Sunday, July 30, 2006

*gusto kong magkaroon ng kabayo.mas masaya kung super white yung kulay niya. twice palang ako nakasakay ng kabayo.. yung as in sa likod niya ha, hindi kalesa. yung una, sa tagaytay, natakot ako nung una. pero super naenjoy ko siya. tapos yung next, sa cagayan de oro.. kasama yung mga insan ko. mas masaya yun kasi di gaya sa tagaytay [na sa isang field na patag lang nagpapaikut-ikot], sa bundok pinaparaan yung kabayo... adventure!! haha.

*kaya ba ng kabayo kung sasakay ako sa kanya from bahay namin to pisay? ang saya sana nun. makikipagracing ako sa mga sasakyan sa SLEX [south luzon expressway]!!

*gusto kong matutong sumakay sa kabayong tumatalon. i mean, gusto kong magpatalon ng kabayo.. ay.. anong ba kasing tawag dun? equestrian. gusto kong maging equestrian. hindi as in equestrian na sumasali sa olympics ah.. hmmm.. yung parang laru-laro lang.. sana magkaroon talaga ako ng horse!

nangagarap na naman ako ng gising. sigh. ang mahal mahal naman kasi ng kabayo. pati na ang maintenance niya. haaaay. magtitiyaga na lang ako sa mga ibon namin..

angel[green] & no name [white cockatail] :)

dalwa lang yan sa mga ibon ni papa. di kami masyadong close ng mga ibon namin.. pero i love them parin. haaaay... wala na talga akong masabi. basta. gusto ko magkaron ng sarili kong pet. as in yung magiging close kami. masaya kung horse yun. pero ok lang kahit bird na lang.. or kahit nga fish na lang eh! :)



No comments: