bagot ako. bagot ako.nakakabagot dito sa bahay. nagrent kami ng dvds/vcds.. pero ayaw kong panoorin ang "if only". kasi parang feeling ko nakakadepress siya, kahit na sabi nila maganda xa. ayokong madepress. kasi lately, nadedepress ako. yak. ano ba yan. parang lagi na lang akong depress.
baka kasi, nabobore lang ako dito sa bahay. tas ala akong makausap. tas nagloloko pa tong internet connection namin. tas wala akong makausap talaga, kahit sa text. wala akong makulit. wala akong maisip na tawagan sa phone. wala akong makachat. tapos wala pang matinong palabas sa tv sa oras na ito. tapos, di ako pinayagan sa retreat.. pati na rin sa rurals. :( ayoko na. mabubulok nako dito sa bahay.
tapos di pako nakapasa sa honors program ng msa. haha. nakakahiya ako. kawawa name ng pisay. pero konti lang naman daw ang kulang para pumasa. pero, kasalanan ko naman talga yun eh. kasi hindi ko talga pinaghandaan yung exam. pero feel ko ginawa ko naman ang best ko, baka di lang talga ako meant dun. may ibang plano siguro sakin si God. haaay. ayun.
tas malapit na ang card giving, feel ko super nakakadepress din ang grades ko ngayong quarter. as in, nafefeel ko na hindi xa maganda gaya ng dati. sige na, pagbigyan niyo na lang akong matuwa sa grades ko nugn 1st yr at 2nd yr kahit hindi yun super super super excellent, pero sakin super ok na yun.. i mean, satisfied ako sa grades ko dati. pero ngayon, super super feel ko na di talga ako maututuwa sa card ko. pababa pa naman ang trend ng grades ko. wah. :( baka nga di pa ako magDL.
wag mong sabihin sakin na ok lang na hindi magDL. alam mo kung bakit? kasi ang 3rdyr grades ang ipapasa for college admission. cecile, bakit kasi ngayong 3rd yr ka pa naglokoloko? haaayyy.siguro, ang iniisip mo ngayon, ang GC ko, tas ang babaw ko. dapat thankful ako kasi hindi ako candidate para makick-out. tas di ako bagsak sa math. sa pt na to, iniisip mo na rin na ang yabang ko.
bahala ka.
di lang talga ako satisfied sa performance ko ngayong yr. haaaaaay. :( tas feel ko talga ang alone ko. ala talga akong makausap :( sasabog nako anytime.. actually feel ko sumasabog na ako.
tas eto pa. gusto ni mama na magdoctor ako. kumuha raw ako ng intarmed tralala. pag di raw ako pumasa dun, mag ateneo daw ako. bs bio.para daw pang pre-med. *#$%@&%$@ BIO? #%@$^%&%$ DOCTOR? ^%$&*^#&!!!!bakit nman bio?? CHEM na lang or PHYSICS!! pero ayon naman sa kanya, di naman DAW niya ako pinipilit. ayaw lang daw niya ako maging mediocre.
e mediocre na nga akong tao eh. :(
bakit kasi di ko mahanap yang putik na talent na yan na talgang super mageexcel ako?
anyway, balik tayo sa sermon na mama ko. kaya daw doctor na lang kasi, makakatulong daw yun ng sobra for the Philippines. tas iniimagine niya yata na pupunta ako ng camiguin tas magmemedical mission ako dun.tas sasabihin ng mga tao: "ay.. anak ka ni mila chan? awww.. no wonder.." haaay. feel ko dream din kasi ng mama ko yun, na makatulong sa mga tao dun sa camiguin.
tapos, ayun, sumunod daw ako tralalalalalalalalaa.. tapos ikukwento na naman niya ang nangyari sa youngest brother niya na tito ko . kasi yung uncle ko, genius na kung genius. valedictorian blahblahblah. pumasa xa ng UP MBB. tas ang sabi ng mama ko, dun xa pumasok. pero ayon sa uncle ko, nung iniinterview na raw xa nung dean ng UP MBB, kamukha daw ni einstein.lalo na ang hair.
tas di niya raw maimagine ang sarili niyang makukulong sa lab na nakaputing lab gown forever sa life niya. kaya yun, nag ateneo xa. BS PHYSICS. ang mama ko naman, super support lang, ala naman daw xang magagawa. tapus nun, nahrapan ang uncle ko.
nagshift xa to AB PHILOSOPHY. support na lang daw uli mama ko. tas yun, naging teacher xa sa ateneo sa philo. kaso,di rin nagtagal,bumalik xa sa cagayan de oro. malamang, meron xang mga reasons, pero di ko alam yun. anyway, ayun. nagbusiness business xang ganyan. nalugi. naging grade school teacher. may asawa na at 2 anak. ngayon, nasa AMWAY. at xa ang may kasalanan kung bakit ang daming pinapainom sakin ngayong tableta pagkatapos kumain..
ayan. yan ang naririnig ko sa mama ko everytime na pumupunta sa topic na COLLEGE course ko ang usapan. ayaw lang daw niya ako na magsisi tralalalala. ayaw niya ko magaya sa uncle ko. sinayang daw niya blahblahbalh.
tas ano namandaw kasi ang mapapala ko sa engineering(na cinoconsider ko dati). ang dami raw na gumagraduate na mga engineers ngayon. dapat daw, super excellent akong engineer para maging successful ang all. haaay. bottomline: "wag kang mag-engineering"
ok lang naman kasi sakin ang magdoctor. naturn-off lang ako nung career orientation dun sa speaker. kasi parang puro money yung nasa isip niya. kaya parang di ko xa cinoconsider dati.ok lang sakin na mag-aral forever. kasi sa kahit saan namang field, di naman pedeng di ka na mag-aaral pagkatpos ng college mo kung gusto mo talga matuto and all.
pero ang feeling kong di ko kaya ay ang makakita ng patay na tao. feel ko, ihahaunt ako ng mga mukha ng mga taong mapapatay ko. feel ko kasi mafufrustrate ako eh. kasi ako yung doctor tas wala na akong magawa. tas ayokong makita yung mga namatayan. tapos, kaya ko bang manghiwa na mga tao? i mean, surgery, bubuksan mo yung katawan ng tao. wah. kaya ko ba yun?
hay naku. super nagugulat ako sa sarili ko kasi habang sinusulat ko to, cinoconsider ko na ang pagdodoktor. may pt naman din si mama. ang kulit lang niya talga at super nakakirita ang paghirit niya sakin kaya parang nakakawalang gana. WAH! ang pangit naman kasi diba, kung susuway ako. sasabihin niya: "SABI KO NA NGA BA EH".
hay nko. tama na nga. baka pag pinagpatuloy ko to. baka ano pa maging conclusion ko. :)kinikilabutan ako. : super gumaan ang loob ko pagkatapos kong isulat to. nyehehe.
simple lang naman ang gusto ko sa buhay. ang magtrabaho sa NASA. kahit nga tour guide na lang sa mga turista. haha. ewan ko ba. feel ko lang talaga magwork dun. pero ang babaw kung tour guide lang. mas masaya kung sa mission control. haha.
tapos, ayaw ko rin namang mapahiya ang name ng pisay sa lahat ng gagawin ko in the future.
tapos, gusto ko rin makatulong kahit papaano. yung tipong maaapreciate ako ng mga tao.
bahala na.
status: currently feeling: naghahanap pa rin ng kausap :(
currently listening to: "You're beautiful"- James Blunt
currently reading: wala pa kong mahanap na bagong book dito sa bahay
1 comment:
cecile!oh.. super nakakrelate ako. haha.ganyan din kasi ako eh. super F na F na ng nanay ko na magdoctor ako.aynako. at pareho pala tayo ng nafeel dun sa doctor naun.. onga parang super puro money ang nagmamatter..d ko makaklimutan.."i would rather play with my kids at home"!!!!!!anyway.. pero. ikaw naman ang bahala dyan eh.. kung anung decision mo, hmm..un ang masusunod kasi ikaw naman yan eh. pero siyempre maraming kailangang iconcsider. and all. pray about it. in the end, it's not naman your mom's WANT, it's God's. haha.. ewan. yak.dapat sabihin ko sa sarili ko un..hehe..
Post a Comment