what a title.
nasa internet shop ako na nasa baba ng tinitirhan namin dito sa palawan. potek.
ang swerte ko. nagkasya ako sa maleta ni antie lit nung papunta siya dito sa palawan. ang galing ko talaga. di man lang ako nadetect nung x-ray machines dun sa airport na nagtitinda ng 65php na hotdog sandwich. oh my gahd.
naniwala ka naman. asus.
syempre di ako pedeng sumiksik dun sa maleta kung pede lang sana no? para menos gastos. dakilang sabit lang naman ako eh. naguiguilty ako sa perang ginastos at gagastusin nina mama para makarating ako dito sa palawan at magsurvive dito for 4 days. national anniversary kasi ng catholic community kung saan member ang parents ko na Brotherhood of Christian Businessmen and Professionals (BCBP). ngayon year, dito sa puerto princesa, palawan nila yun icecelebrate.
papayag ba kami ng ate ko na hindi sumama? syempre hindi. nauna pa nga kami ni yayam at auntie lit dito sa palawan kaysa kay mama at papa eh. dumating kami dito nung thursday. buti na lang, kilala namin yung mga friends nina mama sa BCBP. kaya bumuntot na lang kami sa kanila. kung san sila pupunta. dun din kami. hehe.
kaya nung thursday. napadpad ako sa
Crocodile Farm Institute. yan yung dati niyang pangalan. nalimutan ko na yung name niya ngayon.ang lugar na yun ay para sa mga pangangalaga ng mga buwaya at iba pang mga endangered animals dito sa pilipinas.
may mga crocodile hatchlings na nakabukod at nakalagay sa mga parang bathtubs. hindi sila cute. mukha silang buwaya.
potek.
nakakita ako ng malaking buwaya. ng maraming maraming malalaking buwaya.pasensya na. super bata pa yata ako nung huling nakapunta sa manila zoo at nakakita ng buwaya.
anyway, nakakaewang maglakad sa isang kulay pulang bakal na bridge na may mga malalaking buwaya sa baba. yay. nakakakilabot. pero watanexperience!
tapos nun, naglibot-libot na kami dun sa mala-jungle nilang nature park kung san madami pang hayop ang nandun. ang init. sobra. as in. kaya di na kami masyadong naglibot at bumalik na sa super lamig naman na van.
bago nga pala kami pinalibot dun. inorient muna kami. nagpakita sila ng video tungkol sa mga crocs. pero after nung film, di ko parin love ang mga buwaya. beh. save them. feed them. pero count me out kung kelangan na silang ihug at ikiss!!!
sunod naman naming pinuntahan ay ang
IWAHIG PRISON AND PENAL FARM. nagtaka ako nung pumasok kami dun.
bakit kami pupunta sa prison?? erm. diba tour to friends? kasama ba talga to sa ating mga pupuntahan? teka. may ginawa ba kaming kasalanan?di na lang ako umimik. binaba kami dun sa isang maliit na kubo. meron dun mga tindang mga souvenir items. tingin-tingin kami dun.
malawak yung place. may school, church, field, at mga bahay. pinaliwanag nung driver nung van na yung super lawak na place na yun ay ang mismong prisuhan. may mga mamang nakabrown na nagkalat sa lugar. nakalagay sa shirt nila: INTERN MINIMUM. tapos may iba namagn akong nakitang mga nakakulayblue. sa kanila naman, INTERN MEDIUM ang nakalagay. sila pala yung mga priso. tas meron ding mga bata dun. baka mga anak ng mga priso.
may isa ngang prisoner na nakabrown na lumapit sa van eh. tapos nagbebenta siya ng keychain. 50php para sa lima raw. pambili na lang daw niya ng sabon at sigarilyo. after mga ilang minuto ng salestalk:
kasama namin: "sige na nga. para makatulong lang. pero sabon na lang bilhin mo, wag na sigarilyo. masama yan sa health.."
tao: "yun na lang po yung libangan namin dito bukod sa paggawa ng mga souvenir items eh. matagal-tagal na rin ho ako dito."
kasama namin: "ilang yrs ka na ba nakakulong?"
tao: "2 taon po sa munti, at 10 taon na ho dito"
kasama namin: "ay ganun ba? ano ba kaso mo?"
tao: " 1 pong murder at 1 homicide"
kasama namin: "hah?? *kinda shocked* (after a few seconds) hmm..tagarito ka lang sa palawan?"
tao: "taga infanta, quezon ho ako. "
kasama namin: "ay ganun ba. naku.sige, una na kami. God bless."
at umalis na kami.. bumalik na kami dito sa tinitirhan namin. tapos, naisipan naming malakwatsa nina antie lit at yayam. hinanap namin ang mall. nahanap namin ang NCCC mall. pero nadissapoint kami.pero, nag-grocery na lang din kami dun. tapos, naghanap na lang kami ng makakainan. natagpuan namin ang jolibee. nagtake-out kami ng food tapos bumalik sa tinitirhan. binuksan ang food. kumain. natulog.
next time naman yung mga nangyari ngayong araw. mas exciting sobra kaysa sa kahapon. matatpos na kasi yata si mama na nasa kabilang computer sa work niya eh.