p e r i o
er. feel ko talga parang alang kwenta grades ko ngayon quarter. kasi 1) bagsak ako sa math perio 2) mabababa raw ang scores namin sa chem 3)ala akong kinuhang test na feel ko papasa ako. joke. pasado pala ako sa bio. anyway.
morning ang perio. tsugsh. so gumising pa rin kami ng maaga. lalala. nag-aral naman yata kami ng maayos (er.. diba jane??).
anyway, sa last day ng perio [dec 7] , pumunta kami sa daniw nina jane, mari at gihan. kasama namin si mam aimee. haha. nagpakabanal muna kami pagkatapos ng perio. hehe. oh anyway may kasma nga rin pala kaming mga 08. tas yun, nanood kami ng movie. super astig ng movie. THE CHORUS. French movie siya. super astig at moving. naiyak ako. kahit anong pigil ko sa iyak ko naiyak pa rin talga ako. tas pagkatapos ng movie, naligo kaming apat. tas natulog. super lamig. haha. tas isa lang kumot namin. haha. ang labo ko talga magkwento. hmm. punta na lang kayo dito, baka kinwento niya rin. mas magaling yun magkwento.
anyway, kinabukasan, bumalik na kami sa pisay. nagcommute kami nina gihan, jane, at mari! haha. nag jeep kami. kaming dalwa lang ni jane ang nakaexperience na magjeep mula katipunan hanngang up. tas once lang yun. tas may mga kasama pa kami nun [pumunta kami sa daniw nina jane at anne dati ]. anyway, basta ang pt ko ay lahat kami ay di talga sanay magcommute mula katipunan hanggang up. pero nakarating naman kami ng pisay ng safe. ang saya nga ng experience eh. pero nakakapagod.
p a s k o r u s/ p a s k o r i t o
paskorus. friday ang paskorus [dec 9]. sinimulan namin ang pagpractice sa choice piece namin [have yourself a merry litttle christmas] ng thursday [dec8]. ang cute namin no? :) haha. anyway. kinaya naman. as in two hours before the contest di pa rin kami nagbeblend. haha. pero ok lang. tas tinutulungan kami ni mam hipol at ni mam de joya. i mean binabantayan. ay ewan. basta nandun sila tas pinapakinggan kami.
di kami nanalo.nanalo ang tau. deserve nila. :) ang galing nila. hehe.
pagkatapos ng program may fireworks sa may grandstand:) ang ganda. nakakamangha. hehe.
b a k a s y o n
natapos ang paskorito ng mga 6:30. tas sabi ko kay mama 8pm pa siya matatapos. haha. pero dumating naman si kuya pio ng mga 7:50pm. tas dun sa may malapit sa mcdo sa may edsa, nabangga kami. hmm, di naman siguro yun bangga yata. traffic kasi tas gitgitan. tas may kotse na gumasgas sa kotse namin. parang gasgas lang naman yung nakuha ng kotse namin.
nakauwi kami sa bahay ng mga 11pm. o great. may flight kami kinabukasan ni mama ng 6:50am. so dapat 5 daw alis na kami. crude talga. natulog ako ng konti tas umalis na kami ni mama.
eto nangyari sakin ng buong dec 10, 2005
manila- nagoya, japan [6:50am sa pinas- mga 12pm sa japan]
nagoya- detroit [ewan ko, basta mga 11 hours akong nakaupo yata sa plane, crap]
detroit-newark, new jersey[ tinulugan ko lang to eh- mga 4pm kami nakarating sa new jersey]
sinundo kami ng uncle ko. tas sinma niya kami sa christmas party ng frat niya. buffet. wah. dami food. super. from sushi to pizza to ice cream to bread. lahat yata nandun. tapos nun. umuwi na kami sa bahay ng uncle ko.
super super lamig dito. hayay. at may snow. dah cecile.
dec11- ngayong araw pumunta kami sa pennsylvania [teka, tama ba spelling??]. pumunta kami sa pinsan ng mama ko. tas binigyan nila ako ng sweater. yey. buong araw kami dun.
ngayon, wala akong ginagawa. nagiinternet lang at nanood ng tv. sinearch ko kanina kung sino nanalo sa pbb. si nene pala. di ako nakanood ng the big night eh. haha. adik. anyway. ayun. eto lang ata gagwin ko forever. magnenet at manonood ng tv. ay, binilhan pa la ako ng 7 books ng chronicles of narnia - c.s. lewis. tapos ko na yung dalwa sa plane eh. so 2 down, 5 to go. medyo pambata yung libro kasi magical siya tas mababaw.pero masya naman basahin. :)
till next time :)
No comments:
Post a Comment