Sunday, July 30, 2006

2.5
second post for the day. sigh. sana man lang maka 2.5 ako sa comsci [adprog]. wala pa akong ginagawang matinong lab activity dun eh. i mean. wala pa ata akong[kami ni jane pala] natatapos na lab activity! tapos, grabe, feeling ko hindi man lang malapit sa passing ang magiging score ko sa long test. waaaah. best case na yata ang 2.5 para sa magiging grade ko sa comsci! oh no. oh no. ayokong maging adprog ang magiging first ever bagsak ko sa pisay. help!!! pagdasal niyo ko [kami ni jane pala.] wah. ="(
*gusto kong magkaroon ng kabayo.mas masaya kung super white yung kulay niya. twice palang ako nakasakay ng kabayo.. yung as in sa likod niya ha, hindi kalesa. yung una, sa tagaytay, natakot ako nung una. pero super naenjoy ko siya. tapos yung next, sa cagayan de oro.. kasama yung mga insan ko. mas masaya yun kasi di gaya sa tagaytay [na sa isang field na patag lang nagpapaikut-ikot], sa bundok pinaparaan yung kabayo... adventure!! haha.

*kaya ba ng kabayo kung sasakay ako sa kanya from bahay namin to pisay? ang saya sana nun. makikipagracing ako sa mga sasakyan sa SLEX [south luzon expressway]!!

*gusto kong matutong sumakay sa kabayong tumatalon. i mean, gusto kong magpatalon ng kabayo.. ay.. anong ba kasing tawag dun? equestrian. gusto kong maging equestrian. hindi as in equestrian na sumasali sa olympics ah.. hmmm.. yung parang laru-laro lang.. sana magkaroon talaga ako ng horse!

nangagarap na naman ako ng gising. sigh. ang mahal mahal naman kasi ng kabayo. pati na ang maintenance niya. haaaay. magtitiyaga na lang ako sa mga ibon namin..

angel[green] & no name [white cockatail] :)

dalwa lang yan sa mga ibon ni papa. di kami masyadong close ng mga ibon namin.. pero i love them parin. haaaay... wala na talga akong masabi. basta. gusto ko magkaron ng sarili kong pet. as in yung magiging close kami. masaya kung horse yun. pero ok lang kahit bird na lang.. or kahit nga fish na lang eh! :)



Saturday, July 29, 2006

ang daming nadramahan sa previous post ko. aynako.. joke lang yan. isang malaking joke! hell week na next week! UPCAT! tapos perio na next next week! ohness.. ><

tamad akong gumawa ng matinong post!

Monday, July 24, 2006

//start[12:03pm]





HAPPY BIRTHDAY ATE JING! (nung july17!)

ang araw na to ay araw mo
pagdating mo sa ating mundo

matatandaan, di malilimutan
kailanman(kailanman)

ang saya ng mundo
ngayong ikaw ay narito

I WISH YOU A HAPPY BIRTHDAY


[it's been 40 thoughtful years]
thank you for everything :D
happy bday ate jing! :)


o---o


bakit ba ako nagsusulat sa blog? teka. bakit nga ba? nagsasayang lang ako ng internet time. tsaka, may sense ba? siguro may kabuluhan sana yung blog ko kung di siya puro rants tungkol sa pisay life.. kung di siya puro numbered random nonsense things.. kung nakakainspire sana ang mga posts ko.. kung hindi puro "ako" ang subject ng posts ko..

*sigh* ewan. teka. bakit ko ba iniisip ang iniisip ng iba? bakit ba cinocompare ko ang blog ko sa blog nila. haaay. eto na naman ang sakit ko. i want to please everybody kahit alam kong i can't please everybody. sino ba kasi si everybody. patayin siya. ay.. wag. masyadong morbid. gupitan niyo na lang siya ng kuko.



ay basta. kung ikaw.. ayaw mo basahin ang blog ko, punta ka na lang sa links ko,ok? ayun. tapos, gawin mo na ang materials & methods niyo sa str at ang essay mo sa lifesci.. huwag kang gumaya sakin na nagsusulat ng post sa blog imbis na gawin ang mga yun.




o---o



<3<3<3<3<3<3<3<3<3


ang symbol pala na less than na may katabing number 3
ay hear tna tagilid. ngayun-ngayon ko lang narealize yun.


o---o


Ecumenism- is the promotion of worldwide Christian unity or cooperation especially as shown among religious groups (as Christian denominations).


---ay. yun pala yung meaning ng word na yun. ang ignorant ko. salamat kung sino man ang gumawa ng brochure na yun. :)

o---o
self-pity sucks. narealize ko lang, kaya pala may mga experiences/situations/scenes ako na hindi makalimutan [pero gusto ko na malimutan] kasi masyado kong iniisip na ang aping-api ko naman.. masyado kong iniisip kung bakit ko diniserve yung ganung treatment.. minsan nga, exagge na yung mga iniisip ko eh.. gaya ng.. "uh, baka feeling niya crush ko siya [kung boy] o kaya naman ay feeling niya alalay niya ako [kung girl]." ANG EXAGGE!

malabo ba? er..


example. super super ang bait bait ko sa isang tao.. in the sense na kahit anong tanungin/hingin niya, tintry ko yung best ko na maaccomplish yun. tapus, alam mo yun,[don't get it wrong ha, hindi naman sa nagexpect ako ng kapalit] pag hindi siya nanghihingi or wala siyang papagawin, parang wala lang ako sa kanya.


ayun. gets mo na?


syempre sa una, ok lang na magtampo ako & blahblahblah. pero siguro after one week, kahit nga one hour or one minute, dapat di ko na ispin yung nangyari. dah, pwede naman sana ako umayaw eh. may choice naman akong di gawin ang mga pinapagawa niya. yun na yun eh. ako ang may choice. tas bigla ko siyang sisisihin ngayon kung bakit ang lungkot lungkot ko.

malabo pa rin?
never mind na lang.


o---o
first time nangyari na tumulo ang luha ko ng dalawang araw. syempre yung reasonS di ko na lang ilalagay dito sa blog ko. kasi mababaw.. ay hindi pala. nasa gitna ng mababaw at malalim.hindi naman tuloy-tuloy ha. edi sana nadehydrate nako.hehe.

grabe. nagulat ako sa sarili ko. di naman talga ganun kabilis umiyak eh..kaya ko pigilan luha ko. pero ang pro talaga ng kapatid ko sa ganyang mga bagay. expert na siya sa pagpapaiyak sakin. alam na alam niya talaga gawin ang mga bagay na makapagpapaiyak sakin. augh!!! haaaay. bahala siya sa buhay niya. subukan lang niya ako itext ng "gud am" bukas.. grr. [kalma lang, cecile]


ang weird lang, dahil ang dami-dami ng nasa isip ko nung sat & sun.. sa middle ng pag-iiiyak ko, nalimutan ko kung bakit nga ba ako umiiyak. haha. kaya natatawa ako. feeling ko, ang weird tingnan nun. haaay. lagi nga yun nangayayari eh. kaya di ako nagpapakita pag umiiyak ako eh, hindi kayo maaawa.. matatawa kayo.. haha :) [exempted sa case na to ang SK crying sessions ko.]

o---o

//edit
http://friendster.com/profiles/putikatkeyk
o---o
gusto ko lang sabihin na ang spelling ng pangalan ko ay: CECILE
--- single L, with an E!!!


//end [12:56pm]

Saturday, July 15, 2006

photo in the news: rare "rainbow" spotted over idaho



[read article here!]--- got the link from bayopisay07 egroup (mam cardenas)

Friday, July 14, 2006



view of camiguin from white island :)
wahoots. i love camiguin :) sa pagtingin-tingin ko ng mga pix from my summer, nakita ko yan. la lang. ang ganda no? i'm so proud.. ako kumuha nan. hehe. la lang.:)

happy happy birthday bukas (july 15) anne!!!! :) mahal na mahal kita. mwah mwah!! magpakasaya ka bukas ha. you'll always be in my prayers. ^^ stay mabait!! miss na kita sobra. dito lang ako lagi for you. mwaaaaaaaaaaaaaah!!

looooong weekend! :)

ang sarapsarapsarap matulog!!! balak ko nga sanang matulog buong araw ngayon gaya ng ginawa ko kahapon.. kaso narealize ko kanikanina lang na ang dami palang dapat gawin. :(

mga gumagambala sa aking isip:

    1. kelan ba talaga lang deadline ng write-up ng final proposal (for sir tafaleng students)? next week o next next week?
    2. english ba o tagalog ang gagamitin ko for the ateneo essay?
    3. anong experience ko ang nakapagpabago ng aking identity?(flux kang ateneo essay ka.)
    4. anong kukunin kong course sa the ateneo?
    5. matutulog ba ko mamayang hapon?
    6. anong kakainin ko mamya? tira-tirang spam o bibili na lang ako ng century tuna kina rovis?
    7. kelan ako babalik ng pisay, sa sunday o sa monday na lang?
    8. bibili ba ako ng load ngayong weekend o magpapapasa load na lang ako kay antie lit?
    9. bakit wala na yatang nagtatag sa blog ko? :( sad.
    10. ano ang ibibigay kong gift kay papa? brownies o tsinelas?
    11. bleep.
    12. sinong mas gwapo? kapatid ni rob o si sam concepcion? TRIHALOMETHANE!! TRIHALOMETHANE!! oye! oye!
    13. bakit ang konting online sa morning, pero sandamukal naman pag gabing-gabi na?
    14. kanino at kelan ako magpapaalam kung pede bako mag-overnight sa daniw next week? kay mama before siya umalis for amerika or kay papa na lang pag nakaalis na si mama sa sunday?
    15. magiging singsuccesful kaya ako gaya ni polarbear person?

Sunday, July 09, 2006

update.

ang tagal tagal ko ng hindi nagpopost. well. madami sanang makukwento.. kaso tamad na ko magpost and kulang na rin sa time. pero ngayon, dahil maraming requirements ngayon weekend, magpopost ako. :) hehe. di rin ako ganun kalabo no?

ORI. kick- Off RallI sa tuesday :4.30pm-- seminar room-- for freshmen catholic girls, ORI girls 08-09, ORI-X!! -- snacks will be served-- SEE YOU THERE!

SK. first time na di ako present sa lahat ng audition days.

STR. super thankful kami at nakilala namin si ate jackie c/o mam aimee. :) di pa masyadong nakakaiyak ang load ng reqts pero i can feel the pressure na.... nakakapressure isipin ang requirements pero excited na akong mag-experiment!!

roomates. i love krisha and jane! amis danaka krisha. amis danaka jane.

advertisement. krisha's blogspot.

CAT. nakakapagod. exciting. mysterious (hala. watadescription). astig.

ulan. ayoko ng feeling pagkatapos umulan ng malakas. ang lagkit!!! wah.

tulog. masaya matulog. :)

homeworks. no comment.

homeworks. no comment?

homeworks. str indiv rrl. p6 prob set. bio hw. chem lab rep.

long tests. 07/10-- chem. p6, 07/11--math, 07/12--adprog, 07/13-- bio

SHUX! go cecile. go 07.




kung gusto niyo ng break sa pagcacram at pagpapanic niyo. punta muna kayo ng postsecret.blogspot.com. :) astig siyang site! pramis.

Saturday, July 01, 2006

belated happy vday (nung june 30) jannel!

wala kaming connectino ngayon sa house ng internet dahil sira ang phone namin. nasa bahay ako ng pinsan ko ngayon. sigh. tas.. kunyari busy din ako kaya di nako nakakapost ng entries kahit ang daming masasabi tungkol sa 4th yr life. kaya yun.. next time na lang ako magpopost..