Tuesday, May 08, 2007
-Grey's anatomy season 3 ep10
(Don't stand so close to me)
Monday, May 07, 2007
Of Wands and Java
Napangiti ako ng article na ito. ♥ Read the artice!
There is also the possibility of an unvoiced object that is derived by pointing the wand at something physically. In The Goblet of Fire, Hermione simply points her wand at a broken window and says "reparo". Internally, the wand is sending the reparo(
) message to the derived target of the wand pointer:
Pointer.getTarget(
).reparo(
);
Also in The Sorcerer's Stone, in Professor Flitwick's Charms class, Hermione demonstrates the proper way to do the levitation charm, "wingardium leviosa":
wingardium.leviosa(
);
"Wingardium" is the feather object, and sending the leviosa(
) message to it causes the object to be levitated.
Ang sad sad sad sad sad na talaga nito. =( =( =( =( =( =( =( =( =( Akala ko OK na. Pero apparently hindi pa pala. *Sigh*
Never kong malilimutan lahat ng mga sinabi niya that night. NEVER.
***
She is clothed with strength and dignity;
she can laugh at the days to come.
She speaks with wisdom,
and faithful instruction is on her tongue.
She watches over the affairs of her household
and does not eat the bread of idleness.
Her children arise and call her blessed;
her husband also, and he praises her:
"Many women do noble things,
but you surpass them all."
[Proverbs 31:25-29]
Friday, May 04, 2007
Tsitsil is bored =\
Batung-bato na ako dito sa bahay. Loner-loneran ako dito eh. Sana pala talaga nagplead na lang ako na maiwan sa CDO. Hmffffff. Super bestfriends ko na tuloy ang aking kama pati si pillow, comforter, remote control, mighty laptop, at ang ever cooperative broadband. Forever lang akong andito sa kwarto, lumalabas lang ako pag maliligo, kakain, at pag pupunta sa CR. =\ Ay, pati pag maingay si Angel (baby sis kong ibon Ü), lalabas din ako ng bahay para pagalitan siya.
Grabe..
-- Naubos ko na lahat ng DVDs dito sa bahay. (Yes, naman) Tapos ko na ang Princess Hours, House (seasons1-3 -- 6 lang ep sa season 3 namin, huwaaaay? *pout* ), Grey's Anatomy, Scrubs(seasons 1-5), Heroes..
--Tapos, natapos ko na yung bloons at morebloons sa addictinggames.com. Pati rin pala ang thebouncyball. Pst, Nico. Salamat sobra sa pagrefer sakin ng mga games na ito. Nyahaha. =P
--Tapos ko na ayusin yung multiply ni Krisha. Ü Visit! Visit! Click here!Ehehe. Ang cute.=P Hehe. Yabang. Di naman ako yung gumawa nung layout. Dinekwats ko lang yung code sa customizedthemes.multiply.com. Pero SUPER inedit ko siya. Nilagyan ko ng border pati nilkihan ko pa ng onti yung font size. Tas inedit ko yung footer.Ang sabi lang naman nung author bawal i-edit yung both header at footer eh. Either yung header or yung footer lang daw ang pedeng i-eedit. So go go go naman ako sa pag-edit ng footer. Ginamit ko yung brushes na gawa ni Ate Mary. Tas inedit ko rin yung sa sidebars. Originally yellowish siya na may pink. Pero ayaw ko nun. Basta, tingnan niyo na nga lang yung difference >> Tatty Teddy Layout. Cute yung header tsaka bgound, kaya pinili ko siya. Tsaka pink siya ~ eh ang intstuctions ni Krisha ay dapat pink na malandi. So yun na yung kinuha ko. =P Cinredit ko naman siya eh. Thanks, Tanya. =) [/edit] Uh, kung nagtataka kayo kung ano yung connection ng butterfly sa Teddy bears, err.. andun sila kasi may flower na hawak yung isang bear.. Nyahaha. =P Lusot! Ü
--Napakinggan ko na lahat ng kanta ni Blake sa multiply ni Nico *sa utos niya*. At na-download ko na sila lahat. Maganda yung "Somwhere only we know". Well, ang gusto ko talga e yung melody nung kanta, ay pati yung lyrisc. ÜÜÜ Narinig ko na yun dati sa Grey's Anatomy eh. Pero matino rin naman yung pagkakanta ni Blake.
--Masaya pala mangsuyod ng archives ng sariling blog/multiply!Ü Pramis. Try niyo rin. Nagdiscover ko na nagchange ako little by little. Hindi lang dun sa way ng pagbablog ha. Pati na rin yung contents at yung paraan kung pano ko inaanalyze ang mga nangyayari sa ating buhay. Ang weird basahin ng mga entries ko na punong-puno ng drama. Ang saya tawanan. Sigh. Tas nalungkot ako sa pagbasa ng mga entries ko na about sa mga weeks ko sa Pisay. Grabe. Nagsisink-in na! OMG. As in. Nakakalungkot. =( Hindi na babalik yung mga times na yun. (I'll stop here na, or else, magdadrama na ako ng super mahabang-mahaba. Maiirita lang kayo..)
--Masaya rin manghalungkat ng archives ng blog/multiply ng ibang tao! Ü Pisay blogs/multiply lang ang hinalungkat ko malamang, dahil nga nagdadrama ako at nagpapakasenti na nagereminisce ng mga bagay-bagay. Ahihi. Walalang. Ü Masaya lang din makita kung pano nag-transform ang mga tao ng paunti-unti. Makikita mo talaga kung pano na-carve ng Pisay ang mga tao into stronger persons.
--Natapos ko na yung National Geographic Fight Science episode sa YouTube! Nakuha ko yung link from Sir Martin's blog. Well, aliw siya. Pang-nerdo. Nyahaha. Juk! Panoorin niyo na lang! Eto yung link sa first part. Bale, 10 parts lahat-lahat yan ha. Enjoy!Ü
--Ok na college stuff ko. Ayos na lahat ng kailangan gawin for DOST and UP. Hinihintay ko na lang na mag-May 11 ~para magpaadvance reg sa UPD at magpaorient at mag-May 24~ para asikasuhin ang ATM card ko for DOST. Ay. Joke lang. Kelangan ko pa palang mataimtim na manalangin na matanggap ako sa Kalayaan Hall or else sa MyPlace samay Katips ako titira. -__- Nagpareserve na kasi ako dun eh. Sayang kasi yung bakanteng slot, eh maganda pa naman yung place. Ayoko lang magsisi. Pero anyhoo, ayoko maging financial burden sa aking pamilya, kaya sana sa Kalai na lang ako. Mas practical. *Sigh*
...Alam ko na! =P Meron akong nag-iisang folder dito sa laptop tas dun ko tinatambak lahat ng files ko. Tas yung laman niya, files ko from 1st yr to 4th year. Tas 1.81 GB na yung size niya. Ayusin ko kaya? =P Super kalat na niya eh. Dati organized pa yun. Hay. Nagkandalokaloka kasi ako since nawala ang aking flash drive eh. Tas di ko na alam kung pano i-sort ang mga files- yung may sense at yung wala. Ewan ko kung ano connection nun. Anyways, ang nangyari. Yung ibang pictures at music files, nabaon na sa mga folder within a folder within a folder within a folder within a folder.. -____- Wee. Ayan. May gagawin nako bukas! =P
Ay. At speaking of flash drive. Kelangan kong bilhan ang sarili ko ng flashh drive. Di pa alam ng mga tao dito sa bahay na wala nakong flash drive eh. Oh nose, ang lapit na ng pasukan, so kelangan ko na talga ng flash drive. Gah. Kelan kaya ako makakaluwas uli? =\
***
Nanood ako Spidey 3 kahapon with Papa & Atty. Imbang. Ang drama niya, OVER. Tas nakakaiyak yung dulo. Hehe. Tas ang Übercute ng smile ni Harry. Pramiiiis. Tas,Astig ang effects. Idol. Pero natatawa ako pag nag-iiba ng hair style si Peter Parker pag nagdadrama siya. Gayahin ko kaya? Mag-iiba rin ako ng hair-stlye pag magpapaka-emo ako =)) How fuun. ÜÜÜ
April 24-27 Vacation Ü Part II
*April 27*
Madaling araw palang, umalis na kami nina Mama and Antie Lit sa Tagdo. Pagkatapos namin magbless kay lola, lumarga na kami to Paras, then to Benoni. Hinahabol kasi namin ang first trip ng Super Shuttle Ferry eh. Round trip na kasi yung binli naming ticket para sa lantsa nung pumunta na kami dun sa Camiguin, so dapat sa Shuttle uli kami magride. Kaso dumating kami sa Benoni ng 5am, tas 4:30am yung shuttle. -__- So sa MV Kalinaw na lang kami sumakay. Tas yung tickets, si Uncle Boy na lang ang gagamit nun pag pumunta uli siya ng Camiguin. Anyhoo, sa lantsa, nagsikainan kami ng suman pati nilagang itlog. Tas picture galore nung sunrise =) Ang ganda-ganda..
Tas pagtapos ng lunch, yung iba naming kasama, pumunta na sa Deluxe Hotel. Tas kami, pumunta na kami ng XE. Tas nang mga 3:30pm, bumaba na uli kami sa city~ sa LimKetKai Mall =D Ayun, BCBP assembly/worship.. lalala, umalis kami ni Yayam nung Healing part. Tas sinundo kami Uncle Hil tas pumunta sa bahay nila. Nanood kami ng Bruce Almighty tas umuwi na. Ü
*April 28*
BCBP Breakfast. Tas pumunta kami sa sementeryo nina Mama, Antie Lit, Uncle Boy & family, tas Camella kids para bisitahin sina lolo, greatgrandlolo, greatgrandlola, at mga tiyas nina Mama. Tas pagtapos nun, diretso kaming Panagatan sa Opol! Ü Andun na rin yung mga kasamahan nina mama & papa sa BCBP. Haaaay. Ang sarap sarap ng food. Tsaka ang fun kasi isang table kaming magpipinsan. Tas nasa kabilang table yung mga adults.. Pagtapos nun, pumunta kami sa VJANDEP para bumili ng pastel, etc. Tas pagtapos nun, bumalik na kami ng XE tas yung iba sa Deluxe Hotel.
Tas bumalik na uli kami ng LimKetKai for the mass. Tas pagtapos nun, dinner. Dun sina mama & papa sa assigned place nila tas kami ni yayam, sa greenwich kumain. Dumating na rin dun sina Antie Lit, Uncle Orly, Antie Gingging, tas Uncle Boy & Family. Tas habang kumakain kami dun, may dumaan na mascot. Mascot ni Pichay. =))
Anyhoo. Nung pumasok na kami sa Atrium, grabeeeeeh, ang ingay. Ang lakas lakas nung music. Tas nagsasayawan yung mga tao. Retro kasi yung theme eh. =\ Hay. Yan tuloy, pati yung mga presentations, retro rin. Hindi fun. =( Di gaya nung ibang fellowship nights nung dating mga anniv. =( Hmf. Hmf. Hmf. Pero anyhoo, tinapos pa rin namin. =\ Si Papa naman, sinundo na nung kasama niya sa office, punta sila Gingoog for work.
3:30 am ng madaling araw, larga na kami to Bukidnon. Pumunta kami sa Transfiguration Shrine. Super liblib! Nasa monastery kasi siya. Hinahabol sana namin ang 5:30am mass, pero pagdating namin dun, 8am pa pala ang mass!! -__- Hindi na namin yun mahihintay, kasi yung iba naming kasama, may flight ng alas-dos. Eh 2 hours ang layo nung shrine na yun sa CDO. =\ So nagpicturepicture na lang kami dun and nag-pray. Ü Tas pagtapos nun, travel uli kami ng 2 hours to Musuan Bukidnon, para wala lang, makarating lang dun. =)) Joke, Pumunta kami sa Philippine Carabao Center. Pero hindi naman talga kami nagtour sa loob. Namili lang sila dun ng mga chocolate carabao's milk, (slers) chicharon--- CHARAP CHARAP!, at banana chips. Tas pagtapos nun, 4 hour-trip back to CDO.. for them (yung mga kasamahan nina mama sa BCBP). Kasi kami, nagstop pa kami sa isang farm na maraming-maraming sheep pati mga cow. Tas naglunch kami sa may Cawayanon. Pagtapos nun, back to XE na kami tas nag-rest. Mga 3:00, chineck-in na nina Uncle Orly yung mga bagahe namin sa airport, habang kami, pumunta sa Camella. lalala... tas nung mga 4:30 na (5:30 ang flight namin), pumunta na kaming airport.
Sa airport, nagkita kami ni Kuya Ed. Kwento kwento about Pisay movie. Tas tinry namin tawagan si Andy ng MILLION times, pero hindi niya naman sinasagot nun. Hmf. Tas tinawagan namin si Nico na nasa Camiguin nung time na yun. Tas inannouce na delayed ang aming flight! So.. lalalala.. chismis chismis.. more kwentos.. and then sumakay na kami sa plane. Babay Kuya ed. =) tas fly fly fly. Hello Manila! Tas home na! =) Yehey..
Wednesday, May 02, 2007
April 24-27 Vacation Ü Part I
Nung April 23, may shooting ng Pisay the movie! Tas 10:30 pm na ako nakaalis sa Pisay (kasi nun lang natapos yung chem lab scene). Dapat nga meron pang ibang scenes na ishushoot eh, pero kumaripas na kami ni Nico at Honey Jane. So yun, hinatid ko si Honey Jane sa sakayan sa tapat ng SM North tas si Nico sa bahay niya tas diretso nakong Makati. Akala ko naman uwi na kami kagad! Naguiguilty pa nga ako nun kina mama at papa kasi ang late ko ng bumalik ng Makati. Pero apparently, wala pang balak umuwi si Mama. Bale dumating ako sa Makati ng mga 11pm tas pagtawag ko kay mama, sabi niya, mga 1 hour pa raw. Ayun. Past 12am na kami nakaalis ng Makati tas mga 1am na kami nakarating sa bahay.
Eh whatda? First flight kami to CDO! So 2:30am dapat umalis na kami. -____- So naligo na ako kagad tas mga after 10 mins, off to the airport na kami nina Antie Lit, Yayam, and Papa. Si Papa, PAL tas kaming tatlo, Cebu Pacific. May miles kasi si papa eh so dun na siya para libre. Pagkahatid namin kay papa sa mas bagong airport hinatid na kami dun sa luma.
Ang weird. May dala kaming tatlong walang laman na styrofoam box (yun ba tawag dun?). Kay Antie Ging-ging yun eh, yun yung nilalagyan niya nung mga isda tsaka shells na pinapasalubong niya lagi samin pag pumupunta siya sa Manila. Anyhoo, ang bangag bangag talga namin. Tas gutom pa kami. Kata attack kami kagad dun sa bilihan ng food sa loob. Hahaha.
Sinundo kami ni Uncle Hil sa CDO airport. Tas hinintay pa namin na dumating si Papa, bago kami pumunta sa XE. Sinalubong kami ni Antie Bong tas ni KC! Nanonood pa nga si KC ng Finding Nemo nun eh. Hehe. Aliw. Tas pag-akyat namin sa taas, andun si Gerard! Hinug niya ko.=) Tas pagkatapos ng konting chickahan, pumunta na kami sa city kasi magpapamedical ako (c/o Philamcare) tas si Papa may aasikasuhin sa Register of Deeds. Hanggang lunch time kami dun sa city. Super antok talaga ako nun. Text nga ako ng text kay Krisha na gusto ko na matulog eh. Suri naman Krisha kung binulabog kita nun ha. =)Salamat sa mga info. Anyhoo Anyhoo. Bumalik kami sa XE para maglunch tas nakatulog ako sa sofa sa sala tas paggising ko andyan na yung iba ko pang mga pinsan(tina, beth, tonax, jeff!). Tas pagkatapos nun balik uli kami sa city para kunin yung results. -___- Tas pagtapos nun, dinaanan namin sina Antie Lea, AL, at Rom2 sa Terry Hills tas bumalik na kami sa XE. Pagdating sa XE, nakipaglaro muna ako sa mga pinsan ko tas natulog ako sa sofa sa sala. Tas lalala, dinner, laru-laro, tas nakatulog na naman ako sa sofa. Paggising ko, pinalipat na ako ni Antie Lit sa kwarto sa taas, tas tinuloy ko na yung tulog ko. =) Yehey.
*April 25*
Mga 6:00am, ginising na kami ni Yayam ni Antie Lit. So naligo na kami and nagbihis. Tas mga 7am, dumating na sina Mama plus yung mga kachapter niya sa BCBP. Tas after ng isang speed breakfast, sakay na kami sa mga kotse tas pumunta na kami ng Balingoan. (Naiwan si Yayam sa CDO kasi magpapaopera siya that day ng in-grown niya eh) Bale mga one and a half hours na land trip din yun. Tas ginamit namin (Antie lit, mama, papa, ako) yung sasakyan ni Uncle Boy tas si Mama yung nagdrive habang yung mga kasama niya sa BCBP, nasa 2 seperate vans + isang Strada.Hanggang 60kph lang talaga yung speed na inabot namin. -__- As in, hindi talaga lumampas sa 60kph. Huli tuloy kami dumating dun sa port. Pero anyhoo, dahil kotse nga ni Uncle Boy a.k.a Dr. Chan ang aming gamit at may kakilala naman kami dun sa port, mabilis naman naprocess yung mga papers tas sinakay na sa lantsa yung apat na kotse tas umakyat na rin kami dun sa lantsa.
During the whole trip, nakatayo lang kami dun sa may side ng lantsa nina Papa plus ilan niyang kasamahang mga lalaki, habang karamihan ay nagsitulog sa loob ng lantsa. Ang sarap sarap ng hangin tas ka-text ko lang si Krisha forever. Tas nung nasa kalagitnaan na ng trip, sabi ni Tita Vi, "Dolphins ba yun?" Tas pagtingin namin sa malayo, may dolphins nga! Super dami! Hindi masyadong pansin nung una kasi aakalain mo na mga alon lang yun pero hindi, dolphins sila.. Nagjumpjump pa nga sila eh. Pero medyo malayo sila kaya hindi sila makunan ng camera namin. Pero ang damiramirami nila! =) Ang FUN! Pero mas fun nung punta ko ng Camiguin last year. As in, ang lapit-lapit nila. Meron pa ngang isa na lumusot sa ilalim nung lantsa eh. =)
Pagdating namin sa Benoni (Port sa Camiguin), edi sakay uli kami dun sa mga kotse, tas punta kaming Katibawasan Falls. Nagloner swimming ako dun. Ayaw nila magsipagswimming eh. Tas dun na kami nag lunch tas after nun diretso na kami sa Paras Beach Resort. *Ay ay ay. Nalimutan ko sabihin na sabit lang ako sa Camiguin trip na yun. Ang purpose lang naman talga ng Camiguin trip na iyon ay ma-tour ni Mama yung mga kachapter niya sa BCBP sa Camiguin eh. So wala lang, sumama lang talaga ako dun. *Pagdating sa resort, inayos na ni mama yung booking ng mga kasama namin. Tambay lang kami sandali ni Antie Lit dun sa Paras tas nung naayos na ni mama yung mga room room, umalis na kami at pumunta na sa bahay ni Lola Goga sa Tagdo. Natulog ako saglit sa sala tas pagkasing ko, minamadali nako ni Mama. Punta na raw kami ng Ardent. -.- Ligo ligo. Kain sa bahay ni lola. Tas tulog sa bahay ni lola nung umalis na silang lahat to Paras! Oye!
*April 25*
Nagising ako dahil nagffreakout na si mama tas sinasabi niya," Gising na, gising na, 7am na!" (Eh, 7am yung usapan na alis sa Paras Beach Resort to White Island =\) Pagtingin ko sa bintana, wah, ang liwanag na. So nagdali-dali naman akong naghanda.. Tas pagbaba, tinignan ko yung phone ko tas 5:30 am palang. Ngi.
Nung ready na kami, punta na kami nina Antie Lit at Mama (Si Papa, sa Paras natulog) sa Paras tas ready na rin yung iba. Tas sumakay na kami ng pump boat to White Island. Mas maganda dati yung White Island nung ala pang mga structure structure na mga tent, pero ok pa rin siya. =) Weeee. Ang fun fun awayin nung waves. Hahaha =)) Ayun. Hanggang 11:30am kami dun. Dahil dun, nogienog na ako. Oo alam ko dati pakog maitim. Pero mas maitim na ako ngayon. -___- Fun.
Pagtapos ng White Island, punta (uli sila -- nagpunta na yung iba nung 24) kami sa old volcano, sunken cemetery, and church ruins para makapunta yung mga bagong dating. Tas pagtapos nun, lunch kina Ninang Au. Tas pagtapos nun, sinundo namin si Tita Grace & Tita Joji sa Benoni tas nagpunta kami ng lagoon. Tas didiretso na sana kaming Sto. Niño cold spring kaso ayaw na nila. Pagod na raw sila eh. Hmf =\ Anyways, bumalik na kami sa resort tas lalala nagpakabulok sa resort. =|
Mga 7pm, pumuta kami sa place uli ni Ninang Au sa Tupsan tas nagdinner doon. Sayang, kung may kasama lang ako, nagswim din ako sa pool nila na ang tubig ay direct from Macau Cold Spring -___- Wah. Eh ayoko namang magpakaloner dun, kaya wag na lang. Anyhoo. Pagtapos ng dinner- aliw yung plates namin, gawa sa trunk ng banana tree-, umuwi na kami sa bahay ni Lola tas yung iba sa Paras.
(Next three days sa next post!)
See pictures: Day 1, Day 2, Day 3