Mundo mo'y pinipilit wag umikot lamang sa kanya
Ngunit ang iyong pusong lito ay tila yata sabik
sa mga pasakit na ika'y siguradong darating
kapag ikaw ay umasang siya rin ay nag-iisip
na kayong dal'wa ang tinadhana ng Maykapal
sapagkat nadarama mo na ang mga unang hataw
ng puso nyang wari'y lito rin kung anong ikikilos
sa harap ng pusong mong nagkukunwari namang bato
Ang masaktan ng walang dahilan ay sadyang masakit
Mas masakit kung di niya alam na siya'y nakasakit
Pinakamasakit kung itatago ang sakit
Sana ang puso mong lito ay matuto ng maaga
'Pagkat alam kong nahihirapan ka ng magkunwari
na puso mo'y bato at tanggapin na puso mo'y lito
//sonnet ko sa pinoy :)
No comments:
Post a Comment