Friday, April 28, 2006

what if...

1. magcollege ako sa UP-Diliman?

ok lang sakin kasi medyo familiar na ako sa place at tsaka may mga kakilala na ako dun. tapos, malamang madami ring mga taga-Pisay na papasok dun kaya ok lang talaga. marunong na rin akong magcommute from bahay to there at tsaka from there to katips and SM. haha.

ang problema ko nga lang ngayon ay kung anong course ang kukunin for that campus. dinidiscourage ako ni mama mag-engineering eh. yun (chem eng to be specific) pa naman ang unang naisip ko dati kasi ok lang naman sakin ang mapalibutan ng numbers at ng chem buong buhay ko. *sigh* pero may point rin naman si mama. pero kelangan ko pang magpasermon uli para lubos na maaintindihan ang point niya. haha.

2. magcollege ako sa UP-Manila?

malamang, pag nakapasa ako dito, magdodoktor ako. itatry ko mag-intarmed. well. eto ang gusto sakin ni mama. cinoconsider ko naman na magMED, pero natatakot pa rin ako maging doktor. anyway, iniisip ko na lang, na kung makakapasa ako ng intarmed.. with all the screenings and stuff, destined nako malamang na maging doktor.

ayoko nga lang sa maynila. mas magulo kaya dun kaysa sa quezon city. tsaka di ako familiar sa place. anyway, super minor problem lang naman yun. kakayanin ko naman siguro yan. unfamiliar din naman ako sa qc nung pumasok ako sa pisay. pero nagsurvive naman ako ng 3 taon dun.

3.magcollege ako sa ibang bansa?

eto ang pinaka-unlikely na thought. kasi, papahirapan ko lang naman ang sarili ko. lalayo lang ako sa family ko tas gagastos pa ko ng napakalaki. tska, baka super maculture shock ako. if ever man na magcollege ako sa ibang bansa, yan ay kung ako ay igagrant ng full scholarship. full scholarship na kasama na ang board ang lodging. pati books, living allowance and all. (haha. asa pa ako).kasi isa lang naman ang malapit na kamag-anak ko sa amerika eh. at yun ay sa new jersey. nye.magiging pabigat lang ako. nabasa ko rin somewhere na sinulat ni rob na konting schools abroad ang nagbibigay ng full scholarships sa mga pinoy. at yun ay kung super henyo ka and all.

pero, ang tanong naman ay what if nga magcollege ako sa ibang bansa? er, tingin ko, super mahihirapan lang ako. tapos, masisira buhay ko. haha.

[edit]
4. di ako pumasa sa UPCAT?
erm. di ko alam. sa la salle /ateneo siguro ako mag-aaral. ewan. iiyak siguro ako.
[/edit]

5. di ako magcollege at magtrabaho na lang sa call center?

haha. pagtinamad ako at di nako magcollege at papasok na lang sa isang call center.. erm, sisirain ko buhay ko. di naman kasi pwedeng call center agent ako (if ever man matanggap ako as one, barok ako mag-english!). di ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung gagawin ko yan. at for sure, di papayag ang parents ko na hindi ako magcollege.

6. tumangkad ako at maging 5 feet 6"?(asa.)

isang malaking BEHLAT sa lahat ng nang-aasar sakin mula pre-elem hanggang ngayon. hehe.




masaya ako ngayon kahit di na naman kami tuloy ni ate jing. pero nagpramis siya na sa tuesday na raw talaga. *sigh* anyway, masaya ako kasi darating mamaya frrom cagayan de oro ang apat kong pinsan (ton-ton, beth, jeff, tina). ang saya at ang gulo nito sa bahay!! hehehe. tas malamang, 'pag nalaman ni vieroane na nandyan sila, sa bahay muna siya matutulog. bale, magkakaroon na ng pitong bata sa bahay (kasama na kami ni yayam). yehey!! happiness. :)




2 comments:

Anonymous said...

UP Diliman all the way!!! lol...

anyways, kakasama simula ko lang ng review dito sa LSC makati. Sinu-sino ba naging teachers niyo? Noong nagrereview pa ung kuya ko naging teacher niya si Sir Villavert, Maam Simpas, Maam Dinah.... Sila rin ba nagturo sa inyo???

kaka-addict nga rin mag youtube, pero ang ginagawa ko dun, anime naman... (ps manood ka ng yakitate japan ^^,)

cge, d2 na lang... magcacram pa ako ng take quizzes 3,4,6 sa math eh...

Anonymous said...

carlo. astig din yung yakitate japan.