Thursday, December 15, 2005

home alone part 2

home alone ulit ako, pero ngayon. ala na talaga akong kasama. very much.

anyway, mga napapansin ko:

1. sosyal ang dunkin donuts sa amerika, merong may drive-thru. haha. tas may muffins. yumyum.

2. ang daming pinoy dito. sa mall, ala akong ginawa kundi tingnan ang mga tao at hulaan kung pinoy sila o hindi. ang gandang libangan no? ^^

3. super super lamig kahit mataas ang araw.

4. nakakalito ang highways nila. kahit yung uncle ko na mga 8 yrs na dito, nalilito pa rin. kasi naman puro EAST 3, WEST 23, EAST 23, route 46 l,alala. ayun. hanggang ngayon, di ko pa rin gets yung daan nila.

5. mas masarap ang french fries ng mcdo sa pinas.

6.di ko matanggap : $1.99 ang mcflurry dito. kung sa pinas, makakabili na ako ng vanilla frap sa starbucks sa $1.99. garrrr. pero ok lan. mas malaki naman at mas siksik, hanggang dun sa opening ng cover yung ice cream. [ nag-ice cream ako habang naglalakad sa parking area, nagtaka pa ako kung nanlalamig ng sobra yung kamay ko pagpasok sa kotse dotdotdot ]

7. namiss ko yung tv shows sa pinas. :(

8. masaya mag movie marathon ng puro hp! pinanood ko yung hp1 hp2 hp3 ng sunod-sunod kahapon. ang saya.

//hanggang dito na lang to. nakakatmad na eh. babush!! ^^

No comments: