Sunday, August 27, 2006

pahabol post.

bago pa ako mamatay sa pagcacram at bago pa kung anong sabihin ni nico [sa y!m] dahil 1) di pa ako nag-aaral ng physics 2) di pa ako nagbabasa ng econ [elasticity] 3) di ko pa tapos ang part ko sa str namin at 4) di ko pa tapos ang bio prob set namin, may kelangan lang akong i-share.

august 18, 2006---

inaway ko si jane. uhm. hindi. nag-away kami ni jane. mali. nagkatampuhan kami ni jane. panget parin. ngakaron kami ng gap ni jane. pinakatamang term na rin siguro yun. hahaha. ang mean ko talaga nun. as in. super. siyempre di ko na lalagay dito sa blog ko ang dahilan. nakakahiya kasi eh. anyways, kahit nafeel ko na gusto na makipagbati ni jane, super naging cold pa rin ako sa kanya. first time ko yun ginawa in my life. as in.. dati, pag nagkakatampuhan kami, pag nafeel kong makikipagbati na si jane.. babatiin ko na siya tas back to normal na ule. pero siyempre, nagkabati rin kami [during dorm acque]. hindi naman kami nag-aaway nang hindi nagkakabati bago matulog eh.

sigh. sayang tuloy yung moment ni jane. super malapit pa naman sana siya kay mashi nun. with matching background music pa yun ha. kaso kelangan niyang sagutin ang tawag ni krishakerr na nabahala sa tampuhan namin. bwahaha.

SORRY TO THE HIGHEST LEVEL ulit jane.

dorm acquaintance din nun. masaya siya dahil napasayaw si cheska. yun na yun eh. valid na yung batayan. haha. tapos ang full of energy ng mga tao. di rin puro '07 lang ang nag-enjoy. feeling ko enjoy din yung mga lower years XD. ano pa ba? wala na akong masabi.

end of story.

ok. mag-aaral na akong physics. BABAWI AKO THIS QUARTER. as in. hindi lang sa physics. super nakakainis kaya marinig kay mama [kausap ang mama ni peach sa phone]:

"nahihirapan nga siya eh, mababa ang grades.. nako, 4th yr pa naman na sila."

haaaaay. nanggagalaiti ako sa inis. grrr. anyways, ayun. mag-aaral na ako. tapos, bukas na ako ng tanghali at gabi gagawa ng RRL. thursday pa naman ang deadline ng final proposal eh [para sa mga magbabago ng topic] . ewan ko kung pano ako makakabasa pa ng econ book. di ko naman kasi siya dala ngayon dito sa bahay. :( sigh. mag-aaral na nga lang talga ako ng physics.

wait. pahabol. ano ba ang effect ng isang oil spill? sayang naman ang guimaras if ever grabe ang effect ng isang oil spill. krisha, dalian niyo na yang research niyo. tapos, pag naging successful, simulan niyo na magtanim ng kogon sa guimaras. :)
kahapon, first time kong mag-internet sa philcoa. hinihintay kasi namin ni jane si jannel para sabay-sabay na kami pumunta ng UP. nung nagbabayad na si jane, edi syempre nandun lang ako sa likod niya. tapos di ko naman sinasadya pero mabasa ko yung sinusulat nung isa sa mga nagcocomputer. nagagrammar check kasi siya kaya ang laki-laki ng font. eto ang nakasulat:

"Hi, Meriam G. Narciso. My friend consider me as man-hater but actually Im not as if they think of me..[may kasunod pa, di ko na nasulat XD ] "

nagkataon pa talga na yung name na nakasulat ay kapangalan ng ate ko at ang apelido ay pangalan ni papa. naging interesado tuloy ako. bwahaha. tinry kong intindihin pero di ko talaga naintindihan. kaya kinuha ko ang phone ko at kinopya ko yan. tapos, pinabasa ko kay jane. tapos, nagtawanan kami. sigh. ang mean namin =( wala lang. sharing lang.

eto na talaga ang totoong post:

PRAYER FOR EXAMS
[inedit ni mam aimee from Psalm 23]


The Lord is my Sheperd, I shall not flunk
He keepeth me from lying down when I shoul be studying
He leadeth me beside the cool water for a study break
He restores my faith in study guides
He leads me to better study habits
For my grades' sake

Yes, though I walk through the valley of borderline grades
I will not have a nervous breakdown
For thou art with me
My prayers and my friends, they comfort me
Thou givest me the answers in momens of blankness
Thou anointest my head with understanding
My test paper runneth over with questions I recognize

Surely passing grades and flying colors shall follow me
All the days of my examinations
And I shall not have to dwll in this exam hall forever


para sa '07, GOOD LUCK GOD BLESS sa PHYSICS long test, sa CHEM long test, sa pagpapraktis for sayaw int.. sa mga taong magbabago ng STR topic, goodluck sa paggawa ng bagong proposal.. sa mga engjourn people, GOODLUCK GODBLESS din sa presscon niyo on monday =)

Thursday, August 24, 2006

comsci time ngayon.

bwahaha. first time kong gagawa ng post during comsci time. :) haha. ang buti kong mag-aaral! sigh. mamatay nako sa str namin. grabe. sana makasimula na kaming mag-experiment. ay. mali. dapat pala muna iapprove na ni sir ang NEW topic namin. NEW! NEW! NEW! magpapalit kami! WAH.

aynako. makikinig na nga ako kay sir. linked lists.. linked lists..

Saturday, August 19, 2006

// 08/15/06
//start: 7:45pm


click here and here for youth camp pix!!


POST CAMP post :)



---one way, jesus!you're the only one that i could live for! one was, jesus! you're the only that i could live for! YOU ARE THE WAY, THE TRUTH , AND THE LIGHT. live by FAITH and not by sight---



(uber uber uber )x limit of 1/x as x approaches zero --- SAYA ng camp. sigh.

OVER SAYA talaga. super FULFILLING. super ang blessed ng feeling. tapos, OVER SAYA talga. natuto ako magbluff at pusoydos [haha.]. tapos, super dami akong nakilalang lower years, tapos marami rin akong nakausap na '07 na di ko naman masyadong nakakausap dati :) tapos, UMAAPAW ng mga corny jokes kaya OVER OVER saya TALAGA! :) hindi rin makakalimutan ang makasaysayang 'CHADA' at 'paketometomepapa.. paketometomepa..' :) tsaka tsaka..ibang level din ang napakasayang e-night.

ang dami-daming oras na nakausap ko si God. kahit OVER sa tawanan sa mga corny jokes at paglalaro ng cards,hindi rin mapapantayan ang mga moments ng prayer time. super solemn.. super conjusive ng atmosphere for praying. ANG SAYA isipin na lahat ng nandun sa camp ay gustong makilala better si God at gusto talgang maging close sa kanya. tapos, nakaLSS ang praise songs! :) masaya silang kantahin! tapos, super ang sarap ng feeling ng nagwoworship. :) masaya rin ako kasi naka one-to-one ko si crizelle. madami akong napulot sa kanya. di lang puro tsismis ah.. pero mga importanteng mga bagaybagay na rin.. :) salamat crizelle!!!

grabe. isa sa mga unforgettable experiences ko talaga sa pisay itong camp na ito. kahit di ko alam na sa pagpasok ko sa camp na yun ay magiging YFC ako.. [which is good naman :)] di talaga ako nagsisi na pumunta ako dun sa camp.

excited nako maging service team for the next campers :) kelan kaya yun? sigh. ang sarap sarap tsalap ng feeling ko after ng camp. SUUUUUUUPPPPPPPPPPPEEEEEEEERRRRRRR!

salamat lord for allowing me to join the camp. salamat SERVICE TEAM para sa masayang camp. salamat joji sa pagpapahiga mo sakin sa deflated mong air-o-bed at sa kabangagan. salamat andy sa flat tops at sa oreo na may chocolate sa labas. salamat kuya ed sa camera mong may camera sa harapan na kumuha ng 30++ na vanity pix natin nina joji at andy. salamat kay fr.mon. salamat sa mga teachers na nandun para sumuport. salamat sa mga parents. salamat sa lahat ng campers. salamat sa mga DGL naming sina karizz at crizelle. salamat sa mga kaDG ko na sina dani, liean, pate at lou. salamat.. salamat.. sa isang masayang-masayang experience!



---and i will climb his mountain,and i'll step off the shore,and i have chosen to follow to be BY YOUR SIDE forevermore!!!---





//end: 8:06pm

Monday, August 07, 2006

inggit ako kay ate frances!!! super! click mo yung link sa baba.
Saturday with Kim and Gerald
i lurve physics!

camon.*most sarcastic grin EVER*

para masaya.. pumunta na lang kayo sa multiply site ko. inupdate ko na yan. magbreak ka muna sa pagbabasa mo ng mythology book. sa thursday pa exam dyan. haha. ang BI ko. :)

GOODLUCK GOD BLESS SA PERIO! üüü

Sunday, August 06, 2006

excited ako magcamp!! :)

though hindi pako nagpapaalam. haha :). super super super excited nako!! iniisip ko nga lang na due ang lifesci portfolio next week tapos wala pakong ginagawa! panget! pero ok lang. :) pupunta pa rin ako sa camp.

tapos na ang UPCAT. tinitigan ko yung UPCAT answer sheet ko kanina. sabi ko, "shux, etong papel na to na may mga shade shade na green ang lines ang magdedetermine ng UP future ko!" haay. sana man pumasa ako sa whatever man ako for. kung para sa akin ang intarmed, sana makapasa ako. kung magsusurivive ako sa mbb, sana makapasok din ako dun. pero kung di naman ako for mbb, sana makapasa parin ako sa upd. sana sana sana...

kanina, nagtest akong nagluluha ang mata ko. buti medyo umayos ayos na ang mata ko mga after 10 mins pagkapasok namin sa multimedia palma hall. sigh. sayang di kami parehas ni nico ng pinagtestan na room. di niya tuloy nakitang suot ko yung lucky shirt kong pinagtatawanan niya. hahaha. sigh. buti na lang nagdala akong sweater. ang lamig kaya dun sa multimedia center!!! nakakaantok nga yung lamig eh.. haaay. basta. sana talga sana sana sana..

grabe. mamaya, magbabasa ako ng mythology. tapos, bukas..sa umaga, gagawa ako gn p6 labrep..tapos naman, magbabasa ako ng iliad! haaaay. masaya. ang saya-sayang buhay! :)


gusto kong bumalik sa texas..kelan pa kaya? :(

Saturday, August 05, 2006

"life's all about choices. every situation is a choice. you choose how to react to situations, how people will affect your mood, how you will live your life. don't let change overwhelm you; let change help you find opportunities you may have never known. growing older is mandatory.growing up is optional"

--- sent by ate bridgette :)

PISAY 07!! GOD BLESS SA UPCAT! :) go go go!!