Tuesday, April 18, 2006

Kung kachat ko kayo kagabi ng 8:30, ang alam niyo umuwi na ako from makati sa oras na yun. Pero sa totoo lang. Isa lang yung MALAKING JOKE. Akala ko uuwi na kami kasi tumawag na si mama. Pero yun pala, manonood lang kami ni papa ng MAJIKA at kalahating ENCATADIA sa kalapit na room dito sa office niya. Sabi kasi ni mama, 30 mins na lang daw. Eh halos naka-isang oras na kami ng panonood!!

Gutom na kami ni papa kaya pumunta na lang kami sa greenbelt at bumili ng dalawang Bacon Mushroom Melt Combo (yumyum!! ^^) sa Wendy's. Bumalik uli kami sa office ni papa kasi magsasarado na ang Wendy's. Kumain kami at naghintay. Naghintay. Naghintay. Naghintay.

Anong oras kami nakaalis ng Makati? lampas 11:oopm

Syempre, nang dumating kami sa bahay, halos magmamadaling-araw na. Ack. At gigising pa ako kinabukasan ng maaga. Grabe, narealize kong ang hirap ng buhay ng parents ko.

Kahit pa gustuhin ko talagang gumising ng maaga kanina, di kaya ng katawan ko. Nakaalis kami ng bahay ng 7am, thanks to me. Hahaha. Pagdating dito sa office ni papa. Lagapak kagad ako sa sofa at umidlip. Tapos, nagbasa ng dyaryo. Tapos, eto na, nag-iinternet.

English na naman ang subject mamaya. Good Luck to me.

Hindi uuwi si papa mamaya, mag-oovernight siya dito sa office niya kasi may flight siya bukas papuntang Bacolod ng madaling araw. Ibig sabihin, wala akong option na magbus pauwi kasama si papa. Hihintayin ko si mama!! Oh my gash. Good luck talga sakin.

At meron pa. Dahil nasa Bacolod si papa bukas hanggang Sunday at wala na akong pwedeng pagstand-byan dito sa Makati (dahil super super busy sa office ni mama), wala akong choice kundi iinvade ang office niya kahit wala siya. Shocks. Pero ok lang, mababait naman ang mga officemates ni papa. Sana lang, huwag maraming kakatok dito at maghahanap kay papa. Nahihiya ako. Haha. Good luck na lang talga.

No comments: