Wednesday, December 28, 2005

home sweet home!

yehey. nakauwi na rin ako sa wakas.

dec 23, 2005

Houston airport
continental airlines
about 7:00am

delayed ang flight ng 1.5 hours. kelangan kong umupo sa tabi ng mama ko na di matigil sa kakasabi na: “Naku, magkakaproblema tayo nito.”

bago kami bumaba sa airplane, sinabi ng mama ko sa stewardess na may connecting flight kami to Tokyo. sabi naman nung stewardess, may tutulong sa amin. tinanong ng mama ko kung pano yung baggage. sabi nung stewardess may aasikaso daw nun.

Los Angeles Airport

arrived at 10:20am.
may flight kami ng 11:00am to Tokyo.

with all the transfer of buildings and security checks dotdotdot N A I W A N kami ng plane. haha. syempre tinatawanan ko na lang ngayon, pero super inis at stressed yung mama ko nun. ako, ala lang. blanko lang. I can’t do anything naman kasi.

binigyan kami ng instruction ng mga tao dun na pinagtanungan naming na pumunta sa counter ng northwest airlines. sa northwest airlines kasi kami nakabook. kait yung houstan-l.a. na flight. kaya lang continental airlines yung sinakyan naming kasi may partnership blabla yung northwest at continental. ANYWAY, yung lalake dun sa counter, binook niya kami sa Singapore airlines para maabutan pa naming yung Tokyo-manila namin na flight. tinanong ng mama ko ulit kung pano yung baggage. sabi niya, ililipat daw nila sa Singapore airlines. di daw yun sinakay ng plane na nang-iwan samin kasi di naman daw kami nakasakay sa plane. dotdotdot

pumunta kami sa kabilang building kung nasaan ang Singapore airlines. pumila pa kami and all. time check: about 12:00pm. binook kami sa 1:05 pm na flight. pumila pa kami sa counter. tas sabi nung tao dun, full flight daw sila. tas basta ang sinasabi niya, parang stand-by lang daw kami. tapos, pinapunta niya kami dun sa supervisor nila. ang galing nung supervisor. nabigyan nya kami ng seats. tapos tinanong ulit ng mama ko kung pano yung baggage. nagwalkie-talkie siya. tas yun, sabi, ala pa silang natatanggap galing nw airlines. kapag daw may binigay ang nw, ilalagay daw nila sa plane. pero kapag wala, ala silang magagawa. very much. ala kaming magawa. time check: mga 1:45pm. pinapunta na niya kami sa gates: “I will appreciate if you now go to gate wang-o-wang (101)”.tapos may security check na naman. ang layo ng gates. shux. nakaabot kami . THANK YOU LORD!

Los angeles- Tokyo (narita)
Singapore airlines


ang ganda nung plane. may sari-sarilign video monitor. di gaya ng nw. tas may games! hehe. Nintendo games at kung anu- ano pa. tas may audio at video. ikaw bahala! tas ang sarap pa ng food. ^^ labyu Singapore airlines.


NARITA (Tokyo)

arrived at about 5:30 pm. dec 24, 2005. ala pa kaming boarding pass to manila. pero we have something na bigay ng nw. anyway. may security na naman. grrrr. ANYWAY.ang layo din ng gate. naka 4 yata ako na sakay ng parang escalator na kaplane ng floor. (gets?) basta. mga 6:00pm na kami nakaratin sa gate kung saan kami magboboard. tas, kumuha pa kami ng boarding pass dun sa tao sa gate. binigyan niya kami. tinanong ng mama ko kung ok yung baggage. I mean kung kasama ba naming lumipad sa Tokyo yung baggage. binigay ng mama ko yung claim tag nung baggage.nagwalkie talkie yung babae. di ko sya naintindihan. dah. hapon siya. ANYWAY. kinausap niya mama ko in English, ala pa raw natatanggap ang nw na baggage naming galing sa Singapore sirlines.

nagsimula na ang boarding. chinecheck pa rin kung nasaan na ang baggage naming. sabi nung babae, baka ibigay ng s.a. ng last minute. pinasakay na kami sa plane. natulog lang ako.

NAIA
dec 24, 2005
10:45 pm


yehey. nasa pinas na kami. hoping hoping parin kami na may baggage kami. bumuga nang bumuga ng mga karton at bagahe yung butas dun sa may carousel. WALA. hanggang sa lumabas na yung last na raw na baggage. WALANG NI ISA sa mga bagahe naming ang lumabas.

pumunta sa nw counter yung mama ko. nagreklamo siya. sabi nung lalake dun, ang last record ng baggage namin ay sa Houston. WHATDA?grrrr.

NAKAKAPAGOD ang trip namin pauwi. AT umuwi kami sa bahay ng walang baggage. cute diba? > <

dec 25, 2005

MERRY CHRISTMAS sa inyong lahat.
happy happy birthdy baby Jesus.. ^^

dec 26, 2005
nakuha na naming ang baggage!!^^ yehey.

No comments: