Thursday, November 30, 2006

cecile's head is full [of gray matter]

mas natatransmit ng maayos ang mga nasa utak ko sa blog na to kung bullet/numbered and aking format. kaya i'll fire na may rants in bullet form. eto na:

---TIGILAN NIYO NA KO.

please. as in. nakikiusap ako. ginugulo niyo lang ako. please, wag na kayo makialam? hay.ang labo naman, yung mga taong inaaddress ng pleading kong to ay hindi naman napapadaan ng blog ko.useless. AUGH.

siomai. i can't believe na mag-eexplain na naman ako ng side ko ><. nagdevote na ako ng isang entry para lang sa issue na ito ah. pero oh well. sige na sige na.. ako naman lagi mali eh. amf. bahala kayo. isang malaking behlats sa inyong lahat. bad kayo.[harhar. parang bata]. pero aynako talga. napipiss-off na naman ako. tama na. [calm down cecile!]basta.gusto ko lang sabihin sa inyong lahat na CONFUSED ako, ok?! PERIOD. *blank STRAIGHT face*

---INFIXPOSTFIX++; //whatever

augh. gets ko yung logic.pero bwisit na Java.. ang arte mo ha. pinapahirapan mo ako. nitry-catch.. hindi gumana. haay. nakakfrustrate. yung PostFix Evaluator di ko mapagana. laging EmptyStackException. alright. i know. nagpopop siya sa stack na walang laman. fine. pero bakit indi siya nagPUSH?! pumapasok naman siya sa loob ng if statement na magpupush para sa kanya. WHY O WHY?! sigh. dapat bukas mamaya deadline nito.. pero dahil walang pasok bukas, ibig sabihin nun.. pede ko siya tapusin dito sa bahay! oye.

---LIVE, LOVE, BREATHE

romans, friends, countrymen, lend me your ears. NASAN NA ANG MGA BATOK BOOK NIYO?! ano ba. magpapasko na, mas mabait ako bago magpasko! kaya magpasign nakayo! may nasignan na akong isa. as in signature ha. mainngit kayong lahat. bwahaha.

i love[and miss!] mam karen u. hipol! binigyan niya ang sk ng scripts ng.. *drum roll* subtext & i laugh you by direk niel de mesa. siomai. i can feel na makakaproduce na talga kami ng intimate theater next year! :) go katoks.

---0916*******

ayayay. gusto niyo magdonate ng load? globe ako. pasahan niyo ako ng load. haha. pasko na naman eh. wala lang.pero wala namang nagtetext sakin kundi si krisha at yung tagabalance inquiry ng globe. HAH? labo. ang labo ko. *time check: 11:48pm*

---PRODUCTIVENESSSS

haler cecile. dapat tapos mo na ang abstract at other str stuff ngayon. augh. siomai. WALA AKONG NAGAWA. sana di ko na lang nalaman na walang pasok bukas. ="( sana naaging productive tong gabi ko. bwahaha. nakakainis talga ako.

---UP DHARMA DOWN

[piling lines.. sigh.]

-- di mo lang alam. naiisip kita
-- baka sakali lang maisip mo ako
-- nagtapos ang lahat sa di inaasahang panahon
-- sana nagtanong ka lang kung di mo lang alam
-- ako'y iyong nasaktan
-- ako'y nandirito parin hanggang ngayon, PARA SAYO ü
-- baka maisip mo naman. puro siya na lang, sana'y akonaman.
--di mo lang alam.

---I MISS THE MOST

my kwentuhan sessions with Jesus. :(

Sunday, November 26, 2006

don't quit.

DON'T QUIT
When things go wrong, as they sometimes will
When the road you're trudging seems all up hill
When the funds are low and the debts are high,
And you want to smile, but you have to sigh,
When care is pressing you down a bit,
Rest if you must, but don' you quit.

Life is queer with its twists and turns,
As everyone of us sometimes learnd,
And many a failure turns about
When he might have won had he stuck it out;
Don't give up, though the pace seems slow -
You might succeed with another blow.

Often the goal is nearer than
It seems to a faint and faltering man,
Often the struggler has given up
When he might have captured the victor's cup.
And he learned too late, when the night slipped down,
How close he was to the golden crown.

Success is failure turned inside out -
The silver tint in the clouds of doubt -
And you never can tell how close you are,
It may be near when it seems afar;
So stick to the fight when you're hardest hit -
It's when things seem worst that you mustn't quit.

--hanggang ngayon hindi ko ba memorize ang tulang Don't Quit. haha, nakakahiya talga kami. maganda na sana yung sa mga boys eh.. patalo kaming girls. wah. pero anyways, masaya naman eh. kaya ok lang. =)

--ang dami pang kelangan tapusin: comsci mach prob and str stuff. haaay. pero sabi nga nung poem diba : It's when things seem worst that you MUST NOT QUIT.

--KAILANGAN KO NG DRIVE. i hate myself pag tinatamad ako o pag tinutulugan ko lang yung mga reqts. nakakinggit yung mga masisipag. naiinis ako pag di sila nagcacram. :(

--batoks. sana wag kayong magquit. nasan na mga batok book niyo!?!???!

-- di ako magqquit ever sa pagiging MP =) haha. sana makuha ko na rifle ko. pero apparently, next year ko na makukuha yung akin. magpeperio at magbabakasyon na eh.. so ala ng PT :(

--haay. bakit ganun? before ako gumawa ng entry, parang ang dami kong gusto sabihin. pero pag nagtataype nako ng entry.. parang wala nakong masabi. parang ngayon. wala nakong masabi.

Tuesday, November 21, 2006

I HATE ME.

ako ay crammer. i hate me. i want to sleep.
3:58 AM na. siomai.

Saturday, November 18, 2006

sa lahat ng: concerned. curious na medyo concerned. sadyang tsismoso/tsimosa.

pwede ba tigilan niyo na ako?! meron akong reasonS.. kung sa tingin niyo alam niyo ang mga ito (at pwede ba, hindi ang freaking three letter subject) at kung sa tingin niyo mababaw, immature, walang kwenta, evil, or whatever man na gusto niyong adjective pa.. huwag niyo na lang tingnan (harhar).. joke.. eto na, seriuos na to: PWEDE, HUWAG NIYO NA LANG PROBLEMAHIN?! ang daming problema ng planet earth na pwede niyong pagbalingan ng concerns niyo ok..

pabayaan niyo ako. huwag niyo na ako PLEASE sabunin forever ng kung anu-anong sermon kasi alam niyo.. ok, handa akong makinig sa mga advice niyo at kung anu-ano pang sermon. pero kahit alam kong MALI , BAD, and very unchristian ang ang aking mga actions..

HINDI KO MAPILIT ANG SARILI KO.
naiintindihan mo na ba? ha?!?

hayaan mo na akong ayusin to mag-isa ko. hayaan nating ayusin ito ng pagdaan ng mga araw. kasi.. ano ba gusto mo.. hmm.. kunyari, magkakasalubong kami----

cecile [maintaning a very jolly tone]: "hey.. kumusta ka na, i very much miss you, pero alam mo ba.. di mo alam ang ginawa mo?!? ANG MANHID MO kid--- ( ayoko na ituloy)..

----- anyways, gets mo na ba pt ko.?

kung hindi, aynako, kumanta ka na lang ng BOOM TARAT TARAT.

Friday, November 17, 2006

ang sakit ng balakang ko.

haler to the internet world.

super astieeg talaga ng yfc general assembly nung wednesday. grabe talaga. swak na swak. ANG GALING! iba talaga ang wavelength NIYA! grabe.

ano ba masayang nangyari ngayon week? hmm. masaya ang batok play. ah.. at saka napromote kaming MPs. yey.. sergeants [tama ba spelling?] na kami. yehey.

patalo sa week na 'to ang econ long test.. as always naman pamatay siya eh. aynako talaga.

masaya ang pagbabasa ng Don Quixote. nakakainspire siyang ewan tas nakakatuwang basahin. grabe. dream ko talagang super magimprove ang grades ko.

grabe. super super gusto ko magsipag. kelangan ko ng DRIVE. pero siomai. pano ko maiimprove ang grades ko kung lagi na lang akong tulog nang tulog? :( naiimpluwesyahan ko pa si krisha.

sigh. ang BI ko na talaga.
tama na nga.


ang labo. ang sakit talaga ng balakang ko. pramis. haaay. bakit kaya? kanina pa 'to ha.

---this is my quest
to follow that star
no matter how hopeless
no matter how far---

late post :(

//post ko dapat to last week. ginawa ko siya offline dahil di ako makaconnect internet :(

nakakapagod ang week na to. as in. *sigh* dahil wala naman akong topic na kablogblog [kung meron man, di ko maisip ang tamang mga salita.. kaya wag na lang].. at tinatamad pa naman akong magbasa ng Barlaan at Josaphat.. hayaan niyong i-semidetail ko ang nangyari sakin ngayon week. ü

MONDAY--
dahil wala na kaming kotse [ay, naalala ko lang, di ko pala nasusulat dito ang details nito. .pero.. tinatamad nako ikwento yun, kaya wag na lang. haha], pinahiram samin ni ninang au ang kanilang kotse. yey. ayun. hinatid ako at si peach sa pisay nina mama at papa..pagkadating sa room.. nag-hi kay krisha..blahblahblah. err.. next, flagcem.. first time naming hindi malate ni krisha. as in di pa nagpprayer/pambansang awit. ü pagkatapos ng flagcem.. classes na..

Physics -- reflectionrefractionblahs. problem set.
Comsci -- PostFix Programming (augh)
Econ -- lecture then QUICKIE! (augh)
Bio -- quiz...
Homeroom -- paskorus practice
lunch -- lunch sa caf w/ grav
Chem -- experiment [nails]
break -- paskorus practice
Health -- Jami's group reporting (obstruction chuchu) ü
P.E. -- table tennis with rob, dani, and krisha! =D

pagkatapos nun ay PT na! bumili muna ako ng h20 sa caf tas hinintay yung ibang mga MPs, tapos, pumunta na kami sa gym lobby. super nakakapagod. pero masaya. pero nakakapagod talga. naloka ako sa last na pinagawa samin..nangarag yung likod nung nagduckwalk kami na may backpack sa likod.. na may lamang bio book, physics book (serway), at yung isa pang physics book.buddy ko nun si dani, pagkasabi ni jan mikes ng "MOVE!" [tas mps: "commence exercise!"], nahulog na kami patalikod ni dani. haha. as in everytime na magsstop kami sa paagduduck walk.. nahuhuog kami patalikod! ang sakit kaya sa pwet.. haha. mas mabigat pa ata samin ni dani yung karga namin sa likod eh. buti na lang kinalaunan pinayagan na kami tanggalin ang isang book at hawakan na lang. dapat 5 laps ng duckwalk yung gagawin namin eh.. buti na lang cinonvert sa squat thrusts ung mga natitira naming laps nung mga 6pm na.

pagkatapos naming ilansag, diretso kami ng caf.. tas uminom ng tubig. tapos.. usapusap with nico & krisha sa labas ng caf. tapos, nag-order sa greenwich. hinintay ang greenwich na hindi on-time dumating :( tapos nung dumating na siya finally, kumain na kami ni krisha.. tapos, humiga muna saglit, tapos naligo.. pagkatapos maligo, tinitigan ko ang natitirang math problems na hindi ko pa nasasagutan.. tinry ko sagutan pero ang bigat na talga ng katawan ko tinatamad na talaga ako sagutan sila.. kaya.. natulog nako.. end.

TUESDAY--
di yata kami late sa physics nung wednesday.. oo.. hindi yata kami late. nakabili pa nga ata ako ng cheesy ensaymada sa caf bago pumasok eh..anyways.. pagkatapos magcaf..classes na:

Physics -- reflectionrefractionblahs. problem set. (ganun paren)
Comsci -- PostFix Programming (AUGH)
double STR -- walang ginawa nagcram ng math hw at nakipagdaldalan
lifesci -- nanood ng film
lunch-- lunch sa caf
break -- paskorus practice
math -- discussion of freaking homework
bio -- discussiondiscussion
pinoy -- quiz on history of phil. (augh)

tapos ng classes, usapusap with nico until nagmeeting naghousehold mtg na sila. bumalik nako sa dorm.. hinila ko si cheska at krisha na magorder sa mcdo.. pagkatpoas tumawag sa mcdo, usapusap sa dorm lobby with cheska. krisha, and rob..umalis na si rob.. further usapusap kahit wala na si rob.. dumating ang order. mali ang naorder ko kay cheska. dapat mcnuggets meal, ang sinabi ko ay chicken meal. rar. ang palpak ko. aawayin ko pa nga dapat si kuya manong driver eh.. tas tiningnan ko yung resibo, chicken talga yung naorder ko. wah. tas yung capuccino mcflurry ni krisha., oreo.. pero di ko na kasalanan yun ah.. alam kong sinabi ko tlaga na capuccino dapat yun.. anyways. pagkatpos kumain sa baba ng dorm, umakyat na kami.. nagbasa ako ng don quixote.. tinry gawin ang math hw.. pero as always, di ko naman siya nagagawa.. kaya yun.. natulog nako. end.

WEDNESDAY--
diretso na tayo sa classes:

Physics -- totalinternalrefelction. group activity. ><
English -- Don Quixote quiz (augh)
Econ -- discussionsdiscussion about Jolly and Jolibee in HK. haha. ü
Chem -- gathered data.. tapos.. quiz
lifesci -- nanood ng film
lunch -- humiga sa dorm
P.E -- table tennis with jannel, kamae, and sir phil
break -- paskorus prac
break --paskorus prac
break --paskorus prac
break --paskorus prac

nung tinamad na ang lahat sa pagpraktis... usapusap with eduard & krisha.. tapos, bumalik na kami ni krisha sa dorm.. nanood kami ni krisha ng A Walk To Remember sa kwarto.. tinext ko na lang si cheska na iorder ako ng 1pc chcken meal.. pagkatpos ng movie, naghati kami ni krisha sa chcken meal.. pagkatapos nun.. pumunta ako sa room ni vinna.. inayos namin yung box namin for pinoy.. nung natapos na namin yun.. bumalik nako sa kwarto.. at natulog ü end.

THURSDAY--
Physics -- discussiondiscussion
Comsci -- Machine Prob discussion (augh)
break -- bumili ng mga stuff for pinoy box
English -- Don Quixote dramatic quiz üüü
lifesci -- nanood ng film
lunch -- kumain
bio -- discussion. activity.
str -- daldalan
math -- quiz (augh)
pinoy -- discussion. quiz.

pagktapos ng pinoy. kumain kami sa caf nina jane at nico ng bake mac (libre ni nico yung akin.yey!). tapos dumiretso kami sa sca core team meeting ni nico sa physics room. nagmeeting. bago ako magpatuloy..

//insert ad.

anyways.. pagkatapos ng meeting.. dinaanan namin ni nico ang mga batoks sa purok. sinermonan namin sila.. pero hindi sa nkakatakot na way ha. pero sana tumatak sa isipan nila ang mga pinagsasabi namin.. ay.. nga pala..

BATOK PLAY. wednesday. nov. 15. BACK LOBBY. manood. makinig. MATUWA.

//batoks = SK applicants
*sigh* ang lapit na ng batok play nila.. haler to them.. di ko pa sila ever nakikita humirit.. or magtableau. well, kasalanan ko na man yun dahil di naman ako masyadong pumupunta sa worskshops na eh.. unlike the past yrs. anyways sana matino ang kanilang play kundi.. tsktsk.. haha. aynako.. at.. sana may magpasign na sakin ng batok book!..

pagkauwi ni nico.. dumiretso nako ng dorm. habang naglalakad, nabasa ko ang txtmsg ni krisha -- UMUWI siya. =( nakita ko si cheska. sabi niya.. uuwi rin siya. shockers. nalungkot ako. anyways.. dahil dumating si kg.. tas si rob.. tas nag-usap na silang tungkol sa econ thing nila [ches, rob, kg], umalis nako.. bumili ng sprite sa caf, tapos naalala kong nasa pisay nga pla si mam aimee at nagtxt siyang nasa brhm siya.. pumunta ako ng brhm.. nagconfess.. nakipagchat kay mam aimee. pagkatapos niya ko ilagay sa hotseat.. at nung umalis na siya.. bumalik nako ng dorm.. nandun si cheska at kg.. nalaman kong di na uuwi si ches. YEHES! ayun.. tapos.. umakyat nako sa room.. nagroomhop ako kina cheska. .ginawa ko yung part ko sa physics prob set, tas nilagay sa manila paper. pagkatapos nun, nanood ako mag-isa (nakaearphones) ng Uptown Girls. masaya siyang movie. hanga ako kay dakota fanning. ayun.. pagkatapos ng movie. bumalik ako sa room.. .. at natulog ü end.

FRIDAY--
sabay kami ni ches nagbreakfast nung friday. matagal-tagal nakong di nakakain ng rice for breakfast ha! yey. pagkatapos namin kumain, dumiretso nako sa physics room..

Physics -- walang teacher , nagcram sa pagbabasa ng don quixots..
English -- quiz (augh)
Math -- naging Econ.. discussiondiscussion..
Econ -- naging Math.. muntik na kaming magdouble econ.. buti dumating si sir sherwin!
UB -- kain & usapusap with nico & kg
Pinoy -- discussion
Chem -- pair quiz. discussion
CAT -- 56 squat thrusts na parusa dahil may taltong late.. kasama ako dun [7* tatlong late =21] + palpaks. tapos nun naglinis ang buong batch ng field at ng labas ng pisay [labas ng gate] habang nagbantay lang kaming mga MPs (nung una namumulot din ng konti) sa labas..

ayun.. pagkatapos ng CAT.. mag-ayos nako ng gamit sa dorm tapos umalis na kami ni peach. pagdating sa makati. nagloka kami sa paghintay kay mama. dumating kami ng 6pm.. bumaba siya sa office ng 8pm.. =( pagkahatid namin kay peach sa bahay nila.. dumiretso kami sa dasma. sa dorm ang ate ko. bad trips. ayaw nila akong idaan na lang muna sa bahay. hmmph.. pero wala nemang akong magagawa eh.. kaya yun.. mga 11.30 nako nakauwi.. humapla ako sa kama at natulog. end.


SATURDAY--

nagising ako ng 10am. pinanood ang episode 6-9 ng season 1 ng grey's anatomy. gumawa ng post offline dahil sira ang telephone. nanood ng pedro penduko (pedro gwapo! i <3 you ü).



---------------------------------------------------------


mas masaya pala ang buhay nung acads lang ang tanging bagay na existing para i-rant sa blog..

Saturday, November 04, 2006

weeeeeeeee.. :)

nov 3-- masaya! ang saya! yehey.. yehey.
*mwah* *mwah* *mwah*

salamat sa inyo! napasaya niyo ako. ang galing.. sabay-sabay nangyari ang mga magagandang mga bagay.. sana ganito na lang lagi!

Wednesday, November 01, 2006

Give it away

well if we try to hide God's love
and if we keep it all locked up;
Then soon our love will start to fade,
because it's meant to give away


you've got to give it give it give it away
you've got to give it give it give it away
give it give it give it away
cause you can't hide God's love inside
you've got to give it give it YEAH!
let's give it away..

when i really stop and see all that
HE has given me; His love just bubbles
up inside, and that is something
I can't hide ü

you've got to give it give it give it away
you've got to give it give it give it away
give it give it give it away
cause you can't hide God's love inside
you've got to give it give it YEAH!
let's give it away..

right-side up or up side down
we're gonna spreadGod's love around;
It doesn't matter where we live,
there's always something we can give!

you've got to give it give it give it away
you've got to give it give it give it away
give it give it give it away
cause you can't hide God's love inside
you've got to give it give it
YEAH! let's give it away..ü

:)

THANK YOU LORD!

si revo ay nawarak---
--- details sa next post..


for now, ang masasabi ko lang.. ay THANK YOU VERY MUCHLORD!!