * beautiful eyes*

Reconciling Science and Faith

Alpha and Omega: Reconciling Science and Faith
ARCHBISHOP CHARLES J. CHAPUT


I believe the Holy Father is right when he says that no fundamental conflict can exist between science and religious faith, whatever the appearance to the contrary. Truth can't contradict itself, and both science and faith are means to discovering truth about creation. But their estrangement is often still very real, and that's what I'd like to reflect on tonight. Why is there a "disconnect" between them, and how do we fix it?

(read article here.)

Saturday, December 02, 2006

ako ang nagwagi

haha. napagana ko na yung infixtopostfix pati ang long overdue postfixevaluator namin. yehey. i defeated the syntax errors and the EmptyStackExceptions ;)

sigh. ang dami ko pang gagawin. pramis. postpone kasi ako ng postpone eh. yan tuloy.. di ko pa rin tapos ang english essay ko :( ang tamad no? pero hindi. gagawa nako. as in now na.

byeee.

Friday, December 01, 2006

Desiderata

Go placidly amid the noise and the haste,
and remember what peace there may be in silence.

As far as possible, without surrender,
be on good terms with all persons.
Speak your truth quietly and clearly;
and listen to others,
even to the dull and the ignorant;

they too have their story.
Avoid loud and aggressive persons;
they are vexatious to the spirit.

If you compare yourself with others,
you may become vain or bitter,
for always there will be greater and lesser persons than yourself.
Enjoy your achievements as well as your plans.
Keep interested in your own career, however humble;
it is a real possession in the changing fortunes of time.

Exercise caution in your business affairs,
for the world is full of trickery.
But let this not blind you to what virtue there is;
many persons strive for high ideals,
and everywhere life is full of heroism.
Be yourself. Especially do not feign affection.
Neither be cynical about love,
for in the face of all aridity and disenchantment,
it is as perennial as the grass.

Take kindly the counsel of the years,
gracefully surrendering the things of youth.
Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune.
But do not distress yourself with dark imaginings.
Many fears are born of fatigue and loneliness.

Beyond a wholesome discipline,
be gentle with yourself.
You are a child of the universe
no less than the trees and the stars;
you have a right to be here.
And whether or not it is clear to you,
no doubt the universe is unfolding as it should.

Therefore be at peace with God,
whatever you conceive Him to be.

And whatever your labors and aspirations,
in the noisy confusion of life,
keep peace in your soul.


With all its sham, drudgery, and broken dreams,
it is STILL a beautiful world.

Be cheerful. Strive to be happy.


--------------

back to english essay. ;)