Friday, April 28, 2006

what if...

1. magcollege ako sa UP-Diliman?

ok lang sakin kasi medyo familiar na ako sa place at tsaka may mga kakilala na ako dun. tapos, malamang madami ring mga taga-Pisay na papasok dun kaya ok lang talaga. marunong na rin akong magcommute from bahay to there at tsaka from there to katips and SM. haha.

ang problema ko nga lang ngayon ay kung anong course ang kukunin for that campus. dinidiscourage ako ni mama mag-engineering eh. yun (chem eng to be specific) pa naman ang unang naisip ko dati kasi ok lang naman sakin ang mapalibutan ng numbers at ng chem buong buhay ko. *sigh* pero may point rin naman si mama. pero kelangan ko pang magpasermon uli para lubos na maaintindihan ang point niya. haha.

2. magcollege ako sa UP-Manila?

malamang, pag nakapasa ako dito, magdodoktor ako. itatry ko mag-intarmed. well. eto ang gusto sakin ni mama. cinoconsider ko naman na magMED, pero natatakot pa rin ako maging doktor. anyway, iniisip ko na lang, na kung makakapasa ako ng intarmed.. with all the screenings and stuff, destined nako malamang na maging doktor.

ayoko nga lang sa maynila. mas magulo kaya dun kaysa sa quezon city. tsaka di ako familiar sa place. anyway, super minor problem lang naman yun. kakayanin ko naman siguro yan. unfamiliar din naman ako sa qc nung pumasok ako sa pisay. pero nagsurvive naman ako ng 3 taon dun.

3.magcollege ako sa ibang bansa?

eto ang pinaka-unlikely na thought. kasi, papahirapan ko lang naman ang sarili ko. lalayo lang ako sa family ko tas gagastos pa ko ng napakalaki. tska, baka super maculture shock ako. if ever man na magcollege ako sa ibang bansa, yan ay kung ako ay igagrant ng full scholarship. full scholarship na kasama na ang board ang lodging. pati books, living allowance and all. (haha. asa pa ako).kasi isa lang naman ang malapit na kamag-anak ko sa amerika eh. at yun ay sa new jersey. nye.magiging pabigat lang ako. nabasa ko rin somewhere na sinulat ni rob na konting schools abroad ang nagbibigay ng full scholarships sa mga pinoy. at yun ay kung super henyo ka and all.

pero, ang tanong naman ay what if nga magcollege ako sa ibang bansa? er, tingin ko, super mahihirapan lang ako. tapos, masisira buhay ko. haha.

[edit]
4. di ako pumasa sa UPCAT?
erm. di ko alam. sa la salle /ateneo siguro ako mag-aaral. ewan. iiyak siguro ako.
[/edit]

5. di ako magcollege at magtrabaho na lang sa call center?

haha. pagtinamad ako at di nako magcollege at papasok na lang sa isang call center.. erm, sisirain ko buhay ko. di naman kasi pwedeng call center agent ako (if ever man matanggap ako as one, barok ako mag-english!). di ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung gagawin ko yan. at for sure, di papayag ang parents ko na hindi ako magcollege.

6. tumangkad ako at maging 5 feet 6"?(asa.)

isang malaking BEHLAT sa lahat ng nang-aasar sakin mula pre-elem hanggang ngayon. hehe.




masaya ako ngayon kahit di na naman kami tuloy ni ate jing. pero nagpramis siya na sa tuesday na raw talaga. *sigh* anyway, masaya ako kasi darating mamaya frrom cagayan de oro ang apat kong pinsan (ton-ton, beth, jeff, tina). ang saya at ang gulo nito sa bahay!! hehehe. tas malamang, 'pag nalaman ni vieroane na nandyan sila, sa bahay muna siya matutulog. bale, magkakaroon na ng pitong bata sa bahay (kasama na kami ni yayam). yehey!! happiness. :)




Thursday, April 27, 2006

para sa mga naruto fans. ewan ko kung sasaya kayo o maiinis. kahit na hindi naruto fans. siguradong maiiyak kayo sa kakatawa. pramis.. kakaiba to. :) grabe. naaliw nako sa mga videos sa youtube.com


giant snowflakes!! ^^


kung naghahalukay ka ng multiply site ko. nakita mo na ang pic na nasa kanan. yan ay picture ng isang building sa NYC. malapit sa st.patrick's cathedral at sa rockefeller center. natripan ko siyang picturan kasi nakakaaliw siya sobra. umiilaw-ilaw ang snowflakes ayon sa rythmn ng carol of the bells. super nakakaaliw kung nandun ka. fyi nga pala. nung nawala (nahiwalay kami sa mga kasama namin) kami ni mama sa NYC, yan ang tinitigan/pinanood namin habang naghihintay na marealize ng mga kasama namin na nawawala na pala kami.


baka nagtataka kakung bakit ako gumawa ng entry tungkol dito. wala lang. nakita ko kasi sa youtube 'tong video na to:



i-play niyo!! dapat naka-on din ang speakers. nakakaliw diba? sayang maikli lang yung video. pero matagal yan. parang buong carol of the bells yata yun eh. :) basta. super ganda. :)

home at 8pm!

nakauwi ako kahapon ng 8pm! world record ito! kadalasan kasi 9-12am nako nakakauwi. nagcommute kasi kami ni antie lit kahapon kasi nga coding ang kotse. rar. bakit kasi may coding sa makati? :( pero ok lang kasi mas maaga akong nakakauwi 'pag hindi ako sumasabay kay mama. pero kadalasan din naman, mahaba ang pila sa terminal ng bus kaya mga 9-10pm nako nakakarating sa bahay. ang nakakapagtaka nga lang kahapon ay wala yung parang intestines na pila sa terminal kahit mga 6:30 pm pa rin naman kami nakarating dun (gaya ng dati pag nagcocommute kami. weird.

anway, dahil nga 8pm ako nakauwi kahapon (hooray! horray!), nakapanood ako ng pbb-teens. first time ko nakapanood kagabi. for me lang, mabait naman si niña. kahit maarte siya, inglesera, or whatever.. wala naman akong nakitang mali sa kanya kagabi. ok lang siya.

for mikki and olyn, nalabuan ako sa kanila. ang plastik ni mikki. nakipagbati siya and all pero galit parin siya. labo. pero syempre, di naman natin pwede i-judge kagad ang super pagkasensitive ni mikki kasi nga di natin alam yung full story ng buhay niya (ayon na rin sa mga sinabi ng boys ng pbb). for olyn naman. sana nagbantay siya sa mga sasabihin niya kasi super sensitive nung topic eh. anyway, nagsorry naman siya kay mikki. so ok na yun. pero kita naman natin na hindi parin ok yun for mikki. feeling ko kasi nakita ni mikki yung hate na hate niyang tito kay olyn na nagsasabing, "walang kwenta tatay mo." pero malabo paren yung part na nakipagbati siya kay olyn pero after that galit paren naman siya with matching, "may araw ka rin saken."


nako. enough na bout pbb.

kahapon, chem ang lesson sa LSC. nyehehe. nag-enjoy ako at sabi ni nico, nag-enjoy din siya. chem 1 at gas laws ang topic. mamyang hapon yung thermochemistry. hinalungkat ko nga kagabi yung handouts ko sa chem eh. fortunately, nahanap ko naman siya. yey.

kahapon din, sandamukal na 07 ang nagtipon sa mcdo. burrday kasi. i mean, BIRTHDAY NI JASON a.k.a burr!! jason, HAPPY BIRTHDAY ule! ang gift ko sa kanya ay sagutan ang ilang items sa hw namin sa chem. hehe. saya!! :) ang saya rin kasi nandun sina cheska, rob, at iba pang mga 07. nakakatuwa. sa uulitin ha.


P.S. sabi nung teacher namin kahapon, kamukha raw ni nico si jose rizal. haha.

Tuesday, April 25, 2006

ayon sa aming teacher kahapon. hindi raw nagrorotate ang moon. tas inexplain niya kung bakit. at nalimutan ko na ang kanyang explanation. basta, something about center of mass and center of gravity. ayun. so naniwala na ako kahapon. tas sabi ko pa nga kay nico, "ano ba yan, ngayon ko lang nalaman na hindi pala nagrorotate ang moon." pero super bothered parin ako after nung class. kaya pagdating ko kagabi dito sa office ni papa, sinearch ko kagad sa yahoo kung nagrorotate nga ba ang moon.

ang result: The Moon ROTATES.

eto ang key points:
1) the Moon rotates as it orbits the Earth (as seen by an outside observer);
2) it rotates one time for every orbit (to that observer); and
3) if it didn't rotate, we would eventually see all of the Moon as it orbited the Earth.

eto naman ang detailed discussion.

beh. nagrorotate nga ang moon.

Monday, April 24, 2006

di pala kami matutuloy ni ate jing ngayon. :( sa friday na lang daw. at sasama pa si lou!! yehey. masaya ito.




nung friday, ang sabi ko, ang plano.. 12nn kami magkikita nina ray2, nico, at fatima sa kenny roger's para 12:30pm ay matuturuan NAMIN si pink dude. for some reason, inaasar nila ako kay pink dude at sinasabing ako raw mag-isa ang magtuturo. tas ready na ba raw ako sa sasabihin ko lalalala. nyeh. si nico kaya yung nag-YAH. aynako.

anyways, ang nangyari, 12:30pm na pero kumakain parin kami sa kenny.(kumain ako s\ng isang muffin~ tnx fatima)hehe. hindi namin sinipot si pink dude. 1pm na yata nung bumalik kami sa LSC. sinalubong kami ni pink dude at yun nga, nagpapaturo.

so pagpasok namin sa room, nagpaturo na si pink dude.feeling ko lang nairita sakin si pink dude at si makulit-na-dude kasi mabilis yata ang pag-eexplain ko (kasi nakikipagtalo pako kay nico sa answers sa homework) . sabi ni pink duded sakin, "teka, ang bilis mo naman kasi eh" tas scribbles scribbles yung sulat ko. pinapa-explain kasi nila yung circular functions. kunyari given ka ng cos theta, tas kukunin yunng iba png circular f(x). ganun. eh nagdraw lang ako ng rt. triangle tas yun na nga, scribbles scribbles. haha.

wah. circular f(x) na nga lang, di ko pa ma-explain ng maayos. pero manigas siya, mali siya ng nilapitang mag-eexplain. ako yata ang pinakamalabong mag-explain na tao sa whole wide world. diba jane? cheska?anne? lablay?

so kumusta naman ang review nung friday?

word problems ang topic. ang boring. math 1 pa kasi yun diba? ang yabang ng dating. pangit. pero yun eh. sadyang boring. ang bagal niya kasi magdiscuss eh. like nung previous teacher, as if super dee-duper over very new nung topic samin. namiss ko tuloy si mam de joya. nyahaha.

taga-Benilde daw siya(yung teacher). nakakatawa siya kasi bisaya ang english niya. tinginan na lang kami ni nico 'pag may mali siyang pagpronouncec. shux. ang mean ko na. jane. may dumagdag na sa listahan natin. kung dati, inSHOOlator at inSHOOlin lang ngayon may raSHOO (ratio) na. haha. ang mean ko talaga.

anyhow. ayun. feel na feel talga namin ang Pisay advantage. ang feeling namin. pero may karaptan naman kami magfeeling. haha. ang yabang. bwahahaahaha. thank you sa pisay at binigyan kami ng maayos na math training kahit halos ibagsak ko na ang math 4. üüü

general science naman mamya. tiningnan ko yung handout. para siyang IS. ang ancient. shux. pero karamihan naman sa concepts ay madalas naman gamitin kahit nung 2nd yr at 3rd yr. sana lang di ako magpakabano dito.

may chem na rin ngayong week. what if maging teacher namin si sir javert? ewan ko na lang. haha.






pumasok na sa bahay ni kuya ang 12 teen housemates. nakakaewan lang yung mga housemates kasi parang lahat sila stuck-up (in nico's words) and rich. ang gusto ko lang sa kanila ay si MATT. kasi dun sa vtr niya, hindi siya nagmayabang and all. tas ang God-fearing niya. nyahaha. ayun.

Friday, April 21, 2006

ang saya.

yehey. maglulunch kami ni ate jing sa monday sa katips! ;D wahoo. rejoice.rejoice. ang dami ko na talagang kailangang sabihin sa kanya. feeling ko pag nagkita kami, di na ko titigil sa kakadaldal.

tapos, ang daming naglipanang pisay 07 sa katipunan! nandyan ang mga nagrereview sa kung saan-saang review center. tapos yung mga nag-ssip sa ateneo (at minsan, pati yung sa up). tapos dati, yung mga nag-aspc. tas ngayon naman, yung mga nag-aAJSS. hehe. nakakaaliw lang.

so, kumusta naman ang LSC review?

1. matino naman so far.

2. nagkaroon kami ng teacher na kamukha ni mich (barcenas). distracted talaga ako nung hapon na yun kasi kamukhang-kamukha niya si mich. english teacher siya. hehe. alam ko na ang tsura ni mich pagtanda niya.

3. yung teacher namin sa math(trigo at geom) kahapon ay tuwang-tuwa sa tinuturo niya. ewan ko kung bakit. kilala niya rin si dr.miranda.

4. bano ako sa grammar & correct usage. nakakahiya akong taga-Pisay. powteek talga. babawi na lang ako sa math at science (sana).

5. astig yung isang teacher. marunong siya magturo ng english at filipino.

6. ang aarte nung isang group ng girls na kaklase namin. hmm, ewan ko kung tama yunng word na maarte ha, pero basta, sila yung tipong ingleserang ewan.

7. feel na feel naming apat ang advantage namin as pisay students (sabi nga ni ray-ray. yung iba kasi naming mga kaklase di pa nagtatrigo eh. kaya kahapon, parang ang new topic for them nung tinutuo ni mr.ramos.

8. may lumapit na pink dude (in nico's words) samin kahapon after ng class. tinanong niya kung naintindihan ba raw namin yung diniscuss.sabi namin ni nico, "yah." tas sabi niya, pweded ba raw magpaturo before ng class kinabukasan. sabi namin, ok. ayun. kaya mamya, kakain kami sa kenny roger's ng saktong 12 para matutoran daw namin ng maayos yung pink dude [by 12:30] (in nico's words ule).

9. nakakatamad magkwento ng details. mabuti pa, punta ka na lang dito kung gusto mo pang malaman ang pinaggagagawa naming apat sa LSC.




~ nabasa ko ulit yung isang entry ko dati nung nagbasa ako ng archives ko. grabe. gumaan uli ang loob ko. :)

Thursday, April 20, 2006

try this : zest riddle

Tuesday, April 18, 2006

Ten Top Trivia Tips about Cecile!

  1. In her entire life, cecile will produce only a twelfth of a teaspoon of honey.
  2. Long ago, the people of Nicaragua believed that if they threw cecile into a volcano it would stop erupting.
  3. Cecile is physically incapable of sticking her tongue out.
  4. Twenty-eight percent of Microsoft's employees are cecile.
  5. Cecile was the first Tsar of Russia.
  6. If you toss cecile 10000 times, she will not land heads 5000 times, but more like 4950, because her head weighs more and thus ends up on the bottom!
  7. It takes 8 minutes for light to travel from the Sun's surface to cecile.
  8. The canonical hours of the Christian church are matins, lauds, prime, terce, sext, none, cecile and compline!
  9. The first American zoo was built in 1794, and contained only cecile.
  10. The only planet that rotates on its side is cecile!
I am interested in - do tell me about
Kung kachat ko kayo kagabi ng 8:30, ang alam niyo umuwi na ako from makati sa oras na yun. Pero sa totoo lang. Isa lang yung MALAKING JOKE. Akala ko uuwi na kami kasi tumawag na si mama. Pero yun pala, manonood lang kami ni papa ng MAJIKA at kalahating ENCATADIA sa kalapit na room dito sa office niya. Sabi kasi ni mama, 30 mins na lang daw. Eh halos naka-isang oras na kami ng panonood!!

Gutom na kami ni papa kaya pumunta na lang kami sa greenbelt at bumili ng dalawang Bacon Mushroom Melt Combo (yumyum!! ^^) sa Wendy's. Bumalik uli kami sa office ni papa kasi magsasarado na ang Wendy's. Kumain kami at naghintay. Naghintay. Naghintay. Naghintay.

Anong oras kami nakaalis ng Makati? lampas 11:oopm

Syempre, nang dumating kami sa bahay, halos magmamadaling-araw na. Ack. At gigising pa ako kinabukasan ng maaga. Grabe, narealize kong ang hirap ng buhay ng parents ko.

Kahit pa gustuhin ko talagang gumising ng maaga kanina, di kaya ng katawan ko. Nakaalis kami ng bahay ng 7am, thanks to me. Hahaha. Pagdating dito sa office ni papa. Lagapak kagad ako sa sofa at umidlip. Tapos, nagbasa ng dyaryo. Tapos, eto na, nag-iinternet.

English na naman ang subject mamaya. Good Luck to me.

Hindi uuwi si papa mamaya, mag-oovernight siya dito sa office niya kasi may flight siya bukas papuntang Bacolod ng madaling araw. Ibig sabihin, wala akong option na magbus pauwi kasama si papa. Hihintayin ko si mama!! Oh my gash. Good luck talga sakin.

At meron pa. Dahil nasa Bacolod si papa bukas hanggang Sunday at wala na akong pwedeng pagstand-byan dito sa Makati (dahil super super busy sa office ni mama), wala akong choice kundi iinvade ang office niya kahit wala siya. Shocks. Pero ok lang, mababait naman ang mga officemates ni papa. Sana lang, huwag maraming kakatok dito at maghahanap kay papa. Nahihiya ako. Haha. Good luck na lang talga.

Monday, April 17, 2006

To prove to you kung gaano ako kabano sa english, eto ang mga scores ko sa mga nagdaang exercises:

Sentence Completion- 40/50
Sentence Correction- 13/30 Slap me.
Sentence Choice- 11/20 Kick me.

Sentence Context- 7/10
Synonyms & Antonyms- 20/30
Paragraph Organization- 14/15
Verbal Reasoning- 13/25 Punch me.
Logical Reasoning- 13/15


Three out of eight exercises ang binagsak ko. O diba. Ang saya. *sigh* Sisikapin ko na lang ipasa ang natitira pang exercises ng english. *sigh ule*

~ kakabasa ko lang kanina ng post ni andrew. Nako. Takot na uli ako mag-commute. What if mangyari yun sakin? Feeling ko, mahihimatay ako or something. O kaya, gagawa ako ng something stupid such as sumigaw ng "TULONG!" or whatever na ikakamatay ko. Wah.
Bagong skin uli. Pasensya na kung naiirita ka na kung pabag-bago ako ng skin ha. Nakakabore kasi eh kung tumagal na ang skin. Pero pramis, tatagal tong skin na to kasi naaaliw ako sa kanya at gustong-gusto ko siya. :)

Saka na lang ako gagawa ng sarili kong skin. Sa May na lang siguro or bago magpasukan. Para maka-isang buwan man lang ang skin na to. Gaya nga ng sabi sa itaas, galing ang skin na to kay ate mary '05. Inedit ko lang ang ibang parts. :)

Kachat ko si mam hipol ngayon at nageedit parin siya ng str2 papers. Ang saklap. Go mam. :) Hehe. Anyway..

Napansin niyo na yatang iba ang entry na 'to. Bakit? Kasi, sinusunod ko na ang capitalization ng first letter ng sentence. Sisikapin ko na rin gamitin ang tamang punctuation marks. Ang bano ko kasi sa Grammar and Correct Usage sa English, kaya magpapraktis na ako.Hehe.Pero, hindi naman ako mag-eenglish dito. Ayoko nga. Hindi ako sanay mag-english no. At mukhang hindi na ako ang may-ari ng blog na 'to once na naging pure english ang mga entries dito. Waah. Freaky.

(edit) sheeet. nakakatamad magtype ng entry pag icacapitalize pa ang first letter! nyaha. ang tamad ko. ack. sige na nga. ang gagawin ko na lang, ilalagay ko na lang ang correct punctuation marks. haha.

Back to LSC na naman ako ngayon. Sayang, sa wed pa pala ang start ng AJSS. So, 'di pa kami pwede maglunch today ni Cheska. Sad.

Aliw talaga ang effect 'pag hinover ang links. Try mo. O diba? ^^

Kung clinick mo yung link sa taas. Mapupunta ka sa blog ng taong miss ko na. (Hoy jane. matouch ka. ) Di nga. Hindi nga lang nagrereply at never ko pang naabutang online. *sigh*

Anyway, may breakfast meeting ang papa ko. Kaya ako ang naiwan dito sa office niya. Gamit ko ang computer niya, at feel na feel ko ang umupo sa upuan niya. Ang laki kasi ng upuan niya. Imagine. Kaharap ng door ang computer, so nakatalikod ako sa door. Dahil malaki ang upuan, hindi alam ng mga tao dito sa office ni papa na hindi naman si papa ang nagcocomputer. Kaya 'pag kumatok sila, magugulat sila kasi ako ang lilingon. Hehe. Aliw.

Meron pa akong kwentong nakakaaliw. Nung thursday, ewan ko kung anong tumama sa mama ko. Kasi ganito yun, nakalog-in si mama sa Lotus Notes niya. Yun yung official mail blah nila sa office. Meron din silang parang chatroom. Nagkataon namang maggugupit ng kuko si mama kaya sabi ko pa-check muna ako ng mail. Kaya yun, nag-check ako ng mail. Tapos, bigla na lang may lumabas na window:

Michael Greenshields: hi
Mila C. Dungog:

Si Mr. Michael ang laging kinukwento sa akin ni mama na taga-US na katrabaho niya sa project niya. Once na nag-HI yan, ibig sabihin may ididiscuss na sila tungkol sa work na aabutin na ng madaling araw bago sila matapos magdiscuss. Pinakita nga sakin ni mama yung mga usapan nila eh. Ang nerdo at nakakamatay ang english!! Puro naman kasi yata IT terms yun.

Anyway, e katabi ko lang naman ang mama ko nun. So, sabi ko sa kanya, may nagmsg sa kanya. Tapos, sabi niya, ano kaya raw kung itype raw niya na:

"This is Mila's daughter, my mother will be back after a while."

At tinype niya nga.

Ayun, tapos parang ganito na ang usapan:

*pinapaalala ko lang na ang mama ko ang nagtatype ng answer*

Michael Greenshields: so what are you up to? do you still play the piano?
Mila C. Dungog: i am just surfing the internet. my sister plays the piano, not me.
Michael Greenshields: surfing? like surfing on water?
.
.
.
.*Nalimutan ko na. Basta, mahaba yun.*
.
.
Mila C. Dungog: My mother's back now.
Michael Greenshields: ok. nice talking to you.

Hindi ko lang matanggap na ang corny niya. Ang sarap sabihin na, "ANG CORNY MO!!" Haha. Aliw lang. To think na siya ang isa sa mga taong nagbibigay ng sakit ng ulo sa mama ko. Hehe.

Nung Good Friday naman, nagprusisyon kami. Masaya ang prusisyon kasi may hawak kang kandila habang naglalakad. Hehe. Tapos, ang galing pa kumanta nung choir na kasabay namini sa paglalakad. Kaya, ok lang kahit nilibot namin ang buong pacita.

Ayun. Hanggang dito nalang 'to. Sana nagustuhan niyo ang bagong layout/skin. :)

Sunday, April 09, 2006

random

  • sheeeet of paper. ang bano ko sa english. super nakakaewan. mas masaya pang magsagot ng isang milyong algebra problems kaysa magsagot ng 100 questions ng grammar and correct usage. grabe. pero at least, pumasa pa rin ako dun sa exercise. pero konti na lang, babagsak na rin. *sigh*
  • halos everyday ako dumadaan sa makati ave.. tapos laging may mga beggars na may akay-akay na bulag. tapos, naisip ko. baka yung mga taong bulag, binulag lang talaga, tas pinaapapalimos. ang freaky isipin. pero di nga, ang weirdo lang kasing isipin na ang daming pairs (bulag at di bulag) na nagpapalimos all over manila. nakakaawa naman if ever yung taong tinanggalan ng sight para lang mas makakuha ng mas malaking limos.
  • marunong nako magcommute from bahay to katipunan. pero di ko pa tinatry na magcommute mag-isa. saka na lang daw sabing antie ko. pero kung papipiliin ako kung ihahatod ako or magcocommute,pipiliin kong magpahatid. nakakapagod magcommute no. pero gusto ko rin magcommute mag-isa kahit once lang from makati to katips at katips-makati. ayoko ng hanggang bahay kasi ayoko magbus mag-isa. wala lang.
  • click ka dito
  • nakita ko na yung studio pics ng gateway lakad. ang weirdo ko dun sa isang pose. yun kasi yung pose na dapat serious tapos biglang natawa si anne, tas natawa na rin kaming lahat. feeling ko, dun sa moment na patawa palang ako.. yun yung nakuhanan. kaya ang weird tuloy nung face ko. hehe.
  • magsastart na ang AJSS sa monday. deh.. hindi ako mag-AJSS. pero si cheska oo. sabay daw kami mag-lunch sa katipunan!! o yeah. :)
  • masarap ang BLIZZ- cafe latte ng greenwich. try it!! :)
  • binalik ko yung dati kong skin.. kasi wala lang. aayusin ko muna yung skin na ginawa ko. :) at hahanap ako ng cd ng adobe illustrator/adobe photoshop. meron kayo? :) pahiram.
  • salamat sa lahat ng nagsabi na matino ang skin na ginawa ko dati..kahit sa paint ko lang xa ginawa. nainspire niyo ako. hehe.
  • nagupload na uli ako ng pix sa multiply ko!!! :) puntahan niyo.
  • super cool ng ice age 2! nanood kami nina mama sa SM-dasma pagkatapos namin tingnan yung dorm ni yayam. hehe. aliw na aliw ako sa movie. panoorin niyo rin!!
  • aliw ang bagong layout ng YAHOO! tingnan niyo:)

Friday, April 07, 2006

2nd time sa hisory ng mundo na naiwan ko ang phone ko sa bahay. nyahaha. swanget. ala akong masulat.

grabe yung pagreport ng ABS-CBN tungkol dun sa case ni ate gelyn'06. parang super mali kasi tinext ako kagabi ng uncle ko na nasa mindanao. "cil, yung honors pala sa inyo, nilalason??"

pati dito sa office ni papa, tinatanong ako ng mga office ni papa kung totoo ba raw yung napanood nila sa tv. grabe. parang yung pagkakaintindi nila, RIVALRY chuchu.

wala naman akong masagot na matino. ang sinasabi ko lang, hindi sa victim ang jug. nakiinom lang siya. the end. nyeh. ano ba yan.

antok ako. super super super pagod ako. nakakapagod magcommute kahit pauwi lang. kasi naman ung bus pauwi, dumadaan pa ng susanna heights. sana pwede na lang sila dumaan ng southwoods exit. para less 30 mins ang byahe. :(

tapos, pag 6pm ka na dumating ng terminal sa may landmark.. parang small intestine na yung pila ng bus papuntang pacita. paikot-ikot na. haaay. pero ok lang, ma excuse na magpabili ng mcflurry :) nyehe.

first time na walang homework. ang saya. nanood lang ako ng tv. :) kaso kelangan namang gumising ng umaga. haay. kailangan kong magising ng 5:30am kung ayaw kong magcommute papuntang makati. :( nakakapagod talga.

*sigh*

Thursday, April 06, 2006

di ko talga mapigilan mag-react sa grades ko. nagbanggit ko ng kaunti ang grades ko sa previous post ko. honestly, di ako satisfied sa grades ko.

alam kong hindi yun ang best ko. as in. nakakabagabag (ang lalim) na bumaba ako sa pinoy. super nakakfrustrate. frustrated ako. super super frustrated ako. di ako umasa na super super super taas ng ave ko. hinanda ko na nga ang sarili ko sa ave na hindi pedeng pang-DL. masaya akong tumaas ako. pero parag natapakan ang sayang yun nang makita kong bumaba ako as pinoy.

grabe. sa lahat ng subjects.. bakit pinoy pa? sana di na lang ako tumaas sa math. tatanggapin ko yun ng aking buong puso, isip, at kaluluwa. pero bakit PINOY? bwisit.

sige na. fine. ang babaw ko. fine. nagpapasalamat ako na tumaas ako. (napilitan daw ba magpasalamat.)kahit super layo niya sa ave ko nung 1st yr at 2nd yr. grabe. super super super babawi ako sa 4th yr para masatisfy ko lang ang sarili ko. di ko sinasabing magpapakanerdo ako. super 200% na talaga ang ibibigay ko. hindi na 100%, na pinaniniwalaan kong inexert ko naman ngayon year.

ito na ang pinaka-depressing , pinaka-sad, pinaka-stressful at pinaka- frustrating yr ko sa pisay. di lang sa acads ha. inuulit ko at stinistress ko. di lang sa acads. pero ngayong year lang talga ako super napalapit ka God dahil nga depressing, frustrating, sad, at stressful ng year na to..

miss ko na ang champaca. sana magkaklase na lang ule ang champaca next year. jane, jannel.. mukhang stuck na tayong tatlo forever :) jannel. pakasaya ka dyan sa dc. :) jane. magparamdam ka naman.

sa mga walang magawa. naglulunch ako sa katipunan from mon-fri except next week. baka gusto niyo ko samahan? :) text niyo lang ako. nyehehe.

nakuha ko ang link para dito sa blog ni rayray. aliw lang kasi. :) grabe. jane. ang laki ng name mo. at shux. punong-puno ng STR ang blog ko. mas malaki pa nga ang str kaysa sa God. :) at ang ang weird na nung ibang words. pati yung "ehehe" nasama pa. ang kyut. nakakaaliw.
araw-araw ang review sa LSC. wahu. di na akong taong bahay! :)kasama ko si nico, rayray, at fatima sa pagrereview sa LSC.buti na lang, at least may kasama akong taga-pisay.. pero mas madaming pisay sa AM batch.

super nakakapagod magcommute araw-araw. buti na lang ngayong araw, ihahatid nako ng kotse.. kasi nakasabay nako kina mama kaninang 6am. nung monday-wed kasi tinamad akong gumising.. so nagcommute kami ni antie lit. nung monday at tue, hanggang ayala lang kami nagcommute tas sinundo na kami dun nung kotse. tas pauwi, hinatid kami sa sakayan ng bus papuntang pacita. tas kahapon, coding. tas card giving (ack). ang masasabi ko lang sa grades ko: "sa lahat ba naman ng subjects na bababa.. pinoy pa???" 1.5 ako sa pinoy. mandiri ka. *sigh* anyway, balik sa kwento ko sa aking pagcocommute.. so nung wed, coding nga diba?? so super commute lang kami ni antie lit. marunong nako pumunta ng katipunan ng nagcocommute. i'm so proud!! :) hehe. tas kagabi, ung pila sa terminal ng bus papuntang pacita, parang small intestine na. kasi wala pang bus. super super late na ako nakauwi kagabi.

naisip ko. kung masusurvive ko tong summer na to, na araw-araw akong pumupunta ng katipunan tas araw-araw ako uuwi sa bahay, , pwedeng-pwede na ako ng maging EXTERN!!! :) hehe.. pero super nakakapagod pala talga magcommute. tas super ang init-init pa ngayon... haayy.. sana may makaimbento na ng teleportation device. :)

~pag nagkarooon na ako ng photoshop, aayusin ko tong skin na to.. hehe.. :D

Sunday, April 02, 2006

magsastart nako magreview bukas sa LSC katipunan. hapon ang sched ko.
sino sa inyo magrereview sa LSC KATIPUNAN?? :)

~ to jane: dahil di ka naman makareply.. kita kits na lang sa card giving. :) yey.