Saturday, February 18, 2006

drug test.. achievement test. .blahblah...sa details ng drug test, er.. punta na lang kayo sa links ko (si rayray may post..). siguradong may magkkwento nun. ang masasabi ko lang, nakaapat na balik ako. :( poor me. tsaka kung tagapisay ka, alam mo na ang details.. anyhow.. ayun. may SOCO and all. nangyari to pagkatapos ng unang araw ng achievement test-- wednesday yun.

achievement tests. nakakaloka. di ko lam kung pano ko ulit isasaksak sa utak ko ang mga lessons ng buong school year. umaga ang achievement test. nangyari siya mula wednesday to friday. ang 09, 08, 07, at 06 ay sabay-sabay nagtest sa morning. sa bio2 room nagtest ang rb. anyway.

ayun. medyo tinamad ako mag-aral. as in 10pm tulog nako with matching ntbk nakacover sa face ko or hawak ko. tas yung bed ko super puno ng libro, notebooks, handouts, at kung anu-ano pang mga papel. ahehe. tas yun. ewan ko. nagshotgun ako mostly sa socsci. yung math, nagsosolve ako pero may mga few items akong shinotgun din. tas sa bio, alam ko yung iba, pero nagshotgun pa rin ako sa ibang mga items. sa chem at physics, shotgun uli. OBVIOUS BANG HALOS NAGSHOTGUN AKO? deh. xempre may nasagutan naman akong marami-rami kasi dah, may naabsorb naman ako kahit konti.. nyaha. basta, ang point ko, nawindang talaga ang utak ko.

nung monday naman, career orientation at harana. buong araw kaming nasa 3rd floor audi! :) nakikinig sa mga speakers and all. haaaay. hanggang ngayon, di pa rin ako decided kung anong gusto kong course sa college. haaaaaaay. saka na nga.

harana.. GO 07. nakuha lahat ng 07 ang 1st, 2nd, at 3rd place. yehey. congrats. :)

tuesday.. feb14..

FACULTY-ADMIN DAY.

dotdotdot-- nagperform ang SK! shux. super crammed ang play namin. nabago ang format ng typical padyak play. so di ko siya cinoconsider na isang padyak play talga. ehehe. anyhow.. ok lang naman daw sabi ng mga teachers. congrats katoks. :) whee. galing natin magcram.

dotdotdot-- student teachers! di ako pumasok sa morning dahil excused ang sk dahil kelangan naming magpractice. so sa hapon ako pumasok. uh. di masyadong eventful.. maliban na lang sa naprove ni jane na masakit pala talga sa ears pag nagpanic na si jannel (student-teacher sa cs).

ANNIV NG "SACK BLAD". one year na ang mahiwagang words na to. CHAMPACA'07. happy 1st "SACK BLAD" ANNIVERSARY. sayang nga lang, di naghanda si cheska... :)

-----------------------------------------------

pinagpatuloy na nga pala namin ang experiment namin sa str. er, ok lang naman xa. MASAYA nga actually ( hindi sarcastic to ha) :) kaso nakabasag kami ng isang petri plate at kailangan naming ulitin ang pagluto ng nutrient agar. bakit? kasi ganito yun, nung itatransfer namin yung agar sa plates, buo-buo siya. as in nagsosolidify na xa. e di naman namin alam na super dapat liquid xa. ayun. tinry namin imicrowave c/o sir jun, alan nangyari. tas sabi ni mam len, try daw namin sa stove. tas sabi niya low lang daw yun fire. eh pagkalagay namin sa stove dotdotdot.. umapaw yung agar.. kumukulo siya.. nasunog ang petri dish.. nabasag ang petri dish.. nyehe. ang cute namin .anyway. kaya yun. umulit kami. tas eto pa. nung niluluto na ni jannel uli yung nutrient agar sa stove.. edi naghintay kami tas si jannel stir lang siya ng stir... tas ayun nakipagkwentuha muna kami ni jane sa mga 07 na nasa str room. tas lumapit kami ni jane. tas chineck ni jane kung mainit ba. tas NAGTAKA siya. hindi pa mainit ang flask e ang tagal tagal na nakasalang nun sa stove ang lo ang behold.. HINDI NAKASAKSAK ANG STOVE.

ang saya.. hehe.

masaya ding experience ang magdikdik na malunggay roots. super lahat ng dikdik powers ko gimamit ko. hehe. pero ok lang nakaextract na kami. kaso di pa kami nakapag-apply nung thursday ng treatments kasi hapon na. kaya ayun, sa monday na lang namin itutuloy.sana may time kami. :) dapat lang. kung hindi, ala kaming marereport!! ack. str.
ayun.

hanggang dito na lang to. babooooosh. :)

No comments: