Monday, March 26, 2007

Kontin na lang

Kanina, baccalaureate mass at toast to excellence. Siomai, ang panget ng tugtog ko. As in. Nakakahiya talaga. Grrr. Super tinatawanan pako nina yayam at papa. Gah. Super tensyonado talaga ako kanina, lalo na nung responsorial psalm. Augh. Ang patalo ko talaga. Haay. Nasira siguro yung solemnity ng mass dahil sa akin. Ang sad talaga. Anyhoo, dumako tayo sa toast to excellence.

" '07, ang gaan niyong dalhin." - Atty. Perez


With matching magandang delivery pa yun ha. Ahehe. Nakakgaan ng loob at ang funny. Tunog tagline ng commercial sa TV eh. Ay, tsaka napakasaya nung pagaccompany ni Cy sa PSHS hymn. I heart Cy. Ang galing niya mag-arrange ha. Ang ganda at aliw ng arrangement niya ng pisay hymn.


Pagkatapos ng Toast to excellence, kumain na kami ni yayam dun sa may pool side tapos sila mama & co. , kumain sa labas tas dumiretso na rin sina mama at papa sa office. Pagkatapos naming kumain ni yayam, nag-ayos ako ng clearance. Dinrag ko anywhere si yayam at super napagod siya. Hehe. Akyat -baba ako sa Math unit tas sa STR unit eh. Anyways, pagkatapos ko makakuha ng toga, magpaclear sa lifesci, at sa guidance, bumalik na kami ni yayam sa gym. Nagpraktis muli ng gradsong. Ang saya ng bagong melody ng grad song tas nakakaindak kantahin yung bridge. Hehe. Ang fun talaga. ü

Sigh. Kinakabahan nako para bukas. Kasi number one, baka maghyperventilate si mama. Nako, syempre gusto niya kumuha ng maraming solo pictures ko. Gahd, eh hindi naman ako comfortable sa mga ganun. Buti kung may kasama ako. Pero pinrepepare ko na ang sarili ko. Tinatrain ko na ang bibig ko na huwag magsalita or magreklamo or whatever tas tinrain ko na rin ang face ko na magsustain ng blank face para wala ng masabi sakin si mama (gaya na lang ng.. "ingrato", "anak ka lang, ano pinagmamalaki mo diyan", "para kang walang pinag-aralan", "ano bang utang namin sa iyo ha", or other hurting words ). Tapos super susunod lang talaga ako. Basta. Gusto ko kasi mag-enjoy sa graduation. Gusto ko comfortable, fun, and maging memorable siya. Ayun. Tas second, kinakabahan ako kasi baka madapa ako sa paglakad sa gitna sa march pagpasok. Nako. Ang laking gulo nun. Naiimagine ko na eh. Madadapa ako tapos tatawa na nang tatawa si Cheska. Tapos, tatawa na rin ako nang tatawa. Gash. Ayoko yun mangyari. Super nakakahiya. Third, Maglulupanghinirang na naman ako bukas. Kahit memorize ko na yun by heart and by hand (gumagalaw lang siya, hindi nako nag-iisip), kapag talaga kabado ako, may tendency magdikitdikit yung fingers ko tapos hindi na ako makatugtog ng maayos. Grabe. Tapos, lastly, kinakabahan ako kasi baka magbreakdown ako or something sa dulo or pagnaging cheesy na ang lahat. Pero pinopromise ko sa sarili ko na hindi ako iiyak no. Ang cheesy naman non. Eew. So not me. Manhid ako eh. Joke.

Tas bukas naman ng gabi, gradball. Blue ang color ng gown ko. Pano yun magiging vintage? Anyways, sana maging masaya at memorable. Sana hindi maging over-emo. At sana rin hindi lang puro picturan forever. Hindi ko ipapapuyod ang hair ko. Para masaya. Hehe. ü


***


Ang saya. Magagraduate na ako pero hindi pa rin ako cleared. Grr. Bukas pa ako magpapabind. Balak ko pagkatapos ng grad tas lunch, daan ng UP tas magpapabind eh. Para sa wednesday pede na ko maclear sa STR. Yehes. Sana maclear ako kaagad. Para bawas problema tas free na to lakwatsa.

***

Feeling ko hindi ako matutuloy sa HK. Gusto ko sumama sa shoots ng PISAY (movie) eh. Marami pa naman siguro akong pagkakataon in the future na makapunta dun pero eto (movie), ngayon lang ito eh. Tsaka, work naman ni mama yun eh. Baka mabulok lang ako sa hotel dun. Dito na lang ako no. Tsaka, bawas gastos na rin. Alam ko namang dapat practical lagi dapat sa life eh. Kaya wag na lang. Sigh. Hindi na ako umaasang bigyan nila ako ng any grad gift at hindi rin ako hihingi ng any no. As in object ha. Daming gagastusin for this summer eh. Pero kung macoconsider na grad gift ang pagpapayag na lumakwa ako with champaca or whoever (eg. Cheska, Krisha) patungong EK or wherever tas i-oovernight sila sa bahay. Nako. Hihingin ko talaga yun. Pero ngayon, pag-iisipan ko pa muna kung paano ko ito sasabihin kay mama at papa. Haha. ASA talaga ako.

***

Gash. Sana talaga hindi magdrama bukas si mama. Ang super mapilit and kulit niya kasi talaga lagi pag may mga event na ganito eh. Kinakabahan na talaga ako. Kung pede nga lang, hindi nako mag-attend. Pramis. Sigh. Pero yun nga, gumawa na ako ng plan kung paano ako magrereact once nagstart na siya sa kanyang annoying mode. Blank face. Mouth shut forever. Brain must follow her insturctions. Whew. Kaya mo yan, Cecile. Go. Go. Go.


***

Hindi ko pa pala namemention dito sa blog ko. LAHAT kami gagraduate. Lahat kaming 219 na Batch 2007. Happiness. \:D/ Happiness. \:D/ Happiness. \:D/ . Congrats, batchmates!

Sunday, March 25, 2007

scholar-do



aliw to. hehe.=) panoorin niyo yung videos. =) ang galing nila.. at ang sipag. kudos to the makers!

***

yak. magiging alumni nako. gash.

Thursday, March 22, 2007

praisefest'07

Hay. Ang saya. Nakakapagod pero masaya! THIRSTQUENCHER talaga!
is HE in you? Definitely! =)
He is always ALWAYS THERE!
(edited: march 25, 2007)

Wednesday, March 21, 2007

Yii.

PRAISEFEST'O7
Thirst Quencher: is He in You?

"Yet a time is coming and has now come when the true worshipers will worship the Father in spirit and truth, for they are the kind of worshipers the Father seeks. God is spirit, and His worshipers must worship in spirit and in truth."
- John 4:23-24

Bukas na!ü

Refer to my previous post kung kelangan mo ng reply slip!

***

Sorry. New template muli. Hehe. Naaliw ako eh. Tsaka para lighter mood. Ayoko nung dots, ang dark.


***

Anywho, pinagtiyagaan ko kahapon ang dial-up dahil nakakaadik magweffriddle. Yiiii, thanks sir mike para sa link! Nasa Level 31 na ako! =) *Sigh* Tapos ko na yung batch one ng weffriddles. Yiiiii.. üCacareerin ko ito tas iintroduce ko rin sa ate ko. Pati na rin kay antie lit. Para masaya. At para na rin masulit ang broadband. ^^

Go Weff! I crush you! Sana hindi ka girl. c")

***

Hay. Muntik ko na malimutan, di pa ako nagpiprint ng revised paper namin for STR. Hindi ko pa nakakausap si Jannel kung narevise na niya yung summary & conclusion. Gah. Bad. Kelangan ko na muli magpakamasipag para maclear na kami for STR. Love ko pa naman si Sir Tafaleng. As in. Hindi ito sarcastic ah. ü Haha. Sana i-gel na niya hair niya para hindi na ako maguiguilty forever.

***

Love rocks! I suck. (papirate James &co.) Yep. I so SUCK. Buti na lang may bakasyon para makapagmunimuni. Teka. Parang mali. Ayoko magmunimuni kasi kung anu-ano lang ang naiisip ko.

***

Happy Birthday VIEROANE! =)

Saturday, March 17, 2007

mega update




INVITED KAYONG LAHAT!


PRAISEFEST'07: Thirst Quencher
is HE in you?


MARCH 22, 2007 . Thursday
PSHS Open field. 4-8pm



Let us share a night of meditative prayer and worship!
ACTS * SCA * Batch 2007



eto yung reply slip for the praisefest. iclick niyo para lumaki. tas iprint niyo. *tsanan* may reply slip ka na. ipapirma mo sa parents mo tapos punta ka sa pisay on thursday - march 22!! kulitin mo yung friends mo na sumama! tas ayan, hapi na tayong lahat! INVITED LAHAT dito. Catholic ka man o non-catholic. =D hoohoo!

GOD rocks!






MY WEEK! x__x

03- 09-07

SM escapade with andy, krisha, and reynard. wala kaming mga pera. haha =) pix sa multiply ni andy!

03-10-07



MABUHAY ANG MGA BAGONG KATOKS!
trish 09*marga 09*norman 09*jhon 09*viel 09*dianne 09*paeng 09*ichiro 09*alvin 10*camilla 10

panatilihing buhay ang apoy!
live. love. breathe. SK

03-12-07

- first day of intrams
- naglaro ako ng basketball at soccer
- nawala ang aking brown 'wallet' ~ andun ang aking flash drive, recopies ng grad pic ko, at grad pic ng mga taong nagbigay na sakin. WOW. ang galing ko rin no. kwento kung pano siya nawala? bumili ako ng hello panda sa caf, kumuha ako ng 20php na bill at 5php na coin. pagkatpos nun, bumalik nako sa gym. blahblahblahblah. bago ako magbasketball, aayusin ko sana yung mga coins ko.. ilalagay ko sana sa wallet ko... pero wah. nawawala na siya. augh.
- super saaaaad day. alam mo na siguro kung bakit

03-13-07

- second day of intrams
- naglaro ulit ako ng basketball at soccer
- namomroblema parin tungkol sa aking wallet
- poster making for praisefest!

03-14-07

- happy birthday yayam
- finals ng basketball. we won. hooray for patrice!
- finals ng soccer. natalo kami. pero hooray parin!
- finals ng girls vball. we won! hooray ule =)
- finals ng boys vball. natalo. hooray parin!
- date sa SM with cheska. i heart cheska!

03-15-07

- semis at finals sa badminton ~ sori leki. ang laki kong patalo. =( ang dami kong miss.. super! sorry talaga.
- exit interview
- dani's luau. super sosyal. nakatube dress si dani! ang hot niya! pix sa multiply ni nico :)

03-16-07

- scrubs season 5 the whole day
- gising late, tulog aga
- hindi ako pumunta sa jade07 reunion ~ bad me

03-17-07

- PISAY movie workshop ~ ako ay isang dakilang extra (sabi ni aureus solito, wag daw 'extra' ang term na gamitin) gaganap ng isang cameo(spelling?) role. magiging kaklase ako nina shayne. nyahaha. =) fun. 200php per day ang bayad. beh. fun ang basic acting exercises. so SK. =) nakakamiss talaga ang batok life. hoohoo.


di ako makakapunta sa rb reunion tmorrow. wah. sad. mabubulok lang ako sito sa bhay mula bukas hanggang wednesday. augh. pati yung batch field trip cancelled. hmmf. ang bad bad nila. =(

natouch ako ü





bugoks and 08 katoks. thanks! =) ang gandah nung play niyo. napaiyak niyo ko kaya wow, ang galing niyo. sorry kung hindi ako nakapagbigay ng matinong final words. *sigh* basta. ang masasabi ko lang..hindi ako takot na iiwan ang SK sa inyo. i heart you all. =)

*sori bano yung pix. bano yung camera nung phone ko eh. pero wah, gusto ko lang ipakita sa buong mundo na nag-effort sila at super naappreciate ko yung efforts nila. hoohoo! =) *hugs para sa lahat ng katoks*

Saturday, March 03, 2007

lost: my wallets (oo, plural)

wallet # 1: my barya wallet: the fishy wallet
  1. bigay pa yun ni mam karen
  2. marami na kaming baryang pinagsamahan
  3. at love ko yung wallet na yun!

kaya kung nakita niyo siya, kulay brown siya, pakibalik naman sakin o. sad. break namin before english nung tuesday (february 27) tas nagpaphotocopy lang ako ng something sa caf tas nakipagchikahan sa mga tao.. tapos, nagbell. nagvanish na si fishy wallet. akala ko naman shinoot ko na siya sa magulo kong bag, pero apparently indi.. lost na siya. wah ="(

wallet # 2: my bills + cards wallet: the banig wallet

  1. bigay pa yun ni nico
  2. andun ang philamcare card ko - dahil nasamang nawala to, nasabon ako ng parents ko
  3. andun ang business card ni mam karen! ="(
  4. andun ang peborit astronaut picture ko
  5. andun ang madami pang ibang barkada pix
  6. maraming resibo dun- wala lang
  7. i like that wallet :(

wah. naisipan ko lang naman magpakaloner at magpakanerdo sa lib. wah. bakit mo kinuha kung sino ka man? ang laki ko talagang engots. bakit ko kasi hindi dinala sa loob yung wallet ko. aaaaah. ang bobits ko talga. ang timing ko maging bobits.. kung kelan mo naman naisipan manguha ng wallet.. sad. wah. ibalik mo saiya sana. ibalik mo sa reg. please. :(