Monday, October 31, 2005

uggh.[ alang maisip na matinong title]

di pa rin ako tapos magdownload ng JDK. ayay. nakailang disconnection na ko.. tas every disconnection may lalabas na error sa pagdodownload.tas nireretry ko na lang. ewan k nga kung tinutuloy pa niya talga ang pagdodownload.di naman gumagalaw yung thingy na mga bars na basta alam niyo na yun. wala na akong magawa sa net. napuntahan ko na yata lahat ng blogs eh. tas ngayon, nagchecheck ako ng friendster account. syempre kasama na dun ang pagcheck ng accounts ng ibang tao. iniisip ko nga kung iiadd ko ba si gwapo. ngek. bakit ko pa nga ba iniisip. rar.kaso di ko lam panu ko siya i-aadd. o anyways.saka na nga. err. ano pa ba? hm. napanin ko lang. parang umiikot yata ang buhay ng isang pisay student sa kanyang ACADS at LOVELIFE.deh. joke. kasi, napapansin ko,na parang lahat yata ng tao ay namomroblema sa lovelife. kung wala man, e, namomroblema dahil alang lovelife.[ exception ka jane. or may di ka pa sinasabi sa kin?? ] o anyway. nagegets niyo ba ako? rar. tas nakakainis na magbasa ng mga blogs kasi yung mga nakasulat dun ay mga bad words para sa isang tao and everything na halos patayin na rin ang tao.ayay. labo. ayun. bakit ba ganun? err. i feel so innocent. ganun ba talga ang nararamdaman pag naheartbroken or whatever?

===

ay speaking of innocence. naalala ko tuloy. kasi kaninang umaga, pagkatapos naming mag-mass, pumunta kami sa complex. tas pinabili ng mama ko ang tita ko ng something ang tita ko sa palengke tas yung ate ko ng ulam, bread, at ice cream. hehe. tas yung mama ko.. gusto bumili ng dvd [na talagang tinututulan ko dahil PIRATED ang bibilhin niya -.-]so sinamahan ko siya. ala naman akong magagawa.basta imaginin niyo na lang. parang tiangge-tiangge lang yung type nung mga stalls dun. tas meron dun mga disney collection. 7-1 movies sa isang dvd. so naghanap ang mama ko ng TOM HANKS collection. super fan kasi mama ko. so yun. tapos. yun. hanap hanap siya. habang ako, nagmamasid lang sa mga tao-tao. tas di yun, tapos basta sumusunod-sunod lang ako sa kanya. tas NAGULAT talga kaming dalwa. may mga naka-display na BOLD vcds. as in di man lang tinago. as in super exposed. kahit sino pede makita. tas yung cover nung vcds may mga hubad ng mga babae. YAK. KADIRI. EEEWWW. babae pa naman yung tindera.di man lang nahiya ng konti. tas may bata pa syang kasama. kawawa naman kainosentehan ng batang yun. nakakainis talga. halos hilain ko ang nanay ko palabas nung tiangge place na yun. pero bago kami umalis, nakabili ang mama ko ng TOM HANKS collection na DVD. MATITINO ang mga movies dun ah. dalwa na lang sa limang movies dun ang di pa namin napapanood. o well. ayun. basta. eewww talga. san ba dapat ireport ang mga ganun? ewwww. kadiri. pano nila nasisikmura yun??? *shrug*


===

yak.di na naman tayo nagpapansinan. bakita ba? errr. wala naman akong masamang ginagawa diba? ayoko ng mauna. lagi na nga lang ako ang gumagawa ng first move. dati, ako unang nag-tetext. tapos, ako ang unang nambati. ako ang unang kumausap.nakakainis na. ayun. HINIHINTAY KITA...

JAVA

woah. mauubos na yata ang internet card ko. bwisit. first time ko kasing gumamit ng card para makaconnect sa net. lagi siyang nadidisconnect.argh. nakakailang-ulit na ako. nakakaiyak na talaga. wah. sana nanghiram na lang ako ng cd ng JDK. rar. o well .pagtyatyagaan ko to. go me.yay. tas ang unproductive ko pa. wah. oh anyways. baboom.

Sunday, October 30, 2005

Fr Mihalic dies in California

wah. patay na pla so Fr. Frank Mihalic,SVD. binabasa ko kasi yung compilations niya ng INSPIRING stories : 1000 STORIES YOU CAN USE. dadalhin ko yung books [2 vol siya] pagresume ng classes pag pinayagan ako. yung previous post.. dun ko kinuha yung story na yan. :D


BIBLE PROBLEMS

An atheist in a dining car, sat next to a clergyman. Deliberately he started a
conversatoin calculated to embarass the man of God.



"Are you a clergyman, sir?"

"I am."

"Preach out of the bible, do you?"

"I do."v
"I suppose you find a great many things in the Bible you cannot understand."

"Some things, yes."

"Well, what do you do with them?"

"I do what I am doingwith the bones from this steak, when I come to a piece of bone,
I just lay it asideand go on eating the meat, and let some fool insist on
choking himself with the bones."



-Tarbell's Teacher's Guide


Saturday, October 29, 2005

long weekend!

tinatamad akong magkwento ng mga nangyari ngayong week. ang alam ko lang. walang pasok next week. yey. ayun.
ay. sabi ni ben, nakakainis daw dahil palit ako ng palit ng skin. oh well. last skin ko na to PROMISE! hehe.
di pa kami nagpapalipad ng h20 rocket--- tnx to the play ng theather arts. Nag-play ang mga people ng theater arts ng MIDSUMMER NIGHT's DREAM. wah. mas lalo tuloy ako nag-crave na mag-play na ang SK [katoks]. speaking of sk----- MAY PLAY SA NOV9 at NOV16 *manood kayo*------- hehe. ayun. KATOKS! play na tayO! =p

uuhm. hanggang dito na lang. HAPPY HALOWEEN!
enjoy the long break.

Monday, October 24, 2005

yey.

[figure 1]

may gusto lang akong i-share na picture [figure 1]. sinend ni ben sa yahoogroups ng champaca. ang saya. ang mysterious. nakuhanan daw yan ng NASA. o well.

isang makasaysayang araw ngayon. nakapasok ulit ako ng mall. hehe. pumunta kami ng tita ko sa mall to buy stuff para sa water rocket blah namin para sa elective. nakabili na rin ako ng ne sci cal. yey.

Sunday, October 23, 2005

epal ka cecile

wah. sa sobrang kalabuan ko yatang mag-isip, hindi ko na naiintindihan ang ibang mga tao. yep. nalalabuan na ako super sa ibang mga tao.

lagi na lang akong napapasama/napapaisip/nababagabag sa gulo ng mga lovelife niyong wala naman akong mapapala..o kaya naman laging nakakasama sa mga usapang backstab-an na nangyayari araw-araw sa pisay..

di naman sa nagcocomplain ako or something sa pag-ikot ng mundo at sa mga nangyayari sa ating mga buhay.. nalilito lang kasi talga na ako. di ko lam kung magpapagoodie-goodie ba ako at di magcocomment forever or makikisama sa mga tao...na minsan kasi ganun din ang comment ko..

ang labo na talga. minsan iniisip ko, hindi na lang ako mangengealam. hindi na lang ako magcocomment. hindi na lang ako kikibo. hindi na lang ako makikitawa. hindi na lang ako tutulong. hindi na ako magiging bridge.

ngek. parang walang paki naman ang labas ko nan dba? o kaya unupdated at walang alam sa buhay.. napakaself-centered naman ng buhay ko diba??

syempre,gusto ko tulungan kayong mga friends ko. pero baka kasi minsan maoverdo ko eh. natatakot ako. feel ko nagiging/magiging/naging EPAL ako or something.

feel ko ang super bad ko na.

ayun.
----------------------------------

sa aking pagbobloghopping..parang ang depressed ng mga tao lately!!
lahat ng blogs.. puro reklamo sa buhay.. hay.. at yung aking blog. .puro din REKLAMO.. yak. bakit kaya ganun?


-------------------------------

naguguilty ako. yung ibang mga tao.. parang super pinaghahandaan ang bday nga mga 07 people. habang nung bday ni jane. ala mana lang akong ginawa. sorry jane. pero alam ko naman na happy ka nung bday mo db? weekend naman yun.. kasama mo yung family mo nun.. :D sorry talga. sa mga magbbday.. happy bday...

------------------------------

a good friend is not like the rain that pours and goes.
it's more like the air, sometimes keeping quiet but is always there,
constantly hanging around...

------------------------------

elective

wah.nakakaiyak ang aming elective [diba jane?]

water rockets naman ngayon. kasi naman ako. sinayang ko ang kalahating araw sa blogging.

kaya sisimulan ko na ang RRL. napagalitan na nga ako ni jane eh. wah. pls. pray for me. x.x

Friday, October 21, 2005

nasa bahay ako ngayon!! ^__^
yey..

suko na ako..
nakakatamada gumawa ng sariling skin..

kaya...
kumuha uli ako ng bago..

oh well..
kakatapos ko lang ng ppt presentation para sa africa kit namin..

babOoomm boOm.. boOm... :p

Monday, October 10, 2005

ang saya ng retreat ever. XD
worth it ang bayad.masarap ang food.
oh well. ayun. nakapagthank you naman ako sa mga taong kelangan sabihan ko ng thanks.
---------
sa mga nagbigay ng palanca. SALAMAT.
---------

tapos na perio week...
nakakabaliw ang chem perio...

---------

sabi sa karamihan ng mga palancang mga natanggap ko... ANG KULIT ko daw..
makulit nga ba ako???

---------
ang labo ng palanca mo...
---------

ang kyut ng token na binigay ni cheska sakin:JOKEBOOK[ knock knock jokes] na tweety. >.<
ang corny nung mga jokes! XD

example:

Knock Knock!
Who’s There?Shelby
Shelby WHO?
SHELBY coming round the mountain when she comes….


Doink. At ang explanation kung bakit ganun ang binigay niya sa akin na token:

dahil ako raw ay parang isang …
MALAKING JOKEBOOK AT MALAKING TWEETYBIRD

Reaction ko: *tawa tawa tawa* [yun lang… ^______^ ]

---------

Ang gagaling to the highest level nung mga speakers namin sa retreat. Lalo na yung mga galing sa group ni Bo Sanchez [KERYGMA]. Pare-parehas magaling humirit, magaling umarte, magaling kumanta [hehe.. “GUSTO KO NG PEACEBALLS!!!.XD ]Yung isa nga dala pa niya yung anak niya. Tapos, kumanta yung bata ng I’LL BE THERE. Ang cute ng boses niya.
---------

IDOL ko si FR.MON. Ang galing- galing talga niya ever. :D
---------

Currently reading:
RANSOM – Danielle Steel

---------

“Tenderness is more powerful than hardness
Water is more powerful than the rock
Love is more powerful than violence “
-Herman Hesse
---------
pst. Salamat ulit sa IYO. XD
---------

Sunday, October 02, 2005

natutunan ko na palang huwag hintayin ang goodnyt mo sa gabi.

bumalik na pala ang lahat sa normal. ang galing..posible pala na mawala ang lahat ng yun. yung parang walang nangyari. ang galing-galing talaga.ang kyut. nakakapg-usap na tayo ng maayos. di na ako naiilang. ewan ko kung ikaw naiilang pa. ikaw na ang dating ****** na kakwentuhan namin sa mga nagyayari sa mundo. hindi na ikaw ang taong nagpapakaseryoso at kung anu-anong tinatanong sa kin pag ako ang katext o kausap. wala na. wala na yung 'magic' ( Balatbat, 2004). ang saya.salamat na lang sa lahat. salamat sa pagpapakulay ng buhay. salamat sa experience. salamat .^______^

------------------------------------------------------------------------------------------------

xemay. masyado na yata talga ako naging isang payatot na nilalang.
dumating kasi ang uncle kon a doctor last week . tapos, syempre, nakita niya ko.
sabi niya[halo-halong bisaya, tagalog, english]

"hala, ang payat mo na talaga cecile.. di yan healthy na pagka-slim, tapos...
[tiningnan niya yung palm ko] wala ka na yatang dugo o. naku..
baka may ibang complications na sa katawan mo.. magpcheck ka.."

ayan. gumawa siya ng recommendation last week para magpachest x-ray at cbc ako. so ngayon,sabi ng tita ko, pupunta daw kami ng ospital mamayang hapon.
wah. ayoko magpakuha ng dugo.ano kaya kung matulog ako ng buong hapon.. tapos, pag ginising nila ako, magtatamad-tamaran ako. tas mabwibwisit sila. haha. o kaya naman. kunwari nag-aaral ako. tapos sasabihin ko next week na lang [haha retreat], tapos malilimutan na forever. yey. wah.

------------------------------------------------------------------------------------------------

hay. perio week na next week. feel ko. alang kwenta ang quarter na to. i mean, walang kwenta ang grades ko sa quarter na ito. at..di ko pa rin mapakawalan ang CHAMPACA'07.. miss ko pa rin kayo mga tao. miss ko ang second year. yak. matatapos na ang 2nd quarter. di pa rin ako nakakamove-on. mas nahihirapan ako sa third year. diba dapat 2nd year ang mas mahirap? wah.pero ngayong third year lang ako umiyak dahil sa requirements. yak.

------------------------------------------------------------------------------------------------

ang senti ng mga blog ng mga tao. bakit kaya? parang lahat may mga problema.. [ oh, excpt, you,, jane.. :) ]

------------------------------------------------------------------------------------------------

naaawa ako sayo. oo, mahal mo siya. pero madami pang iba ang nagmamahal sa kanya. madami kang karibal. di ka makanakaw ng sandali na kasama siya. wala na akogn mabigay na advice sayo. wala akong alam sa ganyang mga bagay. pasensya na. moral support na lang. kaya mo yan. pakita mo na lang na naglalabas ka ng effort para man lang mapansin ka niya. sorry talga kung walang kwenta yung mga sinasabi ko sayo. pasensya na kung nalaman ko. di ko talga sinasadya. buti kung may silbi ako. wala eh. di ako marunong maging bridge. gusto kitang tulungan. pero wala talga yata akong magagawa. pero handa naman akong makinig sa lahat ng mga problema tungkol sa pag-ask sa kanya and everything. sorry talaga ha...

------------------------------------------------------------------------------------------------

dahil mahilg akong magblog-hopping, nalaman ko na hindi lang pala ako ang malabong tao sa buong mundo. mas malabo pa pala ang ibang mga tao. *sigh*

------------------------------------------------------------------------------------------------

di ko po talga matanggal sa isip ko ang lovelife niyo po. kasi naman po, parang telenobela. pero hayaan niyo po. pagdadasal namin na maging happy ending ang storya niyo pong dalawa. hindi naman po siguro siya isang taong nagpapaasa lang. ni[liligawan] po kayo nun.hehe. sana po ay maging masaya po kayo. pasensya na kung kinikig kami sa mga story niyo habang kayo po ay nalulungkot dahil nga po parang ang labo po ng lovelife niyo.

------------------------------------------------------------------------------------------------

inspiring words:

MISTAKES MAKE YOU HUMBLE..

WHAT IS MORE IMPORTANT THAN THE RESULT IS THE PROCESS..

----------------------------------------------------------------------------------------------------

excited na akong magretreat.

----------------------------------------------------------------------------------------------------

maganda ang book na FIVE PEOPLE YOU WILL MEET IN HEAVEN- by Mitch Albom

------------------------------------------------------------------------------------------------

masarp ba ang TRIX na cereal?

------------------------------------------------------------------------------------------------

good luck at God bless sa lahat para sa perio.

------------------------------------------------------------------------------------------------

God Rocks!!

Saturday, October 01, 2005

hell week. 2nd quarter. 2005-2006.

hay. ang saya ko nung thursday. ewan ko bakit. pero.. masaya ako nun. ay..baka kasi natapos ko yung requirement sa elective namin. ang labo nga lang nung mga pinagsusulat ko dun. minadali ko kasi eh.

di ata masyadong nakakaiyak ang hell week ngayon. nung thursday lang medyo tambak. pero sa monday.. tatlo long tests namin!!!.. CHEM, MATH, at SOCSCI..

wah. nakakabaliw ang math, pati na rin yung chem.. buti na lang open EVERYTHING ang socsci. yey.

gagawa ako ngayon ng draft para dun sa kwento namin para dun sa project namin para sa KYTHE.. ayun.

GAWAN NIYO PO SI LOUJANE BALATBAT NG PALANCA. AYAW NIYA NA PILITIN KO KAYO. PERO, KUNG MAY TIME KAYO.. GAWAN NIYO SIYA. KAHIT ANONG HABA O IKLI NG GAGAWIN NIYO, SURE AKONG MAAAPPRECIATE NIYA YUN. OKIE??? xp