Friday, April 21, 2006

ang saya.

yehey. maglulunch kami ni ate jing sa monday sa katips! ;D wahoo. rejoice.rejoice. ang dami ko na talagang kailangang sabihin sa kanya. feeling ko pag nagkita kami, di na ko titigil sa kakadaldal.

tapos, ang daming naglipanang pisay 07 sa katipunan! nandyan ang mga nagrereview sa kung saan-saang review center. tapos yung mga nag-ssip sa ateneo (at minsan, pati yung sa up). tapos dati, yung mga nag-aspc. tas ngayon naman, yung mga nag-aAJSS. hehe. nakakaaliw lang.

so, kumusta naman ang LSC review?

1. matino naman so far.

2. nagkaroon kami ng teacher na kamukha ni mich (barcenas). distracted talaga ako nung hapon na yun kasi kamukhang-kamukha niya si mich. english teacher siya. hehe. alam ko na ang tsura ni mich pagtanda niya.

3. yung teacher namin sa math(trigo at geom) kahapon ay tuwang-tuwa sa tinuturo niya. ewan ko kung bakit. kilala niya rin si dr.miranda.

4. bano ako sa grammar & correct usage. nakakahiya akong taga-Pisay. powteek talga. babawi na lang ako sa math at science (sana).

5. astig yung isang teacher. marunong siya magturo ng english at filipino.

6. ang aarte nung isang group ng girls na kaklase namin. hmm, ewan ko kung tama yunng word na maarte ha, pero basta, sila yung tipong ingleserang ewan.

7. feel na feel naming apat ang advantage namin as pisay students (sabi nga ni ray-ray. yung iba kasi naming mga kaklase di pa nagtatrigo eh. kaya kahapon, parang ang new topic for them nung tinutuo ni mr.ramos.

8. may lumapit na pink dude (in nico's words) samin kahapon after ng class. tinanong niya kung naintindihan ba raw namin yung diniscuss.sabi namin ni nico, "yah." tas sabi niya, pweded ba raw magpaturo before ng class kinabukasan. sabi namin, ok. ayun. kaya mamya, kakain kami sa kenny roger's ng saktong 12 para matutoran daw namin ng maayos yung pink dude [by 12:30] (in nico's words ule).

9. nakakatamad magkwento ng details. mabuti pa, punta ka na lang dito kung gusto mo pang malaman ang pinaggagagawa naming apat sa LSC.




~ nabasa ko ulit yung isang entry ko dati nung nagbasa ako ng archives ko. grabe. gumaan uli ang loob ko. :)

No comments: