Friday, March 31, 2006

lately, di na naeexercise ang panga ko. kasi di nako tumatawa ng tumatawa. haaaay. nakakamiss naman ang mga tao. gusto kong tumawa nang tumawa nang tumawa, pero ala lang talgang nagpapatawa sakin.di nga ako tumatawa nang tumatawa sa mga korning commercials na lagi kong ginagawa dati.

haaay. wala talaga akong makausap. kung kelan punong-puno ang utak ko ng mga kailangang ishare.. :( haay. cecile, makuntento ka na lang sa pagkausap sa sarili mo.. at sa computer. haaaay.

PERO.

hindi talga ako pinapabayaan ni God. nyehehe. dahil may mga bagay parin na nakakapagpasaya sakin. kahit hindi super super laugh.. at least nakakasmile ako. tas di nako masyadong nabobore. nyeknyek. :)

~ nanganak ng tatlong cutie kittens ang pusang laging nandito sa bahay.
~ nakagawa nako ng skin, tapos, lumalabas na yung entries.. hindi na 'undefined' ang lumalabas. yey.
~ nakahanap ako ng mga bagong palabas na masayang panoorin. (mtv cribs. mtv pimp my ride. naruto. pbb.)
~ may bago akong housing. nyek. ang babaw ko. :p
~ nag-uupdate na ang mga tao ng kanilang mga blogs. di nako nabobore sa pag bobloghop.

kahit di masyadong mahaba yang listahan ko ng mga nagpapangiti sakin ngayon.. ok nay an. :D *sigh*

pero gusto ko ulit makarinig ng mga korning hirits. :( gusto ko ule tumawa nang tumawa nang tumawa nang tumawa nang tumawa nang tumawa..(x infinity)

Wednesday, March 29, 2006

bagot ako. bagot ako.nakakabagot dito sa bahay. nagrent kami ng dvds/vcds.. pero ayaw kong panoorin ang "if only". kasi parang feeling ko nakakadepress siya, kahit na sabi nila maganda xa. ayokong madepress. kasi lately, nadedepress ako. yak. ano ba yan. parang lagi na lang akong depress.

baka kasi, nabobore lang ako dito sa bahay. tas ala akong makausap. tas nagloloko pa tong internet connection namin. tas wala akong makausap talaga, kahit sa text. wala akong makulit. wala akong maisip na tawagan sa phone. wala akong makachat. tapos wala pang matinong palabas sa tv sa oras na ito. tapos, di ako pinayagan sa retreat.. pati na rin sa rurals. :( ayoko na. mabubulok nako dito sa bahay.

tapos di pako nakapasa sa honors program ng msa. haha. nakakahiya ako. kawawa name ng pisay. pero konti lang naman daw ang kulang para pumasa. pero, kasalanan ko naman talga yun eh. kasi hindi ko talga pinaghandaan yung exam. pero feel ko ginawa ko naman ang best ko, baka di lang talga ako meant dun. may ibang plano siguro sakin si God. haaay. ayun.

tas malapit na ang card giving, feel ko super nakakadepress din ang grades ko ngayong quarter. as in, nafefeel ko na hindi xa maganda gaya ng dati. sige na, pagbigyan niyo na lang akong matuwa sa grades ko nugn 1st yr at 2nd yr kahit hindi yun super super super excellent, pero sakin super ok na yun.. i mean, satisfied ako sa grades ko dati. pero ngayon, super super feel ko na di talga ako maututuwa sa card ko. pababa pa naman ang trend ng grades ko. wah. :( baka nga di pa ako magDL.

wag mong sabihin sakin na ok lang na hindi magDL. alam mo kung bakit? kasi ang 3rdyr grades ang ipapasa for college admission. cecile, bakit kasi ngayong 3rd yr ka pa naglokoloko? haaayyy.siguro, ang iniisip mo ngayon, ang GC ko, tas ang babaw ko. dapat thankful ako kasi hindi ako candidate para makick-out. tas di ako bagsak sa math. sa pt na to, iniisip mo na rin na ang yabang ko.

bahala ka.

di lang talga ako satisfied sa performance ko ngayong yr. haaaaaay. :( tas feel ko talga ang alone ko. ala talga akong makausap :( sasabog nako anytime.. actually feel ko sumasabog na ako.

tas eto pa. gusto ni mama na magdoctor ako. kumuha raw ako ng intarmed tralala. pag di raw ako pumasa dun, mag ateneo daw ako. bs bio.para daw pang pre-med. *#$%@&%$@ BIO? #%@$^%&%$ DOCTOR? ^%$&*^#&!!!!bakit nman bio?? CHEM na lang or PHYSICS!! pero ayon naman sa kanya, di naman DAW niya ako pinipilit. ayaw lang daw niya ako maging mediocre.

e mediocre na nga akong tao eh. :(

bakit kasi di ko mahanap yang putik na talent na yan na talgang super mageexcel ako?

anyway, balik tayo sa sermon na mama ko. kaya daw doctor na lang kasi, makakatulong daw yun ng sobra for the Philippines. tas iniimagine niya yata na pupunta ako ng camiguin tas magmemedical mission ako dun.tas sasabihin ng mga tao: "ay.. anak ka ni mila chan? awww.. no wonder.." haaay. feel ko dream din kasi ng mama ko yun, na makatulong sa mga tao dun sa camiguin.

tapos, ayun, sumunod daw ako tralalalalalalalalaa.. tapos ikukwento na naman niya ang nangyari sa youngest brother niya na tito ko . kasi yung uncle ko, genius na kung genius. valedictorian blahblahblah. pumasa xa ng UP MBB. tas ang sabi ng mama ko, dun xa pumasok. pero ayon sa uncle ko, nung iniinterview na raw xa nung dean ng UP MBB, kamukha daw ni einstein.lalo na ang hair.

tas di niya raw maimagine ang sarili niyang makukulong sa lab na nakaputing lab gown forever sa life niya. kaya yun, nag ateneo xa. BS PHYSICS. ang mama ko naman, super support lang, ala naman daw xang magagawa. tapus nun, nahrapan ang uncle ko.

nagshift xa to AB PHILOSOPHY. support na lang daw uli mama ko. tas yun, naging teacher xa sa ateneo sa philo. kaso,di rin nagtagal,bumalik xa sa cagayan de oro. malamang, meron xang mga reasons, pero di ko alam yun. anyway, ayun. nagbusiness business xang ganyan. nalugi. naging grade school teacher. may asawa na at 2 anak. ngayon, nasa AMWAY. at xa ang may kasalanan kung bakit ang daming pinapainom sakin ngayong tableta pagkatapos kumain..

ayan. yan ang naririnig ko sa mama ko everytime na pumupunta sa topic na COLLEGE course ko ang usapan. ayaw lang daw niya ako na magsisi tralalalala. ayaw niya ko magaya sa uncle ko. sinayang daw niya blahblahbalh.

tas ano namandaw kasi ang mapapala ko sa engineering(na cinoconsider ko dati). ang dami raw na gumagraduate na mga engineers ngayon. dapat daw, super excellent akong engineer para maging successful ang all. haaay. bottomline: "wag kang mag-engineering"

ok lang naman kasi sakin ang magdoctor. naturn-off lang ako nung career orientation dun sa speaker. kasi parang puro money yung nasa isip niya. kaya parang di ko xa cinoconsider dati.ok lang sakin na mag-aral forever. kasi sa kahit saan namang field, di naman pedeng di ka na mag-aaral pagkatpos ng college mo kung gusto mo talga matuto and all.

pero ang feeling kong di ko kaya ay ang makakita ng patay na tao. feel ko, ihahaunt ako ng mga mukha ng mga taong mapapatay ko. feel ko kasi mafufrustrate ako eh. kasi ako yung doctor tas wala na akong magawa. tas ayokong makita yung mga namatayan. tapos, kaya ko bang manghiwa na mga tao? i mean, surgery, bubuksan mo yung katawan ng tao. wah. kaya ko ba yun?

hay naku. super nagugulat ako sa sarili ko kasi habang sinusulat ko to, cinoconsider ko na ang pagdodoktor. may pt naman din si mama. ang kulit lang niya talga at super nakakirita ang paghirit niya sakin kaya parang nakakawalang gana. WAH! ang pangit naman kasi diba, kung susuway ako. sasabihin niya: "SABI KO NA NGA BA EH".

hay nko. tama na nga. baka pag pinagpatuloy ko to. baka ano pa maging conclusion ko. :)kinikilabutan ako. : super gumaan ang loob ko pagkatapos kong isulat to. nyehehe.

simple lang naman ang gusto ko sa buhay. ang magtrabaho sa NASA. kahit nga tour guide na lang sa mga turista. haha. ewan ko ba. feel ko lang talaga magwork dun. pero ang babaw kung tour guide lang. mas masaya kung sa mission control. haha.

tapos, ayaw ko rin namang mapahiya ang name ng pisay sa lahat ng gagawin ko in the future.

tapos, gusto ko rin makatulong kahit papaano. yung tipong maaapreciate ako ng mga tao.

bahala na.

status: currently feeling: naghahanap pa rin ng kausap :(
currently listening to: "You're beautiful"- James Blunt
currently reading: wala pa kong mahanap na bagong book dito sa bahay

Saturday, March 25, 2006

bakasyon na!!

yahoo yahoo. bakasyon na talaga. nakakabagot nga lang dito sa bahay :( hehe. kaya tinopak ako at gumawa ng checklist ng mga kailangan kong gawin over the summer:

  1. UPCAT REVIEW
  2. gumawa ng sariling skin para sa aking dear blog
  3. magbasa ng isang book [to be determined]
  4. i-organize ang photos sa multiply site ko
  5. mag-ipon ng Php 1000.00

yehey. ayan. sana naman magawa ko yan lahat!! :) hmmm, malamang sure na magrereview ako for the college entrance exams. pero di ko parin alam kung san!! :( tas, pagdating ng APRIL, aayusin ko na ang mga photos sa multiply ko. magakaroon na ng THE ED GALLERY II (nauna si andy eh... ), SOULMATES folder, DORM BLUES, at rB'07 folder. ^^

ewan ko na lang kung makakagawa talga ako ng sarili kong skin.. i mean, yung hindi na galing sa blogskins.com haha. abangan niyo na lang. :) san sipagin ako. ewan na lang din kung makakaipon ako ng isang libo ngayong summer. sana. :) tas bibili ako ng something pag pasukan na. yey.

magbabasa rin ako ng libro. nga lang, ala pang bagong libro dito sa bahay kundi the da vinci code. inuulit-ulit ko na nga lang itong hp5. yun lang kasi ang hp book ko. :( *hint* hint* birthday ko sa sept.12. hehe. :) sana lang bilhan pako ng bagong book, matapos ko ba namang magpabili ng buong series ng THE CHRONICLES OF NARNIA nung december. nyaaaaaaaaaaaaak. sana lang..

ayun. so yan ang summer goals ko. grabe, i'm so proud of myself. may goals nako sa buhay. haha. ano ba yan. ang babaw ko talga.

anyway, masaya ang nakaraang week. :) naku, eto na naman ako. iisa-isahin ko na naman ang bawat araw.. er.. bahala ka kung tamad ka na magbasa, pero eto na:

monday pumasok ako para lang malagyan ng thumbprint ang bank dox ko. tapos, eh , busy si andy sa journ rum, kaya pumunta ako ng caf. nakita ko si cheska at anne. nag-uusap kami, nagkalakad-lakd, tumambay sa front, at nagkayayaan na pumunta sa SM. nagpaalam ako through text kay papa at mama. walang reply. tumawag ako sa office ni mama. walang sumasagot. tumawag ako sa office ni papa. nagpaalam ako. pumayag siya. umalis na kami. :) pumunta kami nina cheska, anne at belle sa SM. haha. :)

hindi kami pinapasok nung guard sa entrance ng SM na pinasukan namin kasi naka uniform pa kami malamang. dun daw kami pumasok sa main entrance. grr. ayaw namin lumibot pa.. kaya pumunta kami dun sa may parking tas dun kami pumasok sa entrance na nagkokonek sa parking at sa SM. gets niyo ba? basta, ayun, nakapasok naman kami. tas yun, nagpapicture na kami. :) first studio pic ko to with friends. :) *rejoice* *rejoice* ang saya.

pagkatpos nun, kumain na kami. tas naglibot-libot. tas kukunin na sana namin ang pix kaso sabi nung tao, 30 mins pa daw, kasi uulitin daw or something. eh, kelangan ko na bumalik ng pisay ng mga 12:30pm.. kaya un, bumalik na kami ni cheska sa pisay, tas naiwan si belle at si anne sa SM.

pagdating namin sa pisay, pinuntahan ko muna si ate tin tas usap usap usap usap.. tas pagkatpos nun sinamahan ko sina cheska na ilakad ang clearance nila. umuwi ako ng mga 3:30 pm sabay si mam aimee na idinaan namin sa tanglaw.

umuwi kami ni papa ng maaga nito. nagcommute kami!! ang tagal ko ng di nakakabus pauwi ha. anyway, ayun, nakauwi na rin ako.

tuesday nagstay lang ako sa bahay. :( birhtday ni vieroane. pumunta kami sa bahay nila nung gabi. nag-usap at naglaro .. umuwi..

wednesday coding kami pero bumalik parin ako ng pisay. :) (nagcommute) para tapusin na ang clearance ko. nagkita kami ni jane. at parang kaming ewan na naiinis sa isa't isa kasi namiss na min ang isat' isa!! haha. ang ewan namin. :)

thursday ch lakad!!!o yeah. super saaaaaya at oti!!! nauna ako dun sa gateway kasama ang tita ko, ,, sumunod si jannel,iniwan na ako ng tita ko nung nandyan na si jannel, tas nagkita-kita na rin kami nina anne, ben, kuya ed, anapat, jason, at raix. nagpicturepicturan kami habang hinihintay sina rob&co. super ang oti namin talga. :) sayang ala yung iba pang champaca!! di ako sinipot ni cheska. kung kelan ako pinayagan o. :( hay naku. anyway, ayun, dumating na sina ramon, rob, ate jecay, at dani.. ayun.. nagpicturan kami kahit nga sa escalator eh.. :) lahat yata ng times na sumakay kami ng escalator ay may picture!! :) [punta ka dito.]

kumain muna kami (jane, yung kinainan ko ay JUMBO JAPS.. haha) kasi marami pang nakapila dun sa picturecity.. tas bumili ng tickets for the movie tas nun.. dumating na si pito.. nag-arcade kami sandali tas nanood na kami ng sine.. nanood kami ng SHE's THE MAN. masaya xang movie.

pagkatapos nun, nagpapicture na kami. ay. dun nga pala sa picturecity, may babae dung nakakilala kay ROB ROQUE na lumabas last week sa ANC. hehe. tas nung bago kami mag-arcade, may batang tuwang-tuwa na nakita si rob. sabi nung bata: "nakita kita. nakita kita!!!!" tas tumatakbo takbo pa raw yung bata tas tuwang-tuwa talga yung bata. nakita niya sa raw si rob sa mrt. tas nakita niya ulit sa gateway. maxado yatang naaliw yung bata.. taas ng level mo rob...^^

pagkatapos magpapicture umuwi na ako.. :) super saya ko talga nun. kasi pinayagan ako ni mama pumunta dun.

friday nasa bahay lang ako.

saturday nasa bahay lang din ako.

hanggang sa muli. :)

Saturday, March 18, 2006

clearance...

o yeh. first time in history ng pagbabalik ko ng books ko na napasign ko ang property office before ko matapos lahat ng acads subjects. nagbalik ako ng books nung monday.

monday morning. nagtipon-tipon ang konting rb sa front. sinu-sno yung konting rb?? er, yun ay sina mia, pat, andy, tim, aj, pat, denise, kristine, jannel, gian..

ayun. mga 9am yun. tas gusto na namin gumimik sa SM. gusto kasi namin magkaron ng studio pic. hehe. kaso 10am pa nagbubukas ang SM diba? kaya yun, so di natuloy ang aming binabalak na paglabas papuntang SM. nagbalik na lang kami ng books.

tas yun, nagbalik na ako ng books. kaso, di tinanggap yung chem book ko [yung brown-lemay] kasi basta hindi na xa good condition. tas sabi ni mam property, kelangan ko raw xang ipahardbound. :( ayun. tas tinanong ko kung san pedeng magpahardbound. sa UP daw meron.

namroblema ako nung una. tas bigla kong niyaya sina andy na samahan na ako sa UP nungmoment na yun. ok lang naman daw. ayun. gumawa ako ng gate pass. tas yun, pumunta na kami ng UP.

ilan kaming pumunta ng UP? 10

oo, sampu. :) ehehe. ang dami kong escort. ay mali, ang dami pala naming escort ni mia. nagpaayos din ng book si mia. anyway, ayun, si kuya arnold [guard] super nagtaka kasi ang dami naming aalis. sabi nga ni AJ, mukha xang gimik. ehehe. e, parang gimik naman talga yun. :)

anyway, pero, pinalabas pa rin kami ni kuya arnold! yey. pumunta na kami nina aj, andy, mia, patrick, denise, gian, tim, kristine,at ni jannel sa UP. tas yun pinaayos na ni mia yung book niya. yung akin, balikan ko na lang daw kinabukasan. tas yun. naghanap kami ng makakainan.. nag-end up kami sa pagbili ng zagu. by this time, bumalik na ng pisay si denise at patrick.

ayun, pagkatpos namin bumili ng zagu, naglakad kami papuntang oblation.. dumaan kami sa lagoon!! at .. NAGPICTURAN.. super irita ako kasi di ko nadala camera ko :(.. anyway.. pati sa oblation mismo nagpapicture kami.... ehehe.. :) mukha kaming mga turista. hehe. pero ang SAYA-SAYA. tas yun. sumakay na kami ng jeep papuntang philcoa. tas kumain kami sa jolibee. tas pagkatapos nun, bumalik na kami ng pisay!! :) yey. yun ang unang rb gimik na napuntahan ko.. at ang saya niya!!


tuesday, pumunta kami ule ni andy sa up. pero di pa daw tapos. so pinakuha ko na lang kay kuya pio nung tanghali. ehehe. nung araw din na yun ako nagpresent sa pinoy ng sonnet ko. props ko si jane at arce. ehehe. ack. nakatake3 nga ako eh. :) swanget. :( anyway. ok lang. bumalik na nga pala si jane nito. akala ko nga iindianin ako ni jane e.. nung gabi.. bumuo kami ng 1000 pcs na puzzle (see Figure 1)!! hehe.. ang saya niya.. super tulong-tulong kaming mga dormer girls dyan.. actually ang mga gumawa ay sina.. anne, ako, jane, gihan, keisee, mich, kimr, jo, at mam hipol.. o yeah.. ang saya kaya nung feeling nung nabuo xa.. :)


wednesday... props ako ni andy at jane. ehehe.
ok lang. ang saya. umuwi rin si jane ng araw na to. pero ok lang. andyan naman si andy. grabe.. salamat talga sayo andy. kundi.. mamatay ako. di ko kaya maging loner. hehe. :) kaya ayan.. medyo nakausap ko si andy nung araw na to. tas pinag-usapan namin ang cagayan de oro at camiguin.. .tas ang mga barko at dolphins.. hehe.. :)



thursday. dapat.. wednesday palang uuwi na ako e. pero coding kasi kami e.. anyway. eto ang pinakanakakaewan na araw ko sa buong buhay ko. super feeling loner ako. busy kasi si andy eh. :( tsaka umuwi xa ng maaga. tas si nico rin, umuwi ng maaga. tas si jannel umuwi rin . hay nakoo. ang pangit talga ng loner. :( natulog na lang ako sa dorm at hinintaya ng auntie ko


dumating.. tas yun, pumunta na kaming makati.. tas umuwi.. ay di pa pala.. may mineet pa kami nina mama at papa. yung tinrhan kasi namin sa houston ni mama, nandito sa pinas. so yun, mineet namin sila..tas yun, umuwi na kami.

friday!!! o yeh. jade reunion. late nakami umalis na pisay. di ako nagswimming :( kasi akala ko super aga ako susunduin. kaya nanood nalang ako kay cruz, duma, annie, rocky, at louie sa paglalaro nila ng poker!! :) ehehe. nakakaliw sila panoorin... anyway.. tas yun.. sinundo na ako.. sinabay ko si annie hanggang mrt..

ngayon.. ala akong ginagawa.. :) ehehe. saya ng bakasyon!!
excited na ako pumasok sa monday.. tas sa ch gimik sa wednesday.. [pero di pa ako sure dito :(]



* yung case ng lost buddha ay di na problema. :) ok lang daw kay mam samala. baet ni mam! :) [kahit mhirap yung perio niya.. :( ]

Friday, March 10, 2006

finally...



yung tree sa may vbcourt na namumulaklak at
nagsasabog ng orange flowers 'pag malapit na matapos ang taon :(
tapos na ang perio!!sana lang matino tino ang results ng perio ko. pasado ako sa math and bio perio. pero syempre hindi flying colors. pero pede na. :) tas wala ng requirements sa str (kakapasa lang namin kanina ni jane at jannel ng aming filler at results and discussion. as ususal. crammed. kakastress talga. pero sinimulan namin yun nnung thurs pa ah. ahaha. ). oh YEAH!!
pero may mga clearance requirements pa! :( pero ok lan! hehe.

*senti mode: ON*

haaay.kahit super napagod at nastress ako this year, ang dami din pala akong mga unforgettable experiences at madami akong mamimiss ..nakakalungkot :( *tear*

  1. super di ko malilimutan ang mga comsci class natin(rb) na super gulo! ehehe. lalo na pag long test. :) at yung "oh my golly super banana gee" na mga super super CORNY jokes ni mam aimee. peace mam! :)
  2. di ko rin malilimutan ever yung ramayana ng rb. super dun lang ata talga kami nagtulungan and all. gets niyo ba? nung ramayana ko nakita ang efforts ng BUONG rb. lalo na sa pagpilit kay mam hipol na maging surpanakha. ehehe. :) saya! :)
  3. mamimiss ko yung mga chem classes! :) kahit naantok ako minsan.. masasabi ko paring masaya ang ating mga chem classes,,kasi parang nagiging studious ang buong rb pagdating ng chem.. ehehe.tsaka, super dami kong natutunan. go sir de ocampo!
  4. wala ring kapantay ang aming mga pbp classes!! water rockets,gogogo!! ang pagsunog ng mga pinaghirapan naming mga hot air balloon...at syempre ang daan-daang mga paper works. ang binansagang str 1.5 na elective. pero kahit ganyan yang subjet na yan, masaya yan kasi halos laging early dismissal (babaw ko!). ahaha.
  5. ..di magpapahuli ang STR! naku, halos mapuno ko na nga yata tong blog ko ng puro STR! super nakakastress ang str1. pero super natuto akong magsipag at nahasa pa ang aking cramming skills dahil sa STR. ehehe. lagi kaming bukong nagcacram ni mam hipol e. anyway, super nafrustrate talga ako sa STR1 proj namin. kasi super gusto namin siyang careerin (diba jane at jannel?), pero parang ala parin. lagi nalang may mangyayari tas in the end, magcacram na naman kami. pinopromise ko talga sa sarili ko na aayusin ko ang str2. :)
  6. ang mga breaks before math! ang time kung kelan icacram ang mga bagay-bagay na kailangan ipasa.. at magcram ng pag-aaral par asa long tests.. :) ehehe. sana may break din sa morning ang sked ko next year
  7. ang panonod ng koine!! :) oh yeah. inspiration.
  8. SK meetings and workshops! katoks! :) napasaya niyo ang SY 2005-2006 !

ang daming aalis ng pisay :(

  1. mamimiss ko ang sapakan sessions namin ni ate marie tuwing nagkikita kami. pati na rin ang panggugulo niya sa room namin. ehehe. :) di nga, seriously, mamimiss ka namin ate marie. matouch ka ate marie.. *touch* .ack.corny.
  2. si mam/ate frances!!!!! shux shux! ate frances! bakit?? bakit mo kami iiwan? *tears sa eyes with super kakaawa face* hehe. deeh. joke lang. anyway. mababawasan ang mga guguluhin namin ni jane :( ahehe. tnx sa never ending na mga kwento at CORNY din na mga jokes ! :)
  3. si mam aimee din, most probably ay magleleave. :( aw. bawas din sa mga taong pedeng guluhin. :( haay. pero ok lan. sabi niya dadalaw naman xa sa pisay para manggulo :)
  4. last but not the least, si mam hipol :( ala na naman kaming adviser sa sk :( aww. tas wala ng mga kwento :( awwwwww. *tear, tear* haaay.

ayaw ko pang magfourth year!! :( yoko umalis ng pisay :( awww. pero masaya ako na tapos na ang 3rd year... super thankful ako kasi feel ko super fruitful ng school year na to. kahit na:

  1. di bonded ang rb'07
  2. first time ko maglandslide ng average. i mean, pababa yuung ave ko mula 1st hanggang 3rd quarter :(
  3. super frustrating ang str1
  4. super deee duper crammer ako ngayong year

madmi akong natutunan na mga academic at non-academic stuff :) ehehe. tas super clear na yung utak ko ngayon. la na masyadong guilt and all sa mga bagay bagay na mga nagawa ko sa past. natutunan ko na iforgive ang sarili ko :) ehehe.

*senti mode: OFF*

*bangag mode: ON*

may narealize ako bigla.ang CORNY pala talga ng mga tagapisay. la lan. na isip ko lang. naalala ko kasi yung joke ko kahapon kay jane bout the 100php bill, tas yung joke ni jannel bout the "Table" kanina tas yung joke ni mam frances bout the leyte thing tas yung joke pa ni mam aimee..ehehe. hilig humirit!!! kaya nga super mamimiss ko sa baksyon ang mga hirits ng mga tagapisay. kahit korni pa yun, super nakakawala ng stress. ahaha. hmm. feel ko kaya nagiging corny ang mga tagapisay kasi panlaban yun ng stress. ahaha. lalan. hypothesis. hmm. makagawa nga ng test. ehehe. anyway,,sabi nga ni kuya guard kanina.. "Kung walang corny, walang happy" :)

super nakaline up na ang mga reunions at mga lakad next week! wahoots. PROBLEM: papayagan kaya ako sa mga sunod-sunod na mga gimik/reunions?? :)

hmm. feel ko. papayagan naman ako. go me. :)





Monday, March 06, 2006

perio week!



PERIO NA NGA PALA NGAYONG WEEK. wah. ><

Sunday, March 05, 2006

nawawala ang isang buddha :(

MAY PROBLEMA AKO [at ang buong sr-rb religion group]
nawawala yung isang buddha..

kung napadaan ka sa chinese exhibit ng rb-sr last last week, may makikita kang ANIM na buddhang kulay gold. pinahiram samin yun ni mam samala.ayun. last week, tuesday, sinabi sakin ni ramon na sabi ni mithi na nawawala raw ang isang buddha. di ako masyadong nag-alala kasi inisip ko baka nahulog lang tas natakpan nung mga tela tela.

kaso, nung friday, sinilip ko sa ilalim tas chineck ko yung tela, WALANG BUDDHA. lima na lang ang natitira.

WAH. ANONG GAGAWIN NAMIN? :(
san makakabili ng mga buddhang may different poses? :(

sinong magkakainteres sa buddhang maliit na di naman totoong ginto?
balik mo naman o. sige na, di samin yun e. wah. :( puhleeez.

shux. ang babaw ng problema ko...
pero ang hirap kayang sabihin kay mam na nawawala yung isang buddha niya. :(
hindi pala mababaw. .ack. ang gulo ko!!

magpeperio na. :) o yahhhh!!!! my gash!!
pero yoko pa mga 4th yr. erm, sa seperate post ko na lang ilalagay yung details. haaaay. :(

Saturday, March 04, 2006

Mensahe para sa pusong lito

Mundo mo'y pinipilit wag umikot lamang sa kanya
Ngunit ang iyong pusong lito ay tila yata sabik
sa mga pasakit na ika'y siguradong darating
kapag ikaw ay umasang siya rin ay nag-iisip
na kayong dal'wa ang tinadhana ng Maykapal
sapagkat nadarama mo na ang mga unang hataw
ng puso nyang wari'y lito rin kung anong ikikilos
sa harap ng pusong mong nagkukunwari namang bato
Ang masaktan ng walang dahilan ay sadyang masakit
Mas masakit kung di niya alam na siya'y nakasakit
Pinakamasakit kung itatago ang sakit
Sana ang puso mong lito ay matuto ng maaga
'Pagkat alam kong nahihirapan ka ng magkunwari
na puso mo'y bato at tanggapin na puso mo'y lito

//sonnet ko sa pinoy :)