Sunday, January 21, 2007

mrs.fields brownies


gib me gib me gib me someeeeeeeee!!! :p

wow.

nakita ko habang papunta dito sa office ni papa kung nasan ang ang building ng office ni mam karen. lagi ko pala nadadaanan yun. :p

ben, turuan mo ko magbura ng tag sa tagboard ng ibang tao. *evil laugh*

Friday, January 19, 2007

more kwentos..

ay. lumabas na rin nga pala ang admu result. woots. di ako merit scholar at hindi pako nagrantan ng kahit anong scholarship (financial assistance).. yay! so very low possibility lang talga na magAdmu ako.. dahil nga.. wala akong scholarship dun..

anyhoo.. anyhoo.. masaya magkwento about life ngayon. YMSAT week na next week! naeexcite ako. bwahaha. ay.. bago ko makalimutan.. announcement:

mula kay dani (na galing kay KJ daw)

pakikalat sa lahat ng MP.. tayo magbabantay sa opening cermonies sa YMSAT sa monday.. type c uniform, kitakits 7.15 sa grandstand..

yehey. ayan.. magagamit na natin ang legs nating pinatibay ng pagpPT. yehey. yehey. anyways.. haay. ang daming reasons kung bakit ako nasasayahan sa buhay. nakakatuwa dahil natapos namin ang str poster ng hindi GANUN kastressed, tapos, hindi ako bagsak sa econ (* rejoice rejoice*).. tapos, masaya maglaro ng badminton... tapos (grabe.. puro nako "tapos").. nakapag-usap kami ni ate jing and naenlighten naman ako ng onti..

..kaso ewan ko ba, feel ko lang siguro magdrama or something pero ang bigat talga ng feeling ko. frustrated ako. super. pero doy..


"They that hope in the Lord will renew their strength, they will soar as
with eagle's wings; They will run and not grow weary, walk and not grow
faint.." - Isaiah 40:31


naalala ko lang..realization ko lang pala nung retreat na.. "ok lang na wala akong safety net ngayon.. na tao.. andito naman Siya lagi.." pero, yay. laging may mga whatever stuff lang na pumapasok sa utak ko habang naglelecture sa math or kumakain.. tas nafufrustrate ako. feeling ko kasi i can do better sa mga bagay-bagay eh. kung baga, may ibubuga pa ko. may ibabait pako.. may isisipag pako.. may ibabanal pako.

*shut-upping*

narealize ko lang. ang rant-y nung last paragraph ko.. kaya jujump nako sa next topic. itutuloy ko na ang aking kwentos bout the incoming YMSAT week. weeeeee. daming new faces na maeencounter. yay. anu-ano ba ang dapat i-look forward? ---

1. lifesci workshop
2. str chuva
3. pagbabantay ng mga plenary sessions (MPs!)
4. ushering
5. magic magic sa physics
6. 2010 stargazing

--- yehey. ayan. pramis, gagawa ako ng matinong entry about this week. i pray na maging very fruitful siya and sana marami kaming matutunan sa last YMSAT week of my life! at sana mag-enjoy ang lahat ng mga otherschool-ers na pupunta!.. sana rin bumisita si mam karen.. at magkita kami..! yehey..

endendend!


pahabol. HAPPY BIRTHDAY ROBY (jan15)! HAPPY BIRTHDAY CY (jan16)! HAPPY BIRTHDAY ATE JAN (jan 16)! HAPPY BIRTHDAY SIR VLAD (jan 21)!

Sunday, January 14, 2007

YMSAT na next week. let’s panic!

weh.

ayoko nga. hehe. ang saya, kahapon.. buong araw lang akong nanood ng Scrubs. may dvd kami ng season 1-5 ng Scrubs! yehey! aliw siyang series kahit na hindi siya ganun ka medicalicious gaya ng House. comedy siya kaya hindi masyadong mabigat sa loob habang pinapanood siya..however, mas madrama pa rin ang Grey’s Anatomy. yay. sakin lang ha.. ang GA talaga ang may perfect balance ng drama (as in life drama.. love issues.. chuva) & pagkamedical.

anyhoo, itutuloy ko na ang aking kwento.. kahapon din.. Princess Hours naman ang pinagkaatubalihan ni yayam habang Heroes naman ang kay mama. haha. kanya-kanya kaming sulok dito sa bahay. ü grabe talaga, nakakaadik pala manood ng series. kaya nga, kelangan ko na ilayo ang mga dvd na ito sakin before pako tamarin gumawa ng part ko sa champs reviewer ng les miserbles, gumawa ng physics proj proposal (nalimutan ko na kung sino groupmates ko other than kamae! yay! ), at ayusin ang str stuff namin. ehehe. *pumunta ng sala at siniksik sa gilid ng TV ang dvd ng Scrubs*

ayan. malayo na sakin ang dvd ng Scrubs. ü pede nako gumawa ng Les Miserables chuva peacefully pagkatapos nitong post na to.. yehey.

anyways, narealize ko lang na ang dami na pala nangyari mula nung latest post ko. ahehe. andyan ang napakanakakabless na retreat nung jan5-6. weeeeee. ang tagal na nun, baka may makalimutan na akong details.. pero try ko parin ikwento. ü (maraming pix at sir mike’s multiply!)

****

jan 5---pagkatapos namin kumain ng caf nina krisha at jami, pumunta na kami sa front lob.. tapos nagboard na kami ng bus. tas yun.. byahebyahebyahe. cr stopover sa shell-slex, then lunch stopover sa Carlos’ pizza.. ang ganda ng view dun, grabe! ü pagkatpos magpicturepicture.. kainkain naman. tapos nun, byahe na to Angel’s Hills!! ü

pagdating sa Angel’s Hills, orientation muna.. then pumunta na kami ng kwarto. picturepicture forever kami nina cheska, ivy, at karizz!!.. tas nung nagwangwang na.. pumunta na kami ng conference hall.. talkstalks.. tapos, mass.. tapos dinner!! tapos PALANCA night na! ü masaya ang palanca ni sir mardan.. tapos.. nakaktouch naman yung sinabi ni sir de ocamps sa batch.. *sigh* nakakatuwa.. nakakabless.. nakakagalak.. super bumaha ng luha, pero grabe.. masaya parin! i got my *hug* na from --secret--! yehey! pero actually.. partial hug lang yun.. akbay lang pala, pero ok na! ü weeeee…

pagbalik sa room, nagbasa na kami ng palancas.. nadepress ako ng onti sa mga palancang natanggap ko pero tinulog ko na lang siya.. ay. bago pala ako matulog, hinanap ko muna yung palanca sakin ni krishakerr.. akala ko nalaglag or something.. yun pala nasa envelope niya yung palanca niya sakin. haha. ang nakalagay kasi sa harap nung palanca niya ay KRISHA *heart* CECILE. inassume siguro nung nagsort na para kay krisha yun. anyhooooo, pagkatapos ko malaman na nakay krisha lang naman pala yung palanca ko galing sa kanya.. natulog nako.

jan 6---nagising ako ng mga 5am. super nilalamig ako! tas super nakasiksik ako sa wall.. pinahiga kasi nila cheska si pooh sa gitna.. yan tuloy, 1 cm lang ang gap naming dalwa ni ches. haha. tas yung kumot hindi ko maabot kasi baka magising ko si cheska sa konting galaw ko.. so nagdecide ako na bumangon na at maligo na.. 6am naman ang usapan ng choir na magkita-kita for the mass eh. naligo nako and all tapos tinanong si ivy kung magmimisa ba sila ni karizz.. sabi niya hindi raw.. so ayun, mag-isa akong pumunta sa chapel habang tinetext si krisha kung magmimisa ba siya (tapos na ang misa nung nagreply siya. haha ü). pagdating ko sa chapel, andun na sina rob & co.. bago kami pumasok sa chapel, nanuktok muna kami ni greggy ng mga cottages para magtawag ng mga taong magmimisa.. anyhoo.. (ang gulo na ng kwento ko).. edi nagmisa na.. (as always, palapaking bata na naman ako sa pagtugtog) pagtapos nun, dumaan ako sa room namin para manggising.. tapos.. kumain na kami..

pagkatapos ng breakfast, OBSTACLE COURSE na! (go team J!) ü masayang nakakaewan! ü hehe. kumain ako ng POWDERED COFFEE! ang pait. sobra. pero, basta.. masaya siya. super natatawa parin ako pag iniimagine ko si cris na gumagapang with all his might sa tarp na may mantika.. pero hindi naman siya gumagalaw. grabe talga. ü ang saya.. ang saya.. pagkatpos nugn obstacle course.. bumalik lahat ng groups sa conference room tas nagcheering. ü as usual, masaya parin. 07 eh. harhar.

pagkatapos nun, naglunch na kami.. tas pagkatapos ng lunch.. ay.. nagtalk (synthesis nung obstacle course).. tapos nun, nagbreak into groups na kami. ang saya nung activity ü hehe. wawa si irish and Jackie dun sa A. nakakaloka naman yung activities sa B. hehe ü nalaglag pa nga yung phone ko sa super tuwa na natapos namin yung random counting form 1-26. anyhoo, pagkatapos nun, pumunta na groups namin sa chapel. ü ang haba ng pila for confession! so ayun, tumayo-tayo lang ako sa labas ng chapel.. tas.. ayun, nacorner ako ni mam anda. nag-usap kami. blahblahblhalbhalbhalblahblah. iyakiyakiyakiyak. tas i felt super better after ng pag-uusap namin. tas. nag-usap naman kami ni mam aimee. blahblahblhalbhalbhalblahblah. tas i felt super BAD after ng pag-uusap namin.

ang galeng no? haha.

anyhoo.. tas nagdinner nako, with ches & co. super pinipigilan ko ang luha ko nung dinner.. naghahanap ako ng taong mapapagbuhusan nun.. di ko malapitan si krisha kasi kumakain pa siya, so bumalik nako sa room namin. tas lumabas uli ako after a while para puntahan si krisha sa room nila, pero pagdaan ko nasa banyo siya.. so tinext ko na lang si nico. pero no reply. so nagpakasenti na lang ako at nagmuni-muni sa chapel.. tas naglakad-lakad mag-isa. tapos nun.. nakasalubong ko si nico (na SUPER saya).. tas nag-usap kami. (di ko na masyadong ikukwento ng detailed. : ). tas yun, after nun.. medyo ok na ko. at lalo pang naging ma ok nung nagsimula ang praisefest!.. super say ako na makausap Siya uli. matagal-tagal na rin nung last kami nag-usap ng masinsinan. haaay. super ang saya ng feeling ko pagkatapos ng praisefest! dumagdag pa yung napakatouching na oral palanca ni sir mike pati yung thought na ang saya isipin na winorship namin Siya as a batch..WOOOHOO! ü

jan 7--- breakfast. tapos.. mass. tapos.. SHARED PRAYER. super sayang isipin na we prayed as a batch.. tapos.. nakakatouch yung mga sinabi ng mga tao. pagtapos nun.. SUPER SARAP NA LUNCH! tapos.. nagpack nakami ng gamit.. dumating sina mama & papa tas niload ko na sa kotse yung gamit ko tapos sinamahan ko si ches na ilagay yung gamit niya sa bus. pinanood muna namin ang brotherhood na mag ‘YES LORD’ (video on sir mike’s multiply).. tapos nung BATCH PIC!!!.. tapos nun.. uwi na! ü


****

yehey. ayan. tapos na ang retreat post. ü *sigh* basta I learned na hindi talga Niya ako iiwan. though there was someone na sumalo sakin nun, i know na hindi siya ALWAYS there. pero SIYA.. HE IS ALWAYS THERE. siguro.. sugo siya Niya. gets? haha. ü

****
nung monday.PT! alpha + MPs! ü hehe. habang nagjojog around the oval, kumakanta kami ng Trading My Sorrows (YES LORD!) pati “i’ve got peace like a river… i’ve got peace like a river..” ü ayun.. nasugatan ako sa pagsquatthrust sa aspalto.. pero ok lang.. ü masarap naman ang pinadeilver namin ni krisha na 1 pc chicken meal from mcdo. hahahaha.

****
ayan krisha. nag-update nako. mag-update ka na rin!!! *mwah*

Tuesday, January 02, 2007

omg.

grabe. sobra sobra na ito. star scholar candidate?! tunog PDA. pero siomai. totoo siya. grabe. ako ay super super super super thankful! Lord.. *hug* *mwah*.. love you. THANK You very much!

---

isa pang omg.. ang christmas vacation ay..

.. over na. actually.. di pa talaga over dahil meron pa akong more or less 15 hours para magcram ng econ outreach paper, pag-aaral ng econ, etc etc. pero.. siomai.. katabi ko na ngayon ang aking mga notebooks at ang mahiwagang econ book. shux. pasukan na bukas. kelangan ko nang mag-aral!

anyhoo.. ang tagal ko din hindi nagkwento dito sa blog ko.. at dahil ang dami kong dapat gawin ngayon.. magkukwento ako ngayon. yehey.

ok. ang ginawa ko lang naman ngayong bakasyon (pagkatapos and during pagbasa ng les miserables at titser) ay magtext, matulog, kumain, magtext, maglakwatsa sa makati, manood ng dvds, at magtext.

unahin natin ang pagtetext. well. ang tanging mga katext ko lang naman ay si janel, nico, at krisha. pinakamadalas si janel.. dahil unli siya.. at unli ako.. kung anu-anong bagay lang sa mundo ang pinag-uusapan namin.. haha. i love janel.

haaaay. pag wala namang nagtetext.. sumasama ako kina mama at yayam sa panonood ng dvd sa sala. ang saya. .may season 3 dvd kami ng grey's anatomy. tapos ko na siya.. buti na lang pala nabasa ko na ang episode guides ng season 2.. so naintindihan ko naman yung season 3! tapos. meron na rin kaming season 1 & 2 ng House. maganda rin pala siya.. tapos, etong si yayam.. bumili ng dvd ng Naruto- tapos ko na rin yun...

tapos.. nung dec26, pumunta kami ng pangasinan - sa our lady of manaoag. first time kong makapunta dun. umalis kami ng 3:45 am.. dumating kami dun ng 8am. nagsimba lang kami dun and naglight ng candles.. tas umuwi na. kumain kami ng lunch sa greenwich sa luisita mall.. tas yun, diretso uwi na kami. nakauwi kami ng mga 6pm. nalaman ko rin through nico nung mga lunchtime na pede na makuha ang dlsu-cet result.. eh, di ko naman alam ang reference number ko.. so hindi machecheck ni nico. grabe, kating-kati akong umuwi after malaman yun. pagdating sa bahay.. yun ang una kong ginawa.. happily, nakapasa naman ako.. :) yes!!

nung dec27 naman, sumama kami kay papa sa office niya. nung natapos na ni papa yung paperworks niya.. pumunta kami sa kabali niyang office. tas pinag-usapan namin ang aming sunod na gagawin. napagdesisyunan namin na manood ng sine.. kumain muna kami sa Wendy's tas nanood na kami ng Kasal, Kasali, Kasalo sa greenbelt 3 . maganda siya. nakakaaliw. aliw na aliw si papa. grabe. siguro kasi tagos tagos sa kanya yung mga hirits dun. anyhoo.. pagkatapos nung KKK, bumalik kami sa office niya.. at dahil matagal pa si mama.. nagdecide kami na manood uli ng isa pa. naglakad kami papuntang glorietta 1 [dahil gusto ni yayam dun manood].. at pumila sa napakahabang linya para sa Enteng Kabisote 3. ok lang naman ang ek3, pero super pambata at masakit sa tenga ang sword fights nila. basta. .bottomline, mas matino ang KKK.

ayun.. ngayon. .dapat gagawa ako ng econ outreach paper.. pero nagbblog ako. nice. aaaay. may nalimutan pa pala ako.. may casting na para sa intimate theater. yey! :D oooooook. tama na. gagawa nako ng econ outreach paper.. tapos lifesci reflection paper.. tapos.. magpiprint nako ng palancas. oo. computerized ang palancas ko. sori.

hooohooo. retreat na sa 5,6&7..
.. at long test na ng les miserables sa 9~!

end.end.end.

Monday, January 01, 2007

2007 na.

happy happy
new year!ü

yehey.ü

;D