Friday, May 19, 2006

continuation 1.

friday
may 12


gumising kami ng 5am nina antie lit at yayam. sasama kasi kami papunta sa underground river. para makapunta sa underground river, babyahe muna by land ng mahigit 2 oras. tapos, magboboat ng mga 20 mins. then, yun, nandun na kayo sa bunganga ng underground river.

grabe. nawindang ako sa mahigit two hours na pagdaan namin sa super lubak-lubak na daan. as in yung pagkalubak niya hindi lang blag.. blag.. blag. kundi, BLAGBLAGBLAGBLAG.. BUGSH!! ganun. di ka talga makakatulog kahit super inaatok ka na.

pagdating namin dun (sa brgy.sabang), sinettle muna ng mga kasama namin yung bayad sa pumpboat, entrance fees, and all that. umaambon na nung time na yun. kaya by the time na sasakay na kami ng pumpboat, super ang lakas lakas na ang ulan. ang galing. tumayming pa kami sa pagdating ni bagyong caloy. pero di kami umurong. kasi tiniis namin yung mahigit 2 oras na byahe sa rough road tapos, babalik lang kami?!? kaya yun.sumuong kami sa super lakas na ulan at maalon na dagat.

nagsidasalan na kagad yung mga kasama namin sa pumpboat. nung una, di pako masyado takot kasi may lifevest naman kaya di ako malulunod. tsaka may katig (yung kawayan sa gilid ng pumpboat) naman yung bangka, kaya di kami tataob. pero nung naisip kong pwede akong maanod sa kung saan-saan kahit nakalifevest ako atmay possibility parin tumaob yung bangka pag sa harap kami kalabanin ng alon, super taimtim nakong magdasal.as in super serious. nakakatakot talga kasi wala na talaga kaming makita kundi tubig at yung super labong silhouette nung islands. pati nga yung mga bangka nung iba naming mga kasama di namin makita kahit feeling ko, super lapit lang ng agwat namin.

pero thank God, nakarating naman kami dun sa side ng island kung saan nandun ang underground river. tsaka buti na lang nagsandals ako. kundi, kawawa naman ang rubber shoes ko eh.. basang-basa kami ng pinaghalong tubig ulan at tubig ng dagat. at take note, nakapantalon ako. ang pangit nga ng feeling eh. feeling ko parang umihi ako sa pants ko. hehe.

anyway, ayun, kelangan pa pala maglakad ng kaunti para makapunta sa bukanan nung u.river. so ayun, naglakad kami. tas pagdating namin dun, nagkita na kami nung iba pa naming mga kasama. tas yun, nagsuot uli kami ng lifevest at ng helmet. tas nung meron ng available na paddle boat (bangkang pinapaandar gamit ang sagwan), sumakay na kami.

calm ang tubig sa loob ng cave, kaya masaya. di gaya nung dagat.super dilim (dah cecile, undeground yun). may spotlight lang na pinapahawak sa taong nasa harapan na nagkataong antie ko. at mapanghi ang bats. :( anyway, nabanggit rin nung nagsasagwan/guide na meron ding mga swiftlets/balinsasayaw sa cave na yun. (champaca!champaca!^^). ayun. 1937 o 1931 (nalimutan ko na) pa napasok ng mga amerikano yung cave. nagvandal nga sila eh. pero sabi nung guide, ang nakadiscover daw talga nun ay ang mga natives ng palawan. pero takot lang sila pumasok kasi takot sila sa mga bad spirits.

astig yung mga limestone formation! grabe. ang swanget nga lang kasi di ako marunong magpicture ng maayos. ang hirap kasi eh. gumagalaw ang bangka tapos yung ilaw din. so yun. konti lang yung matitinong kuha. (ipopost ko dito yun pag nagkatime ako).

merong super giant candle na parang natutunaw (na isang stalagmite. ang laki niya!!). tas may pegasus. may mama mary. tas meron pang half face ni jesus. tas may holy family. tas may mais. pechay bagiuo. may eagle. may sexy na babaeng (sabi ng guide, ang name niya ay sharon STONE.haha) tas may mushroom. tas meron pa ngang flyover eh. at maraming marami pang iba.astig talaga. parang sinadyang ganun yung mga formations. to think na 0.2 mm lang ang kinkapal ng limestones per year. (nakikinig ako. omg).

mahaba yung underground river daw na yun. 8 km yata. pero 1.2 km lang yung binaybay namin. mga 1 oras kami sa loob ng cave. masaya siyang experience. sssuuupppperrr! grabe.

pagkatpos nun.nagpumupboat na ule kami pabalik dun sa brgy.sabang. mas maganda na ang trip pabalik kasi mas clear na ang sky. :) tapos,napabili kami lahat ng di-oras ng mga palawan tshirts at mga tie-dyed shorts/pants kasi super super basa kami. instant souvenir! :)

tapos, sunod nun, kumain kami. masarap pala ang mainit na sinigang na isda pagkatapos mabasa ng todo. yumyum!! :) nalaman ko rin habang kumakain na 7pm pa sila nagkakaron ng electricity dun (kasi nagtanong yung kasama namin kung pedeng buksan yung ilaw). tsktsk. ang swerte ko talga kasi sa laguna ako nakatira tas meron kaming linya ng kuryente... hay buhay.

pagkatapos namin kumain, umuwi na kami. di pa rin ako nakatulog dahil syempre sa napakagandang daan. nyehehe. pero ok lang.

next time na lang uli ang continuation. :)

No comments: